*BRUNO's POV* "Tara na tumakas na tayong lahat!" sabi ko matapos tanggalin ang tali nila Val ganoon din ang mga kasama nitong bihag ni Mrs. Lily sa loob ng bodega. Habang abala si Mrs. Lily sa paghabol kay Lucas ay sinamantala ko ang pagkakataon. Nag-usap kami ni Lucas kanina na kukuhanin niya ang atensyon ni Mrs. Lily upang mapakawalan ko sila Val. Mabuti na lang at nagtagumpay ito. Halatang nanghihina na ang ilang mga bihag pero pinilit pa rin ng mga ito ang sarili para makatakas. "Dalian niyo may daan dito. Hindi na kailangan pang tumungtong sa hagdan muna sa kabilang pader. Sundan niyo ko!" sigaw ni Val samin. Sumunod kami sa kaniya nang makalabas kami sa bahay. Pero laking gulat namin nang masalubong namin si Mrs. Lily. Nasaan na si Lucas? "Saan kayo pupunta? Akala niyo makakata

