CHAPTER 37

1640 Words
*Bruno's POV* Hindi pa rin nawawala sa isip ko yung tungkol doon sa pangalan ni Maria Lisa, kanina pa kasi may gumugulo sa isipan ko eh. Kadarating lang nila Selena at ako naman muna ang nagpaalam kila Lucas para bumalik sa Bahay-Panuluyan, bigla ay gusto kong makausap sila Mike. "Bakit babalik ka dun? May kailangan ka bang gawin doon?" tanong sakin ni Trinity. Nagsinungaling na lang ako sa kaniya na may kailangan lang akong kunin sa bahay panuluyan, pero ang totoo talaga ay kakausapin ko sila Mike. "May naiwan lang ako, babalik na lang ako." Pinilit kong ngumiti sa kanila at napatango naman sila sakin, pero si Valorous ay pansin kong iba ang paraan ng pagtingin niya sakin, para bang sinusuri niya ako. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kaniya. "S-sige ha, mauna na muna ako," sabi ko at tuluyan ng tumalikod sa kanila. "Mag-iingat ka Bruno," rinig kong huling sinabi ni Lucas. Hindi na ako lumingon pa sa kanila. Pagdating ko sa bahay-panuluyan ay agad kong nakita sila Mike na nakatambay sa terasa at nagkakasiyahan ang mga ito kasama ang ilang mga kababaihan sa bahay-panuluyan. Hindi ko kilala ang mga babaeng iyon, palagay ko ay bagong mga kaibigan nila ito sa bahay-panuluyan, medyo matagal na rin naman kami dito kaya halos lahat ng mukha ng mga nandito sa bahay ay kilala ko na rin at tanda ko na ang mukha. Iilan na lang kami at napapansin ko na habang dumadaan ang mga araw ay parang unti-unti kaming nababawasan pero hindi na namin hinahanap iyon as long as hindi isa sa mga malalapit naming kaibigan ang nababawasan. Napatingin sakin sila Mike nang makita nila ako. "Oh, Bruno anong ginagawa mo dito? Akala ko hinahanap niyo yung killer?" may halong pang-iinsulto ang tanong na iyon sakin ni Mike at binuntutan din iyon ng tawa ni Jerron. Alam kong lumalayo na ang loob nila sakin dahil hindi na sila ngayon ang madalas kong nakakasama. "May kailangan tayong pag-usapan Mike," seryosong sabi ko kay Mike. Napatitig naman siya sakin at halatang nagtataka dahil masyado akong seryoso. Well seryoso naman talaga ang bagay na gusto kong pag-usapan namin. Maging si Jerron ay seryoso din ang mukha habang nakatingin sakin. Napatingin ako sa ibang mga kasama nila at tiningnan din muna ni Mike ang mga ito bago tumayo sa kinauupuan at inilayo ako sa mga tao. Sumunod naman si Jerron, as usual ay wala si Hunt at nagpapagaling lang ito sa silid. "Ano bang dapat nating pag-usapan?" tanong sakin ni Mike. Nandito kami sa loob at sumunod na rin si Jerron na naghihintay din ng sasabihin ko. "Tungkol kay Maria Lisa..." sambit ko. Natigilan si Mike at naging mailap ang mga mata niya. "Natatandaan ko na madalas mong nababanggit ang pangalang Lisa noon. Lisa ang pangalan ng babaeng namatay at nagmumulto sa Sahara, sabihin mo nga sakin Mike kung may kinalaman ka dito?" Tumaas ang boses ko. Biglang humalakhak si Mike at tiningnan ako ng may halong pang-uuyam. "Anong pinagsasasabi mo Bruno? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" tanong niya sakin. "Iyan ang napapala mo sa kakasama sa mga kumag na iyon eh!" sabi naman ni Jerron habang iiling-iling. "Umamin ka na Mike kung may kinalaman ka man dito," pilit ko pa ring sabi. Bigla na lang akong kinuwelyuhan ni Mike at nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sakin. "Talagang sira na ang ulo mo ano? Pinagbibintangan mo ba ko?" galit na sabi sakin ni Mike. Tinulak ko naman siya kaya nabitawan niya ako. "Tinatanong kita Mike," sabi ko pero bigla na lang niya akong sinuntok sa kanang pisngi ko. Agad naman akong dinaluhan ni Jerron. "Tumigil ka na kasi Bruno, ano bang pinagsasasabi mo?" may halong panenermon na sabi niya sakin. Sapo ko ang pisngi ko dahil sa lakas ng pagkakasuntok sakin ni Mike. "Yan ba ang sinabi sayo ng mga gunggong mong kasama ha, na may kinalaman ako sa issue ng pagkamatay ng babae na iyon? Ni hindi ko nga kilala yun eh! Saka bakit mo ba ko pinagbibintangan? May pruweba ka ba? Siya lang ba ang babaeng may pangalan na Lisa? Tarantado!" galit na sabi sakin ni Mike. Akala ko ay susugod na naman siya sakin pero tinalikuran na niya kami ni Jerron. Alam kong dahil sa nangyari ngayon ay mas lalo ng lalayo ang loob sakin ni Mike. "Sige na sumunod ka na sa kaniya," sabi ko kay Jerron. Nag-aalangan man ay iniwan na rin niya ako at sumunod na nga siya kay Mike. Naiwan akong hawak-hawak pa rin ang pisngi ko. Napaupo na lang ako sa upuan habang iniisip pa rin ang tungkol sa pangalan na iyon. (FLASHBACK) "Pre, ang ganda nung Lisa, tangina kutis pa lang ulam na eh!" sabi ni Mike habang kausap nito si Jerron. Wala akong pakielam sa kung sino man ang pinag-uusapan nila dahil abala ako sa paghahanap ng pangsindi ng yosi that time. Ayaw kasi akong pasindihin ng dalawang gunggong dahil ayoko munang sumabay sa trip nila. Maghanap daw ako ng pangsindi ko. Pero malinaw sakin na nabanggit nila yung pangalang Lisa. "Pormahan mo na bago ka pa maunahan at mukhang madami kang magiging karibal dun," sabi ni Jerron dito. "May boyfriend eh, nakita ko akbay-akbay pa nga nung lalaki. Hmm, pero wag kang mag-alala Jerron alam mo namang hindi ako sanay na hindi ko nakukuha lahat ng gusto ko," nakangising sabi ni Mike kay Jerron. "Alam na alam ko yan pare," nakangising sagot ni Jerron. Kasalukuyan kaming nasa likod ng paaralan dahil nagmamarijuana si Mike at Jerron, ako naman ay tamang yosi lang dahil ayokong mag-take ng m*******a, hanggat maaari kasi ay iniiwasan ko na ito. Ayokong tumawa ng mag-isa sa classroom, iyon kasi lagi ang nagiging epekto sakin ng m*******a, tamang tawa ako palagi sa room. Ilang sandali lang ay humahangos na dumating si Hunt. "Mga pre, hayop talaga sa ganda yung Lisa!" nanlalaki ang mga mata na sabi ni Jerron, para bang gigil na gigil ito nang mga oras na iyon. Ako naman ay nakakunot lang ang noo. Hindi naman kasi ako interesado sa pinag-uusapan nila. "Nakuha mo ba yung number?" tanong ni Jerron kay Hunt. "Hindi nga eh, masyadong mailap eh!" iiling-iling na sabi ni Hunt at naki-trip na rin ng m*******a kila Mike. "Wag niyo kasing pilitin kung ayaw sa inyo ng babae," may halong pang-aasar na sabi ko pa sa kanila. "Sus! Manahimik ka nga riyan Bruno," sabi ni Mike. Humalakhak lang ako sa kanila at umiling-iling. END OF FLASHBACK. Iyon ang araw na natatandaan kong narinig ko sa kanila ang pangalang Lisa, pero base sa galit sakin ni Mike kanina ay mukhang wala nga siyang kinalaman. Siguro nga ay kapangalan lang nun yung babae na sinasabi ko. Mali rin na pinagbintangan ko kaagad si Mike at naiintindihan ko ang galit niya. Tama naman siya eh, hindi lang si Maria Lisa ang may ganoong pangalan sa dami ng babae sa mundo. Mali ako sa part na iyon, pero hindi ko rin maintindihan kung bakit may hindi ako maipaliwanag sa kalooban ko. Parang may mali eh. Ipinilig ko na lamang ang ulo ko. Tama na muna ang masyadong pag-iisip. Kailangan ko ng bumalik sa Sahara dahil baka hinihintay na ko nila Lucas, ang sabi ko sa kanila ay babalik din ako kaagad. Lumabas ako ng bahay panuluyan na para bang walang nangyari. Nilagpasan ko ang ilang mga estudyante na nadaanan ko sa terasa ng bahay. Wala na sila Mike doon. Nang makabalik ako sa Sahara ay naroon pa rin sa puntod ni Elisha sila Lucas. Gulat na gulat sila pagkakita sakin. Nakatitig silang lahat sa mukha ko. "Bruno, bakit ganiyan ang mukha mo? Anong nangyari sayo?" tanong sakin ni Trinity. "Oo nga bakit namamaga yung mukha mo? Nakipag-away ka ba?" nagtataka rin na tanong sakin ni Jackie. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanila. Sigurado naman kasi na hindi ako makakalusot kung tatangkain ko pa na magsinungaling sa kanila. "Nagalitr sakin si Mike eh kaya ito sinuntok niya ako sa mukha," sabi ko. "Ano?! Bakit naman siya nagalit sayo? Dahil ba yan sa pagsama-sama mo samin?" usisa ni Jackie. "Gago tala yang Mike na yan ano? Hindi pa nakuntento, lahat yata tayo ay gusto niyang bugbugin eh!" inis na sabi ni Lucas. "Ano ba kasing ginawa mo at sinuntok ka niya? Ang sabi mo samin ay may kukunin ka lang sa bahay panuluyan," ani Trinity. 'Tinanong ko kasi siya kung may kinalaman siya sa pagkamatay ni Mria Lisa," sabi ko dahilan para lahat sila ay magulat. "What?! Bakit naman nadamay si Mike?" tanong ni Jackie. "Oo nga, may alam ka ba na hindi namin alam ha Bruno?" tanong ni Stanley. Napakamot na lang ako sa batok ko. "Naririnig ko kasi dati kay Mike yung pangalang Lisa eh, kaya baka yung Lisa na iyon at si Maria Lisa ay iisa," sagot ko. "What dso you mean? Pinagbibintangan mo ba ang pinsan ko na siya ang pumatay sa anak ng principal? Alam kong gago ang pinsan ko pero hindi niya kayang pumatay," pagtatanggol ni Trinity sa pinsan nito. Naiintindihan ko naman siya, pinsan niya si Mike so natural lang na ganoon ang maging reaksyon niya. "Yeah, baka nga nagkakamali lang ako. I know mali na nambintang ako kaagad," sabi ko na lang para matapos na rin lahat ng katanungan. Hindi naman na nagsalita ang mga ito. Alam kong mali naman talga ang mambintang pero baklt pakiramdam ko ay hindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko? Matagal na kaming magkakaibigan nila Mike pero pakiramdam ko ay hindi ko pa sila lubusang kilala. This is so wrong. Napabuntong-hininga na lang ako at pilit inalis sa isipan ko ang mga nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD