CHAPTER 39

2058 Words
*VALOROUS POV* Nandito lang sa bahay-panuluyan ang killer. Sigurado ako na nandito lang siya at nakakahalubilo lang namin. "Kung sino man ang killer sa inyo ay umamin na kayo! Malapit na namin kayong mahuli!" sigaw ni Lucas sa mga estudyanteng kasama namin. Lahat ng estudyante ay nag-iwas lang ng tingin. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga ito, pero wala namang nagsalita man lang para umamin. "Wala talagang aamin sa inyo?!" pagalit na sabi ni Stanley. Hinila ko siya sa braso. "Hayaan mo na sila," bulong ko sa kaniya. Sigurado naman kasi ako na walang aamin sa mga kasama namin dito. "Tingin mo ba ay aamin ang mga yan? Syempre hindi!" sabi ni Jackie kay Stanley. Maya-maya ay humahangos na dumating si Ma'am Barromeo. "Anong nangyayari? Nasaan si Mike?!" alalang sabi nito. Akala pa yata nito ay si Mike ang namatay. "Wag kang OA, hindi naman si Mike ang namatay!" mataray na sabi ni Jackie. Agad naman itong pinigil ni Selena. Masama ang tingin ni Ma'am Barromeo kay Jackie. "Wag mo kong umpisahan babae!" matapang na sabi nito. "Wow? Sinong tinakot mo?" mataray din na sabi ni Jackie. "Uy ano ba tama na!" muling awat ni Selena at inilayo na nito si Jackie para maiwasang magkagulo. Nagkakagulo pa din sa silid nila Mike at doon nagtungo si Ma'am Barromeo. Mabilis nitong niyakap si Mike nang makita nito ang nobyo. "Thank God! Akala ko ay ikaw na ang namatay!" sabi nito. "Don't worry I'm fine," sabi naman ni Mike. Tiningnan ko si Lucas at iiling-iling lamang ito habang nakatingin kila Mike. Ngayon ko lang napansin na nasa tabi pala ni Lucas si Xyla. Ilang sandali pa ay lumabas na ang guwardiya na siyang may bitbit sa bangkay ni Hunt. Napailing na lamang ako dahil nakita kong putol rin maging ang kamay ni Hunt. Masyado naman ang galit ng killer kay Hunt para patayin ng ganoon. Masyadong kalunos-lunos ang sinapit nito. "Grabe putol din pala ang kamay niya!" nanginginig na sabi ni Jackie. Nakita kong inakbayan ito ni Stanley. "Wag mo na kasing tinitingnan! Kita mo, nanginginig ka tuloy sa takot," sermon ni Stanley dito. Ako ay hindi pa rin makapaniwala sa pagkamatay ni Hunt. Sobra ang sinapit niya. Noong una ay matindi na rin ang naging hirap ng katawan niya pero nabuhay pa siya. Hindi ko akalain na kamatayan rin pala ang hahantungan niya. "Kawawa naman si Hunt," naiiling na sabi ni Trinity. Tumabi kaming lahat nang makita namin si Mrs. Lily. Humahangos siya na dumating sa bahay. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito at nanginginig ang mga kamay nito nang takpan ang sariling mukha. Dumaan kasi sa harap nito ang guwardiya na siyang may bitbit sa bangkay ni Hunt. "Mrs. Lily!" tawag ni Lucas at agad na lumapit sa matanda. "Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Mrs. Lily. "Nakita po siyang wala ng buhay sa silid nila. Grabe ang sinapit niya!" ani Lucas kay Mrs. Lily. Lumapit na rin kami kay Mrs. Lily. "Mrs. Lily, may hihingin po sana kaming pabor ulit sa inyo," sabi ni Jackie. "Ano iyon?" tanong ni Mrs. Lily. "Gusto po sana naming makita ang larawan ni Maria Lisa noong nabubuhay pa siya," ani Jackie. Sandaling natahimik si Mrs. Lily. Siguro ay dahil mapait pa rin sa kaniya ang pagkamatay ng anak niya. Sa tuwing nababanggit kasi ang pangalan ni Maria Lisa ay parang palagi na lang itong natitigilan. "Iyon lang ba? Pumunta kayo sa office ko mamaya at ipapakita ko sa inyo ang larawan ng anak ko," sagot ni Mrs. Lily. Nakahinga kami ng maluwag. "Maraming salamat po Mrs. Lily, malaking tulong ang kooperasyon ninyo sa amin," sabi ni Jackie. Tumango lamang si Mrs. Lily at dumiretso na ito sa silid nila Mike. Siguro ay titingnan din nito ang nangyari. "Mabuti na lang at mabait din satin si Mrs. Lily. Hindi tayo mahihirapan tungkol sa anak niya," sabi ni Jackie. "Kumain muna tayo bago tayo bumalik sa Sahara," suhestiyon ni Stanley. "Feel ko ay hindi ako makakakain. Kayo na lang ang kumain," sabi ni Trinity. "Oo nga, ikaw ba naman makakita ng pugot na kamay at ulo, tingin mo makakakain pa kami?" ani Jackie. "Sus! Bahala kayo, basta ako nagugutom ako kaya kakain ako!" sabi ni Stanley at naglakad na ito patungo sa silid namin. "Ako rin!" sabi ni Lucas at sumunod kay Stanley. Tiningnan ko si Selena at saktong nakatingin din pala siya sakin. "Ikaw hindi ka ba kakain?" tanong niya sakin. "Maya-maya na lang. Hindi pa naman ako gutom," sagot ko sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at hinila ang kamay niya. "Doon muna tayo sa terasa," sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya at ngumiti sakin. Sumunod na rin samin sila Jackie dahil ayaw talagang kumain ng mga ito. May mangilan-ngilang estudyante na nakatambay sa terasa ng bahay pero isang babae ang pumukaw ng mga mata ko. Isang babaeng tahimik na nagbabasa ng libro. Napansin ko siya agad dahil sa mantsa ng suot niyang uniporme. May mantsang kulay pula malapit sa balikat niya, kung titingnan mo ay parang dugo iyon. Napakunot ang noo ko habang lumalapit sa babae. Nag-angat naman ito ng tingin sakin at halatang nagtataka. "Bakit?" tanong nito. Nakatingin pa rin ako sa uniform niya. "Is that a blood?" tanong ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo ng babae at halatang nagulat sa tanong ko. "What? Ikaw yung killer?" bigla ay sabi ni Jackie dahil narinig pala ako nito habang kausap ko ang babae. Sinipat pa ni Jackie ang babae at sinalat ang uniporme nitong may mantsa. "Anong pinagsasasabi niyo?" Halatang nainis samin ang babae base sa reaksyon ng mukha nito. "Wag ka ng mag-deny pa! Bakit ka may dugo sa damit mo?" ani Jackie sa babae. "Sumusobra ka na ha! Bakit mo ako pinagbibintangan? Saka anong dugo? Liptint 'yan na tumapon sa damit ko!" galit na sabi ng babae. Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Kakulay nga ng labi nito ang mantsang nasa uniporme nito. "Mga bintangero kayo!" inis na sabi ng babae at inirapan nito si Jackie bago tumayo at nag-walk-out. Huminto pa ito saglit at tumingin sakin. "Alam mo ikaw? Gwapo ka pa naman sana ang kaso ay bintangero ka din!" galit na wika nito sakin. Natulala na lang ako at sinundan ng tingin ang babae. "Ang taray naman nun!" ani Trinity na nakasunod din ng tingin sa babae. "Eh kasi naman pinagbintangan siya eh. Natural lang na magsungit iyon!" sabi naman ni Selena. Mukhang nagsasabi naman ng totoo ang babae kaya hindi na rin namin siya hinabol, isa pa ay mukhang sobra siyang nabadtrip dahil sa pambibintang namin. Napaupo na lang ako at tiningnan sila Jackie na iiling-iling. "Kung sino-sino na lang tuloy ang pinagbibintangan natin dahil sa lintek na killer na yan!" sabi ni Jackie. "Hayaan nyo matatapos din ang lahat ng ito," sabi ko sa kanila. "Kailan? Kapag ubos na rin tayo?" ani Jackie. "Jackie wag ka ngang magsalita ng ganiyan!" mabilis na sabi ni Selena. Ngumuso lang si Jackie. "Eh totoo naman kasi eh!" sabi pa nito. "Alam mo, walang mangyayari satin kung magiging negatibo lang tayo," wika ni Trinity. Sumang-ayon naman ako sa kaniya. "Tama si Trinity. Kailangan natin maging positibo," sabi ko. Ilang sandali pa ay lumabas na sila Stanley. Himas-himas pa nito ang tiyan. "Hay, grabe ang busog ko!" sabi nito. "Sus! Masiba ka eh!" kontra ni Jackie dito. "Bakit ba ang sungit mo na naman? Ako na naman ang nakita mo diyan, hindi naman kita inaano," sagot ni Stanley kay Jackie. Saktong kalalabas lang din ni Mrs. Lily at mukhang babalik na ito sa Sahara. "Ayan na pala si Mrs. Lily bakit hindi pa tayo sumunod sa kaniya para doon sa picture na gusto nating makita?" sabi ni Jackie. Narinig kami ni Mrs. Lily kaya lumingon siya samin. "Sumunod na kayo sakin," sabi nito kaya naman lahat kami ay napatayo na sa kinauupuan namin at sumunod na kami kay Mrs. Lily pabalik ng Sahara. Habang daan ay salita ng salita si Jackie at kinakausap nito si Mrs. Lily. Ako naman ay hindi mapakali dahil parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang tinatahak namin ang daan pabalik ng school. Napuna siguro iyon ni Selena dahil bumulong siya sakin. Kaming dalawa ang nahuhuli na naglalakad. "Val, okay ka lang ba?" tanong niya sakin. "H-ha? Okay lang ako," pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay hindi normal ang nararamdaman ko. Mabigat eh. Parang may mangyayari na namang hindi maganda. Siguro ay dala na rin ng pag-alala sa mga sunod-sunod na nangyayari. Nakarating kami sa office ni Mrs. Lily. Maayos ang loob at nakapaluwang ng office ni Mrs. Lily. May malaking larawan niya na nakasabit sa dingding. "Ito ang opisina ko. Tuloy lang kayong lahat," nakangiting sabi ni Mrs. Lily samin. Lahat kami ay nakapasok na sa loob habang inililinga ang paningin namin. "Wow grabe naman ang laki ng opisina ninyo Mrs. Lily!" manghang sabi ni Trinity. "Oo nga, siguro ang ganda-ganda talaga ng school na ito noon pa man, ang kaso ay nakakatakot nga lang," sabi ni Jackie. "Shh! Wag nga kayong maingay!" suway ni Stanley sa dalawang babae. "Tama ka Jackie. Napakaganda ng paaralang ito. Nakakalungkot lang na ganito ang mga nangyayari. Ewan ko. Pati ako ay naguguluhan na rin," sabi ni Mrs. Lily at sandaling mayroon itong kinuha sa ilalim ng aparador. Sa paningin ko ay mga album iyon. Nagkalaglag ang ilang mga larawan nang iabot samin ni Mrs. Lily ang isang album. Pinulot ko ang isang larawan na nalaglag. Isang larawan ng magandang babae ang nakita ko. Kung hindi ako nagkakamali ay ito na nga si Maria Lisa. "Yan ba si Maria Lisa? Grabe ang ganda niya pala!" sabi ni Jackie na nakatingin pala sa picture na hawak ko. Ganoon din si Selena na hindi maalis ang tingin sa larawan. Nakangiti si Maria Lisa sa picture habang nakasuot ng uniporme. Totoong maganda siyang babae. Maamo ang mukha at may pagkasingkit. "Tama kayo, siya nga ang anak ko. Siya si Maria Lisa," sabi ni Mrs. Lily. "Napakaganda niya pong babae. Kamukha mo siya Mrs. Lily!" sabi ni Jackie. Tumango lang si Mrs. Lily sa amin. Si Lucas at Stanley naman ay pinagtitingnan ang mga pictures na nasa album. Doon ay nakita namin ang iba pang mga larawan ni Maria Lisa. Nakakamangha ang kagandahan niya. Hindi siya nakakasawang pagmasdan. Nagulat kami nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Mrs. Lily at pumasok roon si Bruno. Hindi nga pala namin sya kasama kanina dahil abala siya sa mga kaibigan niya at sa pagkamatay ni Hunt. "Oh Bruno, anong ginagawa mo dito? Nasaan na si Hunt?" tanong ni Trinity. "As usual itinapon na siya ng guard," sabi naman ni Bruno. Mababakas ang kalungkutan kay Bruno at naiintindihan ko siya dahil namatayan din siya ng kaibigan. Pumasok na siya sa loob at tiningnan din ang mga pictures na pinagkakaguluhan namin. "Siya ba yung anak ni Mrs. Lily? Siya ba si Maria Lisa?" tanong ni Bruno. "Oo Bruno, siya nga si Maria Lisa," sagot ni Selena. "Napakaganda niya," ani Bruno at kinuha sa kamay ko ang isang larawan na nalaglag kanina. Lahat kami ay humanga sa angking kagandahan ni Maria Lisa. Tumingin ako kay Selena, pero mas maganda pa rin si Selena para sa akin. Saktong napatingin din sakin si Selena kaya nagkangitian na lang kami nang magtama ang mga mata namin. Napansin pala iyon ni Bruno kaya tumikhim ito. "Ehem, excuse lang muna. Makikitingin din ako sa album," sabi nito at sumingit sa gitna namin. "Hindi nakapagtatakang marami ang magkaroon ng interes kay Maria Lisa, napakaganda po niya Mrs. Lily. Nakakalungkot lang na ganoon ang sinapit niya," sabi ni Jackie. Bumakas ang kalungkutan sa mga mata ni Mrs. Lily. Halatang hindi pa rin ito nakaka move on hanggang ngayon. Kahit sino naman siguro ay hindi basta basta makakalimot lalo na at nag-iisang anak lang nito si Maria Lisa. "Siya ang babaeng nakikita ko. Multo niya ang nakikita ko palagi," mahinang sambit ni Selena. "Bakit kaya siya nagpapakita sayo?" si Stanley. "Dahil gusto niyang mabigyan siya ng hustisya. Siguro naman ngayon ay naniniwala ka na sa multo," sabi ni Jackie kay Stanley. Hindi na nagsalita pa si Stanley. Hiningi namin ang isang larawan ni Maria Lisa at pinayagan naman ni Mrs. Lily iyon. Nagpasalamat kami sa kaniya nang umalis kami sa opisina niya. "Mag-iingat kayo," iyon ang huling sinabi samin ni Mrs. Lily bago kami tuluyang lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD