*LUCAS POV*
Hindi ko lubos maisip na makikita namin si Klint sa ganoong klaseng kalagayan. Patay na sya, pati sya ay pinatay na din ng kung sino mang walang puso na syang dahilan lagi ng mga p*****n dito sa Sahara. Hindi ko alam kung pano naming sasabihin kay Elisha na wala na ang nobyo nito lalo pa at hindi naming sya makausap ng maayos buhat ng mawala si Klint.
Butil-butil ang pawis ko sa noo nang bumalik kami nila Selena sa loob ng classroom. Agad kong tiningnan si Elisha na tulala pa din sa isang sulok. Mas lalo lang akong naawa sa kanya, naiisip ko pa lang na sabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Klint ay tila nanginginig na ang tuhod ko. Nilingon ko si Selena mula sa gilid ko at malungkot ang mga mata nyang tumango sakin.
"Akon na lang ang magsasabi sa kanya," bulong ni Selena sa gilid ko at naramdaman ko na piniga nya ang kamay ko. Marahan naman akong tumango sa kanya at mapait na ngumiti.
Sila Trinity ay halatang shocked pa din sa nangyari lalong-lalo na si Stanley na hindi maipinta ang mukha, naiitindihan ko ang nararamdaman nila. Lahat naman kami ay apektado lalo pa at sobrang malalapit talaga kami sa isat-isa.
Wala pa si Valorous at hindi ko alam kung saan sya nagpunta, malapit ng dumating ang teacher namin para sa susunod na subject. Sya lang ang nawawala sa grupo naming magkakaibigan.
"Nasaan si Val?" tanong k okay Selena.
"Hindi ko alam kung saan sya nagpunta. Parang sinundan nya kanina yung dalawang guard na nagdala sa bangkay ni Klint," sagot sakin ni Selena. Kung alam ko lang ay sana sumama na din ako kay Valorous, baka sakaling may makalap kaming mga impormasyon. Wala na akong pakialam kung mamatay din ako kapag umabsent ako sa isang subject.
"Hanapin ko kaya sya? May pinaplano ba sya?" tanong ko kay Selena pero pinigilan nya ako sa braso.
"Lucas huwag ka ng sumunod kay Val, mamaya ay baka maabsent ka din sa isang subject at ikaw naman ang patayin ng killer," sabi sakin ni Selena, gusto ko sanang sabihin sa kanya na wala na akong pakialam kahit mamatay din ako pero pinigilan ko na lang ang sarili ko, ayokong mas lalo syang mag-alala. Ayokong dagdagan ang mga alalahanin nya.
"Oh bakit parang kulang-kulang yata kayo?" puna samin ni Bruno. Hindi ko sya pinansin dahil alam ko naman na nagpapapansin lang sya kay Selena.
"Ah may pinuntahan lang sila, wala pa naman tayong teacher," sagot ni Selena kay Bruno. Bumuga lang ako ng hangin.
Ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa din kaming teacher na dumadating kaya naman nagdesisyon ako na lumabas muna ng classroom. Hahanapin ko si Val.
"Uy Lucas saan ka pupunta?" tanong sakin ni Trinity, nakatingin din sakin maging Selena at Jackie.
"Wala pa naman tayong teacher eh, susundan ko si Val," sagot ko sa kanila.
"Ano ka ba Lucas, wag mo ng sundan si Val, babalik din iyon mamaya," pigil sakin ni Selena pero gusto ko talagang sundan si Val, nararamdaman ko na may binabalak syang gawin at gusto kong tulungan sya. Mas magiging madali ang lahat kung magtutulong-tulong kami. Kailangan kong magsakripisyo, hindi pwede na maghintay na lang kami sa wala at magpadala sa takot. Bilang lalaki ay kailangan na kami ang matapang. Natigilan ako nang biglang tumayo si Stanley at nagsalita ito.
"Sasama ako Lucas," sabi nya. Napatingin sa kanya ang mga babaeng kaibigan namin. Sila Bruno naman ay halatang nagtataka kung anong nangyayari pero mas mabuti na din na wala na muna silang alam.
Tumango lang ako kay Stanley hanggang sa tuluyan na syang nakalapit sakin, sabay na kaming lumabas ng classroom. Alam kong tutol ang mga kasama naming babae sa kung ano man ang pwedeng kahinatnan ng gagawin naming ito dahil malamang na maging absent kami sa susunod na subject at may parusa iyon, pero wala na akong pakialam. Nagyon pa ba ako matatakot? Patay na ang isa naming kasama, handa na akong lumaban at hindi ako papayag na maghintay na lang sa kung ano man ang nakaabang na kamatayan para sa akin.
Malalaki ang mga hakbang na naglakad kami ni Stanley sa kaluwangan ng Sahara University. Hinahanap ng mga mata ko si Val pero hindi sya matagpuan ng mga mata ko.
"Saan kaya nakarating si Val?" tanong ko kay Stanley pero seryoso lang ang mga mata nya habang naghahanap din kay VAL. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang labis na kalungkutan at kita ko rin na may galit sa mga mata nya dahil sa kung sino man ang gumawa niyon kay Klint.
Naglakad-lakad pa kami hanggang sa matanaw ko ang isang gwardiya kanina na nagbitbit sa bangkay ni Klint. Saan kaya nito tinapon ang kaibigan ko? Humakbang ako at sinundan ang gwardiya na kasalukuyang naglalakad patungo sa direksyon ng guard-house. Alam kong kasabwat sila sa mga nangyayari dahil hindi man lang sila nagugulat sa tuwing may bangkay silang idinidispatsa. Para bang normal na normal na sa kanila ang ganitong pangyayari at hindi na bago. Hindi ko lubos maisip kung may kunsensya pa ba ang taong ito pati na rin yung isa pang gwardiya na kasama nya kanina.
Nang makalapit ako sa guard-house kung saan nagdiretso ang gwardiya ay nasa gilid ko din si Stanley. Kitang-kita ko na halos patayin na nya sa tingin ang guard.
"Saan mo dinala ang kaibigan ko?" galit na tanong ni Stanley sa guard.
"Kayo na naman? Bakit kayo nandito? Oras na ng klase ah?" sabi nito sa amin.
"Wala akong pakialam, gusto naming malaman kung saan mo nilagay ang bangkay ng kaibigan namin!" bulyaw ni Stanley sa guard. Umiling-iling lamang ang guard na tila nang-aasar pa kaya mas lalo lang nag-init si Stanley, sinugod nito ang guard at sinakal. Agad kong dinaluhan si Stanley at kinuha ko ang baril ng guard na sukbit-sukbit nito. Tinutok ko iyon sa guard habang sakal-sakal ito ni Stanley. Kung kanina ay pinipigilan ko si Stan ngayon ay kakampihan ko na sya, laban na namin itong lahat.
"Sabihin mo samin kung saan mo dinala ang bangkay ni Klint dahil kung hindi ay pasasabugin ko ang bungo mo!" gigil na sabi ko sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nito habang nagpapalit-palit ng tingin saming dalawa ni Stanley. Akala ko ay magsasalita na sya dahil bakas ang takot sa mga mata nya pero bigla na lang itong tumawa na parang baliw.
"Akala nyo ba ay natatakot ako sa inyo? Kahit patayin nyo ako ay hinding-hindi ko sasabihin sa inyo kung saan namin tinatapon ang bangkay ng mga namamatay dito," nang-iinsultong sabi nito sa amin. Nakita kong mas idiniin ni Stanley ang pagkakasakal sa guard at this time ay dinikdik na nya ito sa pader. Naglilitawan na ang ugat ng guard sa leeg at namumula na rin ito.
"Ah ganon? Matigas ka ha!" ani Stanley at sinipa nito sa bayag ang guard. Naubo ang guard at bakas sa mukha nito ang matinding sakit ng ginawa ni Stanley.
"Magsalita ka na kung ayaw mong mahirapan," sabi ko pero sunod-sunod lang ang pag-iling nito samin.
"Kahit patayin nyo pa ako ay wala pa din namang magbabago, magkita-kita na lang tayo sa impyerno," sagot nito. Binigyan ito ni Stanley ng mag-asawang suntok sa mukha. Mukhang wala talaga itong balak magsalita. Tila may iniingatan itong tao kaya naman mas lalong lumakas ang kutob ko na may alam ang gagong ito sa nangyayari. Nagulat na lang ako nang biglang kinuha ni Satnley sa kamay ko ang baril at walang pagdadalawang-isip na ipinutok nito iyon sa ulo ng guwardiya.
"Tarantado ka pala eh!" ani Stanley habang nakatingin sa gwardiya na wala ng buhay. Shocked ako sa nangyari at hindi makapaniwala. Tila humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Napatay ni Stanley yung guard pero hindi man lang kinabakasan ng takot ang mukha ni Stanley.
"Stan, anong ginawa mo? Bakit mo pinatay?" hindi makapaniwalang sambit ko. Di ko talaga akalaing magagawa nya iyon.
"At anong gusto mo Lucas, unahan nya tayo at tayo ang mamatay? Mag-isip ka nga!" aburidong sabi nya sakin.
"Pero hindi tayo mamamatay tao!"
"Pinoprotektahan lang natin ang sarili natin pati na rin ang mga kaibigan natin. Obvious naman na may alam yang gago na yan sa mga p*****n na nagaganap dito kaya dapat lang sa kanya yan!" saad ni Stanley. Hindi pa din ako makapaniwala.
"Halika na, hanapin na natin si Valorous," aniya sakin at nauna ng naglakad dala-dala ang baril ng guard. Hinabol ko sya.
"Stan bakit dala mo pa din yang baril?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba Lucas? Magagamit natin ito bilang proteksyon. Buhay na ang pinag-uusapan natin dito," sabi nya sakin. Hindi ako nakapagsalita at tinuloy na namin ang paghahanap kay Valorous, tila ayaw pa din magsink-in sa utak ko yung nangyari kanina.