*MIKE's POV* "Narinig mo ba yun?" tanong sakin ni Jerron mula sa kabilang silid. "Ang alin?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Pumasok si Jerron sa silid ko kaya nagulat pa ako nang biglang lumundo ang kama ko. "Hindi mo naririnig? Parang may mga yabag eh. Hindi kaya nandito na yung may-ari ng bahay na to?" tanong sakin ni Jerron. Napakunot naman ang noo ko. Mukhang wala naman kasing nagmamay-ari ng bahay na ito. "Ayos ka lang ba? Walang may-ari ng bahay na to. Tayong dalawa na ang nagmamay-ari nito simula ngayon. Sorry na lang sila Lucas dahil magtitiis sila sa labas habang tayo ay may malambot na higaan at mayro'n pang masisilungan," nakangising sabi ko kay Jerron. Kung ano-ano kasi ang iniisip nitong si Jerron eh. Baka guni-guni lang nito ang sinasabi nitong mga yabag. "Hindi mo

