*Selena's POV*
Tulungan mo ako...
Tulungan mo ako...
Tulungan mo ako...
Iyon ang paulit-ulit na salitang naririnig ko habang nagkukwentuhan ang mga kasama ko. Napapikit na lamang ako at ipinilig ang aking ulo.
Alam kong siya na naman iyon. Humihingi na naman ng tulong sakin si Lisa.
"Tama na please, tama na," sambit ko at tinakpan ang dalawa kong tainga. Agad naman akong dinaluhan nila Lucas nang mapansin nila ang nangyayari sakin. Napatigil sila sa pagkukwentuhan.
"Anong nangyayari sayo Selena?" alalang tanong sakin ni Lucas.
"Selena, what's happening? Arw you okay?" tanong din ni Stanley. Sunod-sunod lang ang pag-iling ko.
"Yung multo ni Lisa, naririnig ko na naman siya. Humihingi siya sakin ng tulong," malungkot kong sabi.
"W-what? Nandito siya ngayon?" ani Stanley at inilinga ang paningin sa paligid.
"N-naririnig ko lang ang boses niya," sabi ko. Patuloy pa rin sa paghingi ng tulong ang tinig ni Maria Lisa. Nakakakilabot ang boses niya, para bang hirap na hirap siya.
Umangat lahat ng balahibo ko. Pakiramdam ko ay katabi ko lang siya.
"Please n-natatakot na ko. T-tama na," hirap kong sabi. Naramdaman ko na may humawi kila Lucas at Stanley at sa isang iglap lang ay may bisig na yumakap sakin.
It was Valorous.
Nagulat na lang ako sa ginawa niya at dahan-dahan ko siyang tiningala. Nakapikit siya habang yakap-yakap ako na tila ba sinasabi niyang walang ibang pwedeng umapi sakin.
Sila Bruno ay nakatingin lang sa kaniya. Halatang nagulat din ang mga ito.
Nagtanggal ng bara sa lalamunan si Trinity.
"Ahm, paano kaya natin matutulungan si Maria Lisa kung wala naman tayong alam kung sino man ang gumahasa sa kaniya?" tanong ni Trinity.
Magsasalita sana ako pero bigla na lang kaming ginulantang dahil humahangos na dumating si Jerron sa kinaroroonan namin.
"Bruno!" malakas na sigaw nito kay Bruno. Si Bruno naman ay halatang nagulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Jerron. Kaming lahat ay nakatingin kay Jerron ngayon.
"Oh, Jerron? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Bruno sa kaibigan nito.
Si Jerron ay parang takot na takot. Mababasa iyon sa mukha niya. Butil-butil din ang pawis niya sa noo at nanginginig ang mga kamay niya.
"Jerron ayos ka lang ba?" tanong pa ulit ni Bruno.
"Si Hunt..." sambit nito sa takot na tinig. Lahat kami ay naghihintay lang sa kung ano pa ang sasabihin niya. Naramdaman ko na hinawakan ni Val ang kamay ko at pinisil niya iyon. Siguro ay dahil nararamdaman niyang kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon.
"Anong nangyari kay Hunt?" tanong ni Bruno kay Jerron.
"Patay na si Hunt!" sabi ni Jerron kaya lahat kami ay gulat na gulat dahil sa sinabi niya.
Patay na si Hunt?
Paanong nangyari iyon?
"Wag kang magbiro ng ganiyan Jerron, hindi nakakatuwa," sabi pa ni Bruno sa kaibigan nito. Halatang ayaw paniwalaan ni Bruno ang sinasabi ni Jerron. Or siguro ay ayaw lang nitong tanggapin iyon.
"Hindi ako nagbibiro. Sumama ka sakin," sabi ni Jerron kay Bruno kaya naman nagmamadaling sumunod si Bruno nang tumalikod na samin si Jerron.
Kami namang magkakaibigan ay isa-isang nagkatinginan bago namin napagdesisyunan na sumunod kila Bruno.
Kailangan naming makita kung totoo man nga ang sinasabi ni Jerron. Base sa mukha nito ay parang takot na takot nga ito. Halatang hindi ito nagbibiro. Kinabahan tuloy ako lalo na at narinig ko pa kanina ang boses ni Maria Lisa.
Sa tuwing nagpaparamdam siya sakin ay palagi na lang may nangyayaring hindi maganda.
Nakarating kami sa bahay-panuluyan at naabutan namin doon ang mga nagkakagulong estudyante na kasama namin sa bahay.
Doon sa silid nila Mike nagkakagulo kung saan palaging iniiwanan ng mga ito si Hunt para magpahinga.
Nakisingit kami sa mga taong nagkukumpulan kahit na mahirap sumingit dahil sa pag-uusyoso ng mga ito.
Naunang nakasingit si Val at nakita kong napailing siya at sumama ang itsura ng mukha niya pagkakita sa loob.
"Anong nangyari?" tanong ko agad sa kaniya nang bumalik siya sakin. Hinila niya ang kamay ko dahil pilit pa rin akong nakikisingit sa mga estudyante.
"Wag mo ng tingnan," sabi niya sakin.
"Bakit? Gusto kong makita ang nangyari kay Hunt," pagpipilit ko pero mas humigpit ang pagkakahawak ni Val sa kamay ko.
"Hindi mo kakayanin," sabi pa niya at pilit akong inilayo sa mga taong nagkakagulo.
Sila Stanley at Lucas ay nakita kong nakapasok na sa loob. Hindi mapanatag ang loob ko hangga't hindi ko nakikita kung ano ang nangyari kay Hunt.
"Val, gusto kong makita ang nangyari. Pabayaan mo na ako," sabi ko kay Val. Tiningnan niya ako ng seryoso sa mga mata. Punong-puno ng pakiusap ang mga mata ko habang nakatitig din sa kaniya. Naramdaman ko na niluwagan niya ang hawak sa kamay ko. Marahan siyang tumango sakin at yumuko.
"Salamat," tipid kong sabi at patakbong bumalik sa silid nila Bruno at Mike.
Doon ay halos humiwalay ang kaluluwa ko dahil sa nakita ko.
Puro dugo ang silid nila Mike kung saan nakahandusay roon ang katawan ni Hunt na wala ng buhay.
Patay na si Hunt.
Pugot ang ulo nito na nakakalat lang sa sahig.
Napatakip ako sa bibig ko. Pakiramdam ko bigla ay nasusuka ako. May langaw na rin sa loob at nilalangaw na ang naglawang dugo doon.
"Diyos ko! Sino ang gumawa nito sa kaniya?!" sabi ni Trinity habang nakatakip din sa bibig nito.
Sunod-sunod lang ang pag-iling ng mga estudyante.
"Narito lang sa loob ng Bahay Panuluyan ang killer!" sigaw naman ni Jackie. Nakita kong nasa likod nito si Stanley at pilit nitong inilalayo si Jackie sa mga taong nagkakagulo pa rin.
"Halika na Jackie wag mo ng tingnan pa yan!" sermon ni Stanley kay Jackie. Nagpatianod naman si Jackie kay Stanley. Umalis na rin ako sa puwesto ko matapos kong makita ang bangkay ni Hunt. Agad akong bumalik kay Val na kanina pa nakatingin sakin.
"Grabe yung nangyari kay Hunt," naiiling na sabi ko.
"Tama si Jackie, nandito lang sa bahay panuluyan ang killer," sabi ni Val kaya napatitig ako sa kaniya.
"What do you mean? You mean nandito lang yung Harold? Buhay siya?" tanong ko sa pag-aakalang si Harold ang tinutukoy ni Val na killer. Ang sabi ng mga estudyante ay patay na yung Harold na iyon. Iyon talaga ang pinagdududahan naming killer dahil malamang na ito rin ang pumatay kay Maria Lisa.
"Hindi natin sigurado kung yung Harold nga na iyon ang killer o kung buhay pa ba ang taong iyon. Pero nasisiguro kong nandito lang sa bahay panuluyan ang killer," seryosong sabi ni Val. Kinilabutan ako sa sinabi niya. Seryosong-seryoso siya.
Lumabas sila Mike at nakita kong namumula ang mga mata niya dala ng pag-iyak. Kahit sino naman siguro ay mabibigla sa sinapit ni Hunt lalo na at malapit niya itong kaibigan.
"Anong ginagawa mo dito?!" galit na tanong ni Mike nang makasalubong nito si Bruno. Parang galit na galit si Mike kay Bruno.
"Hindi ba't pinagpalit mo na kami sa mga magagaling at bago mong kaibigan?" ani Mike kay Bruno at binalingan niya kami ng tingin.
"Hindi ko kayo pinagpalit. Kaibigan ko rin sila!" sagot ni Bruno.
"Sinungaling! Hindi mo na kami kaibigan ngayon Bruno simula noong araw na sumama ka sa kanila!" galit na wika ni Mike. Nakita kong nagtitimpi lang si Bruno. Humugot ito ng isang malalim na buntong-hininga.
"Sige, kung ayaw mo akong maging kaibigan wala na akong magagawa diyan, pero ikaw lang 'yon! Si Hunt, kaibigan ko pa rin siya at hindi mo ako pwedeng pigilan na masilayan man lang siya sa huling sandali niya dito sa lupa!" mahabang litanya ni Bruno. Para kaming nanonood ng isang palabas habang nakatingin kami sa kanila. Lahat ng estudyanteng kasama namin ay nakatingin lang din sa kanila at nanonood.
"Wag na muna kayong mag-away pwede ba?!" awat ni Jerron sa dalawa.
"Respetuhin niyo naman si Hunt, patay na nga yung tao eh!" dagdag pa ni Jerron.
Nakita kong padabog na bumalik si Bruno sa loob ng silid. Ilang sandali pa ay may gwardiya ng pumasok sa loob ng bahay. Gulat na gulay kami dahil nalaman agad nito na may namatay dito sa bahay panuluyan. Tiyak na nandito na naman ito para kuhanin ang bangkay ni Hunt.
"Tabi!" masungit na sabi nito samin nang dumaan ito.
"Sinabi ng tabi eh! Ano ba? Hindi ba kayo nakakaintindi?!" sermon pa nito sa ilang estudyante na nakaharang sa dinadaanan nito.
Nagtabihan ang mga estudyante dahil sa sungit ng guard. Dumiretso na ito sa silid nila Bruno kung saan naroon ang bangkay ni Hunt.
Sila Trinity ay lumapit sa amin. Iiling-iling ang mga ito.
"Akala ko pa naman ay nakaligtas na si Hunt noong unang beses na muntik na siyang mamatay. Mali pala ako. Mukhang tinuluyan na rin siya ng killer. Kawawa ang sinapit niya," iiling-iling na sabi ni Trinity.
"Oo nga. Napakawalang puso ng gumawa nito sa kaniya. Talagang demonyo ang taong iyon!" sabi ni Jackie.
Malaking palaisipan para samin kung sino ang gumawa nito kay Hunt. Mas lalong lumakas ang kutob naming lahat na nandito lang siya at kasama namin sa bahay ang killer.
———
*KILLER's POV*
Kung hindi na sana nangielam pa ang Hunt na iyon, malamang na buhay pa sana siya ngayon. Ang kaso ay pakialamero ang hudyo at balak pang magsulat sa papel para magsabi kung sino ang killer.
Flashback...
"K-kailangan ko nang sabihin kung sino ang killer. M-masyado nang marami ang namamatay..." narinig kong bulong ni Hunt habang yakap-yakap nito ang dalawang tuhod at nakakulong lamang sa silid nito. Nakasilip ako sa maliit na butas ng dingding at naririnig ko lahat ng pinaplano niyang gawin.
Hindi pa pasalamat ang hudyong ito at nabuhay pa siya noong unang beses na muntik ko na rin siyang patayin. Balak pa pala niyang magsumbong ngayon.
Agad kong kinuha ang gulok na itinatago ko sa sikretong silid na narito sa bahay panuluyan.
Nakangising hinasa ko muna ito bago ako pumasok sa loob ng silid ni Hunt. Gulat na gulat naman siya pagkakita sakin.
"Long time no see Hunt," nakangising wika ko.
Napaatras naman ito habang hirap na hirap dahil hindi na masyadong makakita ang isang mata nito dala ng pagkakasunog ko sa kaniya noon.
"A-anong g-ginagawa mo d-dito?" hirap na hirap niyang sabi. Alam kong kilalang-kilala na niya ang boses ko kaya naman tumawa lamang ako sa kaniya at hinaplos ang buhok niya.
"Hindi mo ba ako na-miss?" nakangising tanong ko at pinaglaruan pa ang buhok niya. Paatras naman siyang lumayo sakin. Pilit siyang lumalayo sakin kahit na hirap na hirap na siya sa kalagayan niya.
"W-wag mo kong p-patayin..." pagsusumamo niya.
"Masyado ka namang kinakabahan. Of course, hindi naman kita papatayin..." sabi ko at muli siyang nilapitan pero lumalayo talaga siya sakin.
"Ano nga pala yung isusumbong mo?" tanong ko sa kaniya. Nakita kong natigagal siya at kinapa-kapa yung papel at ballpen na hawak-hawak na niya kanina noong sinisilip ko siya sa butas na dingding. Alam kong doon niya balak isulat ang plano niyang pagsusumbong.
Mabilis kong tinaga ang kamay niya bago pa niya makuha ang papel at ballpen. Umalingawngaw ang sigaw niya sa loob ng silid pero agad kong pinasakan ng tela ang bibig niya.
Sumirit ang dugo dahil sa pagkakataga ko sa kamay niya. Naputol ang kamay niya at tumurit iyon sa kung saan.
"Masyado kang pakielamero! Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga katulad mo? Dapat sa mga katulad mo ay pinatatahimik na!" sigaw ko at sinunod kong tinaga ang leeg niya. Sa sobrang talim ng gulok ko ay agad na humiwalay ang ulo niya sa katawan niya. Tumunog pa ang pagkakalaglag ng ulo niya sa sahig habang naliligo ito sa sarili nitong dugo.
Ngumisi ako nang makita ko na wala na siyang buhay.
"Sweetdreams Hunt!" bulong ko at humalakhak ng tawa.
Nagmamadali kong kinuha ang ballpen at papel na sinulatan niya kanina. Mayroon na palang naisulat ang hudyo at nakalagay na roon ang pangalan ko na sinasabi niyang siyang killer sa lugar na ito. Agad kong pinunit ay nilukot sa kamay ko ang papel.
Sinisiguro kong walang makakaalam ng lahat ng ito.
Hindi pa ko tapos. Marami pang kasunod. Lahat sila ay magbabayad sa lahat ng kasalanang nilang ginawa sa akin! Hindi ako titigil hangga't hindi ko sila nauubos!