CHAPTER 21

1313 Words
LUCAS POV Nandito na kami sa garden at kasalukuyan kong kinakausap yung nag-iisang lalaki dito na nagtatanim. Ang weird talaga dahil mag-isa lang ito na inutusan sa garden ng guro nito. “Sundan ko muna yung kasama ko sa loob ha,” paalam ko sa lalaki nang mapansin ko na medyo natagalan na si Stanley sa loob. Tumango naman sakin yung lalaki kaya agad kong sinundan si Stan sa loob, nag-aalala na ako dahil baka napano na sya. Maliit lang ang bahay na nandito sa garden at hindi ko alam kung ano ang purpose nito dito, bakit kaya may maliit na bahay pa dito sa garden na ito? Ang weird! Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Lucas na naghahalungkat ng mga gamit sa loob. May dala-dala syang maso. Inilinga ko ang paningin. Ibig sabihin ay may mga gamit pala sa loob ng silid na ito. Nakita ko din ang parang malaking gunting na kasangkapan na nakasabit sa dingding. Alam ko na ginagamit ito sa pagti-tream ng mga halaman. “Ang dami palang gamit dito eh,” sabi ko kay Stan. “Wag kang maingay dyan baka madinig tayo nung lalaki,” sagot nya sakin. “Magagamit natin ito pangtibag doon sa pader!” dagdag pa ni Stan. Tumango naman ako sa kanya dahil tama sya, mabuti na lang at dito kami sa garden na ito dinala ng mga paa namin. “Paano tayo makakaalis nyan? Baka mahalata tayo nung lalaki doon sa labas,” sabi ko kay Stan. Inilinga naman ni Stan ang paligid. May nakita kaming daan sa likod upang hindi na kami sa harap pa dumaan. Siguradong sisiyasatin pa kami nung lalaki kapag nakita nito na hindi naman gamit sa pagtatanim at pagbubungkal ng lupa ang kinuha namin kundi pangtibag sa pader. “Tayo na bago pa tayo abutan nung lalaki,” ani Stanley kaya dali-dali na kaming tumakas at sa likod dumaan. May mga classroom din dito sa likod pero sarado iyon at halatang hindi na ginagamit. Nakakandado kasi lahat at kinakalawang na din ang pintuan niyon. Agad kaming nakabalik ni Stanley sa likod ng paaralan kung saan kami galing kanina, nandoon na ulit si Valorous nang makabalik kami. “Val, may nakuha kaming maso sa garden,” sabi ni Stanley kay Val. Lumapit kami sa kanya. “Wala akong nakuhang gamit kundi itong pala lang. Naiwan lang yata ito sa Filipino Park kaya dinampot ko na lang,” sabi ni Val. “Ayos lang yan, tara subukan na natin ito sa pader,” sabi ni Stanley habang hawak-hawak nito ang maso na agad nitong ginamit sa pader. Tila hindi man lang natinag ang pader sa bawat pwersang ibinigay ni Stanley para matibag ito. Mukhang walang epekto ang maso. “Tangina! Wala man lang nangyari,” sabi ni Stanley habang hinihingal na nakatingin sa pader. “Masyadong matibay ang pagkakagawa sa pader na ito at sa tantiya ko ay sinadya ito,” seryosong sabi ni Stanley habang nakatingin sa pader. Napaupo sa lupa si Stanley, tila nanghihina na ito kaya naman kinuha ko sa kamay nya ang maso at ako naman ang sumubok sa pagtibag niyon. Ibinigay ko ang malakas na pwersa ko pero balewala din iyon. Walang nangyayari at tila nagpapagod lang kami ng sarili naming. “Tangina talaga!” inis na sabi ko nang makaramdam ako ng pagod, binitawan ko ang maso at inihagis sa lupa. “Walang kwenta!” nanlulumong sabi ko. Si Valorous ay napailing na lamang habang nakatingin samin. Tila dismayado din sya. Naupo kami sa lupa at inis na pinagmasdaqn ang matayog na pader. “Tingin nyo ano kayang mangyayari satin pagkatapos ng araw na ito? Malamang na isa satin ang sunod na mabiktima dahil hindi tayo pumasok tatlo,” sabi ko sa kanila. Hindi naman kumibo si Val at si Stanley ay halatang aburido pa din habang nakatingin sa pader. “Wala akong pakialam! Mamatay na kung mamatay, nakahanda na ko dyan,” matapang na sagot ni Stanley. “Mas mahalaga na maprotektahan natin ang mga babae,” sabi naman ni Val na sinang-ayunan namin ni Stanley. Ilang oras kaming nanatili sa kinalalagyan namin habang nag-uusap-usap, sinubukan pa ulit namin na gamitin ang maso pangtibag sa pader. Hindi namin ito tinigilang tatlo kahit na tagaktak na ang pawis namin sa katawan. Sa madaming beses na ginawa namin ang pagtibag sa pader ay nakakita kami ng lamat. Tila nabuhayan ang loob namin. Hindi namin alam kung ilang oras na kaming nagpapakapagod sa pagtibag niyon pero sa huli ay may natibag kaming maliit kaya nagkaroon ng maliit na butas ang pader. “Hayan may butas na silipin mo Lucas!” utos sakin ni Stanley. Napatingin ako sa kanila ni Val. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa utos na iyon ni Stanley. Napalunok ako habang si Stanley naman ay naghihintay lang sakin. “Sabi ko silipin mo,” ulit pa ulit nya sakin sa pag-aakalang hindi ko lang naintindihan ang sinabi nya kanina. Naintindihan ko naman, sadyang kinakabahan lang ako dahil baka pagsilip ko ay iba ang makita ko. Sa huli ay hindi na ako nakipagtalo pa kay Lucas. Sumilip ako sa maliit na butas na syang natibag naming kanina. Papalapit pa lang ako ay amoy na amoy ko na ang masigid at masangsang na amoy pero binalewala koi yon. Pagsilip ko sa butas ay muntik na akong mapaatras dahil sa mga nakita ko. “s**t!” usal ko at mabilis na lumayo sa butas. Mga bangkay ang nakita ko doon. Mga patong-patong at naaagnas na bangkay na nilalangaw pa. Sobrang dami niyon at kahit pa maliit lang ang butas na nasilipan ko ay malinaw na tama ang kutob naming kanina. Ang likod ng pader na ito ang syang tapunan ng mga bangkay dito sa Sahara. “Bakit anong nakita mo?” nag-aalalang tanong sakin ni Stanley at agad na pumalit sa puwesto ko upang silipin din kung ano ang nakita ko sa butas. Si Stanley ang sumunod na sumilip sa pader. “Tangina!” hindi makapaniwalang sambit nito habang nakasilip sa butas. “Ang daming bangkay,” sabi ko kay Val. “Tama ang hinala natin, tapunan nga ng bangkay ang lugar na ito,” saad ni Stanley. Tumango ako sa kanya at si Val naman ang sumunod na sumilip sa butas. Halatang nabigla din ito matapos makita kung ano ang nasa loob. “Sino kaya ang may kagagawan ng mga p*****n? Yung mga gwardiya, bakit tila may alam sila at kasabwat sila sa nangyayari?” tanong ni Stanley. “Kailangan nating mapaamin ang isa sa kanila na magsalita na kung sino ang nasa likod nito,” sabi naman ni Val. “Wala na yung isang guard, pinatay na ni Stanley,” sagot ko naman. Napatingin si Val kay Stan at halatang nagulat ito dahil sa nalaman. Ipinakita ni Stanley ang baril na nakuha nya sa gwardiya kanina. “Bakit mo ginawa iyon?” tanong ni Val kay Stanley. “Dapat lang iyon sa kanya dahil malinaw naman na may alam sya sa mga nangyayari, ayaw nyang sabihin kung saan nila dinala ang bangkay ni Klint,” inis na sabi ni Stanley. “Pero hindi mo dapat sya pinatay, maaari natin syang magamit para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng krimeng ito,” sabi ni Val. Umiling lang ako dahil sa sinabi nya. “Val, ang sabi nung gwardiya ay hindi sya magsasalita kahit pa anong gawin namin sa kanya kaya ayun tinuluyan na tuloy sya ni Stanley,” sagot ko. Hindi na kumibo si Val at muli itong sumilip sa butas ng pader. Ilang segundo itong nakasilip sa butas nang bigla na lang may umuslong bareta di kalayuan sa butas na sinisilipan ni Val. Lahat kami ay nabigla at si Val naman ay napaatras dahil kaunting-kaunti na lang ay sa mukha na sana nya sapul ang baretang iyon. Muntik ng matusok ang mukha nya. Hindi na namin nagawa pang usyosohin kung sino ang gumawa niyon, kumaripas agad kami ng takbo dahil sa sobrang takot. Tangina! Sino ang tao sa likod ng pader na iyon. Iyon na ba ang pumapatay sa mga estudyante dito sa Sahara? Muntikan na si Val kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD