CHAPTER 34

1855 Words
*JACKIE's POV* "Hoy bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang nalugi ah?" puna ko kay Stanley habang naglalakad kami. Nandito na kami sa Sahara. Hindi maipinta ang mukha ni Stanley at parang kunsumido ito. "Alam mo naiinis na talaga ko dun sa mayabang na Jerron na yun eh. Parehas sila ng pinsan ni Trinity, mga mayayabang!" galit na wika ni Stanley kaya ako naman ang napakunot-noo dahil sa sinabi niya. Bakit ba ang init ng ulo nito? Wala naman ginagawa sila Mike sa amin. "Bakit ang init naman yata ng ulo mo sa kanila? Hindi naman nila tayo pinakikielaman ah?" nagtatakang sabi ko. Huminto si Stanley sa paglalakad at hinila niya ang kamay ko dahilan para mapahinto rin ako sa paglakad. Gulat akong napatingin sa kaniya at sa kamay kong hawak-hawak niya. "Hindi nga nila tayo pinakikiealaman, pero si Jerron, iba ang paraan ng pagsulyap niya sayo," sabi ni Stanley. "A-ano? Paanong iba?" tanong ko dahil hindi ko makuha kung ano ang ibig niyang sabihin. "May gusto siya sayo!" Bumuga ito ng hangin at para bang inis na inis ito. Ako naman ay nakakunot pa rin ang noo habang nakatingin sa kaniya. "Kung may gusto siya sa akin? Ano namang pinagkakaganiyan mo? May problema ka ba doon?" "Oo!" Nagulat ako dahil sa sinagot ni Stanley kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Titig na titig siya sakin ngayon at para akong matutunaw sa paraan ng pagtingin niya. "A-anong ibig mong sabihin na oo?" paglilinaw ko. Ilang sandali na naghagilap ng sasabihin si Stanley at pagkatapos ay parang naubos ang pasensya nito. "Nevermind. Halika na nga!" sabi nito at muli kaming naglakad. Nagpatiuna na siya kaya sumusunod na lang ako sa kaniya ngayon. Natanaw namin sila Lucas na papunta sa ibaba ng Belmonte Hall kung saan marami rin classroom. Nasalubong pa namin si Ms. Cortez kaya naman nagulat pa kami sa kaniya. Sinisipat niya kami ng tingin at napahinto sya sa paglalakad. "Section sampaguita kayo hindi ba?" tanong nito samin ni Stanley. "Wala na ho kaming balak mag-aral," walang preno na sagot ni Stanley. Nagulat naman si Ms. Cortez dahil sa sinagot ni Stanley. "Alam niyo ba ang patakaran sa paaralang ito?" tanong pa ni Ms. Cortez, nakakatakot ang paraan ng pagtatanong niya pati na rin ang pagmamasid niya sa amin ni Stanley. "f**k that rules! Mas mahalaga pa ba ang lintek na 'yan kaysa sa buhay ng bawat isa sa amin?" Tumaas ang tono ng pananalita ni Stanley kaya halatang nagulat si Ms. Cortez. Ako rin ay nagulat dahil sa inasal ni Stanley sa guro namin. "Well goodluck," sabi ni Ms. Cortez at ngumisi sa amin. Nagbigay ng kakaibang kilabot sa balat ko ang ngisi niyang iyon. Napakapit ako sa braso ni Stanley at naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko nang lumagpas na si Ms. Cortez sa amin. Isang beses pa kaming nilingon ni Ms. Cortez bago ito tuluyang naglakad palayo. "Nakakatakot naman siya," bulong ko kay Stanley. "Wag kang matakot. Kasama mo naman ako," sabi niya sakin. Nagbigay ng kakaibang pakiramdama ang sagot na iyon sakin ni Stanley. Pakiramdam ko ay safe ako kasi nasa tabi ko siya. Tiningnan ko sya sa mukha. Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa malayo. Tinitingnan niya sila Val sa malayuan. Dahil doon ay nagawa kong pagmasdan ang mukha ni Stanley. Mestizo si Stanley dahil may lahi itong half-british. Gwapo siya. Ngayon ko lang naramdaman na hindi kami masyadong nag-aaway. Siguro ay dahil masyado ng seryoso ang mga nangyayari. Dati-dati ay palagi kaming hindi magkasundo ni Stanley. Palagi kaming nagtatalo kahit sa maliliit na bagay lang pero ngayon ay madalang ng mangyari ang ganoon. Naramdaman ko na nag-aalala siya sakin at mas naging malapit kami sa isa't isa. Napakurap ako nang dahan-dahan siyang lumingon sa akin at nagtama ang mga mata namin. Pakiramdam ko ay tumigil ang paligid. Umangat ang isang sulok ng labi ni Stanley habang nakatitig sa mukha ko. Bahagyang nag-init ang pisngi ko dahil doon. "Mukhang nag-eenjoy ka sa view," tudyo niya kaya naman agad akong kumalas sa pagkakahawak ko sa braso niya at bahagyang lumayo sa kaniya. Masyado na pala akong nakadikit sa kaniya. "H-hindi ha!" nahihiyang sabi ko. Shit! Bakit ba ako kinakabahan? Mabilis ang pagpintig ng puso ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit. Ngumisi si Stanley. "Okay lang naman kahit maghapon mo pang pagsawaan na tingnan ang mukha ko," mayabang nitong sabi. Hinampas ko ang braso niya. "Ang kapal mo ha!" "Bakit? Hindi ka ba nagugwapuhan sakin?" Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Umiral na naman ang pagiging mayabang nitong si Stanley. Akala ko pa naman kanina ay hindi kami magbubwisitan ngayon pero mukhang mali ako. "Puntahan na nga natin sila Val," pag-iiba ko ng usapan at nagpatiuna na akong maglakad sa kaniya. "Hey, wait!" habol niya sakin kaya lumingon ako sa kaniya. "Bakit?" "Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko," ngumiti ito. Napapikit na lang ako at bumuntong-hininga dahil sa kakulitan niya. "Hay! Bahala ka nga diyan!" sabi ko at nagmartsa na ako palayo. Naramdaman ko na sinundan niya ako dahil rinig ko ang mga yabag ng pagtakbo niya habang naglalakad kami sa hallway. Sinundan na namin sila Val. Tanaw pa rin namin sila habang nakahinto sila sa isang classroom. Mukhang nagtatanong-tanong sila sa ilang mga estudyante roon. Pagdating namin sa kinaroroonan nila ay nagsasalita na ang isang estudyante na kausap ni Val at Lucas. "So dati niyong kaklase si Harold Corpuz?" tanong ni Lucas sa lalaking estudyante. Tumango ang estudyante. Nakita kong may hawak na papel at ballpen si Lucas. "Ilang buwan na ba buhat noong huli siyang mamataan dito sa Sahara?" tanong naman ni Val. "Simula po noong mangyari ang insidente sa pagkamatay ng anak ng principal na si Maria Lisa, nawala na ho si Harold. Marami ang nagsasabi na patay na ito," sagot ng estudyante dahilan para mabigla kami. Patay na si Harold? Pero paano nangyari iyon? Si Lucas ay halatang nagulat din dahil namilog ang mga mata nito at halatang hindi nito inaasahan na ganoon ang malalaman nito. Kahit kami ay nagulat din. "Sigurado ba kayo na patay na si Harold? Pero anong kinamatay niya?" tanong ni Lucas. May isang lalaki pa ang lumabas ng classroom at sumagot sa tanong ni Lucas. "Nagpakamatay siya dahil sa depression ng pang-iiwan sa kaniya ni Maria Lisa," sabi ng bagong labas na lalaki. Tumingin naman dito ang isang lalaki na unang kausap nila Lucas. "Anong sinasabi mo diyan? Pinatay din daw ng killer iyong si Harold," pagtutol ng lalaki sa sinabi ng kasama nito. Naguluhan si Lucas dahil sa sinabi ng mga ito. "Teka, ano ba talaga?" naguguluhang tanong nito. "Ang totoo ay hindi rin talaga namin alam kung ano ang tunay na kinamatay ni Harold, pero ang sabi ng iba ay nagpakamatay daw ito. Habang ang sinasabi naman ng iba eh pinatay ito ng killer," "Pero sigurado kayo na patay na si Harold?" paniniguro ni Lucas. "Marami ang nagsasabi na nakita nilang hinihila ng isa sa gwardiya ang bangkay ni Harold noon. Ang hindi maipaliwanag ay kung nagpakamatay nga ba ito o pinatay," Nagkatinginan kami ni Stanley. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang nag-angatan ang mga balahibo ko. "So paano 'yan? Patay na pala si Harold eh, wala na tayong mapapala sa kaniya," sabi ni Stanley. "Oo nga, mukhang mahihirapan tayo na malaman ang kaso ng pagkamatay ni Lisa," sabi ni Lucas. "Tungkol sa kaso ni Maria Lisa, marami ang nagsasabi na hindi si Harold ang pumatay at gumahasa sa kaniya," biglang sabi ng isang estudyante. Natigilan kaming lahat dahil sa sinabi niya. Kababanaagan ng takot ang mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. "What do you mean?" tanong ko. "Si Ms. Barromeo. May nakakita daw kay Ms. Barromeo na kasama nito si Lisa bago namatay si Lisa. Parang nagatatalo raw ang mga ito," sabi ng estudyante. Lahat kami ay nakakunot noo habang nakikinig sa sinasabi niya. Hindi kasi namin maunawaan ang punto niya. Ginahasa at pinatay si Maria Lisa, anong kinalaman ni Ms. Barromeo doon? Mukhang hindi naman ito konektado sa pagkamatay ni Lisa. "Ano namang kinalaman ni Ma'am Barromeo?" singit ni Stanley. Napairap na lang ako sa hangin. Halatang interesado ito basta usapan tungkol kay Ma'am. Nagkibit-balikat ang estudyante. "Sabi nila baka daw si Ms. Barromeo ang pumatay kay Lisa," "What?! That's impossible! Ginahasa at pinatay si Lisa, so paanong nasangkot ang pangalan ni Ms. Barromeo sa krimen? Alangan naman na gahasain niya ang kapwa niya babae?" iiling-iling na sabi ni Stanley. Halatang nabad-trip ito. "Nagsasayang lang tayo ng oras dito. Tayo na nga!" inis na sabi ni Stanley. Nagulat naman ang dalawang estudyante at yumuko na lamang ang mga ito. Narinig kong humingi ng pasensya si Lucas dahil sa inasal ni Stanley. Naglakad na rin kaming lahat at sumunod sa papalayong si Stanley. Nang makahabol kami sa kaniya ay kinausap siya nila Lucas. "Hey easy ka lang!" ani Lucas dito. "Anong easy? Pinaglululuko lang tayo ng mga gagong iyon eh! Ikaw naniniwala ka ba sa sinasabi nila tungkol kay Ms. Barromeo?" tanong ni Stanley kay Lucas. Umiling naman si Stanley. "Malabo nga ang bagay na iyon si Stanley. Hindi rin naman ako makapaniwala," sabi ni Lucas.. "Pero bakit sila nagtatalo ni Maria Lisa?" bigla ay sabi ni Val. Tahimik lang ito at tila malalim ang iniisip. Lahat kami ay napatingin sa kaniya. "Don't tell me naniniwala ka sa mga gunggong na iyon ha Valorous?" inis na sabi ni Stanley. "Ang sabi nung dalawamg estudyante ay nagatatalo daw si Maria Lisa at Ms. Barromeo noong araw bago namatay si Lisa. Anong posibleng dahilan?" tanong ni Val. "Baka naman away babae lang," sabi ni Stanley. Halatang kanina pa nito inililihis si Ma'am Barromeo sa mga pinaghihinalaan. Hindi kumibo si Val. Ilang sandali pa ay natanaw na namin sila Selena, palapit na sila ni Trinity sa pwesto namin. "Ano may nakalap ba kayong impormasyon tungkol kay Harold?" tanong samin nila Trinity nang makalapit na sila samin. "Patay na daw si Harold eh," si Lucas ang sumagot. "Iyan din ang sagot ng mga napagtanungan namin. So paano na yan ngayon?" sabi ni Trinity. "Pero binabanggit nila ang pangalan ni Ms. Barromeo sa pagkamatay ni Lisa," singit ni Selena. Muling umasim ang mukha ni Stanley. "What? Pati ikaw Selena naniniwala ka din doon?" ani Stanley. "Hindi. Parang imposible naman kasi iyon, pero ewan ko kung bakit biglang nadadawit ang pangalan niya sa kaso ni Maria Lisa," sabi ni Selena. "Eh kasi nga nagtatalo daw ang dalawa noong araw na iyon, pero hindi naman sapat na dahilan iyon para pagbintangan si Ma'am. Hindi talaga ako naniniwala na may kinalaman siya," sabi ni Stanley. Napabuga na lang ako ng hangin. Kanina pa kasi niya pinagtatanggol si Ma'am Barromeo at naririndi na ako sa kaniya. "Anong susunod na plano natin?" tanong ko sa kanila. Nagulat kami nang bigla na lang humakbang palayo ang tahimik na si Val. Tuloy-tuloy siyang umalis nang hindi man lang lumilingon samin. Tinawag namin siya pero hindi siya lumingon kaya lahat kami ay nagtaka at nagkatinginan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD