*Jerron's POV*
Gulat na gulat kami ni Mike nang makita namin ang bangkay ni Erika na nakahandusay sa sahig. Halos manginig ang buo naming pagkatao dahil hindi namin inaaasahan na maaabutan namin ito sa ganitong sitwasyon.
Patay na si Erika. Wakwak ang leeg nito.
Hindi ko magawang titigan ng matagal ang bangkay nito. Kausap lang namin siya kanina. May binalikan lang kami ni Mike dito sa bahay panuluyan kaya bumalik kami para kuhanin ang ilang gamit na naiwan namin. Balak na talaga naming umalis sa paaralang ito. Sa isang iglap lang ay mawawala na pala si Erika. Ganoon lang talaga kadali kay Mrs. Lily ang pumatay ng buhay ng tao.
"Kausap lang natin siya kanina," sabi ko kay Mike. Nakatitig lang din ito sa bangkay. Mukhang hindi na ito nabigla roon. Nasasanay na lang kami na bawat araw ay may namamatay sa lugar na ito. Hanggang kailan ba mangyayari ang lahat ng ito? Tila wala ng katapusan ang lahat ng kasamaang nangyayari.
"Wala ng bago doon," naiiling na sabi ni Mike sa akin. Tama nga ako. Parang hindi na siya nagugulat o nabibigla sa mga nangyayari. Araw-araw ba naman na may p*****n at halos nagbubuwis ng buhay, siguro nga ay nasanay na ito sa ganoon.
Nang makuha namin ang gamit na binalikan namin sa bahay panuluyan ay agad din naming nilisan ang lugar. Madilim ang dinadaanan namin paalis ng bahay panuluyan. Bahala na kung saan kami dalhin ng mga paa namin. Ang mahalaga ay tuluyan na kaming makaalis sa bahay na iyon na pag-aari ni Mrs. Lily.
Iilan na lang ang naiwan sa bahay na iyon dahil sila Lucas ay umalis na. Hindi namin alam kung saan sila nagtago.
"Saan kayo pupunta?"
Nagulat kami nang bigla naming masalubong ang nag-iisang guard ng school. Ito na lang ang natira dahil namatay na ang isang kasama nito.
"Anong pakialam mo? Tumabi ka nga sa dinadaanan ko," suplado na sagot ni Mike sa guard. Agad kong hinawakan ang balikat nito para awatin. Ayoko namang gumawa na naman ito ng away. Mas dapat naming pagtuunan ng pansin ang pag-alis sa bahay.
"Tatakas kayo?"
Ngumisi samin ang guard habang sinisipat niya ang mga bag na bitbit namin. Naglalaman ito ng mga gamit namin.
Paano nito nalaman na tatakas kami? Masyado bang obvious?
"Eh ano naman sayo?" ani Mike sa guard.
"Kung ako sa inyo wag niyo ng tangkain anv tumakas. Wala naman kayong ibang pupuntahan
eh, nagsasayang lang kayo ng panahon! Tsk tsk!" iiling-iling na sabi nito sa amin. Nababasa kong naiinis na si Mike pero pinipigilan lamang nito ang sarili. Kung bakit na naman kasi nasalubong pa namin ang guard na ito eh! Kung inaatake ka nga naman ng kamalasan. May naipit na baril sa tiyan ng guard kaya hindi kami dapat makipag-away dito. Baka mamaya ay bigla na lang kami nitong paputukan. Ang kaso ay masyadong mainitin ang ulo ni Mike ngayon.
"Kasabwat kayo dito?" tanong ko sa guard.
Tumingin lang siya sakin. Nakakatakot at tila ba delikado ang tinging iyon ng mga mata niya. Para bang may pagbabanta doon.
"Bahala kayo kung tatakas kayo. Pero sinisigurado ko na kapag nahuli niya kayo ay hindi na niya kayo hahayaan pang mabuhay," nakangising sabi ng guard. Ang sarap lang nitong sapakin pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko ng malawak na pang-unawa at mahabang pasensiya.
"Tumabi ka na lang sa dinadaanan namin," sabi ni Mike sa guard at hinawi ito.
Nagulat na lang ako nang biglaang tutukan ng baril ni Manong guard si Mike. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon.
"Oh, killer ka rin?" tila hindi man lang natatakot si Mike at parang wala lang dito ang baril na nakatutok mula sa ulo nito. Samantalang ako naman ay kinakabahan na at nanginginig ang mga tuhod. Paano na lang kung biglang iputok ni Manong ang baril niya? Pambihira itong si Mike mukhang hinahamon pa ang guwardiya.
Humarang ako sa kanila at nagbigay ng pekeng ngiti sa guard.
"Ah, boss wag naman ganyan. Pagpasensiyahan mo na si Mike mainit lang ang ulo niyan dahil namatayan siya ng nobya. Ibaba mo na yan boss," pang-uuto ko sa guwardiya. Nagbigay lang ito ng nagbabantang tingin at pagkatapos ay iiling-iling na ibinaba nito ang baril. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
"Masyadong mayabang ang kasama mo. Next time, pagsabihan mo siya kung ayaw niyang mapadali ang buhay niya!" galit na sabi ng guard sakin. Ngumiti lang ako at tumango.
"O-oho, pasensiya na po kayo. Pagsasabihan ko na lang ang kaibigan ko," sabi ko sa guard. Hinila ko agad si Mike at mabilis na inilayo sa gwardiyang iyon bago pa niya kami tuluyang pag-initan.
"Ano bang ginagawa mo Mike? Gusto mo na bang mamatay? Kung magsalita ka ay parang hinahamon mo pa yung guard. Hindi mo ba nakita na may baril siya?" sermon ko kay Mike. Napailing lang siya at bumuntong-hininga.
"Tss! Hindi niya kayang iputok iyon. Puro porma lang ang isang iyon," sabi pa ni Mike sakin. Mukhang hindi man lang natatakot ang isang to. Ano bang nangyayari sa kanya?
"Ano? Paano ka nakakasiguro. Mag-iingat ka nga Mike. Tandaan mo tayong dalawa na lang ang magkakampi dito!" sabi ko sa kaniya. Wala na si Hunt. Wala na rin si Bruno. Pinanindigan na talaga nito ang paglayo samin at mukhang mas naging kampante na siyang kasama ang grupo nila Lucas.
"Oo tayo na lang dalawa dahil walang kwenta yung isa," asar na sagot ni Mike sakin. Alam ko naman na si Bruno ang tinutukoy niya. Naiintindihan ko kung bakit ganito na lang kasama ang loob niya kay Bruno.
"Kaya natin to basta ititikom mo lang yung bibig mo at ipapangako mo na hindi ka magsasalita kahit anong mangyari!" ani Mike sakin. Napatingin ako sa likuran namin. Malayo na kami doon sa gwardiya kaya hindi na nito maririnig kung ano man ang pinag-uusapan namin ni Mike.
"Hindi ako magsasalita," sagot ko kahit ang totoo ay ilang beses na akong binabagabag ng kunsensiya ko. Gusto ko pang mabuhay. Sa oras na malaman ni Mrs. Lily na kami ang gumahasa sa anak niya tiyak na kami ang unang-unang pag iinitan niya at hindi niya kami titigilan hangga't hindi niya kami napapatay.
Napadaan kami sa classroom namin at nakita naming nagkakagulo doon.
Nakita namin si Ms. Cortez habang nakayuko sa isang estudyante na nakahandusay sa sahig.
Sumilip kami ni Mike sa bintana.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na may patay na naman.
Ang kaklase naming si Jean.
Anong nangyari sa kaniya?
"Si Jean yun ah!" sabi ko. Napatingin samin si Ms. Cortez nang marinig niya ang tinig namin. Agad niyang pinunasan ang luha niya.
Umiiyak si Ms. Cortez?
Bigla akong nagtaka sa kaniya dahil parang apektadong apektado siya sa pagkamatay ni Jean. Hindi naman na bago ang mga p*****n at kung tutuusin ay sobrang dami na ang namatay dito pero ngayon ko lang yata nakita na ganito si Ms. Cortez. Parang ang lungkot lungkot niya.
Lumapit siya samin habang nakasilip kami ni Mike sa bintana.
"Jerron at Mike, bakit hindi na kayo pumapasok sa klase ko?" tanong nito samin. Napatingin ako kay Mike mula sa gilid ko.
"Bakit? Para makinig sa mga kalokohan niyong mga guro?" sabi ni Mike at tumawa ito ng pagak.
"Mga baliw na kayo!" ani Mike at sinigawan si Ms. Cortez. Agad ko naman siyang inawat.
"Tama na Mike," pigil ko sa kaniya.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Mike. Umattend kayo ng klase ko kung ayaw niyong may mangyari sa inyong masama. Natitiyak kong iniisa-isa na niya kayong hanapin!" sabi ni Ms. Cortez sa amin.
"Hindi ako natatakot kay Mrs. Lily. Wala akong kasalanan sa kaniya," sabi ni Mike at tumingin sakin. Napaiwas ako ng tingin dahil doon. Walang kasalanan?
Wala nga ba?
Hindi na lang ako nagsalita. Wala naman kaming choice kundi pagtakpan ang sarili namin.
"Hindi kami papasok sa klase mo. Aalis na kami," sabi ni Mike at hinila ang kamay ko. Tinawag ni Ms. Cortez ang pangalan namin. Ako lang ang lumingon at hindi na si Mike.
Nakita ko muli ang malungkot na mukha ni Ms. Cortez habang iiling-iling na hinabol na lamang kami ng tingin.
"Ano ka ba Jerron wag ka na ngang lumingon sa hibang na iyon!" ani Mike sa akin. Sumunod na lang ako sa sinabi niya at tuluyan na kaming naglakad palayo. Kailangan naming makaalis sa lugar na ito at maghahanap pa kami ni Mike nang pwede naming pagtaguan.