CHAPTER 60

1315 Words
*KILLER's POV* Gabi na naman. Nanginginig na naman ang kamay ko para kumitil ng buhay. Ayoko ng tumigil sa pagpatay. Hangga't hindi ko sila nauubos ay hindi ko sila lulubayan. Wala ng tao sa bahay panuluyan liban sa dalawang estudyante na tila gulong-gulo pa rin sa mga nangyayari. Kawawang mga mangmang. Wala pa ring alam ang mga ito tungkol sa p*****n at kung sino ako. Napangisi ako. Mautak ang grupo nila Lucas pero hindi ako papayag na maisahan nila ako. Kung sa akala nila ay makakapagtago sila sa akin at makakaalis sa lugar na ito ay nagkakamali sila! Hinding-hindi mangyayari iyon! Nasa dulo na ako ng tagumpay. Kapag naubos ko ang lahat ng tao dito ay saka lang ako mapapanatag. Tiningnan ko ang larawan ni Maria Lisa mula sa isang malaking picture frame na nakapatong sa lamesa ko. "Malapit na nating makamit ang hustisya anak ko," Napangisi ako at tumango habang kinakausap ang anak ko. Alam kong naririnig niya ako ngayon. Alam kong nasa tabi ko lang siya. Biglang may gumawa ng ingay sa gawing bintana ng opisina ko kaya naman agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko. Sino kayo? Iyon ang tanong ko kaagad sa isipan ko. Dahan-dahan lamang ang mga hakbang no habang naglalakad patungo sa bintana. Tila may mga kaluskos akong narinig. Napangisi ako sa aking sarili. Mukhang may nagmamatyag sa mga kilos ko. Sige lang, pagbutihan niyo lang mga bata. Binuksan ko ang bintana at sumilip doon. Walang tao. Nawala rin kaagad ang mga kaluskos. Pero ramdam ko na nasa paligid lang ang gumawa ng ingay. Kung sino ka man ay tibayan mo ang loob mo dahil sa oras na mahuli kita ay gugutay-gutayin ko lahat ng laman mo! Lumabas ako ng opisina ko at muling pinasadahan ng tingin ang paligid. "Alam kong nasa tabi-tabi ka lang. Anong pinaplano mo sakin? Akala mo ba ay maiisahan mo ako? Humanda ka!" wika ko. Hinalugad ko ang buong paligid sa labas ng opisina ko at napangiti ako ng mala-demonyo nang makita ko sa isang sulok si Valorous. Nagtatago ito sa malagong mga halaman. Nag-iisa lang ito at walang kasama. Tinutukan ko ng kutsilyo ang gilid ng leeg niya. "Anong ginagawa mo ha?" tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya ako. Matapang ang batang ito. Wala akong nababasang takot sa mga mata niya bagkus ay punong-puno iyon ng determinasyon at lakas ng loob. Ganito ang gusto kong pinapatay. "Tumayo ka at lumakad!" utos ko sa kaniya habang hawak-hawak ko pa rin ang kutsilyo. Napatayo ito sa kinauupuan nito at walang sabi-sabing sumunod sa akin. "Saan mo ako dadalin?" tanong niya habang naglalakad. Nakatutok sa kaniya ang kutsilyo ko at isang maling galaw lang niya ay papatayin ko na siya. Pero sa ngayon ay balak ko muna siyang paglaruan. "Basta lumakad ka!" sabi ko sa kanya kaya hindi ito tumigil sa paglalakad. Dito kami dumaan sa isang sikretong daan upang makarating sa bodega kung nasaan naroon ang iba pang mga bihag ko. Tinangkang tumakas ng tatlong bihag ko noon mabuti na lamang at agad ko silang naabutan. Hindi sila makakalusot sa akin. Papatayin ko rin sila ngunit sa ngayon ay hindi pa pwede. Kailangan ko pa silang gamitin. "I-ibang daan 'to..." rinig kong bulong ni Valorous. Tila ba ang sarili lang nito ang kausap nito. "Ibang daan nga patungo sa bodega. Pero dahil bobo kayo ay nagpapakahirap pa kayong dumaan doon sa matayog na pader na may hagdanan," sabi ko. Nilingon ako ni Valorous at masama ang tingin niya sa akin. Nginisihan ko lang siya. Ilang minuto rin kaming naglakad bago kami nakarating sa bodega. Dinala ko siya sa itaas kung saan nakakulong ang tatlo ko pang bihag. "Bakit mo ginagawa ito Mrs. Lily? Wala kaming kasalanan sayo! Palayain mo na kami!" ani Val sakin. Humalakhak lamang ako ng natawa bago siya tinulak kasama ng mga bihag sa isang silid. Tinalian ko ang mga kamay at paa niya katulad ng mga bihag na kasama niya saka ako lumabas ng kwartong iyon. Kinandado kong mabuti ang pintuan upang masiguro na hindi sila makakatakas. ——— *Selena's POV* "Nahuli ni Mrs. Lily si Val!" hinihingal na sabi ni Bruno habang nandito kami sa gilid ng isang malaking puno sa likod ng clinic. Hindi masyadong napupuntahan ang lugar na ito dahil matagal ng sarado ang clinic. Dito namin naisipang magtago. Iyon nga lang ay matataas na ang mga damo. Binunot lamang ni Bruno at Lucas ang iba kanina. "Ano? Bakit?" Bigla akong nag-alala nang tuluyang mag-sink-in sa utak ko yung sinabi ni Bruno. Nahuli si Val? Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala para kay Val. Kanina pa namin siya pinipigilan na wag ng tingnan si Mrs. Lily sa opisina nito pero hindi ito nagpapigil. May pinaplano daw kasi siya. Iyon ang sinabi niya sa amin. "Paano na yan ngayon? Nabawasan na naman tayo! Baka patayin na rin siya ni Mrs. Lily!" histerikal na sabi ni Jackie. Lumingon ako sa kaniya at kitang-kita ko ang kaba sa mga mata niya. Punong-puno iyon ng takot. "Wag kang mag-isip ng ganiyan Jackie. Makakaligtas si Valorous!" sabi ni Trinity at pilit nitong pinakalma ang kinakabahang si Jackie. Kahit ako ay nababalot ng kaba ngayon. Diyos ko! Sana naman ay walang mangyaring masama kay Valorous! "Ang tigas kasi ng ulo ng isang yon! Sinabi na ngang magpalamig muna tayo ngayon tapos hayan! Nagpumilit pa rin siya. Paano na lang kapag nabawasan pa tayo? Tsk!" nag-aalalang sabi ni Lucas. Nakita kong tinapik ni Xyla ang balikat nito. "Kumalma ka Lucas. Makakaligtas si Valorous," ani Xyla dito. Iyon na lang din ang pilit kong sinasabi sa utak ko, na makakaligtas si Val sa kamay ni Mrs. Lily. Kung ano man ang binabalak niya ay alam kong para sa kaligtasan namin iyong lahat. Wala na si Stanley. Hindi sasayangin ni Val ang pagbubuwis nito ng buhay. Alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan para makaligtas kaming lahat. Dahil sa isiping iyon at nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Matagal-tagal ko na ring nakasama si Val at aaminin kong may espesyal na siyang puwang sa puso ko. Masyado ng napalapit ang loob ko sa kaniya at humahanga ako sa angking tapang at talino niya. Kahit na madalas ay misteryoso siya at tahimik lang, mas lalo lang niya akong napapahanga. "Saan kaya dadalhin ni Mrs. Lily si Val? Nakita mo ba ha Bruno?" tanong ni Trinity kay Bruno. Si Bruno ang sumunod kay Val kanina dahil gusto nitong pigilan si Val. Ang kaso ay wala rin itong nagawa sa kagustuhan ni Val na mapuntahan si Mrs. Lily sa opisina nito. "Hindi ko alam eh," sagot ni Bruno. "Hindi kaya sa bodega?" tanong ko sa kanila. Iyon agad ang unang pumasok sa isipan ko. "Baka nga sa bodega niya rin dadalhin si Val kasama ang iba pang mga bihag niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natin nakakausap ang mga bihag niya kung sino ang mga iyon," sabi ni Lucas. "Paubos na tayo ng paubos. Maging ang ilang mga estudyante rito ay mabibilang na lang. Tila hindi talaga titigil si Mrs. Lily hangga't hindi niya napapatay ang lahat," ani Trinity. "Kung hindi lang siguro namatay ang anak niya, baka hindi siya nagkaganito. Pakiramdam ko ay epekto ito ng pagkamatay ng anak niya kaya siya nagkaganoon. Hindi iyon nabigyan ng hustisya hindi ba? Baka nabaliw na si Mrs. Lily kaya puro pagpatay na lang ang ginagawa niya. Wala na siya sa tamang pag-iisip," sabi ni Jackie. "Tama ka Jackie. Hindi ito gawain ng taong buo ang pag-iisip. Ang tanong lang ay kung paano natin siya mapipigilan? Baka may magagawa pa tayo," sabi ko sa kanila. "Makakatulong sa atin kung mahahanap natin ang tunay na pumatay sa anak niya, sa ganoong paraan ay baka hindi na niya tayo idamay. Baka masugpo pa natin ang mga nangyayari," sabi ni Lucas. Napatango ako dahil sa sinabi niya. Tama si Lucas. Malaking bagay kapag nalaman namin kung sino ang tunay na pumatay kay Maria Lisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD