CHAPTER 16

2131 Words
*STANLEY’s POV* Nakatingin ako kay Jackie habang mahimbing pa itong natutulog sa higaan katabi si Elisha. Saktong ala-singko pa lang ng umaga kaya ako pa lang ang gising samin. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang mukha nya. Kahit na naiinis ako sa kanya dahil nakita ko syang kasama si Jerron noong nagdaang araw ay hindi ko naman magawang magalit sa kanya. Idinadaan ko na lang sa pagsusungit ang lahat dahil alam ko naman na wala syang pagtingin sakin. Hindi nya ko magugustuhan at baka masira lang ang pagkakaibigan namin kapag nalaman nya na matagal ko na syang hinahangaan. Ang hirap din itago minsan, sa totoo lang ay nakaramdam ako ng selos noong nakita ko syang kasama si Jerron. Bakit close sila agad ng lalaki na yun? Paano na lang kung may gawing masama sa kanya ang gagong iyon? Hindi pa naman nya iyon lubusang kilala. Hindi talaga nag-iisip itong si Jackie. Tsk! Napaiwas ako ng tingin nang mapansin ko na gumalaw sya at bumiling, ilang sandali pa ay nagmulat sya ng mga mata at kunot ang noong lumingon sakin. Nagtama ang mga mata namin dahil sinulyapan ko ulit sya. “Oh, anong tinitingin-tingin mo dyan?” masungit na tanong nya sakin. Alam kong badtrip pa sya sakin dahil sa ginawa ko na hindi ko sya tinimplahan ng kape. Eh kasi naman naiinis ako sa kanya dahil kasama nya yung Jerron na kaklase namin. Saka, masarap syang asarin at nakakatuwa tingnan kapag napipikon. Hindi nya alam na sa tuwing inaasar ko sya ay gusto ko lang na mapansin nya ako. “Bakit tinitingnan ba kita?” balik ko sa kanya at tinaasan sya ng isang kilay. “Oo nakita kitang nakatingin sakin. Ano na naman ang binabalak mong masama?” mataray nyang tanong. Napabuga na lang ako ng hangin at umiling-iling. Palagi na lang may topak ang isang ito, parang laging mayroong regla sa tindi ng pagiging masungit nya. “Inaano ba kita? For your information hindi kita tinitingnan. Feeling ka ba?” kunwari ay supladong sabi ko. Ramdam kong pinapatay na nya ako sa isipan nya pero hindi na ito nagsalita at tumayo na mula sa hinigaan nya. Lumabas sya ng silid namin kaya pasimple ko syang sinundan ng tingin. Tumayo ako at sumilip sa pintuan, doon ay nakita ko syang nagpapainit ng tubig, siguro ay magtitimpla ito ng kape. Lumabas ako at nang marinig nya ang yabag ko ay ang sama na naman ng tingin nya sakin. Pumito-pito ako sa hangin at lumapit sa kanya. “Damihan mo yung tubig para makahingi ako ha?” nakangising sabi ko at nagbaba taas ang kilay ko sa kanya. “Ang kapal din talaga ng mukha mo ano? Natatandaan mo ba kung ano yung ginawa mo sakin kagabi? Magpainit ka ng tubig mag-isa mo!” galit na singhal nya sakin. Napakunot na lang ang noo ko. “Ang sungit mo naman,” sagot ko sa kanya. “Kung masungit ako, ikaw naman masama ang ugali mo. Sobrang sama!” bulyaw nya dahilan para matigilan ang kalalabas lang na si Selena. “Oh, nag-aaway na naman kayong dalawa ang aga-aga ha?” puna nya samin habang naghihikab. “Eh kasi yan eh!” sabay naming sabi ni Jackie. Sabay kaming nagsalita at sabay din naming tinuro ang isa’t isa. Nagpapalit-palit ng tingin samin si Selena. “Kalma lang kayo. Ang iinit ng ulo nyo,” sabi nito sa amin ni Jackie at nakita kong kinuha nya yung kawali. “Magluluto ako ng breakfast nating lahat. Ano ba ang pinagtatalunan nyo dyan?” nagtatakang tanong ni Selena. “Si Jackie kasi sinabi ko lang naman na damihan nya yung pinapakulo nyang tubig kasi hihingi ako pero sinusungitan na nya ako agad,” parang batang nagsusumbong na sambit ko kay Selena. “Iyon lang? Iyon lang ang pinagtatalunan nyo pero kulang na lang ay gisingin nyo lahat ng tao dito sa dormitoryo,” iiling-iling na sabi ni Selena. Napakamot na lang ako sa ulo at tumalikod sa dalawa. Sigurado naman kasi akong hindi ako mananalo sa dalawang babaeng ito at kawawa lang ako sa kanila. ~ *TRINITY’s POV* Umaga na naman at siksikan na naman ang ilang mga estudyante sa ibaba dahil sa pakikipag-unahan sa paggamit ng cr. Mabuti na lang at maaga pa naman kaya hindi muna ako makikisingit sa kanila. 5 AM pa lang naman kaya may oras pa ko para tumambay magkape. Kanina ay iniwan ko si Selena habang nagluluto ng umagahan. Narito ako ngayon sa ibaba habang tinitingnan ang ilang mga estudyante na nagkukwentuhan sa paboritong tambayan nila Mike. Pinsan ko si Mike pero madalang ko syang tawagin na Kuya since magkaedad lang naman kami at isang buwan lang ang tanda nya sa akin. Inilibot ko ang paningin sa kaluwangan ng loob nitong dormitoryo. Ang weird talaga ng lugar na ito. Napatingin ako sa pintuan nang may matandang babaeng pumasok doon. Maluwag ang pagkakangiti nito habang isa-isang tinitingnan ang ilang mga estudyante na kasama namin dito sa dorm. “Mrs. Lily!” sigaw ng ilang mga estudyante at sinalubong ang matandang babae. May bitbit itong malalaking supot. “Kamusta na kayo?” bati naman ng babae at ngumiti. Napalingon ito sa pwesto ko at ngumiti sya sakin. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya lalo pa at maamo ang mukha nya. Tumango lang ako sa matandang babae at gumanti ng ngiti. Isa-isang binuksan ng mga estudyante ang bitbit nitong mga supot. Doon ay nakita ko ang laman ng mga iyon. Puro pagkain. Mga de lata at noodles. Kape, asukal, gamit sa katawan at kung ano-ano pa. “Maraming salamat Mrs. Lily, ubos na po ang mga pagkain namin at talagang nagugutuman na din kami dito. Hindi namin alam kung saan kukuha, buti na lang at nandyan ka, lagi mo kaming natutulungan,” sabi ng isang babae sa matandang babae na tinawag nitong Mrs. Lily. Nang may dumaan na isang lalaki sa gilid ko ay tinanong ko sya kung sino itong bagong dating na babae na may bitbit na mga pagkain. “Ahm, excuse me? Sino ang babaeng iyon?” tanong ko sa lalaki. Tiningnan nya ako at kapagkuwan ay sinagot naman nya ang tanong ko. “Ah iyon ba? Si Mrs. Lily iyon, ang principal sa Sahara at syang may-ari nitong dorm. Mabait yan, sya ang tumutulong sa mga estudyante dito. Hindi nga lang nya pwedeng sabihin sa ibang mga guro ng Sahara na binibigyan nya kami ng pagkain dahil pasimple lang ang pagtulong na ginagawa nya at ang sabi nya ay wala daw dapat makaalam nito dahil baka pati ito ay patayin din ng kung sino man ang masamang taong pumapatay sa lugar na ito. Ang bawat guro dito sa paaralan ay hinahayaang makalabas ng isang beses sa isang buwan para bumili ng pagkain pero isang oras lang iyon at pagkatapos ay kailangan na din nilang bumalik,” sabi ng lalaki. Punong-puno ako ng pagtataka dahil sa mga sinabi nya. Kung ganoon ay nakakalabas pala ang mga guro dito pero bakit kaming mga estudyante ay hindi pwede? “Alam nila ang daan palabas ng Sahara?” nagtatakang tanong ko sa lalaki. Tumango naman ito sa akin. “Oo, pero sila lang ang may karapatan at may nagpapasunod daw sa kanila. Kapag sinuway nila ito ay papatayin daw sila nito kaya wala din silang magawa kundi sumunod na lang. Limang guro na ang binawian ng buhay sa eskwelahang ito dahil tinangka nilang tumakas noon. Ang sabi nila ay yung multo daw ni Lisa ang pumapatay at naghihiganti ito,” sabi ng lalaki. Napatango na lang ako sa kanya at nilagpasan na nya ako. Madami pa sana akong balak itanong sa kanya ang kaso ay kinausap na nya iyong matandang babae at inabutan sya nito ng isang supot na pagkain. Habang nakatingin ako sa mga ito ay tiningnan din ako ng matandang babae at kinawayan. “Halika dito, kumuha ka ng pagkain para mayroon kang makain,” sabi sakin ng babae. Ngumiti ako sa kanya. Hindi ako dapat mag-inarte lalo pa at kailangang-kailangan namin ng pagkain. Lumapit ako sa kanya at inabutan nya ako ng isang supot na naglalaman ng mga pagkain na pwede kong ipangdagdag sa stock namin. “Salamat po Mrs. Lily,” sabi ko sa kanya. Ngumiti sya sakin. “Kilala mo na pala ako. Ngayon lang tayo nag-abot dito, madalas kasi ay maaga akong pumapasok dahil alam mo naman na ang hirap ng katayuan natin sa eskwelahang ito, kapag umabsent kayo ay may pinaparusahan at ganoon din saming mga guro, kapag may lumiban samin sa pagpasok ay may pinaparusahan din samin,” sabi nito sakin. “Kahit po kayo ang principal ay kasama din kayo sa parusa?” nagtatakang tanong ko. “Oo naman hindi ako exempted sa parusa, kasama din ako at ayoko pang mamatay. Kinuha na nga nila ang buhay ng anak ko, ayokong pati ako ay mawala din agad sa mundo,” saad nito sakin. Biglang nalungkot ang mukha nito. “A-ano pong ibig ninyong sabihin? Namatayan po kayo ng anak?” Bigla kong naalala yung sinabi ni Lucas na kailangan daw namin makausap ang principal ng paaralang ito dahil baka sakaling may makalap kaming impormasyon sa kanya tungkol sa mga nangyayari, at ngayon nga ay kaharap ko na ito pero hindi ko nagawang magtanong sa kanya nang mabasa ko ang lungkot sa mga mata nya. Hindi nya agad sinagot ang tanong ko tungkol sa anak nya na sinabi nyang kinuha daw ang buhay. “Huwag na lang natin syang pag-usapan hija, ayokong maging malungkot ngayon,” sabi nito sakin. Ngumiti naman ako sa kanya. Naiintindihan ko sya kung ayaw nyang pag-usapan ang tungkol sa anak nya. Alam kong hindi biro ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal sa buhay. “It’s okay I understand,” sagot ko sa kanya. “Salamat,” pinilit nyang ngumiti sa akin. Magsasalita pa sana ako at hihilingin na makausap namin syang magkakaibigan ang kaso ay may dalawang estudyanteng sumingit sa harapan ko at nanghingi ng pagkain kay Mrs. Lily. Napabuntong-hininga na lang ako at umalis na sa kinatatayuan ko. Siguro ay saka ko na lang sasabihan si Mrs. Lily na gusto namin syang makausap magkakaibigan, kapag hindi na sya busy sa sa pagbibigay ng tulong sa mga estudyante dito sa dorm. Bumalik na ako sa itaas ng silid namin nila Selena at iniwan ang mga estudyanteng nagkakagulo sa pinamimigay ni Mrs. Lily. Agad kong binalita kila Lucas ang tungkol kay Mrs. Lily at kung bakit may dala akong mga pagkain. Sinabi ko sa kanila na ito ang tumutulong sa mga estudyante dito sa Sahara. Ito din kasi ang unang beses na makikita nila si Mrs. Lily kaya dali-dali silang bumaba ng hagdan para tingnan ito. “Uy tara baba tayo hingi din tayo ng pagkain para makaipon pa tayo!” sabi ni Stanley na nagmamadaling sumunod kay Lucas. Sumunod kami ni Jackie at tanging si Selena at Elisha na lang ang naiwan sa itaas. Agad na sinalubong ng ngiti ni Mrs. Lily ang mga kaibigan ko. “Good morning!” nakangiting bati nito kila Stanley. “Good Morning din po. Hehehe!” bahagya pang kumamot sa ulo si Stanley na tila hiyang-hiya habang nakaharap ito kay Mrs. Lily. “Oh akala ko ba hihingi ka ng pagkain Stanley?” diretsong sabi ko kay Stanley. Pinandilatan nya naman ako ng mata at tila sinasabing bigyan ko sya ng kahihiyan. Eh totoo namang sinabi nya yun kanina? Saka ngayon pa ba ito mahihiya? Wala naman itong hiya sa katawan. “Oh wag na kayong mahiya halina kayo. Para sa lahat talaga ito. Natutuwa ako at nagkaharap-harap din tayo,” ani Mrs. Lily habang nakatingin kila Lucas. “Naku Mrs. Lily nakakahiya naman po sa inyo,” sabi ni Stanley pero lumapit din naman at inabot ang pagkain na binigay ni Mrs. Lily. Napailing-iling na lang ako. See? Wala naman talagang hiya si Stanley at nagpapanggap lang. “Salamat po Mrs. Lily, mabuti na lang may mabuting loob na katulad nyo po ang tumutulong sa amin,” ani Stanley. “Naku wala iyon. Magaan sa loob kapag nakakatulong sa kapwa,” sagot nito. Ngumiti ako dahil sa sinabi ni Mrs. Lily, tama naman sya mas magaan sa loob ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap. Sana lang talaga ay makaalis na kami sa lugar na ito. “Ahm, Mrs. Lily, may alam po ba kayo kung bakit nangyayari ang mga p*****n sa eskwelahan? Ano po ba ang kwento tungkol sa lugar na ito? Dati po ba itong sementeryo kaya may mga nagmumulto?” tanong ni Lucas kay Mrs. Lily. Ilang saglit na nayahimik si Mrs. Lily bago ito nagsalita. “Hijo, sa tingin ko ay hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin yan, baka may makarinig satin at pag-initan pa tayong dalawa,” sagot ni Mrs. Lily. Kami naman ang natigilan dahil sa sinabi nya, naintindihan ko sya. Siguro ay natatakot din syang magsalita pero alam ko na dadating ang panahong makakausap namin sya tungkol sa mga bagay-bagay. Nagpasalamat ulit kami sa kanya matapos nyang bigyan ng pagkain sila Lucas at Stanley. Bumalik na din kami sa itaas pagkatapos dahil may pasok pa kami ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD