*Trinity's POV* Kanina pa namin hinihintay sila Bruno pero wala pa rin sila. Sinundan nila si Selena nang bigla na lamang itong umalis kanina. Hindi namin alam kung bakit bigla na lang itong umalis nang hindi man lang nagpapaalam. Mukhang may binabalak si Selena at kung ano man iyon ay wala kaming ideya lahat kaya sinundan ito ni Val at Bruno. Nag-aalala tuloy ako para sa kaniya. Akala ko ay lumabas lang ito kanina para magpahangin or may titingnan lang, pero isang oras na ay hindi pa rin ito bumabalik kaya sinundan na ito nung dalawa. Nauna si Val na sumunod kay Selena, at hindi nito alam na sumunod din si Lucas. "Wala pa rin ba sila?" nag-aalalang tanong ni Jackie sa gilid ko. Kanina pa rin ito nag-aalala. Si Lucas nga ay gustong sumunod kanina pero hindi naman kami maiwanan. Nag-aalal

