*LUCAS POV* Pinuntahan namin ni Trinity ang sinasabing classroom na pinagkitaan nila Selena ng sulat. Alam kong galit sa amin si Trinity pero hindi dahilan iyon para hayaan ko na lang siyang mag-isa. Nakatayo na kaming dalawa ngayon sa harap ng pintuang nakabukas. Sinulyapan ako ni Trinity at parang nag-aalangan pa ito na humakbang papasok sa loob kaya naman inunahan ko na siya, ako na ang naunang pumasok sa loob at pagkatapos ay sumunod naman siya sa akin. Pagkapasok pa lang naming sa loob ay hindi magandang amoy na agad ang sumalubong sa amin, hindi na bago sa akin ang ganitong klase ng amoy dahil sa mga bangkay na nakakalat lang kung saan. Nabanggit din sa amin ni Selena na nandito ang bangkay ni Ma'am Gracia at iyon ang siguradong naaamoy namin ngayon na masangsang. "Ang sama ng amoy

