*LUCAS POV* "Gusto kong makita si Mama, please tulungan niyo po akong makita ang Mama ko!" umiiyak na sabi ni Mico. Napatingin ako sa kaniya. Nakaramdam ako ng awa. Ngayon ay alam ko na ang lahat kung bakit walang choice sila Ma'am Marina Cortez. Wala silang magawa sa mga pinagagagawa ni Mrs. Lily dahil bihag nito ang mga mahal nila sa buhay. Nakaramdam ako ng guilty dahil napagsalitaan ko pa siya ng hindi maganda. Alam kong nagkamali ako. Hindi ko naiintindihan ang pinagdadaanan niya. May mabigat din pala siyang dinadala. Hindi ko akalain iyon. Alam kong napakahirap ang mawalay sa isang anak. Lalo pa at bata pa si Mico. Siguro'y sabik na sabik na ito sa anak at dagdag pa doon ang araw-araw na pag-aalala dahil nasa kamay ito ni Mrs. Lily. Mabuti na lang talaga at nakuha namin sila. Sab

