*LUCAS POV*
Isang linggo ang mabilis na lumipas matapos ang insidente ng pagkamatay ni Hunt ay isang kasamahan ulit namin sa bahay-panuluyan ang namatay kahapon.
Ang lalaki ay nagngangalang Paulo. Hindi namin siya ka-close kahit kasama namin siya sa bahay pero nakikita ko siya. Matangkad ang lalaking iyon at madalas ay nakakausap pa nga nila Mike. Hindi ko alam kung bakit parang galit na galit din sa kaniya ang killer dahil matindi rin ang kamatayan na tinamo ni Paulo. Tanggal lahat ng ngipin nito at halos hindi na makilala ang mukha nito dahil sa tindi ng pinsala niyon. Kalunos-lunos ang sinapit ni Paulo kaya naman lalong nagbigay ng takot iyon sa mga kasama namin. Lalong nadagdagan ang takot namin dahil kung dati ay sa Sahara nagaganap ang mga p*****n, ngayon naman ay dito na sa bahay panuluyan. Lahat tuloy kami ay nagsama-sama na lang sa iisang silid ngayon kahit pa siksikan kami.
"Grabe nakakatakot. Nandito na yata sa bahay panuluyan ang pumapatay," sabi ni Jackie habang nakapalupot ang kumot sa katawan nito. Alas-nuwebe na ng gabi pero lahat kami ay gising pa. Wala pang natutulog samin dahil sa takot. Dati-dati kapag sasapit ang alas-otso ay may ilan sa amin ang natutulog na, pero ngayon lahat kami ay gising na gising.
"Hindi ka ba iniinit at nakabalot ka pa ng kumot? Tss!" iritang sabi ni Stanley kay Jackie. Ang dalawang ito kasi ang magkatabi at nakasiksik si Jackie sa katawan ni Stanley.
"Nilalamig ako. Pati nga mga kamay ko malalamig eh!" sagot ni Jackie kay Stanley.
"Siguro ay dahil ninenerbiyos ka. Relax ka lang kasi Jackie," sabi naman ni Trinity.
"Paano naman akong magrerelax kung paubos na tayo ng paubos? Saka yung pagkamatay ng mga estudyante dito masyadong brutal. Nakakatakot ng matulog baka mamaya ay hindi na ko magising dahil pinatay na rin ako ng killer!" sabi ni Jackie.
Nakita kong napailing-iling si Stanley.
"Kung ganoon ay payakap naman bago ka mawala," biro ni Stanley kay Jackie at hinila nito si Jackie para yakapin. Agad naman na nagpumiglas si Jackie at ang sama ng tingin nito kay Stanley.
"Wala ka talagang pakialam sakin ano?" mataray na sabi ni Jackie.
"Binibiro ka lang, ang sungit mo na naman," ani Stanley at pinilit pa rin yakapin si Jackie.
Napailing na lang kami sa dalawang aso't pusa na iyon na palaging magkaaway.
"Ang ingay niyo na namang dalawa," suway ni Trinity sa kanila.
Bigla kong naisip si Xyla. Kamusta kaya ito sa silid nito? Sigurado ako na natatakot din iyon ngayon. Duwag pa naman si Xyla at noong nobya ko pa ito ay matatakutin talaga ito.
"Ba't ang tahimik mo?"
Siniko ako ni Bruno sa dibdib nang mapansin niya na tahimik ako. Kasama rin namin siya sa silid. Noong una ay hindi ako tiwala kay Bruno dahil pinopormahan niya si Selena, bukod pa doon ay barkada siya nila Mike, pero ngayon ay nagbago na ang pagtingin ko sa kaniya. Nararamdaman ko naman kasi na mabuting tao si Bruno kahit na suplado itong tingnan.
"Wala may naalala lang ako," sagot ko naman sa kaniya.
"Si Xyla?"
Natigilan ako dahil sa sinabi ni Bruno. Tiningnan ko siya at nakangiti siya sakin.
"Mahal mo pa ano? Bakit di mo balikan?"
"Para saan pa? Mukhang ayaw naman na niya sakin,"
"Ayaw? Eh naghiwalay na sila ni Mike. Malay mo kayo pala talaga ang nakatadhana," ngumisi si Bruno sakin na parang kinikilig pa.
"Hindi ko alam na may tinatago ka palang ka-romantikohan diyan sa katawan mo," natatawang sabi niya kay Bruno.
"Oo naman, hindi naman siguro lingid sayo na type ko si Selena ‘no?" ani Bruno sakin pero mahina lang ang boses niya. Medyo malayo naman samin si Selena at katabi nito si Val.
"Loko ka, wag mong sasaktan yun ako ang makakalaban mo," banta ko kay Bruno. Tumawa lamang ito ng mahina.
"Pero mukhang wala naman akong pag-asa dun e. Mukhang may iba siyang gusto at si Valorous iyon," sabi ni Bruno. Hindi kababakasan ng kalungkutan ang tinig nito kahit sinasabi nito ang mga katagang iyon.
"So suko ka na agad?" tanong ko.
"Syempre hindi. Hindi ako pinaglihi sa hina ng loob," proud na sabi nito. Natawa ako sa kaniya kaya tinapik ko ang balikat niya.
"I like the confidence bro!" sabi ko sa kaniya. Ngumisi lang siya sakin.
"May the best man win na lang samin ni Val," natatawang sabi ni Bruno.
Mabait at maganda si Selena kaya hindi nakapagtatakang madami ang nagkakagusto sa kaniya. Siguro nga kung hindi ko siya matalik na kaibigan malamang na niligawan ko na rin iyon. Ang kaso ay ayokong masira kung ano man ang ugnayan na mayroon kami ni Selena. Masyado ng malalim ang pagkakaibigan namin at alam ko na mas makabubuti kung hanggang doon na lang ang nag-uugnay saming dalawa. Mahal ko lahat ng kaibigan ko.
"Talaga bang tinamaan ka diyan kay Selena?" tanong ko pa kay Bruno.
"Matindi bro. Parang pinana talaga ni kupido noong unang beses ko pa lang siyang nakita," sagot ni Bruno sakin. Natatandaan ko nga na palagi niyang tinatawag noon na My Treasure si Selena at naiinis pa ako sa kaniya ng mga panahong iyon dahil feeling ko ang hangin niya.
"Good luck na lang sayo," sabi ko kay Bruno at tinap ang balikat niya. Ngumiti naman siya sakin at tumango.
———
*SELENA's POV*
Tumayo ako para magpainit ng tubig dahil mukhang walang may balak na matulog ng maaga sa mga kaibigan ko. Magtitimpla ako ng kape para saming lahat.
"Selena kontian mo lang yung sugar nang sa akin ah?" sabi sakin ni Lucas. Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti. Pansin ko na kanina pa sila nagbubulungan ni Bruno at paminsan-minsannay napapasulyap pa sila sakin.
Mukhang close na ang dalawa at natutuwa naman ako na nagkakasundo sila. Mabait naman kasi si Bruno at madali siyang makapalagayan ng loob.
Pero ano nga kaya yung pinag-uusapan ng dalawa kanina?
Napailing na lang ako.
Bakit nga ba iisipin ko pa ang bagay na iyon?
Nagtuloy na ako sa kusina para magsalang ng tubig sa takure. Marami-rami pa naman ang stock naming pagkain kaya hindi pa kani natatakot na magutuman. Mabuti na nga lang at nariyan si Mrs. Lily para magbigay ng relief goods, sa totoo lang ay napakalaking tulong talaga ng ginagawa niya sa amin.
Ilang minuto akong nakatayo lang habang hinihintay ko na kumulo ang tubig na sinalang ko.
Iwinawaglit ko sa isipan ko ang mga nangyayaring p*****n dahil baka maapektuhan lang ng husto ang isip ko kapag inalala ko pa lahat ng nangyari. Masyadong brutal ang pagkamatay na nagaganap sa bahay-panuluyan. Sila Mike ay hindi muna natutulog sa silid ng mga ito matapos ang insidente ng pagkamatay ni Hunt. Hindi ko alam kung saan nagpapalipas ng magdamag ang mga ito ngayon.
Nang kumulo ang tubig ay isinalin ko na iyon sa bawat tasa na hinanda ko. Habang sinasalin ko ang tubig ay hindi sinasadyang nabanlian ako nito sa kamay kaya napasigaw ako.
Gulat na gulat naman ang mga kasama ko na agad lumabas at pinuntahan ako.
"Selena, anong nangyayari sayo ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Lucas at Trinity. Nakasunod sa likod ng mga ito si Val na kita kong gulat na gulat din.
"N-napaso kasi ako. Nabanlian ako ng tubig," sabi ko sa kanila.
"What?" kunot-noong sabi ni Val at agad na hinawakan ang kamay kong nabanlian ng tubig. Namumula iyon.
"May toothpaste ba diyan?" tanong ni Val. Naghalungkat naman kaagad si Bruno na lumapit din pala samin.
"Here mayroon," sabi ni Bruno at inabot kay Val ang toothpaste. Nilagay iyon ni Val sa kamay ko na nabanlian ng tubig. Sabay pa sila ni Bruno dahil parehas silang nasa gilid ko.
Napatingin ako sa kanilang dalawa at nagpapalit-palit ng tingin. Silang dalawa naman ay nagkatinginan din habang hawak-hawak nila pareho ang kamay ko.
"Ahm kaya niyo na sigurong gamutin si Selena," sabi ni Trinity at tumalikod na ito samin.
"Baka naman pag-agawan niyo pa ang kamay ni Selena at maputol pa 'yan," biro naman ni Lucas. Pinandilatan ko lang siya ng mga mata at humalakhak naman ito ng tawa.
"Biro lang Selena," natatawang sabi ni Lucas.
"Ayos ka na ba?" tanong sakin ni Bruno. Tumango naman ako sa kaniya.
"Okay lang ako. Nabigla lang kasi ako," sagot ko naman sa kaniya.
Si Val ay pinapahidan pa rin ng toothpaste ang kamay ko at hinipan pa nito iyon.
"Gamot ba 'yang toothpaste?" nagtatakang tanong ko kay Val. Ngayon ko lang kasi nalaman na pwede palang ilagay ang toothpaste sa balat na nabanlian ng mainit na tubig.
"Oo Selena gamot iyan. Ganiyan din ang ginagawa ko sa sarili ko kapag nababanlian ako ng tubig," si Bruno ang sumagot. Napatango naman ako sa kaniya.
"Makakatulong 'yan pars hindi umalsa at magtubig ang nabanlian sayo," sabi sakin ni Val.
"S-salamat," nahihiyang sabi ko. Binitawan na niya ang kamay ko at tinulungan na nila ako na dalhin yung mga tinimpla kong kape.
"Ano ba 'yan Selena may balak ka bang tustahin ang kamay mo?" sabi sakin ni Stanley nang iabot ko ang kape nila ni Jackie.
"Thank you Selena," sabi sakin ni Jackie.
"Tumapon kasi yung tubig," sagot ko naman kay Stanley.
"Hindi ka pa pasalamat at tinimplahan ka rin ng kape. Nang-aasar ka pa yata eh. Ang sama talaga ng ugali mo!" sabi ni Jackie kay Stanley.
"Bakit ba nagsusungit ka na naman? Pero ang sarap ng kape. Salamat Selena," nginitian ako ni Stanley.
Nakaupo kami sa sahig at sama-samang nagkakape.
"Bilib din ako sa mga estudyante na pumapasok pa rin sa klase eh. Hindi kaya nila napapansin na pinaglalaruan lang sila ng mga guro?" iiling-iling na sabi ni Stanley.
"Hindi mo sila masisisi Stan. Natatakot sila lalo na at nasasaksihan nila ang mga patayang nangyayari," sagot ni Trinity.
"Kunsabagay," tatango-tangong ani Stanley.
Habang nagkukwentuhan kami ay nakarinig kami ng sigaw.
Tulong!
Pero sandali lamang at isang beses lang iyon. Parang nanggagaling sa malayong lugar ang sigaw na iyon.
"Narinig niyo ba iyon?" tanong ko sa kanila.
"Alin? Wala naman ah?" sabi ni Stanley.
"Mayroon akong narinig. Parang humihingi ng tulong," sabi ni Jackie.
"Huh? Wala naman akong narinig," sabi ni Trinity.
"Ako din wala naman. Baka guni-guni niyo lang iyon," sabi ni Lucas.
Nagkatinginan kami ni Jackie.
"Mayroon eh 'di ba? Narinig mo rin Jackie?" tanong ko kay Jackie. Mabilis na tumango sakin si Jackie.
"Oo mayroon nga akong narinig. Ewan ko bakit hindi niyo narinig. Ikaw Bruno narinig mo ba?" tanong ni Jackie kay Bruno pero umiling lang si Bruno.
"Ikaw Val?" tanong ni Jackie.
"I heard it too," sagot ni Val. Tumingin ako sa kaniya at kinilabutan ako.
Pati si Val ay narinig din pala. Pero bakit ganoon? Parang nanggagaling naman sa malayo ang sigaw.
"Ang weird parang dumaan lang sa tainga ko yung sigaw. Parang nagmumula iyon sa malayo," sabi ni Jackie. Ganoon din ang inisip ko. Tila galing sa malayo ang sigaw.
"Ano ba yan Jackie, tinatakot mo lang ang sarili mo eh!" sabi ni Stanley kay Jackie pero siniko lang ito ni Jackie.
"Gago ka ba? Bakit ko naman tatakutin ang sarili ko. Ano ako baliw?" inis na wika ni Jackie kay Stanley at inirapan ito.
"Oo matagal na," sagot naman ni Stanley at ngumisi. Napailing na lang si Jackie.
Guys seryoso ako. May narinig talaga kaming humihingi ng tulong. Pati sila narinig nila oh," sabi ko.
"Eh saan naman kaya galing iyon at ano ang ibig sabihin? Mayroon na namang pinapatay ganoon ba?" ani Trinity. Kinabahan ako bigla sa sinabi niya.
Wag naman sana.
"Wag ka naman ganiyan Trinity," kinakabahang sabi ni Jackie at umangkla sa braso ni Stanley.
"Oh kita mo kakapit-kapit ka sakin ngayon!" sermon ni Stanley.
"Val sa tingin mo ano iyon?" tanong ko kay Val. Seryoso siya at tila malalim ang iniisip niya.
"Sa ngayon ay hindi ko pa masasagot yan. Malalaman natin bukas kung may patay na naman," sabi ni Val. Napalunok ako dahil sa sinabi niya.
"You mean sa mga oras na ito ay baka mayroon na namang pinapatay ang killer?" si Lucas.
"Maaaring ganoon nga dahil ang sabi nila ay nakarinig sila ng sigaw," sagot ni Bruno.
Nagkatinginan kaming lahat.
"Guys magdasal na muna tayo," suhestiyon ko sa kanila dahil alam kong natatakot na naman sila.
Pumikit kaming lahat at taimtim kaming nanalangin. Sana naman ay wala kaming mabalitaan bukas na mayroon na namang namatay. This is too much. Dasal na lang ang magagawa namin sa ngayon kaya paulit-ulit kaming nagdasal hanggang sa gumaan ang kalooban namin.