CHAPTER 20

1262 Words
*Stanley’s POV* Punong-puno ng galit ang dibdib ko habang tinatahak namin ni Lucas ang likod ng paaralan para hanapin si Valorous, gusto din naming malaman ni Lucas kung saan itinapon ng gagong guwardiyang iyon ang bangkay ni Klint. Hindi pwedeng tratuhin na lang nila ng ganoon ang kaibigan namin, dapat naming malaman kung saan nila itinatapon ang bangkay ni Klint. Walang kunsensya ang mga gwardiya dito, malinaw na alam ng mga ito ang nangyayari pero hindi man lang nila kami tinutulungan bagkus ay sila pa pala ang kalaban naming ngayon. “Nasaan na ba si Val? Wala naman yata sya dito eh,” sambit ni Lucas sa likod ko habang tinatahak naming ang daan patungo sa likod ng school kung saan ko napansin na nagtungo si Val kanina. Alam kong nandito lang si Val. Parehas kami ng gusting mangyari, gusto din nitong malaman kung saan itinapon ang bangkay ni Klint. Ilang sandal pa ay natanaw ko na si Val na palakad-lakad din sa likod, tila may hinahanap ito. “Hayan na pala si Val eh!” sabi ni Lucas nang makita din nito si Val. Walang tao sa likod at tanging si Val lang ang naabutan naming. Umalimbukaw agad ang hindi kaaya-ayang amoy pagtapak pa lang naming sa lugar na ito. Maraming langaw kaya naman napatakip ako sa ilong ko. “s**t! Ang baho naman!” rekla,p ni Lucas sa likod ko. Nilingon kami ni Val at bakas sa mga mata nya ang matinding pagkagulat. “Anong ginagawa nyo dito?” malalim ang tinig na sambit nya samin ni Lucas. “Hindi kayo pumasok?” nagtatakang dagdag pa nito. “Hindi kami pumasok. Gusto naming malaman kung saan dinala ang bangkay ni Klint,” si Lucas ang sumagot mula sa likod ko. “Baka mapahamak kayo dahil dyan sa ginawa nyo,” sabi samin ni Val pero hindi ko na pinansin iyon, ang mahalaga para sa akin ngayon ay ang malaman kung saan itinapon ang bangkay ni Klint. “Wala na kong pakialam sa patayang iyan, Val. Nakahanda na ako sa mga posibilidad na mangyayari. Hindi na ako natatakot at handa na din akong lumaban ng p*****n. Wala naman tayong choice eh!” matapang na sagot ko kay Val. Halata ang pagkagulat nya pero hindi na sya nag-usisa pa. Itinuloy namin ang paghahanap sa bangkay ni Klint. “Kanina pa ako naghahanap dito pero hindi ko makita ang bangkay ni Klint,” ani Val. Inilinga ko ang paningin at pinagmasdan ang paligid, masukal at madaming kalat kaya mabaho. May malaking pader na tila hangganan ng eskwelahan. Hindi naman namin kayang akyatin iyon dahil sa sobrang taas. Bigla tuloy akong napaisip kung ano kaya ang nasa likod ng malaking pader na ito? “Tingin mo ano kaya ang nasa likod ng mataas na pader na yan?” tanong sakin ni Lucas, tila nabasa nito ang nasa isipan ko kanina. “Hindi kaya nandyan ang mga bangkay sa likod nyan? Baka dyan nila itinatapon ang mga bangkay,” dagdag pa ni Lucas. Napatango ako dahil parehas kami ng iniisip ni Lucas. Maaaring nasa likod nga ng pader na ito ang mga bangkay kaya ganito na lang kasulasok ang amoy sa lugar na ito. Ilang bangkay na kaya ang naitapon doon? Kahit mataas ang pader ay amoy na amoy pa rin ang mabahong amoy. “Paano kaya tayo makakaakyat dyan Val?” tanong ko kay Valorous. Seryoso lang ito habang pinagmamasdan ang matayog na pader. “Kanina ko pa din iniisip ang bagay na yan,” sagot sakin ni Val. Kailangan yata namin ng tatlong matatayog na hagdanan para lang makita kung ano ang nasa likod ng pader na ito. Napakaimposible na magawa namin ang bagay na iyon, isang hagdanan nga lang ay hindi kami makakita, iyon pa kayang tatlo? Tsk! Malas! “Mukhang malabo nating makita ang nasa likod ng pader na iyan, paano natin ngayon malalaman kung nandyan nga ang bangkay ni Klint?” tanong ni Lucas. Ilang sandali akong nag isip. “Ihagis ka kaya namin papumta dyan?” sabi ko kay Lucas. Agad naman na nanlaki ang mga mata nya sakin. “Ano? Nababaliw ka na ba Stan? Anong ihahagis ang sinasabi mo dyan, ano ako plato?” sarkastikong balik nya sakin. Lukot na lukot ang mukha ni Lucas kaya pinigilan ko ang matawa. “Paano kung gibain na lang natin iyang pader na yan?” suhestiyon ni Lucas. Ilang sandal kaming natigilan sa sinabi nya. Pwede naman ang bagay na iyon ang kaso ay wala kaming gamit para mabagbag ang pader na ito, saka siguradong mahihirapan kami dahil halatang matibay na matibay ang pader. “Kailangan nating makahanap ng mga gamit pambagbag sa pader na ito,” sabi ni Val. Tiningnan ko sya nang may halong pagtataka. “Seryoso ka Val?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Yes, iyon lang ang tanging paraan kaya kailangan nating tyagain ang lahat, hahanap muna ako ng mga gamit na pwedeng gamitin,” ani Val at naglakad na ito palayo samin. Sinundan lang namin sya ng tingin ni Lucas. Nagkatinginan kami ni Lucas. “Tayo anong gagawin natin?” tanong nya sakin. “Humanap din tayo ng mga gamit,” sagot ko sa kanya kaya wala pang ilang segundo buhat ng iwanan kami ni Val ay umalis na din kami sa lugar para maghanap din ng gamit. Nakarating kami ni Lucas sa ilang mga abandonadong classroom, napakadaming abandonadong classroom sa lugar na ito. Siguro ay dahil iilan na lang ang mga estudyanteng natira dahil sa mga patayang nagaganap dito araw-araw. Hindi nga namin alam kung may mga bangkay pa din araw-araw na tahimik lang na inililigpit ng mga gwardiya, napapansin ko kasi na ang ilang mga mukha ng estudyanteng nakikita ko dito noon ay hindi ko na nakikita ngayon. Hindi ako magtataka kung patay na rin ang mga ito, sa ngayon ay mas nakafocus lang kami sa grupo naming magkakaibigan. Hindi na kami pwedeng mabawasan pa ulit. “Doon tayo sa garden pumunta,” sabi ko kay Lucas nang makita ko na may estudyanteng nagpapala roon. “Ano namang gagawin natin sa garden?” kunot-noong tanong sakin ni Lucas. “Basta, wag ka ng madaming tanong!” sagot ko sa kanya at inakbayan sya. Kinaladkad ko sya patungo doon sa malaking garden ng school. May isang maliit na parang bahay sa loob niyon. “Magandang umaga!” bati ni Lucas sa isang lalaki na nagpapala ng lupa. Mukhang nagtatanim ito ng mga halaman. Nakasuot ito ng uniporme. “Magandang umaga naman, anong kailangan nyo?” tanong samin ng lalaki at saglit na tumigil sa ginagawa nito. Halos kaedaran lang siguro namin ang lalaking ito base na din sa itsura nya. “Gusto lang sana naming malaman kung bakit mag-isa ka lang dyan? Hindi ba oras ng klase nyo?” madaldal sabi ni Lucas sa lalaki. “Ah, inutusan kasi ako ng guro ko na magtanim ng halaman,” sagot naman ng lalaki. Sinamantala ko ang pagkakataon habang kinakausap ni Lucas ang lalaki. Inilinga ko ang paningin sa maliit na bahay malapit sa garden. Humakbang ako patungo roon pero tinanong ako ng lalaki. “Saan ka pupunta?” tanong nito sa akin. “Ah, ano tutulungan sana kitang magtanim eh. Inutusan din kasi ako ng guro namin,” pagsisinungaling ko sa lalaki. Tiningnan ko Si Lucas sa paraan na tila humihingi ako ng saklolo para sang-ayunan nya ako. “Tama! Oo nga pala, sinabi din ng guro namin na magtanim kami ng halaman kaya pinapunta nya kami dito,” sabi ni Lucas sa lalaki. “Ganoon ba? Sige, mas mabuti iyon para may katulong ako,” sagot nito sa amin. Itunuloy ko na ang paglalakad ko papasok doon sa silid. “Kumuha ka ng gamit dyan sa bahay na iyan, nandyan ang mga gamit na pwede mong gamitin,” sabi ng lalaki. Tumango lang ako sa kanya at lihim na nagpasalamat. Salamat naman at hindi nahalata ng lalaki ang pagsisinungaling namin ni Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD