*JACKIE's POV* Gulat na gulat kami sa nakitang itsura ni Lucas nang makabalik siya dito sa likod ng clinic kung saan nandito kaming lahat ngayon at naghihintay sa kanila ni Trinity. Hindi niya kasama si Trinity kaya nagtataka kami. "Lucas, anong nangyari sayo? Nasaan si Trinity bakit hindi mo siya kasama?" nagtatakang tanong ko. "Oo nga, hindi ba't sinundan mo siya? Nasaan siya?" tanong din ni Selena. Sunod-sunod lamang ang pag-iling ni Lucas at para bang takot na takot ito. Nanginginig ang katawan nito kaya naman mas lalo kaming nag-alala. "Hoy Lucas, anong nangyari sayo?" tanong din ni Bruno pero hindi pa rin sumasagot si Lucas. Ilang sandali pa ay isa-isa kaming tiningnan ni Lucas ng may takot sa mga mata. "S-si Trinity," nauutal nitong sabi. Lahat kami ay nakatingin lang sa kani

