CHAPTER 36

1548 Words
*JACKIE's POV* "Hoy kausapin mo naman ako, ano ba? Bakit ka ba nagkakaganiyan?" Inirapan ko lang si Stanley nang harangan niya ang dinadaanan ko. Para siyang bata na nakikipagpatintero sakin. "Pwede ba Stan, umalis ka nga diyan sa dadaanan ko!" iritang sabi ko sa kaniya. Naiinis pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon at ayaw humupa ng inis sa dibdib ko. Eh paano ba naman kasi, pinagtanggol na naman niya yung Klarissa Barromeo na iyon. Naiinis ako dahil masyado siyang pa-obvious na patay na patay siya sa teacher na yon. "Bakit ka ba sumusunod sakin? Bakit hindi ka na lang nagpaiwan doon sa Klarissa Barromeo na 'yon para kayong dalawa naman ni Mike ang magsuntukan?" sarkastikong sabi ko sa kaniya. Kumamot lang sa ulo si Stanley pero kapagkuwan ay bigla na lamang itong ngumisi. "Iyon ba ang pinagkakaganiyan mo? Hmm, you're jealous?" may halong panunukso ang tanong niyang iyon sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Masyado talagang feeling ang kupal na ito. "Huwag ka ngang feeling diyan!" inis na sabi ko at muling humakbang pero talagang hinaharangan niya ang dadaanan ko. Para kaming naglalaro ng patintero kasi ayaw niya akong padaanin. "Ano ba? Padaanin mo nga ako!" Naiinis na talaga ako sa kaniya kaya tumaas na lalo ang boses ko. "Woah! Galit ka? Wag ka na kasing magalit. Wala ka namang dapat ikagalit eh. Ikaw lang naman gusto ko." Hindi ko narinig ang huling sinabi niya kaya napakunot ang noo ko. "Ha? Anong sabi mo?" "Ang sabi ko hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap. Palagi mo na lang akong inaaway. Hindi ka ba napapagod?" tanong niya sakin at lumungkot ang mukha. "Sino ba kasing nagsabi sa'yo na inaaway kita? Porke't hindi ka lang pinapansin inaaway ka na?" "Oh, bakit nga kasi hindi mo ako pinapansin? Okay naman tayo kanina ah." Bumuga ako ng hangin at tumingin sa ibang direksyon. "Hoy ano ba hindi ba kayo susunod?" sigaw nila Lucas na kanina pa nauunang maglakad samin. Kasama niya si Trinity at Bruno. Wala si Val at Selena, hindi ko alam kung saan nagsuot ang dalawang iyon. "Mauna na kayo may LQ pa kami eh," nakanging sigaw ni Stanley kila Lucas. Ang kapal talaga ng face. Hinila ko ang damit niya. "Anong LQ ang sinasabi mo diyan ha? Masyado ka talagang feeling!" inis na sabi ko. "Bakit ba? Totoo naman eh. Wag ka na kasi magalit sakin," "Hindi nga ako galit. Ang kulit mo naman!" "Hindi? Eh bakit ganiyan ang mukha mo? Saka, parang wala akong kasama kanina pa eh!" reklamo nito sakin. "Eh bakit kasi hindi ka na lang sumama doon kila Lucas? Bakit ba sakin ka sabay ng sabay?" "Ano ka ba Jackie, delikado na ngayon. Hindi natin alam baka nakamasid lang satin ang killer. Ayoko lang mapahamak ka," sabi ni Stanley. Nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng napangiti. Kung ganito siguro lagi ang kumag na ito, siguro hindi kami palaging nagtatalo. "Hmm, nag-aalala ka sakin?" taas ang isang kilay na tanong ko sa kaniya. "Aba oo naman! Ayoko ng mabawasan pa tayo ulit," sagot nito. Ngumiti ako at hinila ang kamay niya. Siya naman ay parang gulat na gulat dahil sa ikinilos ko. "Halika na nga! Sumunod na tayo kila Lucas," sabi ko. Nagtataka pa rin si Stanley dahil sa pagbabago ng mood ko lalo na nang umangkla ang mga braso ko sa braso niya. "Anong nakain mo at nawala yata bigla ang topak mo?" puna niya sakin. Naglalakad na kami pasunod kila Lucas. Mukhang doon pupunta ang mga ito sa kung saan namin inilibing si Elisha kaya sumunod lang kami ni Stanley. "Ayaw mo ba?" tanong ko. "Syempre gusto! Ang pangit kaya ng itsura mo kapag may topak ka. Pwedeng maging sampayan yung nguso mo dahil sa sobrang haba," wika nito sakin. Kinurot ko siya sa braso at narinig ko ang mahinang halakhak niya. Napangiti na rin ako. Mabait naman si Stanley. Iyon nga lang ay normal na talaga samin ang pagtatalo palagi noon. Ewan ko nga ngayon kung bakit tila nagbago ang ihip ng hangin. Hindi na niya ako masyadong inaaway. Nakarating kami sa lugar kung saan namin inilibing si Elisha. Doon kasi nagtungo sila Lucas. Naupo ang mga ito sa puno. "Hi Elisha. We're here!" sabi ni Trinity habang nakatingin sa lupa kung saan ibinaon si Elisha. May nilagay naman na maliliit na bulaklak si Lucas at isinabog nito iyon sa puntod ni Elisha. Kung hindi ako nagkakamali ay malamang na pinitas lang ni Lucas iyon sa garden kanina. "Kayong dalawa, tapos na ang LQ niyo?" biro samin ni Bruno. Mabait ang isang 'to. Malayo sa unang iniisip ko sa kaniya. Akala ko kasi ay masama ang ugali niya at mayabang dahil kila Mike. Hindi kasi namin masyadong ka-close ang mga iyon. Pero nagkamali ako, nararamdaman ko na mabuting tao si Bruno at habang nakakasama namin sya ay unti-unti namin siyang nakikilala. Nagiging komportable na nga rin ako sa kaniya at parang isa na rin siya sa grupo namin. Kumbaga, ay parang matagal na siyang belong samin. "Wala na kaming LQ pare. Kulang lang sa lambing 'tong si Jackie," pagsakay ni Stanley sa biro ni Bruno. Siniko ko sya at kumindat lang siya sakin. Yung puso ko bigla na lang bumilis ang pagtibok. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Kinikilig ako dahil lang sa simpleng kindat na iyon. Gusto kong kurutin ang sarili ko. Ano bang nangyayari sakin? Humakbang na lang ako at nakiupo rin sa nakabuwal na puno. Sumunod naman sakin si Stanley at tumabi sakin habang nakatingin kami sa puntod ni Elisha. "Elisha, pasensya ka na ha? Pasensya ka na kung hindi pa namin kayo nabibigyan ng hustisya, kayong dalawa ni Klint. Pero wag kang mag-alala, hindi naman kami tumitigil sa paghahanap eh, at mas lalong hindi kami mapapagod," sabi ko. Naramdaman ko na hinaplos ni Stanley ang likod ko at hinagod nito iyon. "Wag kang mag-alala Elisha, pinapangako namin na bibigyan namin kayo ng hustisya. Hindi susuko," sabi rin ni Stanley. Tiningnan ko siya at saktong tumingin din siya sakin. Ngumiti ako sa kaniya at ngumiti rin siya sakin. Sumandal ako sa balikat niya at naramdaman kong hinagod niya ang braso ko. Hinayaan niya akong nakasandal sa balikat niya. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ngayon ko lang naramdaman na parang ligtas ako sa kabila ng mga nangyayari. "Kainggit naman 'tong dalawang 'to!" sabi ni Trinity samin kaya napadilat ako. Nakahalukipkip ito habang nakatingin samin ni Stanley. "Eh di sumandal ka din sakin," nakangising biro ni Lucas at tinapik pa ang balikat nito para kay Trinity. "Sige nga Lucas, try ko nga!" pagsakay ni Trinity sa biro ni Lucas at sumandal nga ito sa balikat ni Lucas. Natatawa na lang si Bruno habang napapailing. "Nasaan nga pala sila Val? Kailangan natin siyang makausap tungkol doon sa pagsugod niya kay Ma'am Barromeo," sabi ni Lucas. "Ano kaya ang nangyari kung hindi tayo dumating? Malamang na bugbog sarado na si Val," sabi naman ni Stanley. "Pero bakit nga kaya ginawa ni Val 'yun? Sumugod siyang mag-isa. Parang mayroon siyang ibang iniisip eh," ani Trinity. "Siguro ay naniniwala siya na may kinalaman si Ms. Barromeo doon sa pagkamatay ni Maria Lisa dahil doon sa sinabi ng estudyante na nag-away daw ang mga ito noong huling araw bago namatay si Maria Lisa," sabi ko. Tiningnan ko si Stanley kung magsasalita siya dahil topic na naman si Ms. Barromeo pero nakikinig lang siya. Bigla siyang lumingon sakin. "Ano? Balak mo na naman ipagtanggol?" mataray kong tanong sa kaniya pero umiling lang siya sakin. "Do you think na mayroon ngang kinalaman si Ms. Barromeo? Paano? Saka 'di ba anak ng principal si Maria Lisa, siguro naman ay matatakot si Ms. Barromeo na gawan ng masama si Maria Lisa," sabi ni Trinity. "May punto ka Trinity. Kahit ako kung alam ko na anak ng principal si Maria Lisa, syempre matatakot akong awayin ito," sabi ni Lucas. "Eh nahuli nga daw na nag-aaway 'di ba? So it means hindi natatakot si Ms. Barromeo kasi nakita sila ng ilang estudyante noon," sabi ko. "Baka naman kasi simpleng pagtatalo lang iyon. Baka hindi naman malala, simpleng hindi pagkakaunawaan lang you know," sabi ni Stanley. Sinamaan ko siya ng tingin nang tumingin siya muli sakin. Nagsimula na namang sumabat ang kumag na ito. Akala ko pa naman ay mananahimik na talaga siya. "Bakit pala hindi tayo humingi ng larawan ni Maria Lisa kay Mrs. Lily. Yung mga larawan niya noong nabubuhay pa siya. Bigla tuloy akong naging interesado sa kaniya," sabi ni Lucas. "Ako din eh. Siguro ang ganda-ganda niya talaga? Kasi isipin mo 'yun, naging obsessed yata sa kaniya yung ex niya kung totoo man na ito nga ang gumahasa kay Maris Lisa," sabi ni Trinity. Napansin ko na tahimik si Bruno at tila malalim ang iniisip nito. "Bruno okay ka lang?" puna ko sa kaniya. Tumingin naman siya sakin. "Parang ang lalim naman bigla ng iniisip mo?" sabi ni Lucas. "Ahh w-wala may naalala lang ako, pero nevermind it," sabi ni Bruno at umiling-iling. Hindi na kami nagtanong pa sa kaniya. "Oh ayan na pala sila Selena eh," sabi ni Stanley kaya tumingin kami sa direksyon na tinitingnan niya at doon ay nakita namin si Val at Selena na papalapit samin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD