CHAPTER 18

1190 Words
*Selena's POV* "Class, mayroon ng resulta ang pagsusulit ninyo at ikinalulungkot kong sabihin na section rose ang nakakuha ng pinakamataas na score. Mayroong naka-perfect sa kanila, samantalang dito naman sa section niyo ay nagkaroon ng isang maling sagot si Valorous. Si Valorous ang nakapagbigay ng pinakamataas na score sa section nyo pero sayang dahil hindi nya ito na-perfect," saad ni Ms. Cortez sa amin. Lahat kami ay nabigla at nakaramdam ng lungkot. Kung ganoon ay talo kami at hindi kami makakakuha ng dagdag sa pagkain namin. "Ano ba yan sayang naman! Ma'am baka naman po mali lang kayo ng check?" habol ni Stanley. Tumaas ang isang kilay ni Ms. Cortez dahil sa sinabi ni Stanley. "Hehe, joke lang po Ma'am!" biglang bawi nito at kumamot sa batok. "Okay lang yan guys, bawi na lang tayo next time!" sabi naman ni Trinity. "Wala naman tayong ibang choice kundi tanggapin eh," ani Jackie. Nakikinig lang ako sa kanila. Napatingin ako kay Val na iiling-iling sa kinauupuan nya. Mukhang nanghihinayang din ito dahil hindi nito na-perfect ang exam. Pero ayos lang naman iyon dahil marami pa naman kaming stock sa bahay. Mabuti na nga lang at nakakuha ng pagkain sila Lucas galing kay Mrs. Lily. "Babawi tayo next time," bulong ni Lucas at ngumisi sakin. Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman," sagot ko. Si Elisha ay tahimik lang sa kinauupuan nito, mukhang hindi talaga ito magiging okay hangga't hindi namin nakikita si Klint. Nasaan na kaya ito? Buong klase akong walang ibang inisip kundi ang nawawalang si Klint. Hindi ko na masyadong ininda ang pagkasawi naming makuha ang dagdag na stock para sa bahay-panuluyan. Ang importante ay makita namin si Klint ngayon, kaya naman nang matapos ang klase namin ngayong umaga ay dali-dali kaming naghiwa-hiwalay para ipagpatuloy ang paghahanap kay Klint. Si Jackie lang ang naiwan samin dahil binantayan nito si Elisha na tulala pa din sa kinauupuan nito. "Mas mabuti ng maiwan si Jackie para may kasama si Elisha, kawawa naman ang kaibigan natin. Sana mahanap na natin si Klint," sabi ni Trinity. Napabuntong-hininga na lamang ako. "Umaasa din ako Trinity," sagot ko sa kanya. Kasalukuyan kaming naglalakad sa tapat ng guidance office nang makarinig kami ng nagkakagulong mga estudyante. Mabilis na binalot ng kaba ang dibdib ko. Napalunok ako at nagkatinginan kami ni Trinity. Inilinga namin ang paningin kung saan nagmumula ang ingay, naroon pala sa english park ang mga nagkakagulong estudyante. Wala kaming sinayang na sandali ni Trinity, patakbo naming tinungo ang english park, natanaw ko na doon din ang direksyon na tinungo nila Lucas at Stanley. Pagdating namin sa English Park ay halos gumunaw ang mundo naming magkakaibigan. "Klint..." halos pabulong na lang nang banggitin ko ang pangalan ni Klint. "Tangina! Sinong gumawa nito sa kanya?!" galit na sabi ni Stanley at namalayan ko na lang na nakaluhod na pala sya sa tabi ng bangkay ni Klint. Patay na si Klint. Nakahandusay ito sa lupa at wala ng buhay. Wakwak ang leeg nito at maraming saksak sa katawan. Halos lumabas na ang lamang loob nito dahil tila sinadya pang wakwakin ang katawan nito. Dilat ang mata ni Klint at si Lucas ay nanginginig ang mga kamay nang ipikit nito ang mga mata ni Klint. "Oh my god!" hindi rin makapaniwalang sabi ni Trinity mula sa gilid ko. Ako ay shocked rin habang pinagmamasdan ang kinahinatnan ng kaibigan ko. Napakasama ng gumawa nito sa kanya. Bakit pati si Klint ay pinatay nito? Tama ang kutob ko. Kaya hindi maganda ang pakiramdam ko noong nawawala si Klint kahapon. Pumatak ang luha sa mga mata ko habang nakakuyom ang aking mga kamay. Dumating sila Valorous at kitang-kita ko ang gulat sa mga mata nya nang makita nya ang bangkay ni Klint. "Patay na sya Val," umiiyak na sambit ni Trinity. Hindi maalis-alis ang tingin ni Val sa bangkay ni Klint. Maya-maya ay dumating ang dalawang gwardiya ng school. Kinuha ng mga ito ang bangkay ni Klint pero hinawi iyon ni Stanley. "Saan nyo dadalhin ang bangkay ni Klint? May alam ba kayo sa nangyayari? Kasabwat ba kayo dito?!" asik ni Stanley sa dalawang guwardiya. "Tumabi ka na dyan bata, kailangan ng mailibing ang bangkay nyan," sagot ng isang guard. "Hindi! Wag nyong kukuhanin ang bangkay nya. Kami ang maglilibing sa kanya. Umalis kayo dito!" namumula ang mga mata ni Stanley. Ngayon ko lang sya nakitang ganito. "Wag matigas ang ulo mo bata, umalis ka na dyan!" tumaas ang boses ng guwardiya at pinigil ng kasama nito si Stanley para hindi makaharang sa mga ito. "Teka lang kuya, saan nyo ba dadalhin ang kaibigan namin? Saan nyo dinadala ang mga bangkay? Kasabwat ba kayo dito? Tigilan nyo na 'to!" galit din na sabi ni Lucas sa guard. Pinigilan naman ito ni Val. "Lucas, hayaan mo na lang sila. Baka pag-initan tayo kapag kumontra pa tayo. Ang kailangan natin ay malaman kung sino ang nasa likod nito," saad ni Val. Hindi nagsalita si Lucas. "Ano ganun na lang 'yon? Tatanggapin na lang natin na wala na si Klint? Kailangan natin syang samahan. Tayo dapat ang maglibing sa kanya!" sabi ni Stanley. Pilit itong kumakawala sa isang guwardiya na pumipigil dito habang kinakaladkad naman ng isa pang guwardiya ang bangkay ni Klint. "Bitawan mo nga akong kumag ka! Pag ako nakawala sayo babangasin ko talaga 'yang mukha mo!" galit na sabi ni Stanley pero sadyang malakas ang guard na pumipigil dito dahil malaki ang katawan nito. Kahit anong pagwawala ni Stanley ay hindi nito magawang makawala sa gwardiya. "Alam nyo hindi na ko natatakot sa inyo, o kung sino man yang pumapatay na yan! Magharapan tayo ngayon, lumaban ka ng patas. Wag kang traydor! Inuubos mo mga estudyante dito nang walang kalaban-laban!" sigaw ni Stanley. Binitawan na ito ng gwardiya matapos makaalis ang isang guard bitbit ang bangkay ni Klint. Akmang susuntukin ni Stanley ang gwardiya pero pinigilan ito ni Lucas. "Tama na Stan, walang mangyayari kung makikipagbasagan ka ng mukha dyan," sabi ni Lucas. Sinundan na lang namin ng tingin ang gwardiya na may bitbit sa bangkay ni Klint. Nakita ko si Val na pinagmamasdan ang dalawang guard kung saan nito dadalhin si Klint. "Val okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Napakurap sya at tumingin sakin. "Bumalik na kayo sa room, may kailangan lang akong tingnan," biglang sabi nito. "Ha? Anong titingnan mo?" "Basta mauna na kayong bumalik sa room," ani Val at humakbang na ito palayo. Gusto ko sana syang habulin pero bigla kong naalala si Elisha. Paano kaya namin masasabi sa kanya na patay na si Klint? Siguradong hindi iyon kakayanin ni Elisha. Diyos ko! Bakit ba kailangan mangyari ang ganito? Nalagasan na kami ng isa ng ganoon lang kabilis. Ang sakit tanggapin at mas lalong masakit iyon para sa nobya nitong si Elisha. Ano bang ginawa ni Klint at pinatay ito? Dahil ba hindi ito nakapasok sa isang subject? Malakas ang kutob ko na iyon ang dahilan. Napabuntong-hininga ako. Para akong nanghihina ngayong alam kong wala na ang isa sa mga kaibigan ko. Hindi na dapat pang masundan iyon. Dapat ay hindi na kami mabawasan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD