Natapos ang klase naming ngayong hapon nang hindi pa din namin nakikita si Klint. Hindi pa din sya bumabalik at nagkakagulo na kaming magkakaibigan dahil sa kanya lalo na ang nobya nyang si Elisha. Kanina pa ito iyak ng iyak dahil sa labis na pag-aalala para sa nobyo nito. Nasaan na nga kaya si Klint? Hindi na maganda ang kutob ko, buong klase na syang wala at hanggang ngayong natapos ang klase namin ay patuloy pa din kami sa paghahanap sa kanya pero hindi talaga namin sya makita.
"Tangina Klint magpakita ka na! Hindi na nakakatuwa itong biro mo gago!" sigaw ni Stanley na animoy nasa paligid lang si Klint at pinagtitripan lang kami.
Nagsisimula ng dumilim ang paligid kaya naman nagdesisyon na kaming umuwi sa dorm lalo pa at hindi na maganda ang pakiramdam ko dito sa loob ng school habang lumilipas ang liwanag at unti-unti itong binabalot ng dilim. Si Elisha ay ayaw pang sumama sa amin pero pinilit lang sya nila Lucas, walang mangyayari kung magmumukmok lang sya sa isang tabi, kailangan naming gumawa ng mga hakbang. Kung nasaan man ngayon si Klint sana ay ligtas sya. Hindi kamimtitigil sa paghahanap sa kanya pero sa ngayon ay kailangan muna naming magpahinga kaysa madagdagan pa ang mawala sa amin.
"Huwag ka ng umiyak Elisha, mahahanap din natin si Klint, walang nangyaring masama sa kanya okay? Rinig kong sabi ni Jackie kay Elisha, alam kong pinalalakas nya ang loob ni Elisha at sa ngayon ay iyon talaga ang kailangan ni Elisha.
Lahat kami ay nasa Bahay-Panuluyan na at nagdiretso kami sa silid namin. Sila Elisha ay sa silid muna namin nagtungo upang makapag-usap-usap kami.
"Selena ako na muna ang bahalang magsaing ngayon ng kanin, medyo marami pa naman tayong stock pero sana ay tayo pa din ang manalo sa exam para mas madadagdagan pa ito," ani Trinity sa akin, tumango lang ako sa sa kanya. Maya-maya ay nakadinig kami ng mga katok sa pintuan kaya naman binuksan iyon ni Jackie.
"H-hi!" bungad ng isang babae na syang kumatok sa pintuan. Hindi namin sya kilala pero nakikita ko sya sa school at dito sa dorm.
"Ano iyon Miss?" tanong ni Jackie sa babae, tila medyo nahiya naman ito at hindi nakapagsalita agad kaya nagtaka kaming lahat.
"Miss okay ka lang?" tanong pa ni Jackie sa babae, marahan naman itong tumango at pagkatapos ay tila napipilitan itong magsalita.
"Ahm, hihingi sana ako sa inyo ng kaunting bigas kung okay lang? Wala na kasi kaming stock at two days na kaming hindi kumakain ng kanin, pinagkakasya na lang naming ang mga sarili namin sa kung ano ang pagkaing natira sa amin. Pasensya na talaga, tinatapangan ko na ang hiya ko, hindi lang para sakin kundi para na din sa mga kasama ko, isa sa kanila ay may sakit pa at nilalagnat wala kaming maibigay na gamut sa kanya at mas lalo syang manghihina kung wala man lang laman ang tiyan nya," mahabang litanya ng babae. Lumingon sa amin si Jackie at tila ba hinihingi nito ang permiso ng bawat isa sa amin sa loob ng silid.
"Paano yan mawawalan din kami ng stock kapag nagbigay kami sa inyo, ang hirap kaya makahanap ng pagkain sa eskwelahan na ito, kailangan mo pang paghirapan ang lahat bago ka magkaroon ng pagkain," sabat ni Stanley. Napailing na lang ako sa kanya at pagkatapos ay tumayo ako upang lapitan si Jackie pati na yung babae.
"Bigyan mo na sya ng pagkain,naman iyon ng iba pa naming mga kasama at bukod tanging si Stanley lang ang tumutol.
"What?! Bakit kayo magbibigay sa kanila? Paano kung tayo naman ang maubusan at magutuman ha?" asar na sabi ni Stanley habang lukot na lukot ang mukhang bumaling ng tingin sa babae.
"Stanley, its okay! Pagkain lang yan, mayroon pa naman tayong inaasahan di ba? Malay mo manalo tayo dun sa test at tayo ang mabigyan ng dagdag na pang-stock ng pagkain," sagot ko sa kanya.
"Oo nga naman, okay lang yan Stan, wag kang selfish matuto tayong makisama," ani Trinity.
"Tss! Bahala kayo sa buhay nyo, basta kapag nagutom nagugutom na tayo at wala na tayong makain wag nyong sisisihin ang sarili nyo," sabi ni Stanley at iiling-iling itong tumalikod samin. Binalingan ko yung babaeng kausap ni Jackie kanina na ngayon ay nakatayo pa din at naghihintay sa hinihingi nitong bigas.
"Ah, Miss pasensya ka na sa kaibigan namin ha? Ganoon lang talaga yun," sabi ko sa babae para mawala ang panliliit nito. Base kasi sa itsura nito ay nanliliit na ito kanina dahil sa mga sinasabi ni Stanley.
"Wag mong pansinin ang gagong iyon Miss, sige sandal lang kukuhanan kita ng bigas,"
Nngumiti si Jackie sa babae at napangiti na rin ito sabay tango samin.
"Salamat, hayaan nyo kapag nagkaroon din kami ng stock ay ibabalik ko din sa inyo ang hiningi ko," anang babae sakin. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Ano ka ba? Wag mo ng isipin iyon, ang mahalaga ay gumaling ang kasama nyo at makakain kayo," sagot ko sa babae. Ilang sandal pa ay bumalik na si Jackie bitbit ang supot na may lamang bigas, Inabot nito ang supot sa babae at muling nagpasalamat samin ang babae bago ito tumalikod.
Narealize ko na swerte pa din kami dahil sa ngayon ay nakakakain pa kami ng tatlong beses sa isang araw habang ang ibang kasama pala namin dito ay hindi na. Minsan ay isang beses sa isang araw na lang nakakakain ang iba.
"Maswerte pa din pala tayo dahil mayroon pa tayong mga pagkain na stock, kawawa naman pala ang iba nating kasama dito, mukhang hindi na sila nakakakain ng sapat," saad ni Trinity.
"Tama ka, iyan nga din ang nasabi ko sa sarili ko, na mapalad pa din tayo dahil sa ngayon ay tatlong beses sa isang araw pa din tayo nakakakain," wika ko at sumalampak sa sahig. Tiningnan ko si Val na katulad ng dati ay tahimik lang na nagbabasa ng libro sa isang sulok. Si Elisha ay tulala pa din, bigla ay bumalik sa isipan ko ang paghahanap namin kay Klint, gabi na pero wala pa din Klint na nagpapakita samin.
Kung nasaan man sya ngayon sana ay ligtas lang sya, ayokong ipakita sa nobya nyang si Elisha na nag-aalala ako sa nangyayari dahil baka mas lalo lang itong maapektuhan, sa ngayon ay mas kailangan nito ng taong magpapalakas ang loob nito.
Nang matapos magluto si Trinity ay nagbukas na lang kami ng de lata at sabay-sabay kumain. Mas mainam na sabay-sabay kaming kumain dahil ang hapagkainan ay nagiging hapag-usapan din kapag magkakaharap kami sa pagkain.
"Agahan nating pumasok bukas para mahanap agad natin si Klint," ani Lucas sa amin. Lahat kami ay tumango sa kanya liban kay Elisha na nakatitig lang sa pagkain nito at hindi man lang ginagalaw iyon.
"Elisha kumain ka nga, wag kang mag-alala mahahanap natin si Klint. Kumain ka para may lakas ka," nag-aalalang sabi ni Jackie kay Elisha pero tumayo lang ito at iniwanan na kami sa harap ng hapag-kainan. Nagdiretso na ito sa ilid nila. Nagkatinginan na lang kaming magkakaibigan at napailing.
"Hayaan nyo na si Elisha, kailangan nya magpahinga," ani Stanley kaya hinayaan na namin si Elisha at itinuloy ang pagkain nang wala sya.