*JACKIE's POV*
Nangangatog ang tuhod ko habang nakatingin sa mga nakahandang pagkain. Ewan ko ba. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Feel ko ay may hindi tama sa mga hinanda ni Mrs. Lily samin ngayong gabi. Baka may lason pa itong mga pagkain niya at mamatay pa kaming lahat.
"Stanley kakain ka ba? Umalis na lang kaya tayo?" bulong ko kay Stanley. Mahigpit ang pagkakakapit ko sa braso niya. Ayoko talagang kumain. Hindi rin naman kasi talaga ako kumakain ng dinuguan.
"Ano ka ba? Wala tayong ibang pupuntahan kung aalis tayo dito. Hindi ka ba nag-iisip?" halatang nagpipigil na bulong niya sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Kumain na tayo at magsalo-salo. Masarap ang mga yan," ani Mrs. Lily. Nakita kong agad na nilantakan ni Lucas ang pagkaing nakahain.
Daig pa nito ang nagutuman. Bakit nito kinain iyon? Hindi ba nito naiisip na baka may lason iyon lalo pa at nalaman namin ngayon na si Mrs. Lily pala ang killer. Kahit anong mangyari ay hindi talaga ako kakain sa mga pagkaing inihanda sa amin ni Mrs. Lily. Di baleng mamatay na lang ako sa gutom.
Gusto kong pigilan si Lucas pero akmang magsasalita pa lang ako ay naramdaman ko na agad ang pagpigil ni Stanley sa kamay ko. Nilingon ko siya at ang sama ng tingin niya sa akin. Para bang nagbabanta iyon.
Tiningnan ko ang ibang mga kaibigan namin, pati sila Selena ay kumakain na rin. Kasama namin ang iba pang mga estudyante na sarap na sarap at walang alam sa kung sino talaga si Mrs. Lily.
Pinapanood ko lang ang bawat isa sa kanila at tinitingnan. Iniisip ko kung anong balak samin ni Mrs. Lily. Kung bakit hanggang ngayon ay hinahayaan niya pa kaming nasa bahay niya? Isa-isa lang ang ginagawa niyang pagpatay. Hindi nito kayang umatake ng mag-isa kaya tama lang na hindi kami maghiwa-hiwalay lalo pa at alam na namin ang totoo.
Napaayos ako ng upo nang maramdaman ko na bumaling ng tingin sakin si Mrs. Lily.
"Ikaw, bakit hindi ka pa kumakain?" tanong niya sakin.
Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at lahat sila ay nakatingin din sa akin. Para bang kinakabahan sila dahil nabaling sakin ang atensyon ni Mrs. Lily.
Hindi ako nakapagsalita agad at pakiramdam ko ay parang nalulon ko na yata ang dila ko.
Ano bang dapat kong isagot sa kaniya? Na wala akong tiwala sa mga pagkaing hinanda niya? Syempre hindi pa ako baliw para gawin iyon. Alam kong mapapahamak ang bawat isa sa amin kapag sumagot ako ng mali sa tanong niya.
Siniko ako ni Stanley kaya naman doon ako tila natauhan.
"Ah, busog pa po kasi ako Mrs. Lily," pilit ang ngiting sabi ko at hinimas pa ang tiyan ko. Kasinungalingan lang iyon dahil ang totoo ay nagugutom na rin ako at kumakalam ang tiyan ko. Pero hinding-hindi talaga ako kakain ng mga hinanda ni Mrs. Lily sa amin.
"Ganoon ba? Bakit hindi ka ba nasabihan na may pasalo-salo ako ngayong gabi?" tanong ni Mrs. Lily.
Ang kulit ng matandang ito. Pinipigilan ko lang ang sarili ko at hindi nagpahalata kahit gusto ko na siyang komprontahin patungkol sa totoong pagkatao niya.
Bakit kaya parang gustong-gusto nito na kumain din ako?
"Hindi ko po kasi alam. Busy kasi ako kanina kaya siguro wala sa loob ko kahit na napag-usapan ng mga kasama ko kanina na mayroon daw po kayong pasalo-salo," sabi ko kay Mrs. Lily. Tumango naman si Mrs. Lily sa akin. Tiningnan ko ang mga kasama ko at nag-iwas naman sila ng tingin dahil baka nahahalata na ni Mrs. Lily ang mga tinginan namin kanina pa.
"Hehe, pagpasensiyahan niyo na po itong si Jackie, Mrs. Lily. May sarili kasing mundo madalas ang isang ito eh," sabi ni Stanley at tinapik-tapik pa ang likod ko. Walanghiya talaga itong kumag na ito. Wala naman akong sariling mundo. Hindi kaya ako wirdo. Tss!
"Ayos lang, basta pag nagutom ka Jackie kumain ka lang," sabi ni Mrs. Lily. Nagbigay lang ako ng pekeng ngiti sa kaniya.
Ngumiti lang din ang mga kasama ko at nagpatuloy sa pagkain. Maya-maya ay nakita kong natigilan sa pagkain si Lucas at halos masuka ito habang nakatitig sa karneng nasa pinggan nito. Ako lang yata ang nakapansin niyon dahil halatang pinigilan nito ang sarili. Dali-dali itong tumayo sa pagkakaupo kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya.
"Anong nangyayari sayo Lucas?" tanong ni Bruno. Ngumiwi naman si Lucas at waring humawak ito sa tiyan nito.
"Ah, sumakit kasi yung tiyan ko bigla. Cr lang ako saglit," sabi ni Lucas.
Halatang nagsisinungaling lang ito kaya naman hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya.
Tiningnan ko ang pinggan ni Lucas at naiwan doon ang malaking tipak ng inihaw na karneng kinakain nito.
Alam kong may mali kaya ito tumayo sa kinauupuan nito.
Mabuti na lang at saktong tumalikod din si Mrs. Lily para kumuha ng maiinom. Nang makatalikod ito ay dali-dali akong tumayo para tingnan ang pinggan ni Lucas.
Ganoon na lamang ang pagkagimbal ko nang makita ko ang karneng naroon.
May tattoo na krus ang inihaw na karne. Hindi ako pwedeng magkamali. Ganitong-ganito ang tattoo ni Hunt na nakita ko noon sa binti nito.
Halos magduduwal ako dahil sa nakita ko. Napatakip ako sa bibig ko at napaatras sa kinatatayuan ko. Dali-dali din akong tumakbo patungo sa silid namin sa itaas. Lahat ng kaibigan ko ay nag-aalala habang nakatingin sa akin. Hindi ko na sila binigyang pansin pa. Pagdating ko sa silid naming magkakaibigan ay agad akong naghagilap ng supot na pwede kong sukahan. Doon ako nagsuka ng nagsuka.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga yabag kasunod niyon ay mga katok na mula sa pintuan.
"Jackie okay ka lang ba?"
Tinig iyon ni Stanley. Bukas naman ang pintuan at hindi iyon naka-locked. Nang hindi ako sumasagot sa tanong niya ay agad niyang pinihit ang pinto at pumasok. Tiningala ko siya at gulat na gulat siya pagkakita sakin dahil sa supot na hawak ko. Nanlalambot na rin ako at hinihingal dahil sa pagsusuka.
"Ano bang nangyayari sayo?" aalalang tanong niya.
"Bakit ka umalis doon? Baka hanapin ka ni Mrs. Lily," sabi ko.
"Umalis na siya at iniwan na kami dahil may importante daw siyang dapat asikasuhin sa office. Bakit ka ba biglang nagsuka? Pansin ko din kay Lucas na bigla na lang siyang nawalan ng gana kanina. What's wrong?"
Halatang wala pa ring kaalam-alam si Stanley kung bakit nagkakaganito kami ni Lucas.
"Yung inihaw na karne kanina. Hindi naman iyon baboy eh. Karne iyon ng tao!" sabi ko. Medyo napalakas iyon kaya nabigla din ako.
"A-ano?" nanlalaki ang mga matang ulit ni Stanley sa sinabi ko.
"Karne iyon ng tao. It was Hunt! Nakita ko pa yung tattoo niya sa karneng inihaw. I know na kaya biglang nag-cr kanina si Lucas ay dahil din sa nakita niya sa pagkain niya. Si Mrs. Lily nga talaga ang killer at pinapakain niya pa satin yung mga kasama natin! Baliw na siya!" naiiyak na sabi ko. Samut saring emosyon na ang nararamdaman ko. Nakita kong halos maduwal na rin si Stanley dahil sa sinabi ko.
Imagine, karne ng tao pala ang nakahain sa amin kanina. Pinaglalaruan kami ni Mrs. Lily.
"f**k!" ani Stanley at dali-dali ding lumabas ng silid para magtungo sa banyo. Siguradong magsusuka din ito doon. Nang mahimasmasan ako ay sumandal na lang ako sa pader habang habol ang hininga ko.
———
*LUCAS POV*
Tangina! Hindi ako makapaniwala na hindi pala karne ng baboy kundi karne ng tao ang nakahain sa amin kanina.
I saw Hunt's tattoo doon sa karneng kinakain ko kanina. Iyon yung nasa binti niya at hindi ako pwedeng magkamali doon.
Pinaglalaruan kami ni Mrs. Lily. Ginawa pa niya kaming cannibal. Pinapakain niya kami ng tao. Hindi ako makapaniwala na nakatikim ako ng karne ng tao. f**k s**t!
Muli akong dumuwal sa inidoro. Wala na akong maisuka. Naisuka ko na yata lahat kanina pa pero ayaw pa rin tumigil sa pagbaligtad ang sikmura ko.
Maya-maya ay humahangos na pumasok si Stanley at nakita kong nagsusuka din ito.
Mukhang nalaman nito ang tungkol sa karne.
"Tangina!" sabi ko habang iiling-iling. Pinanood ko siyang sumuka. Ako ay medyo nahimasmasan na.
Nang matapos magsuka si Stanley ay nanghihinang tumingin siya sakin.
"Sira ulo yung matandang yon! Ginawa pa tayong cannibal!" reklamo niya sa galit at nandidiring itsura.
"Alam mo na rin pala. Nakita mo ba yung tattoo?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi, pero sinabi sakin ni Jackie kanina. f**k! Kadiri talaga!" sabi ni Stanley at muling nagsuka. Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng mga nagsusuka sa kabilang cubicle. Mukhang sila Valorous na iyon. Siguro ay nalaman na din ng lahat ang tungkol sa karneng inihain ni Mrs. Lily.
Napailing na lang ako at bumunong-hininga.
"Dapat ay sumunod na lang ako kay Jackie kanina na hindi kumain. Tama siya, may balak talagang masama iyong matandang iyon sa atin. Ang sarap niyang patayin!" sabi ni Stanley.
"Shh! Baka may makarinig sayo," suway ko naman sa kaniya.
"Wala na siya. Bumalik na siya sa Sahara. May aasikasuhin daw siya sa opisina niya," ani Stanley. Nagtaka naman ako dito. Umalis na rin pala agad si Mrs. Lily.
"Aasikasuhin ng dis-oras ng gabi?" tanong ko kay Stanley. Halatang nagtaka din siya.
"Oo nga 'no? Dis-oras na ng gabi tapos may aasikasuhin pa daw siya. Baka may binabalak na naman siyang hindi maganda. May gusto na naman siyang patayin?"
Nagkibit lang ako ng balikat sa sinabing iyon ni Stanley.
Sabay na kaming lumabas ng cubicle at tama nga ako. Nakasalubong pa namin sila Valorous na halatang kakatapos lang din sumuka. Ganoon din sila Selena na hindi maipinta ang mga mukha.
"Kamusta sikmura niyo?"
Nakuha ko pang magbiro sa kanila.
"Kakaiba tayo. Nakatikim na tayo ng karne ng tao," dagdag ko pa. Umasim ang mukha ni Trinity dahil sa sinabi ko.
"Lucas manahimik ka nga. So disgusting!" reklamo nito at pinahid pa ang nguso.
"Masarap naman pala ang karne ng tao," tatawa-tawang sabi ko. Dinaan ko na lang sa biro ang pandidiring nararamdaman ko.
"Umalis na si Mrs. Lily. Mukhang pinagtripan lang niya tayong pakainin ng karne ng tao. Baliw na yata ang matandang iyon," sabi ni Stanley.
"Sinabi mo pa. Sinong matinong tao ang papatay ng maraming buhay? Tss!" si Trinity.
"Huwag kayong maingay. Baka mamaya ay hindi naman totoong umalis iyon at nasa paligid lang pala," ani Selena.
Pumanhik kaming lahat sa hagdanan para bumalik na sa silid namin. Napailing na lang kami nang makita namin ang ibang mga kasama namin sa bahay na kumakain pa rin sa mga hinandang pagkain ni Mrs. Lily. Muling bumaligtad ang sikmura ko kaya iniwasan ko na lang silang tingnan.
"Sarap na sarap pa sila," nakangiwing sabi ko.
"Wag mo na ngang sabihin," sabi ni Trinity na halatang diring-diri pa rin.
Pagbukas namin ng pinto ng silid namin ay naabutan namin si Jackie na nakahiga at parang nanlalambot. Mukhang nagsuka na rin ito ng nagsuka kahit hindi naman ito kumain kanina. Kilala ko ang isang ito. Mahina ito sa ganoon at madidirihin.
"Ano kayang pinuntahan ni Mrs. Lily sa Sahara sa dis-oras ng gabi?" tanong ni Selena.
Naglatag na kami ng higaan namin. Tumabi sakin si Bruno. Hindi na kami naghihiwa-hiwalay pa ng silid buhat noong maganap ang mga p*****n. Mas mabuti kasi na magkakasama kami lalo pa ngayon na nalaman naming si Mrs. Lily pala ang killer. Matutulungan namin ang bawat isa kapag umatake ito. Pero sigurado naman ako na hindi ito aatake kung magkakasama kaming lahat.
"Baka sa bodega lang iyon pumunta," sabi naman ni Val.
"Yan din ang iniisip ko," ani Selena.
"Anong plano natin? Mamayang madaling araw ba natin pupuntahan yung bodega?" tanong ni Stanley.
"Oo, kailangan nating maging maingat. Basta kayo girls, wag kayong maghihiwa-hiwalay," sabi ko sa mga babae.
"Gisingin niyo kami kapag napasarap ang tulog namin," kakamot-kamot sa buhok na sabi ni Stanley at tumabi na ito kay Jackie. Lahat kami ay pumwesto na ng higa.
"Magpahinga na tayo boys dahil gigising pa tayo mamaya," sabi ni Bruno.
"Tama magpahinga na tayo," pagsang-ayon ko at ipinikit na ang mga mata ko.