*BRUNO's POV* Maingat ang bawat paggalaw namin ni Lucas habang umaakyat kami sa hagdanan mula sa kabilang pader. Alas dos ng madaling araw at napagdesisyunan namin ni Lucas na ngayon pumunta sa bodega. Kailangan naming mabawi si Val. Kailangan namin siyang makuha kay Mrs. Lily. Hindi pwedeng pati si Val ay mamatay. Nang makarating kami sa bodega ay tahimik ang paligid. Hindi namin alam kung paano kami makakapasok sa loob. Nakakandado lahat kaya umikot kami sa pinakalikod nito. Napatalon ako sa paglalakad nang may maapakan yung paa ko. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita kong putol na kamay iyon na nakakalat lang sa daan. Napatakip ako sa bibig ko at agad na iniwas ang tingin sa putol na kamay bago pa ako makaramdam ng pagsusuka. "Tangina!" mahinang mura ni Lucas dahil siya a

