Part 10

1014 Words
NAGITLA si Grace sa kuryenteng dumaloy sa kanya nang hawakan nito ang kamay niya. Gusto niyang bawiin iyon pero parang nawalan siya ng kilos. Magkahinang ang mga tingin nila. And time seemed suspended in the air. Hindi niya alam kung bakit o kung paano nangyaring ganoon. Parang ipinako lang siya doon. Ang tanging nararamdaman niya ay ang epekto ng hawak nito sa kanya. There were bits of small electricity that travel through her fingers. It was warming her heart. It was sending some kind of flutter in the pit of her stomach. Tunog ng telepono ang pumukaw sa tila magic moment na iyon. Parang pareho pa silang nagulat ni Luis. Bumitaw ito ng hawak sa kamay niya at dinampot ang telepono. “Yes?” sagot nito at mabilis na napatayo. “Okay, KS. Right away.” Ibinaba nito ang telepono at nilagok ang kapeng lumalamig na. “Tawag ako ni Mr. President.” “Wait. Magsuklay ka muna.”  Nagkatinginan sila at parehong napangiti. “Salamat. Nawala ang sakit ng ulo ko.” Hinagod lang nito ng daliri ang buhok. “Okay na ba?” “Hindi. Kailangan mo talaga ng suklay.” “Wala akong suklay dito. Natatapos naman ang maghapon na ubra akong hindi magsuklay.” “But not today. I’ll get my comb. Sandali lang.” Halos kasunod niya rin itong humakbang. Madalian nitong sinuklay ang buhok nang iabot niya dito ang suklay. “Tingnan mo nga kung okay na?” Nag-thumbs up siya dito. Paalis na ito nang sa wari ay may naalala. Bumalik ito sa kanya. “Hintayin mo ako for lunch, ha? Sabay tayo.” Muntik na siyang matumba sa narinig. Iyon pa rin ang laman ng isip niya kahit lumipas na ang isang oras at hindi pa rin ito bumababa. Malapit na din ang oras ng lunch. Si Vina ay nangangarap na ng putaheng kakainin. Palagi na ay kasabay niya itong kumakain sa canteen kundi man nila maisipan na kumain sa mga restaurant malapit sa office. “Baka lumabas ako, Vina. Hindi muna ako makakasabay sa iyo ngayon sa lunch.” “May lunch date ka?” tukso nito. “Of course not.” “Tsk! Defensive ka masyado.” “Wala nga. Ikaw lang itong usyusera.” Tumawa lang ito. “Good luck sa lunch date na iyan. Wala ka namang boyfriend, di ba?” “Wala.” “Well, siguro ay malapit na.” “Grabe ka lang mag-assume. Assumerang Vina.” “Alam mo, Grace, sa panahong ito na wala nang forerver, naniniwala pa rin akong may forever.” “Hugot! Grabe kang makahugot dahil lang hindi ako sasabay sa iyo na mag-lunch.” “Okay lang sa akin kung para sa forever mo iyan, suportahan kita.” Kumumpas pa ito sa kanya. ILANG BESES nang sinulyapan ni Luis ang kanyang relo. Nitong huli ay mas pinahalata niya sa mga ka-meeting ang pagtingin niya sa oras. Pero malamang ay hindi iyon epektibo. Nakatuon pa rin sa malalim na discussion ang mga kaharap niya. Wala ring nakadarama ng gutom dahil maya’t maya ay may nagse-serve sa kanila ng bite-sized sandwiches at chips at bumabaha din ng kape. He was looking forward for lunch. Fifteen minutes na lang at oras na ng tanghalian. Hindi naman niya magawang itawag kay Grace na magpareserba ito ng upuan sa restaurant. First time niya itong inaya at gusto niyang maramdaman nito na espesyal ang imbitasyon niyang iyon. He never planned it. Bigla na lang niyang naisip na ayain ito for lunch. Dahil ba sa paghilot nito sa kanya? Siguro nga. Ano pa ba ang ibang dahilan na puwede niyang maisip? He pressed the pad of his fingers on his temple. Wala na ang pangingirot doon pero nai-imagine pa niya na hinihilot siya nito. What an amazing hands that she got. Nagpapaalala ito sa kanya ng alaga ng nanay niya. He stopped at that thought. Alagang-nanay. Tama. Doon nga niya dapat ituon na lang ang isip kahit na parang tukso na iba ang ipinapahiwatig ng ibang bahagi ng kanyang katawan. Maganda si Grace. Lalaki ka lang na normal na ma-attract sa kanya, ayon ng isang bahagi ng isip niya. No. Kamamatay lang ni Lara. Kumontra naman ang kabilang bahagi ng isip niya. Hindi na ba puwedeng maakit ka sa iba? I’m sorry, Lara. Lara wanted you to move on. Pero kamamatay lang ni Lara. Hindi ba’t nagluluksa ka pa? Nagluluksa ka nga, pero hindi ka naman manhid sa ibang babae, di ba? Parang babalik ang sakit ng ulo niya sa takbo ng isip niya na iyon. Kinuha niya ang kape sa tapat niya at ininom iyon. Mas masarap ang timpla ni Grace. He almost let out a frustrated sigh. Bumabalik pa rin kay Grace ang isip niya. Muntik na siyang mapa-“yes!” nang malakas nang i-adjourn ang meeting na iyon. Unang-una siyang tumayo. “Luis.” “Yes, Mr. President?” Kung hindi lang ito ang tumawag ay malamang na magkunwari siyang hindi iyon narinig. Anhin na lang niya ay makababa na sa opisina niya. Eksaktong alas dose na. Parang ang tagal ng mga sandaling pinalipas ng presidente bago ito muling nagsalita. Hinintay nitong makaalis ang iba pang mga executives doon bago nagbukas ng bibig. “Kumusta ka na?” Dama niya ang concern nito sa tanong na iyon. “Doing my best to move on.” “Good. Alam kong kaya mo iyan. Hindi madali pero kaya mo, hindi ba?” Bahagya siyang tumango. “Sabay na tayong mag-lunch.” Tumindig na rin ito. “Sorry, KS, but I’m going out.” Nahihiya siyang tumanggi dahil alam niyang genuine ang concern nito sa kanya. Alam din niya, sa mga lunch out nila, doon sila nag-uusap bilang magkaibigan at hindi mag-amo. “Ah, sige. Maganda nga iyang lumabas ka. Hindi makakatulong ang puro pagmumukmok.” “Yes, sir. I’ll go ahead.” Palabas na siya ng conference room nang marinig niya uli ang boses nito. “Hello, Grace? How about lunch?” Parang gusto niyang mapaigkas sa narinig. Kulang na lang ay talunin niya ang pagbalik sa opisina niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD