CHAPTER 14

1218 Words
Saktong 12 PM na nang bumalik si Elisha sa classroom namin pero hindi nya kasama si Klint. Tapos na ang lahat ng subject naming ngayong umaga at lunch time na naming, ang kaso ay wala namang makakainan dito sa loob ng eskwelahan dahil wala naman ng nagtitinda sa canteen. Bigla ko tuloy naalala yung sinasabi ng guro naming na kailangan daw naming makakuha ng pinakamataas na score sa exam para makakuha kami ng pagkain pang isang linggo. Wala pang resulta ang pagsusulit naming noon kaya hindi pa naming alam kung sino ang section na may mga pinakamatataas na marka. Sana ay kami iyon dahil ayokong magutom. "GuysI Uwi muna tayo sa dormitory total wala naman tayong makakainan dito. Nagugutom na ko kanina pa," reklamo ni Stanley. Inirapan lamang ito ni Jackie. "Teka lang Elisha, nasaan ba si Klint? Bakit mag-isa ka lang na bumalik?" tanong ni Lucas. "Oo nga nasaan ang nobyo mong iyon?" dagdag ni Trinity habang nakahalukipkip at nakatingin din kay Elisha. Kumunot ang noo ni Elisha sa amin. "Huh? Ang akala ko ay nandito na sya, bigla na lang kasi syang nawala kanina akala ko naman ay nauna na syang bumalik dito. Hindi na kasi nya ako binalikan sa bodega," saad ni Elisha. "Bodega?! Ano namang ginagawa nyo sa bodega?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Jackie kay Elisha. Ngumisi si Stanley. "Wag mo ng alamin Jackie, yung mga may nobyo lang ang makakaintindi," tatawa-tawang sabi ni Stanley. Pansin kong nag-blush si Elisha at napakamot naman ng buhok si Lucas. "Pero teka, kung wala pa pala si Klint dito eh saan kaya nagpunta ang gagong yon?" ani Trinity. Bigla akong kinabahan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Umihip ang malakas na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Napatingin ako sa itaas ng building kung saan kami malapit na nag-uusap ng mga kaibigan ko. Nakita ko na naman ang babaeng nakaputi, hindi ganoon kalinaw ang mukha nya pero sa pagkakataong ito ay pinilit kong huwag maging duwag. Nilabanan ko ang tingin sa kanya. Ang palda na suot nya ngayon ay katulad na din ng paldang suot naming na nakuha pa naming sa dresser mula sa dorm. Ibig sabihin ay estudyante din dito ang babaeng nakikita ko. Duguan ang mukha nya at hindi maitatakot ang lkungkot doon at tila hirap na hirap ito. Sa pagkakataong ito ay hindi ko narinig ang paghingi nya ng tulong. Nakatingin lang sya sakin at nang bigla akong kumurap ay mabilis na itong nawala sa paningin ko. Tila nagising ang diwa ko at ang biglaang pumasok sa isip ko ay si Klint. Bigla akong kinabahan, nakita ko na naman ang babaeng iyon, baka mayroon na namang masamang mangyari. "Kailangan na nating mahanap si Klint bago pa may masamang mangyari sa kanya," sambit ko sa mga kasama ko. Rumehistro ang takot sa mukha ni Elisha. "Anong ibig mong sabihin Selena?" tanong sakin ni Lucas. "Tama si Selena, kailangan na nating hanapin si Klint. Iba ang kutob ko, pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda," sabi ni Val. Nagkatinginan kaming lahat at wala na ni isa pa ang nagtanong. Sinamantala na namin ang oras para hanapin si Klint. Magkasama kami ni Lucas at naghiwa-hiwalay kami ng iba pang mga kasama namin. Sa bodegang sinasabi ni Elisha kami unang nagpunta ni Lucas pero tahimik naman doon at walang tao. Sa lawak ng eskwelahang ito ay hindi malabo na matagalan bago namin makita si Klint. Katulad ni Val ay iba din ang kutob ko. Sana naman ay hindi mangyari kung ano man ang nasa isip ko lalo pa at hindi sila nakapasok ni Elisha sa isang subject. "Wala si Klint dito," ani Lucas mula sa gilid ko. "Posible kayang-" "Ayokong isipin Lucas," putol ko sa sinasabi ni Lucas. Ayokong isipin na tama ang kutob ko kahit Malaki ang posibilidad, ayokong may mawala ni isa man sa mga kaibigan ko. "Mahahanap natin si Klint," sabi ko at umalis na kami sa bodega kung saan kami unang nagtungo. Naglakad-lakad pa ulit kami ni Lucas, maraming bakante at lumang classroom ang pinasok naming isa-isa dahil hindi naman nakakandado ang mga iyon, pero wala kaming Klint na nakita. Hanggang sa laboratory kung saan madalas ang krimen ay nagtungo din kami. Nasalubong pa na namin si Maam Klarissa Barromeo at nagulat pa sya samin. "Oh, 4-Sampaguita anong ginagawa nyo dito?" tanong nya samin ni Lucas. Totoong maganda si Maam Barromeo kaya naman hindi mo maiiwasang mapatitig sa mukha nya kapag kaharap mo sya. "Ah, hinahanap lang po naming yung kaibigan naming," sagot ni Lucas mula sa gilid ko. Tumango-tango naman si Maam Barromeo sa amin pero tila sinusuri nya kami ni Lucas. "Bakit may nangyari bang hindi maganda?" tanong niya sa amin. "H-huh? Wala naman po Maam," nguimisi si Lucas kaya naman muling tumango si Maam pero bago pa nya kami lagpasan ay may napansin ako sa unipormeng sout nya kaya tinawag ko sya. "Sandali lang po Maam!" habol Ko dito, tumigil naman sya at lumingon sakin habang nakakunot ang noo. "Why Selena?" Humakbang ako palapit sa kanya at tinitigan ang damit nyang may bahid ng mantsang kulay pula. Napansin siguro nito iyon kaya naman agad nitong hinawakan ang parte ng damit nito kung saan may kulang pulang bahid ng hindi ko alam kung ano. "M-may mantsa po kayo sa damit," medyo kinakabahang sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin. "Ah, oo. Yung liptint ko yan kanina," sagot naman nya sa akin. Hindi ako kumibo at napatango na lamang. "Sige ha, kailangan ko ng magturo sa ibang section, see you tomorrow 4-Sampaguita," ngumiti ito bago muling humakbang palayo. "Bakit ganoon ka makatingin kay Maam Barromeo?" tanong sakin ni Lucas. Siguro ay nararamdaman din nya na iba ang kutob ko nang mapansin ko ang mantsa sa damit nito kanina. "W-wala naman. Tayo na sa loob," sabi ko at nagtungo na kami ni Lucas sa loob ng laboratory. May ilang mga estudyante sa loob pero di naming sila alintana dahil si Klint ang hinahanap naming pero wala din naman si Klint sa loob. Ilang minuto na naming syang hinahanap pero hindi naming sya makita. Nang sumapit ang saktong 1 AM ay agad kaming bumalik sa classroom naming, mamaya na lang namin itutuloy ang paghahanap kay Lucas. Pagdating naming sa loob ng room ay syang dating din ng iba ko pang kaibigan. Bigo din silang makita si Klint at ang nobya nitong si Elisha ay namumula na ang mga mata. Halatang umiyak ito. "Nasaan na kaya si Klint? Napuntahan na namin halos lahat pero wala talaga sya eh!" sabai ni Trinity. "Wag ka ng umiyak Elisha, mahahanap din natin si Klint," sabi naman ni Jackie at niyakap nito si Elisha. Wala pa si Stanley at bukod tanging ito ang nawawala sa grupo naming magkakaibigan na naghanap kay Klint. Magtatanong sana ako ang kaso ay saktong bigla naman itong sumulpot habang ngumunguya. "Saan ka galing?" tanong ni Lucas kay Stanley. "Umuwi ako sandal sa dorm, nagugutom na kasi talaga ko eh," sagot nito habang kakamot-kamot sa ulo. Napailing na lang kami kay Stanley, naisingit pa talaga nitong umuwi sa dorm para kumain kahit nagkakagulo na kami sa pagkawala ni Klint. Nang dumating ang guro namin sa first subject ngayong hapon ay bumalik na kaming lahat sa upuan tumahimik
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD