*MARINA CORTEZ POV* "Saan ka galing?" Napahinto ako mula sa paglalakad nang marinig ko ang tinig na iyon ni Mrs. Lily. Pabalik na ako sa classroom ko. Alam kong medyo late na ako at hinihintay na ako ng ilang mga estudyante ko. Kakaunti na lang silang natitira. Napalunok ako at biglang kinabahan. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at nakita ko si Mrs. Lily na nakatayo din habang nakatingin sakin. "S-sa guidance office lang Mrs. Lily," nauutal na sagot ko. Umangat ang isang kilay niya sa akin. "Sinungaling!" galit na sabi niya at sinampal ako sa pisngi. Nasapo ko ang mukha ko dahil sa lakas ng sampal niya. Pakiramdam ko ay namanhid ang mukha ko dahil doon. "Isa kang sinungaling! Sa guidance office ako galing. Siguro nagkita na kayo ng anak mo 'no? Ituro mo sakin kung nasaan sila!

