CHAPTER 23

1284 Words
Trinity’s POV Ang gulo talaga ng pinsan ko pati ng mga barkada nya, gabi na eh nagsisigawan pa sila sa ibaba mabuti na lang at tumigil na sila matapos kong sabihan. Gusto ko pa naman magpahinga ng maaga ngayon dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Ewan ko ba kung bakit parang nanlalambot ako kahit wala naman masyadong ginawa sa school. Pagpasok namin sa silid namin nila Selena ay kaagad kong inunat ang katawan ko sa higaan. Napansin naman iyon ni Selena at pinuna. “Oh Trinity ayos ka lang? Mukhang kanina ka pa matamlay ah?” sabi nya sakin. “Okay lang ako Selena don’t worry,” sagot ko naman sa kanya. Nandito din sa silid namin ang iba pa naming mga kaibigan. “Magsasaing muna ako ng kanin para sa hapunan natin,” pagpiprisinta ni Jackie. Tumango lang kami sa kanya. Naupo sa sahig ang mga kaibigan ko katulad ng lagi naming ginawagawa kapag may mga kailangan kaming pag-usapan. Nakapaikot silang lahat at bukod tanging ako lang hindi nakaupo doon dahil nakahiga ako. Ganoon pa man ay malapit naman ako sa kanila kaya madidinig ko din ang lahat ng pag-uusapan. “So saan ba talaga kayo nakarating kanina?” tanong ko sa tatlong kulokoy na syang hindi pumasok sa klase kanina. “Hinanap nga namin kung saan tinapon yung ano…” Sinenyasan nila ako sa paraan na magegets ko. Niintindihan ko na ayaw nilang banggitin ang pangalan ni Klint dahil hanggang ngayon ay wala pa ding alam si Elisha tungkol sa pagkamatay ng boyfriend nya. Nakakaawa si Elisha at alam kong nahihirapan din si Selena na sabihin kay Elisha ang tungkol dopon dahil baka mas lalong lumala ang kalagayan nito. “At nahanap nyo naman ba?” tanong ko sa kanila. Nagkibit lang sila ng balikat. “Ang nakita namin ay isang matayog na pader. Pinilit naming tibagin iyon at may natibag naman kaming maliit na piraso kaya nagkaroon iyon ng maliit na butas. Sinilip namin kung ano ang nasa likod ng pader na iyon na naroon sa likod ng school,” “Anong nakita nyo?” hindi makapaghintay na tanong ko agad sa kanila. Sobrang seryoso ng mga mukha nila kaya naman bigla akong kinabahan at nakaramdam ng takot. “Puro bangkay ang nakita namin. Tila ba tapunan ng bangkay ang parteng iyon ng paaralan. Nakakasulasok ang amoy at sobrang deklikado din dahil muntikan ng mapahamak nsi Val kanina,” paliwanag ni Lucas. “Ano?!” gulat na sambit ni Selena kaya lahat kami ay napatinginsa kanya dahil tila labis ang pag-aalala nya. Napahinto naman sya nang mapansin nya na lahat kami ay nagulat sa reaksyon nya. “Ahm I mean, anong nangyari?” bawi ni Selena at napansin kong nagbaba sya ng tingin dahil nakatitig sa kanya si Val. Ang weird ng dalawang ito ha. “Habang nakasilip kaso si Val sa butas ng pader na iyon ay bigla na lang may lumabas na bareta, mabuti na nga lang at hindi sakto sa mukha ni Val!” paliwanag ni Lucas. Nabigla din ako sa sianbi nya. Sino naman ang gagawa ng bagay na iyon? “Sino naman ang may gawa niyon?” tanong ko. “Hindi na namin inalam pa dahil kumaripas na kami ng takbo sa takot. Baka mamaya ay iyon na pala yung killer,” sabi ni Lucas. “Kung ganoon ay gusto rin naming makita ang pader na sinasabi nyo,” biglang sabi ni Selana. Agad naman akong kumontra sa sinabi nya. “Haynaku Selena, anong pinagsasasabi mo dyan? Nakita mo na ngang muntik ng mapahamak sila Lucas tapos gusto mo pang makita yung tapunan ng mga bangkay na iyon. Gusto mo rin bang mapahamak?” tanong ko sa kanya. Sumabat naman si Val na kanina pa nakikinig samin. “Mas makakabuting wag mo ng alamin pa kung ano ang mayroon sa lugar na iyon, Selena. Masyadong delikado at baka ikapahamak mo pa,” sagot ni Val habang nakatingin kay Selena. May kakaiba talaga palagi sa tingin nya kay Selena na hindi ko maipaliwanag kung ano. Hindi naman na nagsalita pa si Selena. “Oo nga, hayaan na ninyo kaming mga lalaki. Responsibilidad naming kayo,” sabi ni Lucas. Nang matapos magsaing si Jackie ay pinauna nyang pakainin si Elisha at inasikaso nya ito. Mas mabuti kasi na maunang makapagpahinga si Elisha pagkatapos nitong kumain. Kami naman ang sumunod na kumain after mapakain ni Jackie si Elisha at hinatid na nito ito sa silid. Habang kumakain kami ay bigla naming napag-usapan si Klint. Nakakamiss din ang kulokoy na iyon, iba talaga kapag kumpleto kami. Ngayon kasi ay parang palaging mayroong kulang, dumagdag pa nagkaganoon si Elisha at hindi makausap ng maayos. Kung bakit ba naman kasi kailangan pang mangyari ang mga bagay na ito. “Seriously guys, namimiss ko si Klint,” sabi ko sa kanila. Magkakaharap na kami sa iisang lamesa. Sa ibaba ay mukhang nagkakainan na din ang iba pang mga estudyante, suwerte kami at nadagdagan ang mga stock namin na pagkain dahil sa bigay ni Mrs. Lily Valdez. “Oo nga, nakakalungkot pero kailangan nating tanggapin na wala na sya. Sa ngayon ang bagay lang na magagawa natin para sa kanya ay ang huwag pabayaan si Elisha,” sabi ni Jackie. “Oo, kailangan tayo ni Elisha mas lalo na ngayon na ganyan ang kalagayan nya. Sino nga kaya ang may gawa ng mga p*****n sa lugar na ito? Kinakabahan na naman tuloy akong pumasok bukas dahil baka mayroon na namang mangyaring di maganda. Araw-araw na lang tuloy ay ganito ang pakiramdam ko,” sabi ko. Kahit naman kasi madalas na maldita ako at medyo pasaway ay totoong nakakaramdam na din ako ng takot dahil hindi na biro ang mga nangyayari. “Wag kayong mag-alala, hindi namin kayo pababayaan,” ani Stanley habang abala sa pagsubo nito ng kanin. May ipinakita sya saming baril nang matapos syang sumubo. Nanlaki ang mga mata naming dahil sab aril na hawak nya. “Stanley, bakit mayron ka nyan? Saan mo kinuha nyan?” gulat din na tanong ni Selena at katulad ko ay namimilog din ang mga mata nito habang nakatingin sa baril. “Kinuha ko dun sa guard,” tipid na sagot samin ni Stan. Napakunot naman ang nook o dahil sa sinabi nya. “Kinuha mo? Paano mo namang nakuha sa kanya nang hindi nya nalalaman?” Pansin kong bumuntong-hininga si Lucas habang iiling-iling. “Bakit Lucas?” tanong ko sa kanya. Tumingin lang sya ng seryoso sa mga mata ko. “Tanong mo si Stan,” sabi nya at bumaling ng tingin kay Stanley. “Bro mas mabuting sabihin mo na sa kanila yung ginawa mo,” ani Lucas kay Stan. Mas lalo lang akong naguluha, Ano ba talagang ibig nitong sabihin? Nagpapalit-palit ako ng tingin sa kanila ni Stanley. Naghihintay lang din ng kasagutan sina Selena at Jackie. “Pinatay ko kasi yung guard. Binaril ko sya kaya nakuha ko itong baril nya,” sagot ni Stanley. “Ano?!” sabay-sabay naming bulalas nila Selena. “Kung hindi ko gagawin ang bagay na iyon ay baka tayo naman ang patayin nya, saka ayaw nya kasing sabihin kung nasaan ang bangkay ni Klint, sigurado din ako na may alam sya sa mga nangyayari kaya mas mabuting inunahan ko na sya,” paliwanag sa amin ni Stanley. Tila ayaw pa din magsink-in sa utak ko na nakapatay sya. “Nasa sa inyo yun kung magagalit kayo sakin pero ito lang ang tanging paraan na alam ko para maprotektahan kayo, magagamit natin ito sa oras ng panganib,” sabi samin ni Stanley. Hindi ako nagsalita, may punto naman sya pero hindi pa din kasi ako makapaniwala na nagawa nya ang bagay na iyon. “Kumain na tayo,” pag-iiba ni Lucas ng usapan. Nababasa ko na hindi din sya sang-ayon sa ginawa ni Stan pero alam ko din na pilit nya itong iintindihin at iyon din ang gagawin namin ngayon. Kailangan naming intindihin kung ano man ang nagawa ni Stanley dahil para naman iyon sa kapakanan ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD