Sabay na kami na nagpunta ni Nathan pabalik sa hospital room ni Mama. Pagdating doon ay naabutan namin sina Amethyst at Talia na nasa labas ng kwarto at nakaupo. Abala ang dalawa sa pag-uusap. Saktong paglapit namin doon ay ang pagdating ng dalawang pamilyar na tao. Napakunot ang noo ko bago muling nakaramdam ng inis at galit. "Anong ginagawa n'yo rito?" diretsong tanong ko habang nakatingin kay Cossie kasama ang nanay nito, si Cassandra na nakausap ko kagabi lang. Hindi ba talaga nila kami tatantanan? "S-Sage," tawag ni Cossie. Inis ko siyang tiningnan. "Ano bang hindi n'yo maintindihan sa sinabi ko na layuan n'yo na kami? Anong pa bang kailangan n'yo?" "N-Nalaman namin ang kalagayan ng mama mo. Gusto lang namin siyang bisitahin," sabi ng nanay niya. Gusto kong matawa. Hindi

