CHAPTER 30

1228 Words
*SELENA's POV* Agad na hinanap ng mga mata ko sila Stanley pagkarating ko sa Sahara pero bigo akong makita sila. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta nila Val. Tuloy-tuloy ang paglalakad ko kahit madilim ang paligid. Maya-maya ay may nasagi ang paa ko. Isang matigas na bagay. Napahinto ako sa paglalakad at nagbaba ng tingin sa kung ano man ang nasagi ng paa ko. Napakunot ang noo ko. Flashlight? Dahan-dahan kong pinulot ang flashlight. Sino kaya ang nakaiwan nito? Inilinga ko ang paligid. Tahimik at walang katao-tao. Bitbit ang flashlight na napulot ko ay muli kong itinuloy ang paglalakad. Magagamit ko ang bagay na ito habang hinahanap ko sila Stanley. Sa mga oras na ito ay takot at kaba lang ang nararamdaman ko pero pilit kong nilalabanan iyon. Kailangan kong lakasan ang loob ko. Hindi ako pwedeng umatras. Nakarinig ako ng iyak at doon ay napahinto ako sa paglalakad. Nasa tapat na pala ako ng abandonadong Music Room. Napalunok ako habang nakatingin sa pintuan na kinakalawang. Dito namin nakita ni Valorous ang sulat kung saan may mga letrang nakapaloob doon na hindi naman namin maintindihan ang ibig sabihin. Nakakakilabot ang boses ng iyak na naririnig ko pero winalangbahala ko ang takot. "Kaya ko 'to," sambit ko sa sarili ko. Pinapalakas ko ang loob ko. May kung anong nagtulak sakin na buksan ang pintuan ng music room dahil hindi naman nakapadlock iyon. Bumukas ang pintuan at inilawan ko ang loob niyon. Katulad ng dati ay magulo pa rin sa loob, maalikabok dahil nga abandonado na at hindi na nalilinis. Hindi ko alam pero tila may kakaibang kilabot lagi sakin sa tuwing papasok ako sa silid na ito. Muli kong narinig ang iyak na tila humihingi ng tulong. Palakas ng palakas ang boses ng babae. Palakas din ng palakas ang kabog ng dibdib ko. "S-sino ka?" lakas-loob na tanong ko. "Bakit ka laging nagpaparamdam sakin? Anong kasalanan ko sayo?" tanong ko. Bigla na lang gumalaw ang isang upuan sa loob ng silid at humampas iyon sa blackboard. Napaatras ako sa kinatatayuan ko dahil sa matinding pagkagulat. Nanlalaki ang mga mata ko habang sinusundan ng tingin ang upuan na kusang gumalaw at humampas sa blackboard. Inilawan ko iyon. Walang tao sa loob at tanging ako lang ang nandito. Alam kong multo ang nagpaparamdam sa akin ngayon. "Bakit mo kami ginugulo? Anong kasalanan namin sayo?!" sigaw ko. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Bigla na lamang lumutang ang isang chalk na nasa table at kusang nagsulat iyon sa blackboard. Sinundan ko ng tingin ang mga letrang nasa pisara at nabuo roon ang pangalan na LISA. "L-lisa?" sambit ko kahit ninenerbiyos pa rin ako. "Lisa ang pangalan mo? Bakit ka nagpapakita sakin? A-anong kailangan mo sakin?" tanong ko. Ilang saglit na katahimikan ang namayani, pagkatapos ay bigla na lamang may nagpakita sa akin na imahe ng babae. Ang imahe ng babaeng palagi kong nakikita. Nakalutang ito sa pisara. Punong-puno ng lungkot ang mga mata nito. "Aaaaahhhh!!!" napasigaw ako dahil sa nakakakilabot na itsura nito. Duguan ang katawan nito habang nakasuot ng uniporme. "Tulungan mo ako..." sambit nito sa hirap na tinig habang ang mga kamay ay nakaangat at humihingi ng tulong sa akin. Dahil sa sobrang takot ko ay nagmamadali akong kumaripas ng takbo. Sigaw pa rin ako ng sigaw hanggang sa bumunggo ang katawan ko sa isang bulto ng tao. "Selena?!" gulat na sabi ni Bruno. Siya ang nabangga ko. "Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?" nanlalaki ang mga matang tanong sakin ni Bruno. Wala sila Stanley at mag-isa lang itong naglalakad. Alam kong nagulat sya dahil nandito din ako sa Sahara kahit gabi na. "S-sinundan ko kayo," sagot ko. "Ano? Bakit ka pa sumunod dito? Alam mo bang delikado iyon?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Bruno. "Gusto kong makakita ng impormasyon ukol sa pagkamatay nila Elisha. Wala na rin akong pakialam kung mamatay man ako Bruno!" umiiyak na sabi ko. Hindi ko namalayan na may luha na palang tumakas sa mga mata ko. Siguro ay dahil sa matinding nerbiyos at kaba na naramdaman ko kanina. "Pero kaya na naming mga lalaki iyon, Selena. Ikaw babae ka, delikado para sayo ang magpunta dito ng gabi tapos mag-isa ka pa!" sabi ni Bruno. "Nasaan sila Stanley? Bakit hindi mo sila kasama?" "Humiwalay lang ako sa kanila kasi binalikan ko yung flashlight ko na nalaglag. Hinahanap ko lang," ani Bruno. Itinaas ko ang hawak kong flashlight. Marahil ay ito ang flashlight na hinahanap ni Bruno. "S-sayo ito?" tanong ko sa kaniya. Nagulat naman siya pagkakita sa flashlight. "Bakit nasayo 'yan? Iyan nga ang flashlight na hinahanap ko," sabi nito at kinuha sa kamay ko ang flashlight. "Napulot ko lang 'yan. Nasagi ng paa ko kanina," "Ano bang nangyari, bakit ka tumatakbo at sumisigaw?" tanong sakin ni Bruno. "Galing ako sa Music Room at nakita ko na naman yung babae na palagi kong nakikita. Totoong may multo sa lugar na ito, Bruno!" muling nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Si Bruno naman ay kunot ang noo at halatang hindi makapaniwala. "Ano? Paanong multo? Seryoso ka ba sa sinasabi mo Selena?" tila hindi kumbinsido si Bruno sa sinabi ko. "Alam kong mahirap paniwalaan Bruno pero totoong may multo! Kitang-kita ng dalawang mga mata ko! Nagpakita siya sakin at may sulat pa siyang ginawa sa blackboard!" "Anong sulat ang sinasabi mo?" "Sumulat siya sa blackboard at Lisa ang pangalan na isinulat niya!" sagot ko. Sandaling natahimik si Bruno at tila may inisip ito pero parang hindi nito maalala iyon. "Bruno anong nangyayari sayo?" "Lisa ba kamo ang pangalan ng babae?" Tumango ako sa kaniya. "Kilala mo ba siya?" "Hindi pero parang pamilyar ang pangalang iyan. Parang nadidinig ko 'yan noon pa," Pilit pa ring may inaalala si Bruno base sa mukha nito. "Baka may naging kaklase ka rin noon na Lisa ang pangalan?" sabi ko sa kaniya pero umiling siya. "Wala akong naging kaklase na Lisa ang pangalan. Basta parang pamilyar sakin ang pangalan na 'yan," ani Bruno. Hindi ako kumibo sa kaniya. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo na mayroon ka talagang multong nakita?" tanong pa ulit sakin ni Bruno. Tumango ako sa tanong niya. Totoo naman na nakita ko talaga ang multo ng babae at totoo ang lahat ng iyon pati ang pagsulat nito ng pangalan sa pisara. "Maniwala ka sakin, nagsasabi ako ng totoo!" tarantang sabi ko. Tumango naman sakin si Bruno. "Naniniwala ako sayo Selena, kung gano'n ay puntahan natin ang pisarang sinasabi mo," ani Bruno at hinawakan nya ang kamay ko pabalik sa music room. Hindi ganoon kalayo sa room na iyon ang kinatatayuan namin dahil sandali lamang ang pagtakbo ko kanina at hindi ako nakalayo ng husto. Naglakad kami pabalik sa music room, bakas pa rin ang takot sa akin habang pumapasok kami sa loob. Inilawan agad ni Bruno ang pisarang sinasabi ko at tumambad nga sa amin ang sulat na sinasabi ko sa kaniya. Nakasulat pa rin sa pisara ang mga letra. L I S A Totoo ang lahat at hindi malikmata lang. "Lisa ang pangalan ng babaeng palaging nagpapakita sayo," sabi sakin Bruno. Tumango ako sa kaniya. "Sa tingin mo, siya ba ang pumapatay?" tanong sakin ni Bruno. Napalunok ako sa tanong nyang iyon at hindi nakapagsalita dahil bigla na lamang kaming nakarinig ng malakas na sigaw mula sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD