CHAPTER 13

1155 Words
"Lumabas muna tayo habang wala pang teacher sa last subject natin ngayong umaga," suhestiyon sa amin ni Lucas. "Bakit, ano na naman ang gagawin natin? Mag-uusyoso na naman ba tayo sa mga insidenteng nagaganap sa school na 'to? Tsk! Wag na natin dagdagan pa ang mga alalahanin natin, mas lalo mo lang dinadagdagan ang takot ng mga kasama natin dito Lucas," nakasimangot na sabi ni Stanley. "Iyon ba talaga ang tingin? Sa tingin mob a ay maging ang sarili ko ay hindi natatakot sa mga nangyayari sa eskwelahang ito? Kaya nga naghahanap ako ng mga impormasyon ay upang makatulong iyon sa atin para makaalis na tayo sa lugar na ito!" medyo inis na sabi ni Lucas. "Oo nga naman Stanley, tama si Lucas kaya pwede ba ay manahimik ka na lang? Kung ayaw mong sumama eh di dyan ka na lang, walang pumipilit sayo!" sabat ni Jackie at humalukipkip sabay irap sa hangin. "Tama nay an, walang mangyayaring mabuti kung mag-aaway-away pa tayo. Simulan na nating samantalahin ang mga oras para makakalap ng impormasyon," awat ko sa kanila. Tumango lang sila Trinity at napalaingon ako nang biglang magsalita si Val. "Sasama ako," anito sa amin. Napangiti ako at tumango sa kanya. Sila Mike mula sa harapan ay mukhang wala namang pakialam sa pinag-uusapan naming maging ang ibang mga kaklse naming. Sabay-sabay kaming lumabas na magkakaibigan mula sa classroom. Sumama rin maging ang napipilitan lang na si Stanley. "Maghiwa-hiwalay tayo ng building na pwedeng puntahan," sabi ni Lucas. Tumango kami sa kanya at nahati kami sa apat. Hindi ko alam pero sa akin sumama si Val at hindi sya humiwalay sa tabi ko. Naglakad kami at nagtungo sa isa sa pinakatagong building sa likod ng Belmonte Hall, ang mga classroom na nasa likod niyon ay luma na. May ilog sa likod ang mga lumang kubeta na madalas daw ay nangangamoy dahil hindi naman nalilinis ng tagalinis nito. Nang makarating kami sa likod ng Belmonte Hall ay walang tao, hindi na kasi ginagamit ang lumang mga silid na ito dahil marami ng bagong classroom mula sa harap. Hindi naman ganoon karami ang estudyante kaya siguro hindi na rin kinailangan pang gamitin ang mga room dito. Lumingon ako kay Val nang mapansin ko na nawala na sya sa likod ko, pumasok pala sya sa isang abandonadong classroom na nadaanan naming kaya naman bumalik ako at sinundan ko sya. Pumasok ako room na pinasukan nya at doon ay nabasa kong Music Room ang silid na ito. May ilan pang mga lumang instrumento na punong-puno na ng alikabok dahil sa hindi na ito nagagamit. Malaki ang loob ng silid at masasabi kong maganda sana ito ang kaso ay mukhang napabayaan na. Hindi rin maganda ang amoy sa loob dahil masangsang na amoy agad ang sasalubong sayo pagkapasok mo. Nakita kong nakatakip si Val ng ilong habang pinapasadahan ng tingin ang paligid ng silid. Nilapitan ko ang isang lumang piano at paghawak ko pa lang doon ay kumapit na agad ang alikabok sa kamay ko. May isang lumang drawer na syang pinuntahan ni Val nakita kong may nakuha syang papel doon, binabasa nya ang nakalagay sa papel kaya naman dala ng kuryosidad ay lumapit ako sa kanya. "Ano yan?" tanong ko sa kanya. Kunot ang noo nya habang binabasa ang papel kaya nakibasa na rin ako. Hindi ko masyadong maaninag ang letrang nakapaloob sa papel dahil sa kalumaan niyon. Ang tanging malinaw lang sa letra ay ON, KE, at NT. Sobrang labo na ng mga letra at hindi ko na kayang basahin pa ang nakapaloob na sulat doon kung ano man iyon. "Rape..." mahinang bigkas ni Val habang pilit pa rin na binabasa ang sulat, mas lumalim ang kunot ng noo nya. Ako naman ay nagtatakha dahil sa salitang binigkas nya. "Anong rape?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "May ni-rape na babae sa eskwelahang ito at malamang na sya yung babaeng nakikita mo," saad ni VAL dahilan para tumaas ang mga balahibo ko. Rape? May rapist sa school na ito? Agad kong hinimas ang balat ko dahil lahat ng balahibo ko ay nagtaasan na lalo pa nang bigla na lang nalaglag ang vase na nakapatong sa isang table malapit sa piano na tiningnan ko kanina. Nagkatinginan kami ni Val, kahit gaano kalakas ang hangin ay hindi dapat malalaglag ang vase na iyon dahil mabigat ito at babasagin. "Val, tayo na. Natatakot na ko dito!" tarantang sabi ko. Ipinalibot ni Val ang mga mata sa paligid ng room, sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang akong nakarinig ng bulong sa tainga ko. "Tulungan mo ko..." Ang tinig na iyon na palagi kong naririnig ay tila nananaghot at hirap na hirap. Mabilis kong tinakpan ang mga tainga ko at napasigaw. "Tama na! Tigilan mo na ko!" sigaw ko. Nag-aalala akong hinawakan ni Val sa magkabilang balikat. "Selena, anong nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong nito ngunit ayaw pa rin tumigil ng tinig na naririnig ko. Humihingi ito ng tulong at malinaw iyon sa akin. Nakakakilabot ang tinig nya at pakiramdam ko ay nangangapal ang tainga ko dahil sa sobrabng kilabot. Patakbo akong lumabas mula sa music room at doon ay nabunggo ko si Stanley. "Anong nangyayari sayo Selena?" nagtatakang tanong nya sakin. "M-may babae, humihingi sya ng tulong sakin. Narinig ko na naman ang tinig nya!" puno ng takot na sabi ko. Kumunot lang ang noo sakin ni Stanley. "Iniisip mp lang yan Selena, kayo kasi masyado nyong tinatakot ang sarili nyo. Tsk! Tsk!" iiling-iling na sabi ni Stanley sakin. Nilagpasan ko na lang sya at bumalik na ako sa classroom naming. Hinihingal akong naupo sa upuan ko. Naroon na sa loob si Trinity at Jackie. Kasunod kong bumalik sa classroom si Val at Stanley, saktong pagpasok nila ay pumasok na rin ang guro naming para sa last subject namin ngayong tanghali. Bigla akong kinabahan, wala pa si Elisha at Klint kaya naman bumulong ako kila Trinity. "Nasaan sila Klint at Jackie?" tanong ko. Ngumisi si Stanley at lumingon sa akin. "Gumagawa ng baby," nakatawang sabi nito kaya naman napailing na lang ako. Sinabunutan ito ni Jackie matapos marinig ang sinabi nito. "Aray! Ano ba? Totoo naman yung sinasabi ko eh. Matagal-tagal ng walang score- ouch ano ba?!" Muling sinabunutan ni Jackie si Stanley bago pa nito matuloy ang sasabihin nito. Tumigil lang ang mga ito nang bawalin ng guro naming, sinimulan na nitong magturo kaya naman tumahimik na kaming lahat. Halos hindi ako mapakali sa upuan ko habang nakikinig sa guro naming, oo nakikinig ako pero tila tinatangay naman ng hangin ang isipan ko. Nag-aalala ako kila Elisha at Klint, malapit ng matapos ang oras ng teacher naming sa last subject pero hindi pa din bumabalik yung dalawa. Kinakabahan na ako dahil absent na sila sa last subject naming. Hindi sila pwedeng umabsent, bakit ba nila ginawang hindi bumalik? Tsk! Napailing na lang ako sabay himas sa noo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD