CHAPTER 62

1326 Words
*LUCAS POV* Mabilis na sumapit ang umaga at ang tanging nasa isip namin ay kung paano namin mahahanap si Valorous. Hindi namin alam kung saan siya dinala ni Mrs. Lily. Naglatag lamang kami ng isang kumot dito sa madamong bahagi ng likod ng clinic. Ang hirap ng kalagayan namin pero wala kaming choice. Kailangan naming gawin ito. Kailangan naming maka-survive hanggang sa matapos ang lahat ng nangyayaring ito. Naniniwala ako na may hangganan din ang kasamaan ni Mrs. Lily. Dadating ang araw na matatapos na ang kasamaan niya. "I'm sure na kung nakikita man ngayon ni Maria Lisa ang nanay niya eh hindi siya natutuwa sa nakikitang ginagawa nito," sabi ni Jackie. Si Xyla ay nasa tabi ko. Puro pasa pa rin ang mga tuhod niya. Naaawa ako sa kalagayan niya pero mabuti na lang at nailigtas namin siya kahit sobrang hirap ng sitwasyon noong ginawa namin iyon. Hindi ganoon kadali ang itakas siya sa poder ni Mrs. Lily. 50/50 ang buhay namin noong sumugod kaming lahat doon nila Val. Namatay si Stanley. Muling kumirot ang puso ko nang maalala ko na naman siya. Kahit na hindi ko siya madalas kasundo at kami yung palaging nagtatalo eh alam kong mabuting tao si Stanley. Tunay siyang kaibigan at napatunayan na namin iyon dahil sa ginawa niya. Nakakalungkot lang na ang bilis niyang kinuha sa amin. "Naalala mo na naman si Stan?" puna sakin ni Jackie nang makita niyang bigla akong natahimik. Kung nasaktan man ako sa pagkamatay ni Stanley alam kong doble ang sakit niyon kay Jackie dahil kahit hindi niya aminin ay alam ko naman na may espesyal siyang pagtingin kay Stan. Kahit pa nga ba sabihin na madalas ay para silang aso at pusa. Ganoon din naman si Stan eh. Hindi maitatago na may pagtingin ito kay Jackie kaya palagi nitong inaasar si Jackie para mapansin siya nito. Masyadong mabilis ang naging papel ni Stan dito sa lupa. Ayokong sapitin din namin iyon. Napatango ako kay Jackie. Nababasa ko ang labis na kalungkutan sa mga mata niya pero kapagkuwan ay tinapik niya ang balikat ko. "Kailangan nating magpakatatag," sambit niya. "Oo naman. Matapang si Stanley, dapat ay ganoon din tayo sa kaniya," sabi ni Trinity. "Nakakamangha siya. Isa siyang tunay na kaibigan. Hindi niya hinayaang mag-isa ang isa sa mga kaibigan niyong naiwan sa kamay ni Mrs. Lily. Akala ko dati ay masama ang ugali ng tao na iyon, pero mabait pala siya. Mabait pala si Stanley," rinig kong sabi ni Xyla. "Mukha lang siyang barumbado at totoong maloko siya, pero pagdating sa kaibigan ay tunay ang pagmamalasakit niya saming lahat. Sobrang mamimiss ko siya. Lahat ng kakulitan niya," malungkot na sabi ni Trinity. Naalala ko lahat ng mga ala-ala namin ni Stanley. Kami ang unang magkadikit ni Stanley noong nag aaral kami. Puro kautuan ang isang yon. Mahilig sa babae at lahat na yata ng magagandang chicks sa dati naming paaralan eh pinormahan niya. Gwapo kasi ang loko. Mestizo at madulas ang dila pagdating sa babae. Matangkad at may kaya rin sa buhay. Sinong babae na naman hindi niya mabibihag? Si Jackie naman ang parang best friend niya sa mga babae naming kaibigan. Madalas kasi siyang sermunan ni Jackie lalo na kapag mababa ang grades niya sa mga subject namin noon. Si Jackie ang nilalapitan niya palagi at hinihingian ng tulong. Kahit masungit si Jackie kay Stanley ay alam na alam kong may gusto siya dito. Hindi ko alam kung ako lang agad ang nakapansin niyon. Si Selena naman ang matalino samin, sobrang bait na babae. Marami ang nagkakagusto sa kaniya. Actually naging crush ko naman talaga siya dahil sobrang close rin namin, iyon nga lang ay hindi naman ako umaasa ng parehas na pakiramdam sa pagitan naming dalawa. Alam kong kaibigan at parang kapatid lang ang turing sakin ni Selena. Mas okay na rin naman iyon sakin dahil ayokong masira yung friendship namin. Si Trinity ang isa sa pinakamataray pero hindi na ngayon. Medyo malaki na ang pinagbago niya at tila naging strikto na lang siya. Hindi ligawin dahil siguro sa iniisip ng mga lalaki ay sobrang taas ng standard ni Trinity sa lalaki. Lingid sa kaalaman ng lahat ay may naging boyfriend nga si Trinity na panadero lang sa isang bakery. Sobrang minahal iyon ni Trinity at sakin lang siya nagsabi ng tungkol doon. Hindi natuloy ang relasyon nila dahil ayaw ng mga magulang niya. Mahirap lang kasi yung lalaki na iyon. Nabalitaan ko nga na binugbog iyon ni Mike dahil ayaw nito ang lalaking iyon para sa pinsan nito. Kung ako ang tatanungin, wala namang masama na umibig kahit hindi katulad ng estado ng buhay natin ang buhay ng taong gusto nating mahalin. Hindi naman nasusukat doon yun eh. Ang mahalaga ay nagmamahalan kayo. Iyon ang pinaka-importante sa lahat. Alam kong labis na dinamdam ni Trinity ang pagkakalayo nila ng lalaking iyon pero wala itong magawa dahil sa utos ng mga magulang nito. Ipapatapon din kasi ito sa ibang bansa kapag hindi ito nakipaghiwalay doon. Ayaw naman ni Trinity na mangyari iyon dahil ayaw niyang mawalay saming mga kaibigan niya. Ang sabi niya ay sa amin siya masaya at sa amin niya naramdaman na mayroon siyang pamilya. Si Elisha at Klint ay matagal ng magnobyo at nobya. Walang naging problema sa relasyon nila dahil magkakakilala ang magulang ng mga ito. Kumbaga ay suportado pa nga ang relasyon nila. Siguro, kung hindi namatay ang dalawang iyon ay sila na talaga ang magkakatuluyan dahil sa both parents nila na halos ayaw na rin silang paghiwalayin at pinagkasundo na sila. Nakakalungkot lang na pareho silang maagang nawala. Kasama na nila si Stanley ngayon. "Ang lalim ng iniisip mo Lucas, ayos ka lang ba?" Muli akong napuna nila Jackie. "Naalala ko lang ang mga kaibigan natin," sagot ko sa kanila. Sobrang solid kasi ng samahan namin. Ngayon ay isa-isa kaming nababasawasan. Kapag naiisip ko ang bagay na iyon ay sumasakit ang puso ko. Tila mahihirapan na maghilom ang sugat sa dibdib ko dahil sa lalim ng samahan na mayroon kaming magkakaibigan. Niyakap ako ni Trinity. "Okay lang yan Lucas," ani Trinity sakin at parang batang kinuskos ang buhok ko. Nakita ko si Xyla na nakangiti habang pinagmamasdan kami. "Sobrang lalim ng friendship niyo no? Nakakatuwa at nakakainggit dahil bihira na lang ay ganiyan," nakangiting sabi ni Xyla. "Oo naman Xyla, kung alam mo lang. Higit sa kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Kaya napakahirap mag move on sa mga kaibigan naming nawala na agad," ani Jackie. Si Bruno ay pupungas-pungas na bumangon mula sa pagkakahiga nito. Mukhang nagising na ito dahil sa ingay namin. "Good morning Bruno!" bati ni Trinity kay Bruno. "Uy, morning! Aga niyo yatang nagising. Nakatulog naman ba kayo?" alalang tanong niya samin. Actually, hindi talaga ako nakatulog ng maayos sa buong magdamag. Iniisip ko kasi si Val eh. Gusto ko siyang hanapin. "Medyo nakatulog naman kahit papaano," si Jackie ang sumagot. "Mabuti naman kung ganoon. Lucas, anong plano natin? Dalawa na lang tayong lalaki. Pupuntahan ba natin ang bodega para tingnan kung nandoon si Val?" tanong ni Bruno sa akin. "Oo, mamaya natin puntahan kapag natantiya natin na nandito na sa school si Mrs. Lily. Tiyak ko na bibisita na naman siya sa mga klase mamaya," sagot ko kay Bruno. "Ano yon, papatay na naman siya?" tanong ni Trinity. "Ano pa nga ba?" naiiling na sabi ni Jackie. "Dapat sa kaniya ay ilibing na ng buhay," inis na sagot ko. "Tuso si Mrs. Lily, hindi natin siya basta-basta mapapatay," ani Selena. "Kaya kailangan din nating maging tuso at tapatan ang mga ginagawa niya," si Bruno. "Mag-iingat kayo kung ano man ang pinaplano niyong dalawa," sabi naman ni Trinity. Tila ba nahihinuha nito na mayroon kaming binabalak ni Bruno. Kami na lang ang lalaki sa grupo, tapos bihag pa ni Mrs. Lily si Val. Talagang kailangan naming maging maingat sa lahat ng kilos na gagawin namin ni Bruno. Nagkatinginan kaming dalawa ni Bruno at sabay na napatango sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD