HINDI maintindihan ni Grace kung bakit ganoon na lang siya kaaligaga. Dalawang linggo na hindi nagre-report sa trabaho si Luis at dalawang buong linggo din na well-maintained ang linis ng opisina nito pero sa araw na iyon ay maaga pa rin siyang pumasok para tiyaking makinis na makinis ang desk nito. Siya pa mismo ang nagpahid ng tissue na may alcohol sa glass top ng deck nito.
She checked everything. At pagkatapos ay bumalik na siya sa sarili niyang mesa makalabas ng pinto. Excited na naghintay siya doon. Sa isang buong linggong hindi ito pumasok ay na-miss din niya ang kasungitan nito. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit. Dahil kay Lara.
Prepared na rin siya ngayon kung ganoon pa rin ito kasungit. Dahil alam niyang nagluluksa pa ito. Hindi naman ganoon kasimpleng mamatayan ng girlfriend.
Pinagtuunan na lang niya ng tingin ang cellphone niya. As usual ay nag-selfie siya habang mag-isa siya doon. Sa isang pagpihit niya para umanggulo, nahagip ng camera niya ang bulto ni Luis.
“Lui--- I mean Luis, good morning!” bati niya dito at ibinaba ang iPhone.
“Naka-ilang selfie ka ngayon?” sa halip ay sabi nito at diretso lang na lumakad. “Dalhan mo ako ng kape sa loob.”
“Suplado mode. Pasalamat ka, prepared na ako sa asal mong iyan,” bubulong-bulong na sabi niya. Bago dinala dito ang kape ay kinuha niya ang stick-note na inihanda na niya kanina pa. Idinikit niya iyon sa tasa. Nakatutok na ang mata ni Luis sa computer nang pumasok siya doon. “Kape mo. Umuusok pa.”
“What’s this?” anito at tinanggal ang stick-note na nakadikit doon.
“Ahmm... Morning greeting?” Drawing lang naman iyon ng araw na nakangiti. Trying hard na doodle sketch niya. Kulay dilaw na highlighter ang ginamit niya para sa araw. Nang matapos niya iyon, siya mismo ay natatawa sa itsura ng araw. Ang lakas maka-good vibes.
“Kailangan pa ba ng ganito?”
Gustong umahon ng pagkapikon niya. Prepared ka sa sungit niya. Prepared ka, dikta niya sa sarili. “Naisip ko lang naman, baka-sakali ay makatulong.”
“Saan?”
“Sa pagganda ng umaga.”
Ibinaba nito iyon at tinikman ang kape. “Hindi mo na kailangang gawin iyan. Masarap naman itong kape mo. Sapat na itong timpla mo. Salamat.”
“Walang anuman.”
Nangingiti siya nang tumalikod. At least nagpasalamat kahit masungit pa rin.
“Grace.”
Napatda siya. “Bakit?” lingon niya dito.
“Until now, wala ka pa ring uniform?”
Bigla siyang na-conscious sa straight cut na mini-dress na suot niya. Sleeveless iyon at above the knee ang haba. Sa tingin naman niya ay nasa tamang haba pa iyon. May blazer naman siyang isusuot mamaya. “Wala pa rin, eh.”
“I-follow up mo. Ang tagal naman nilang mag-provide ng uniform sa iyo. O baka naman ikaw itong hindi pala nagpa-follow up?”
Hindi niya itinago ang pagtaas ng kilay. “Nag-follow up ako last week. Wala pa daw, eh.”
Umiling ito at ibinalik ang mata sa computer.
“Anong problema niya dito sa damit ko?” bulong niya sa sarili at lumabas na.
“OH, PLEASE.” Sapo ang noo na yumuko si Luis at hinilot-hilot ang noo.
Sumasakit ang ulo niya. Alam niya dahil iyon sa puyat niya ng nagdaang mga gabi. At lalong tumitindi ang sakit ngayong pinipilit niyang mag-concentrate sa trabaho. Pero siya rin naman ang nagdesisyong pumasok na. Halos dalawang linggo na mula nang mailibing si Lara. Gaano man kasakit sa kanilang lahat ang pagkamatay nito ay dapat na nilang tanggapin iyon at harapin ang realidad.
Buhat nang mailibing si Lara ay pinili niyang sa condo na lang tumuloy. Masyadong malungkot sa mansiyon. Bawat sulok niyon ay nagpapaalala sa maraming memories nila buhat noong mga bata pa sila. At sadya siyang umiiwas na tumapak doon.
Solo niya ang condo niya. Nagawa niya doon lahat ng klase ng pag-iyak ng pangungulila niya dito. Nagawa niyang magpakalasing din doon. Inom-iyak. Iyon ang naging routine niya ng nagdaang mga araw. Pero kailangan na rin niyang ayusin ang sarili. Kaya kahit na alam niyang hindi pa siya tapos sa pamimighati, nagdesisyon na rin siyang pumasok.
Nakakahiya na rin naman sa opisina. Mahaba na ang mga araw na ibinigay sa kanya ng presidente para sa pagliban niya. Tambak na rin ang trabahong dapat niyang harapin. Maganda nga sana iyon para doon matuon ang isip niya. Pero heto at sumasalakay ang labis na p*******t ng ulo niya.
“Grace, dalhan mo ako dito ng kape. Double espresso.”
Hinihilot niya ang sentido nang mapuno ng amoy ng mabangong kape ang kuwarto niya. Nag-angat siya dito ng tingin. Naka-blazer na ito pero hindi maitatago ng blazer na iyon ang mapuputing tuhod nito. Nang ibaba nito ang kape, hindi man nito sinasadya ay nahagip ng tingin niya ang dibdib nito. Damn that plunging neckline! Parang lalong sasakit ang ulo niya. Hindi niya gusto ang epekto ni Grace sa kanya.
Hindi tama ito, sabi niya sa sarili. Hindi tama na naa-attract siya dito. Hindi rin tama na nakakaramdam siya ng ganito. Hindi ba’t nagluluksa siya sa paglisan ni Lara?
At isa pa, hindi niya dapat makalimutan na misteryo pa rin si Grace sa kanya. Gaano ka-close ang ibig nitong sabihin noon? Kasing-close na ang mismong presidente ng kumpanya ang kasama nito nang makiramay sa kanya? Ilang beses na dumalaw ito sa burol na parating si Mr. President ang kasama nito.
“Masakit ba ang ulo mo?” pansin nito sa kanya.
“Matatanggal na ito sa tapang ng kapeng ginawa mo.”
“Puwede kitang ihingi ng gamot sa clinic. Puwede rin naman na konting hilot lang, kung gusto mo.”
Gusto niya. Sanay siya sa hilot ng nanay niya kapag idinadaing niya ang sakit ng ulo niya. At epektibo nang nawawala ang sakit.
“Sino ang hihilot? Pahingi na lang kahit Vicks diyan kung meron ka.”
“Wala akong Vicks, Luis. Pero kaya kitang hilutin.”
He wanted to say no. May pakiramdam siyang hindi iyon tama. Pero muling sumigid ang kirot sa ulo niya.
“Sige, please.” Nasabi na niya iyon at hindi na niya mababawi pa.
The moment her fingers touched her temple, he knew he did something that was not really right. It felt like he made a wrong move. Gusto niyang pagsisihan na pinayagan niya itong hilutin siya. Pero hindi niya maikakaila na masarap ang hagod ng daliri nito sa sentido niya. Naiibsan ang kirot na nararamdaman niya. Nakakadama siya ng ginhawa.
At the same time, his nostril filled with her sweet light scent. Imposibleng hindi niya ito maamoy sa lapit nilang iyon sa isat isa.
“Isandal mo dito ang ulo mo dito,” sabi ni Grace.
Sumunod naman siya. Inihilig niya ang ulo sa head rest ng executive chair niya. Dumiin pa ang masahe nito sa sentido niya. Mayamaya ay lumigid ito ng puwesto. Nakatayo ito sa gilid niya pero dahil hawak nito ang ulo niya ay halos matapat na rin ang mga dibdib nito sa mukha niya.
Kulang na lang ay mapasinghap siya sa gulat. And his lower body was reacting. At hindi niya makokontrol iyon. Kung iyon ngang natatanaw lang niya ito ay nag-iiba ang timpla ng katawan niya, ngayon pa bang halos nakadaiti na sa mukha niya ang malulusog na mga dibdib nito? Napakapit siya sa arm rest niya.
Gumapang ang mga dulo ng daliri nito sa buong ulo niya. Bahagya ding sinasabunot nito ang buhok niya.
“What are you doing?” tanong niya.
“Pampatanggal iyan ng sakit ng ulo. Magsuklay ka na lang mamaya.” Hinila nito ng may kaunting pwersa ang bawat portion ng buhok niya.
“Saan mo natutuhan iyan?”
“Sa spa. Pag whole body massage kasali iyan.”
“Nagtrabaho ka dati sa spa?”
Natawa ito. “Hindi ba puwedeng ako ang client sa spa?” Ibinalik nito ang paghilot sa sentido niya. “Do you feel better now?”
“Oo. Salamat sa hilot mo.” Inabot niya ang kamay nito para patigilin na ito.
And that was another wrong move of him.