CHAPTER 35

1551 Words
*Valorous POV* Ang sabi ng estudyante, nakita raw na nagtatalo si Maria Lisa at si Ms. Barromeo noong araw bago naganap ang insidente sa pagkamatay ni Maria Lisa. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Iba ang kutob ko sa mga nalaman ko ngayong araw. Dire-diretso kong tinahak ang daan patungo sa kinaroroonan ng mismong classroom ni Ms. Barromeo. Ang nakapagtataka sa eskwelahang ito eh parang hindi naman kami kolehiyo. Parang pang high-school lang pati ang mga tinuturo ng guro. Pakiramdam ko ay niloko lang kaming lahat noong napadpad kami sa eskwelahang ito dahil dito daw kami naka-enrol. Natanaw ko ang pangatlong classroom kung saan naroon si Ms. Barromeo. Walang tao sa loob at mukhang nag-aayos lang ito ng mga gamit doon. Napalunok ako habang pinagmamasdan ito. May kinalaman ka nga ba sa pagkamatay ni Maria Lisa? Alam kong hindi malakas ang ebidensya laban sa kaniya pero iba talaga ang nararamdaman ko. Mabigat ang pakiramdam ko ngayon habang nakatayo sa labas ng pintuan at nakatitig sa kaniya. Ilang minuto pa ang lumipas bago nito naramdaman na nakatayo ako doon. Gulat na napatingin sakin si Ms. Barromeo at kapagkuwan ay kumunot ang noo nito. "Valorous?" tawag niya sa pangalan ko. Hindi ako nagsalita at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Walang pakundangan na pumasok ako sa loob ng classroom niya at sinipat ang buong paligid. "Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi na kayo pumapasok sa klase ko?" tanong nito sa akin. "Dapat pa ba kaming pumasok sa klase mo kung kalokohan na lang ang lahat ng nangyayari?" balik ko sa kaniya dahilan para magulat siya. "A-anong ibig mong sabihin?" wari ay naguguluhang tanong nito sa kaniya. "Sabihin mo samin kung bakit kami nandito sa lugar na ito? Hindi ito ang dapat na pasukan namin dahil college na kami! Lahat ng tinuturo ninyo dito eh puro pang-highschool lang naman. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan kami dito, at alam kong may alam ka sa mga nangyayari. Ano bang kailangan nyo samin?!" galit na tanong ko sa kaniya. Halatang shocked siya dahil sa mga binitawan kong salita. "H-hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin—" "Pwede ba wag ka ng magmaang-mangan pa?" putol ko sa pagsasalita niya. Huminto ako sa tapat ng chalkboard habang siya naman ay nakatingin pa rin sakin. "Kasabwat ka ba sa mga patayang nangyayari dito?" diretsong tanong ko sa kaniya. Mabilis siyang umiling sa tanong ko at para bang kabadong-kabado siya. "Hindi. Wala akong alam sa mga sinasabi mo," sagot nito sa akin. "Eh 'yung pagkamatay ni Maria Lisa, may kinalaman ka ba?" tanong ko sa kaniya. Nakita kong naging mailap ang mga mata niya. Napaatras siya sa kinauupuan niya at nagbabalak na umiwas sakin. Akmang lalabas ito ng classroom pero mabilis ko itong napigilan sa braso. "Bakit lahat kayo umiiwas kapag ang tanong ay tungkol na sa p*****n?" tanong ko sa kaniya. Ganoon din kasi ang isang guwardiya na nakausap namin noon. Parang takot na takot ang mga ito kaya sigurado akong may alam ang mga ito sa nangyayari. "B-bitawan mo ko. Nasasaktan ako!" tumaas ang boses niya kaya naman tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Unti-unti kong binitawan ang braso niya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na may humila sa damit ko mula sa likod at pagkatapos ay nakatanggap ako ng suntok sa mukha. "Tarantado ka anong ginagawa mo sa kaniya?!" Ang nanlilisik na mga mata ni Mike ang sumalubong sakin. Naabutan niya na hawak-hawak ko ang braso ni Ms. Barromeo. Oo nga pala at nobya nito ang babae. Tiningnan ko lang siya at pinahid ang dugong nalasahan ko sa gilid ng labi ko. "Wala akong ginagawang masama sa nobya mo," sagot ko. "Wala? Eh ano pala yung nakita ko? Hinaharass mo yung nobya ko tapos sasabihin mo na wala kang ginagawang masama? Eh tarantado ka pala eh!" Muli akong inambaan ng suntok ni Mike pero narinig ko ang boses ni Lucas. "Gago ka anong ginagawa mo sa kaibigan namin?!" Hinila ni Lucas ang damit ni Mike at ang dalawang ito naman ang nagsuntukan. Batid kong matagal ng nagtitimpi si Lucas kay Mike dahil sa nangyari sa pagitan ng mga ito at ng ex ni Lucas na si Xyla. Nag-abot na ang dalawa at tuluyan ng nagsuntukan ang mga ito. Walang magawa si Ms. Barromeo kundi ang sumigaw lang. "Ano ba? Tama na!" sigaw ni Ms. Barromeo. Kahit hirap na hirap ako at medyo nahilo sa suntok eh pinilit ko pa rin na pumagitna sa kanila para awatin sila. Ang kaso ay ayaw nilang magpaawat at para bang gigil na gigil ang mga ito sa bawat isa. Hindi ko sila kayang awatin kaya naman noong dumating sina Stanley ay saka lang sila nagpaawat. Nagtulong na kasi si Stanley at si Bruno sa pag-awat kaya wala ng nagawa ang dalawa. "Magpapatayan ba kayong dalawa? Dapat kutsilyo ang hinawakan niyo!" singhal ni Stanley sa dalawa. Hinila ko si Lucas na duguan din ang nguso. Agad naman itong dinaluhan ni Selena para punasan ang labi nito na nagdurugo. "Ano bang nangyayari sa inyo?!" sigaw ni Trinity. "Ang pagsabihan mo ay 'yang kaibigan mo! Hinaharass niya ang nobya ko tapos nakisali yang Lucas na 'yan!" sabi ni Mike samin. Tiningnan nila ako. "Totoo ba Val? Hinaharass mo si Ms. Barromeo?" tanong ni Selena sakin. Halatang gulat na gulat siya. "Hindi ko siya hinaharass. Nagtatanong lang ako sa kaniya," paglilinaw ko. "Oh hindi naman pala hinaharass eh. Mayabang ka talagang gago ka, matagal na kong nanggigigil sayo!" ani Lucas at akmang susugod na naman ito kay Mike pero mabilis itong hinila ni Stanley. "Oh awat na bro!" sabi ni Stanley. "Ang sabihin mo insecure ka lang dahil pinagpalit ka ni Xyla sakin!" nang-aasar na sabi ni Mike. "Ano ba tumigil ka na nga! Para kayong mga bata!" sermon ni Trinity sa pinsan nitong si Mike. Umiling-iling lang si Trinity. Ako naman ang sumunod na binalingan ni Selena at ginamot ang pumutok kong labi. Pinunasan nito ang dugong kumalat sa bibig ko. "Aw..." daing ko habang dinadampian niya ang labi ko. "Sorry. Ikaw naman kasi bakit ka nakipag-away?!" may halong panenermon na sabi niya sakin. "Hindi ako ang nakipag-away. Siya ang nanuntok sakin," pangangatwiran ko. "Pinagtanggol lang ako ni Lucas," dagdag ko pa. "Umalis na kayo sa classroom ko. Alis na!" pagtataboy samin ni Ms. Barromeo. "Hoy hindi mo kami kailangang itaboy dahil aalis na kami!" galit na sabi ni Jackie kay Ms. Barromeo. Nakita kong siniko ito ni Stanley. "Ano? Ipagtatanggol mo na naman ang teacher na 'yan? Kung matinong guro 'yan, hindi niya dapat inaway si Xyla at mas lalong hindi sya pumapatol sa estudyante niya!" "Wala kang alam! Hindi mo alam ang sinasabi mo!" Muling uminit ang tensyon dahil nagkasagutan na si Jackie at Ms. Barromeo. "Ah talaga? Feeling mo kasi ang ganda-ganda mo eh ang maputi ka lang naman saka nadadala ka lang ng makapal na make up mo. Mukha kang clown!" sabi ni Jackie kaya lahat kami ay shocked sa kaniya. Bigla siyang nag-walk out palabas ng classroom ni Ms. Barromeo. "Tara na nga, umalis na tayo dito!" sabi din ni Trinity. Umalis na kaming lahat sa classroom na iyon bago pa magkagulo ulit. Nahuli kaming lumabas ni Selena at sa huling sandali ay nilingon ko ulit si Ms. Barromeo pero masama lang ang tingin na ipinukol niya sa akin. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kaniya. Habang naglalakad kami palabas ay pasulyap-sulyap sakin si Selena. "Anong naisipan mo at sumugod ka kay Ms. Barromeo? Dahil ba ito sa nabalitaan natin tungkol kay Maria Lisa?" tanong niya sakin. Tumango ako sa kaniya dahil iyon naman talaga ang totoo. "Tama ka," tipid na sabi ko. Tirik ang araw kaya nagpahinga muna kami sa paragola. "Iba ang kutob ko sa kaniya. Pakiramdam ko may kinalaman siya sa pagkamatay ni Maria Lisa," sabi ko. "Pero wala naman tayong ebidensya na makapagsasabing totoo ang kutob mo. Mahirap mambintang Val," nag-aalalang sabi sakin ni Selena. Naiintindihan ko naman siya at tama siya. Mahirap nga magbintang ng walang malinaw na pruweba. Ewan ko ba kasi kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Wag mo na lang akong intindihin," sabi ko sa kaniya. Hindi siya kumibo at tumanaw siya sa kawalan. Humiwalay samin sila Jackie at hindi ko alam kung saan na nagtungo ang mga ito. Kaming dalawa lang ni Selena dito sa paragola. Pinagmasdan ko ang mukha niya habang abala ang mga mata nito sa pagtingin mula sa malayo. Tinatangay ng hangin ang buhok nito. Parang biglang may humaplos sa puso ko habang nakatingin ako sa maamong mukha niya. Weird, kasi ang bigat na ng nangyayari pero isang tingin ko lang sa mukha niya pakiramdam ay biglang gumaan ang lahat. Dahan-dahan siyang lumingon sakin. Halatang nagulat siya dahil nahuli niya akong pinagmamasdan siya. "Bakit?" kunot anong noong tanong niya. Napaiwas naman ako ng tingin. "W-wala," medyo utal kong sabi. Kita kong kumunot ang noo niya pero hindi na siya nagsalita at muling bumaling ng tingin sa kawalan. Muli ko siyang pinagmasdan. Hindi ko na yata kaya pang mawala ang kagandang nakikita ko ngayon kaya gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang Selena. Iyon ang bulong ko sa isip bago ko inalis ang tingin sa maamong mukha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD