CHAPTER 57

1411 Words
*KILLER's POV* Mukhang naisahan ako ng mga magkakaibigan. Pagdating ko sa bahay panuluyan ay wala na ang mga ito doon. Hindi tama ito. Iilan na lang ang natitira sa bahay ko. Hindi pwedeng matakasan ako ng mga batang iyon. Kunsabagay, wala silang magagawa para makaalis sa lugar na ito dahil kontrolado ko ang lahat. Isang kahibangan kung iniisip man nila na makakaalis sila sa lugar na ito! Hinding-hindi ako papayag na maisahan nila. Humakbang ako patungo sa itaas ng silid ng mga magkakaibigan. Walang tao. Malakas kong isinara ang pintuan. Napansin ko rin na wala na ang ibang gamit ng mga ito. Malinaw na umalis na sa bahay ang natitirang mga papatayin ko. Iilan na lang ang narito sa bahay ko. Wala na sa sampu. "Mrs. Lily!" salubong sakin ng inosenteng si Erika. Wala pa rin itong kaalam-alam sa tunay na nangyayari at kung sino ang killer. Kawawa naman ang batang ito. Wala siyang kaalam-alam. Napangisi ako. "Ano pong ginagawa ninyo sa silid nila Lucas?" nagtatakang tanong niya sakin. Tiningnan ko siya ng masama. Ayoko sa lahat ay yung maraming tanong lalo na at badtrip ako. Badtrip ako dahil sa pagkawala nila Lucas! Hindi nila ako pwedeng matakasan, pero kung laro ang hanap nila at tagu-taguan ay iyon ang ibibigay ko sa kanila. "Mrs. Lily?" untag sa akin ni Erika. Binalingan ko siya ng tingin. Makulit kang bata ka! Walang tao sa ibaba at si Erika lang ang nandito. Malamang na nasa Sahara na ang ilang estudyante na kasama nito. Agad kong hinablot ang buhok ni Erika. Gulat na gulat naman siya sa ginawa ko. Nanlalaki ang mga mata niya dahil hindi niya inaasahang gagawin ko ito sa kaniya. "Mrs. Lily bitawan mo ako. Anong ginagawa mo sakin?" tanong niya. "Ang daldal mo! Ang ingay mo! Dapat sayo ay pinatatahimik!" pabulyaw na wika ko at dinukot mula sa tagliran ko ang patalim na hawak ko. Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Erika dahil doon. "Mrs. Lily anong gagawin mo?!" "Papatayin ka!" mabilis na sagot ko at isinandal siya sa pader. Ginilitan ko ang leeg niya kaya pumulandit ang dugo doon. Nakadilat pa si Erika habang nakatingin sakin. "I-ikaw a-ang k-ki..." Hindi na nito naituloy pa ang ano mang sasabihin dahil unti-unti na itong dumausos pabagsak ng sahig. Napangisi ako habang nakatingin sa kaniya. "Masyado ka kasing maingay eh! Dapat ay nanahimik ka na lang," sambit ko at muling isinukbit ang kutsilyong dala ko. May kailangan pa akong gawin. Gusto kong maglaro ngayon. Pupuntahan ko ang mga nagkaklase ngayon. Agad akong lumabas ng bahay at iniwan ang wala ng buhay na si Erika. Nagtungo ako sa Sahara at hinanap ang silid ng Section Sampaguita. Ilan na lang ang estudyante sa silid na ito. Matagal na raw hindi pumapasok ang grupo nila Lucas. Pasaway talaga ang mga iyon kaya sila ang gusto kong patayin. Hindi sila natatakot o sumusunuod sa mga guro. "Mrs. Lily..." nanlalaki ang mga matang sambit ni Marina, ang kasalukuyang guro ng section sampaguita sa oras na ito. Gulat na gulat siya at halatang kinakabahan nang makita niya ako. Binigyan ko lang siya ng ngisi at tumingin ako sa mga estudyante niya na nakatingin din sa akin ngayon. "A-anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Marina sakin. "Bakit hindi ba ako welcome sa klase mo?" tanong ko sa kaniya. Kaagad naman itong yumuko at himingi ng pasensiya sa akin. "Hindi naman po sa ganoon Mrs. Lily," nakayukong sabi niya. "Gusto kong mapanood na magklase ka at pagkatapos niyon ay magtanong ka sa mga estudyante mo. May laro akong gagawin. Ang hindi makakasagot sa bawat katanungan ni Marina ay may nakaambang parusa," sambit ko. Napatingin sa akin si Marina. Halatang hindi ako payag sa sinasabi ko. Sunod-sunod lamang ang pag-iling nito. "Pero—" Binigyan ko siya ng nagbabantang tingin bago pa niya matapos ang sasabihin niya. Hindi siya dapat kumokontra sa mga gusto kong mangyari kung ayaw niyang buhay niya ang pasakitan ko. Lumapit sa akin si Marina. "Mrs. Lily pwede bang itigil mo na ito," lakas loob na sabi niya. "Wala kang karapatan para utusan ako, Marina. Naiintindihan mo ba? Kung ayaw mong masaktan, sumunod ka sa mga gusto ko!" mahinang sabi ko sa nagtitimping boses. Pinapainit pa ng babaeng ito ang ulo ko. Hindi na ito kumibo pa at nag-aalangan itong tumingin sa mga estudyante nito na mga nakangiti pa. Akala siguro ng mga ito ay laro-laro lang ang gusto kong mangyari. Hindi nila alam na kapag hindi sila nakasagot sa mga magiging katanungan ni Marina ay papatayin ko na sila. Naboboring na kasi ako. Gusto kong kumitil ng kumitil ng buhay. Napilitang magklase si Marina habang ako naman ay nakaupo sa isang gilid at pinapanood sila. Pasulyap-sulyap sakin si Marina at mababakas sa mukha niya ang matinding kaba. "Mga anak, pilitin ninyong matuto sa kung ano man ang pag-aaralan natin ngayon. Kailangan niyong maging seryoso," ani Marina. Ngumisi ako sa mga estudyante. Halatang wala lang sa kanila ang sinasabi ni Marina. Ang iba sa likod ay nagbubulungan at nagtatawanan pa kahit na nagsasalita na si Marina. Hindi nila alam na ano mang oras ay pwede na silang mamatay. Nagsimula ang klase ni Marina at naghanda din siya ng katanungan para sa mga estudyante niya ukol sa kung ano man ang tinalakay nila kanina. Dito makikita kung sino ang mga nakikinig o hindi. Nagsimulang magtanong si Marina sa isang estudyante. Ang pangalan nito ay Lorenzo. Sinwerte ang lalaki dahil nasagot nito ng tama ang tanong ni Marina. Tatlo ang katanungan na inihanda niya sa mga estudyante. Pinapanood ko lang sila. Binilang ko kung ilan na lang ang estudyante ni Marina. Sampu na lang pala ang mga ito dahil wala na ang grupo nila Lucas pati na rin yung dalawang magkaibigan na si Mike at Jerron. Napansin ko na yung Bruno ay doon na kila Lucas sumasama palagi. Muling nagtanong si Marina sa isang babaeng estudyante. Sa kasamaang palad ay hindi nito nasagot ang tanong ni Marina. Nanghula pa ito pero mali naman. Ito yung isang babaeng nakikipagkwentuhan lang sa likod kanina. Kinakabahang tumingin sa akin si Marina matapos kong marinig na mali ang sagot ng bata. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumayo ako sa kinauupuan ko. Naglakad ako patungo sa harapan. Sunod-sunod lamang ang pag-iling ni Marina. Tila ba alam na alam na nito kung ano ang binabalak kong gawin. "Haika dito," tawag ko sa babaeng mali ang sagot kanina. "A-ako po?" sabi pa nito at tinuro ang sarili. "Oo, ikaw na mali ang sagot!" mariin na wika ko. Naging seryoso ang buong klase at lahat sila ay nakatitig sa akin dahil sa biglaang pagbabago ng itsura ko. Jean ang nakita kong pangalan ng babae base sa ID na suot-suot niya. "Hindi ba't dapat ay nakikinig kayong mabuti sa guro ninyo? Sinabi kong may nakaambang parusa sa kung sino man ang hindi makakasagot hindi ba?" nakangising sabi ko sa kaniya. Tumango lamang si Jean sakin. Para itong pinitpit na luya. "Ano bang parusa yan Mrs. Lily?" tanong ng isang intrimitidang babae na katabi ni Jean kanina. Akala siguro nito ay biruan lang ang lahat. Kinuha ko ang kutsilyo ko mula sa tagliran at agad kong ginilitan ang leeg ni Jean sa harap ng mga kaklase niya katulad ng ginawa ko kay Erika kanina. "Mrs. Lily, huwaaaaaag!" Umalingawngaw ang sigaw na iyon ni Marina sa loob ng silid. Kaagad na bumagsak ang katawan ni Jean sa sahig at nangisay pa ito. Naglawa agad ang dugo sa sahig. Tiningnan ko ang mga estudyante at lahat sila ay shocked sa nakita nila. Hindi makapaniwala at nanlalaki ang mga mata ng lahat sa akin. Nginisihan ko lang sila. "S-siya yung killer," rinig kong bulong ng isang lalaki. Takot na takot ang itsura nito. "Sige Marina, magpatuloy ka. Isang tanong pa!" utos ko kay Marina. Sunud-sunuran siyang tumango sa akin sa takot niyang siya naman ang patayin ko. Muli siyang nagtanong sa isang estudyante at mukhang naisahan ako ni Marina dahil matalino ang napili niya at nasagot nito ang katanungan. "Magaling! Babalik ako bukas at walang aabsent sa inyo dahil kung hindi ay mamamatay kayo! Tandaan niyo, kahit anong gawin niyo ay hindi kayo makakaalis sa lugar na ito! Kung magtatago man kayo ay kayang-kaya ko kayong hanapin!" banta ko sa kanila bago ako tuluyang lumabas ng silid ni Marina. Nasalubong ko ang guard at sa tingin ko pa lang sa kaniya ay naintindihan na niya agad ang ibig kong sabihin. Alam niyang may bangkay na naman siyang dapat asikasuhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD