*SELENA's POV*
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Lucas. Nagkatinginan kaming dalawa ni Val.
Dahan-dahang lumabas si Mrs. Lily mula sa kusina habang bitbit nito ang sandok na pinangluluto nito nang kung ano mang putahe.
Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung tatakbo ba ako or kung ano ba ang dapat kong gawin. Naramdaman kong hinawakan ni Val ang kamay kong nanginginig. Mukhang hindi naman kami nakilala ni Mrs. Lily sa bodega kanina, dapat ay hindi na lang kami magpahalata na may alam na kami.
"Sabay-sabay na tayong maghapunan," nakangiting sabi ni Mrs. Lily samin. Nakatitig siya kay Val pero si Val ay nakita kong kalmado lang habang nakatingin sa kaniya. Lahat kami ay tumango kay Mrs. Lily.
"Oo naman. Sabay-sabay na tayo. Salamat Mrs. Lily," sambit ni Val. Tumango lang si Mrs. Lily habang nakangiti at muli itong bumalik sa pagluluto. Nang mawala ito sa harap namin ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Diyos ko! Ano bang nangyayari? Paanong nakarating sa lugar na ito ng ganoon lang kabilis si Mrs. Lily? Iniwan lang namin siya sa bodega kanina. Hanggang ngayon ay napakarami pa ring tanong sa isipan ko. Yung mga nasaksihan namin ni Val sa bodega kanina ay patuloy na gumugulo sa isipan ko. Hindi ko akalain na si Mrs. Lily pala ang killer. Ang dami ng buhay ang nawala. Hindi ko maimagine na siya pala ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Wala sa itsura nito na kaya nitong pumatay. Lahat ng tao dito sa Sahara ay akala mabuting tao si Mrs. Lily. Lahat kasi ng estudyante ay tinutulungan niya, binibigyan ng pagkain at tirahan, iyon pala ay pakitang tao lang ang lahat ng iyon. Hindi pala totoong mabuting tao ito. Mukhang sinadya niya na mabigyan ng tutuluyan ang mga estudyante para nakikita niya ang kilos ng lahat. Lahat kami ngayon ay nasa bingit ng panganib.
Hindi ko lubos maisip kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Dahil ba nawalan ito ng anak? Pero bakit kailangan nitong pumatay? Hindi si Maria Lisa ang pumapatay kundi ang ina nito. Wala pang kasagutan kung bakit ginagawa ni Mrs Lily ang bagay na ito.
"Val anong gagawin natin?" kinakabahang bulong ko kay Val. Nakita kong malalim ang iniisip nito. Siguro ay nag-iisip din ito ng mga hakbang.
"Kailangan na nating makaalis dito sa mas lalong mabilis na panahon. Delikado ang buhay nating lahat sa kamay niya!" impit pa rin na bulong ko. Si Lucas ay hindi kami naririnig dahil busy itong makipag-usap sa ibang estudyante na kasama namin dito sa sala.
Tumingin ako sa hagdanan. Siguradong nandoon lahat ng iba pang mga kaibigan namin. Kailangan na naming masabi sa kanila ang totoo. Kailangan na naming makaalis dito.
Pero ang malaking tanong sa isip ko ay kung saan kami pupunta? Wala kaming ibang mapupuntahan. Dito lang kami napapanatag. Pero ngayon na alam kong hindi pala ligtas at mas delikado ang lugar na kinalalagyan namin ay labis na ang pagkabahalang nararamdaman ko.
"Halika sa itaas," mahinang bulong sa akin ni Val. Agad akong sumunod sa kaniya nang tumayo siya.
Pumanhik kami sa hagdanan para puntahan ang mga kasama namin. Mabuti na lang at nadinig kami ni Lucas at sumunod na rin ito sa amin.
Pagdating namin sa itaas ay hinintay lang namin na makapasok din si Lucas. Agad naming isinarado at ikinandado ang pintuan nang makapasok kaming lahat doon.
Gulat na gulat sila Trinity nang makita nila kami.
"Oh Val at Selena saan ba kayo nanggaling at ginabi na kayo?" tanong ni Trinity samin. Nakita kong ngumisi si Stanley.
"Sus. Ano pa ba? Wag na kayong nagtatanong," malisyosong sambit nito kaya agad itong binatukan ni Jackie.
"Alam mo wala ka talagang kwentang kausap kahit kailan. Mas mabuti talaga na manahimik ka na lang!" ani Jackie kay Stanley.
"Aray naman! Inaano ba kita? Ano na namang ginawa ko sayo?" daing ni Stanley habang hinihimas ang ulo nito.
"Puro ka kamanyakan!" ani Jackie at pinandilatan nito ng mga mata si Stanley. Napailing na lang si Stanley habang kakamot kamot sa buhok nito.
"So saan nga kayo nagpunta Selena? Saka bakit ganiyan ang itsura niyo, para kayong namumutla ah?" puna samin ni Bruno. Huminga muna ako ng malalim. Tiningnan ko si Val. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat. Baka kasi magkagulo at mag-panic lalo ang mga kaibigan ko. Hindi dapat mangyari iyon dahil mas lalo kaming mahuhuli ng killer. Kailangan ay iparamdam namin na wala pa rin kaming alam hanggang ngayon na si Mrs. Lily pala ang killer.
"Makinig kayong mabuti sakin at ipangako niyo na walang mag-papanic kahit isa man sa inyo. Para sa ikabubuti ito ng lahat. Tandaan niyo ito," panimula ko sa kanila. Kumunot ang noo nila habang seryosong nakatingin sa akin. Marahil ay nagtataka sila at hindi nila maunawaan kung ano ang ibig kong iparating.
"Naguguluhan kami. Ano bang ibig mong sabihin Selena?" lukot na lukot ang noong tanong sakin ni Trinity.
"Basta ipangako niyo muna na hindi kayo gagawa ng kahit na anong ingay," sabi ko sa kanila. Lahat sila ay napilitang tumango kahit na halatang nagtataka pa rin.
"Sige, pangako. Sabihin mo na kung ano man ang gusto mong sabihin," ani Lucas.
"May natuklasan kasi kami ni Val. Alam na namin kung sino ang killer," sabi ko sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Lahat sila ay mas sumiksik sa akin at naglapitan.
"A-ano? Totoo ba yang sinasabi mo Selena? Oh my god! Sino ang killer?" hindi makapaghintay na tanong ni Jackie.
Tiningnan ko muna si Val mula sa gilid ko at marahan lang siyang tumango sakin na para bang sinasabi niyang panahon na para sabihin ko din sa mga kaibigan namin ang natuklasan namin.
"Sino ang killer Selena?" tanong ni Bruno.
Napalunok muna ako bago sumagot sa tanong nila.
"Si Mrs. Lily," sagot ko. Mas lalo silang nagulat at halatang hindi makapaniwala sa sagot ko. Si Trinity ay nalukot pa ang noo habang nakatingin sakin.
"Ano? Nagbibiro ka ba Selena? Paanong si Mrs. Lily eh ang bait-bait nun sating lahat?" nagtatakang tanong ni Trinity. Inaasahan ko ng hindi nila kami paniniwalaan agad. Kahit naman kami ni Val ay hindi rin makapaniwala na si Mrs. Lily pala ang killer. Hindi namin akalain na siya ang nasa likod ng lahat ng ito.
"Listen guys. Alam kong mahirap paniwalaan, pero nagsasabi ng totoo si Selena. Lucas and Stanley, natatandaan niyo ba yung pader na nakita natin noon kung saan ang tapunan ng mga bangkay? Doon kami nanggaling. Umakyat kami sa pader at may nakita kaming bodega doon. Nakita rin namin na may bihag sa loob ng bodega. Tatlong tao ang naroon at humihingi ng tulong. Hindi namin sila nagawang tulungan dahil biglang dumating ang killer at malinaw na si Mrs. Lily iyon. Siya ang nasa likod ng lahat ng mga patayang nangyayari sa lugar na ito. Kitang-kita namin ang mukha niya," sabi ni Val. Lahat ng kaibigan namin ay nabalot ng takot ang reaksyon. Si Jackie ay nagsumiksik sa katawan ni Stanley.
"Pero hindi ko maintindihan. Bakit si Mrs. Lily? Bakit niya ginagawa ang lahat ng ito?" tanong ni Lucas.
"Hindi kaya dahil sa namatay ang anak niya kaya siya naghihiganti? Maaaring iyon ang dahilan," sabi ni Bruno. Napatango kaming lahat dahil may punto ang sinabi niya. Hindi lang namin iyon agad naisip dahil wala talaga sa itsura ni Mrs. Lily ang pumatay. Concern pa nga ito saming lahat at iyon palagi ang pinapakita nito. Nagpapanggap lang pala ito. Matagal na pala naming kasama ang totoong pumapatay sa lugar na ito.
"Tungkol doon sa bihag na sinasabi niyo. Sino ang mga iyon?" tanong naman ni Stanley.
"Hindi namin sila kilala at hindi rin namin alam kung bakit sila binihag ni Mrs. Lily. Mukhang matagal na sila sa lugar na iyon," sagot ko.
"Tingin niyo bakit hindi pa sila pinapatay ni Mrs. Lily?" tanong ni Jackie.
"Yan ang dapat nating malaman. Kailangan kong balikan ang lugar na iyon para makausap ang mga taong nabihag sa loob," ani Val. Nag-aalala akong tumingin sa kaniya.
"Val, masyadong delikado. Baka mahuli ka ni Mrs. Lily," mahinang sabi ko.
"Selena, ito lang ang tamang gawin," desididong sagot sa akin ni Val.
"Sasama ako sayo Val," sabi naman ni Bruno.
"Kami rin," ani Stanley at Lucas. Tumango lang si Val sa mga ito.
"Kami, anong pwede naming gawin?" tanong ni Trinity.
"Mag-stay lang kayo dito. Wag kayong magpapahalata na may alam na kayo tungkol sa kung sino ang killer. Act like normal. Sa tingin ko ay hindi niya kayang umatake nang mag-isa lang. Palagi kayong magsama-sama at dapat maging handa. Tiyak na babalik iyon sa bodega," sabi ni Val. Tumango kaming mga babae sa kaniya.
"Basta mag-iingat kayo doon," paalala ko sa kanila. Tumango lang si Val sakin.
"Nasa labas si Mrs. Lily at nagluluto ng hapunan. Sa tingin niyo ay ano kaya ang pinaplano niya?" tanong ni Lucas.
"W-what? Nasa labas siya?" halatang kinakabahang tanong ni Jackie.
"Oo, gusto daw niya na ssabay-sabay tayong maghapunan," ani Lucas.
Mas sumiksik si Jackie sa katawan ni Stanley.
"Ano ka ba, wag ka ngang ganiyan. Masyado kang halata eh. Kakasabi lang na dapat act normal lang," paalala ni Stanley kay Jackie.
"Sino ba naman ang kakalma kung alam mong kasama mo lang pala sa bahay ang pumapatay?" nanginginig ang mga kamay na sabi ni Jackie.
"Kinakabahan din tuloy ako sayo eh!" suway ni Lucas kay Jackie.
"Anong gagawin natin? Makikipagsalo-salo ba tayo sa kanila mamaya?" tanong ni Trinity.
"Oo, haharap tayo sa kanila para hindi makahalata si Mrs. Lily na iniiwasan natin siya at may alam na tayo kung sino talaga siya," sabi ni Val.
"Tama, mamayang alas-dose ng madaling araw tayo pumunta sa bodega para madilim ang paligid," suhestiyon ni Stanley.
Natigilan kaming lahat nang makarinig kami ng mga katok sa pintuan. Kinakabahang napalingon kami doon.
"Baka si Mrs. Lily na yan," bulong ni Jackie habang takot na takot ang itsura. Agad naman itong sinuway ni Stanley at tinakpan ang bibig nito. Si Stanley ang tumayo para pagbuksan ang pintuan.
Kinalma muna nito ang sarili at huminga ng malalim bago tumayo sa pintuan at buong tapang na binuksan iyon. Maging ako ay pilit kinakalma ang sarili ko dahil sa totoo lang ay kinakabahan na din talaga ako.
Tuluyan nang binuksan ni Stanley ang pintuan at nakahinga kaming lahat ng maluwag dahil kapwa namin estudyante sa Sahara ang tumambad kay Stanley. Nakatira din ito sa bahay panuluyan.
"Ron, ano iyon?" tanong ni Stanley sa lalaki. Kakilala na rin namin halos lahat ng kasama namin dito sa bahay.
"Pinapatawag na kayo sa ibaba. Kakain na daw ng hapunan at magsasalo-salo na," ani Ron kay Stanley. Tumango lang si Stanley.
"Sige, susunod na kaming lahat," sagot ni Stanley bago bumaling saming lahat. Hinanda namin ang sarili namin at tumayo kaming lahat mula sa pagkakasalampak namin sa sahig.
"Sasama pa ba talaga tayo doon? Hindi ako nagugutom," sabi ni Jackie.
"Sus! Natatakot ka lang eh. Wag ka ngang duwag. Mas walang mangyayari sayo kung panghihinaan ka ng loob. Kailangan nating humarap doon," sabi ni Stanley kay Jackie.
Napilitan tuloy si Jackie na sumama samin kahit na halatang ayaw talaga nitong sumama dahil sa matinding takot.
Tiningnan ko si Val sa gilid ko. Tumango siya sakin at inilahad ang kamay niya. Tinanggap ko iyon at inabot.
"Tara na guys," ani Lucas samin.
Lahat kami ay lumabas na ng silid at nagtungo sa ibaba kung saan sinasabing nakahanda na ang hapunan. Naabutan namin doon ang mga hinanda ni Mrs. Lily na putahe.
"Iwww! Diyos ko ano ba yan?" rinig kong bulong ni Jackie kay Stanley.
"Tumahimik ka nga. Ang ingay mo na naman," bulong din ni Stanley kay Jackie.
Dinuguan ang nakita naming ulam na nakahanda sa lamesa. Saka puro inihaw na karne.
"Mukhang masarap. Ang bango," sabi ni Lucas.
"Yuck! Seryoso ka ba Lucas? Kumakain ka ng dinuguan?" tanong ni Jackie sa mahinang boses. Lumabas na rin si Mrs. Lily at nakangiti niya kaming pinaupo sa tapat ng malaki at mahabang lamesa. Kasama din namin ang iba pang mga estudyante. Umakto kami ng normal sa harap niya.
"Masarap yan Jackie," sagot ni Lucas kay Jackie. Umasim lang ang mukha ni Jackie. Lahat kami ay naupo na at nagharap-harap sa lamesa para sa hapunang inihanda ni Mrs. Lily.