CHAPTER 17

1142 Words
*Lucas POV* Nandito na kami sa Sahara at halos sabay-sabay kaming pumasok na magkakaibigan. Mangilan-ngilan pa lang ang estudyanteng nakikita ko. Mukhang napaaga yata ang pasok namin ngayon. "Ang konti pa lang ng pumasok," sabi ni Jackie sa gilid ko habang ang mga mata ay nakatuon din sa mga estudyante. "Oo nga, baka namatay na ang iba," sabat naman ni Stanley. Nakita kong tiningnan ito ng masama ni Jackie. "Pwede bang manahimik ka na lang Stanley? Hindi maganda yung mga lumalabas sa bibig mo at hindi ka nakakatulong!" singhal ni Jackie. Ito na naman ang dalawa at mukhang mag-uumpisa na naman magtalo. "Wag na nga kayong mag-away. Hindi ba kayo nagsasasa sa araw-araw nyong pagtatalo?" sabi ko at nagpapalit-palit ng tingin sa kanila. Napailing na lang sina Trinity at Selena at nauna ng pumasok ang mga ito sa loob ng classroom. Si Elisha ay tahimik pa din pero sumunod na ito kila Selena na pumunta sa classroom namin. Si Stanley ay kakamot-kamot sa ulo na lumayo at nagtungo sa maluwang na court malapit sa gym ng school. "Tingnan mo ang unggoy na yan wala yatang balak pumasok sa first subject natin!" ani Jackie habang sinusundan ng tingin si Stanley na naglalakad palayo. "Hindi sya pwedeng hindi pumasok sa first subject, babalik din yan, halika na sa loob," sabi ko sa kanya. Tumango naman sya at pumasok na kami sa loob ng room. Habang hinihintay namin si Mrs. Cortez na syang teacher namin sa first subject ay nagkukwentuhan naman ang iba pa naming mga kaklase at dinig na dinig ko ang usapan nila. "Nakita ko yung picture ni Lisa sa principal's office, ang ganda-ganda pala talaga nya," sabi ng kaklase ko sa kausap nitong kaklase din namin. "Oo nga, ang puti nya tapos ang amo-amo ng mukha nya. Nakakaawa naman sya dahil ni-rape sya at pinatay. Sayang ang bata pa nya, siguro kaya hindi matahimik ang kaluluwa nya ay dahil hindi pa nya nakukuha ang hustisya para sa sarili nya," sabi ng kaklase ko. Nakatingin lang ako sa kanila nang bigla akong kalabitin ni Selena. "Uy Lucas, ayos ka lang?" tanong nya sakin. Tumango naman ako sa kanya. "Oo, ayos lang ako. Iniisip ko lang yung babaeng sinasabi nila na si Lisa, gusto kong makita yung larawan nya noong nabubuhay pa sya. Puntahan kaya natin sa principal's office tutal ay mabait naman satin si Mrs. Lily," sabi ko kay Selena. Bigla syang natigilan dahil sa sinabi ko at tila ba may iniisip sya. "Okay ka lang Selena?" untag ko sa kanya. "Teka lang, posible kaya na yung sulat na nakita namin ni Val sa loob ng music room ay may kinalaman sa mga rumape kay Lisa?" Ako naman ang natigilan dahil sa sinabi ni Selena. Hindi ko alam kung ano ang sulat na tinutukoy nya dahil wala naman syang nababanggit samin. "Anong ibig mong sabihin? Anong sulat ang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. Bigla syang napakurap at nakita kong bumaling ang tingin nya kay Val na seryosong nakaupo sa upuan nito habang nagbabasa ng libro. "Ang sabi mo ay nirape si Lisa sa eskwelahang ito hindi ba? Posible kaya na sa kanya yung sulat na 'yon?" ani Selena habang nag-iisip ng malalim. Ako naman ay nakakunot lang noo sa kanya dahil hindi ko naman maintindihan kung ano ang tinutukoy nya. "Teka nga Selena, pwede bang diretsahin mo na ako? Hindi ko kasi maintindihan kung ano yung sinasabi mo," sabi ko kay Selena. Huminga muna sya ng malalim bago nagpatuloy sa pagkukwento. "Noong hinahanap kasi natin si Klint ay napunta kami ni Val sa isang abandonadong classroom sa likod ng belmonte hall, music room ang isang silid na pinasukan namin doon, lumang-luma na ang mga gamit dahil hindi na nagagamit ang silid. May nakita kasi kaming sulat ni Val eh, may mga letter na nakalagay sa sulat pero hindi naman namin maintindihan kung ano ang ibig sabihin nun, isang salita lang ang malinaw na nabasa namin, iyon ay ang salitang RAPE," saad sakin ni Selena. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. "S-seryoso ka ba dyan Selena? Nasaan yung sulat? Patingin ako!" agad na sabi ko pero tumayo si Selena at lumapit ito kay Val. "Val, nasayo pa ba yung sulat na nakuha natin sa music room noong hinahanap natin si Klint?" tanong ni Selena kay Val. Tumango naman si Val. "Oo bakit?" "Pwede ko bang makita bro?" sabat ko sa usapan nila. Ilang sandali akong tiningnan ni Val bago sya dumukot sa bulsa nya at inabot sakin ang isang lumang papel na naglalaman ng sulat. Binasa ko ang laman niyon kahit malabo na ang sulat ay maaaninag pa din dito ang mga letrang ON, KE, at NT, tapos may nakasulat na rape sa ibaba pero halos burado na din iyon at hindi mo magagawang maintindihan kung hindi mo tititigan ang letra. Sa tingin ko ay dahil sa tagal ng panahon na nakaimbak lang ang sulat at dahil sa dumi ng silid na pinanggalingan nito dala ng mga alikabok kaya halos hindi na mabasang mabuti kung ano pa ang ibang nilalaman ng sulat. Ilang sandali akong napaisip. May rape na nakalagay sa sulat, malakas ang kutob ko na si Lisa ang may-ari ng sulat na ito dahil sya yung sinasabi ng mga estudyante dito na ginahasa at pinatay. Hindi kaya nilalaman ng mga sulat na ito kung sino ang mga gumahasa sa kanya? "Hindi kaya may ibig sabihin ang mga letrang ito? Baka ito yung mga taong gumahasa sa kanya," sabi ko kay Val at Selana. "ON, KE, NT," inulit kong sabihin ang mga letrang nakapaloob sa sulat. Hindi nagsasalita si Val pero batid kong malayo na ang nilalakbay ng isipan nya. Malalim ang iniisip nya base na rin sa aura ng mukha nya. "Hindi matatahimik si Lisa at hindi matitigil ang mga p*****n sa lugar na ito hangga't hindi natin sya nabibigyan ng hustisya," sambit ko. "Tama, at bukod sa paghahanap natin kay Klint ay dapat din nating pagtuunan ng pansin ang mga taong sangkot sa panggagahasa kay Lisa para matigil na din ang pagpatay nya sa mga estudyante dito, kailangan nating mahanap ang mga taong ito, punong-puno ng poot ang puso ni Lisa kaya hindi sya matahimik," sabi ni Selena. Kung sino man ang mga taong gumahasa kay Lisa ay hindi pa namin alam sa ngayon pero hindi kami titigil hangga't hindi nahahanap ang mga ito. Marami ng tao ang nadadamay at marami ng buhay ang nawawala, hindi na dapat pang madagdagan ang mga taong iyon. Natahimik kami nang biglang pumasok si Mrs. Cortez sa loob ng silid namin at nakahinga ako ng maluwag dahil kasunod nito si Stanley. Akala ko ay hindi papasok ang gagong ito. Sadyang malikot lang talaga ang katawan ni Stanley at kung saan-saan nakakarating kahit ang aga-aga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD