*SELENA's POV*
Kinabukasan araw ng linggo ay hindi kami pumasok. Wala na rin namang may balak na umattend pa ng klase sa amin. Lahat kami ay gusto na lang maghanap ng impormasyon. Nakausap ko na ang mga kaibigan ko at nagdesisyon silang simulan na huwag ng pumasok bukas. Ang sabi nila ay pinaglalaruan na lang kami ng killer.
"Hindi natin obligasyon pumasok pa sa lahat ng klase lalo na kung puro p*****n na ang nangyayari. Uunahin pa ba natin ang pumasok kaysa iligtas ang buhay natin? Ang kailangan nating gawin ay magtulungan tayo na mahanap kung sino ang gumagawa nito," sabi ni Lucas.
"Tama! Hindi ko kayang makinig lang sa klase habang ang ibang mga kasama natin ay isa-isa ng pinapatay. Parusa? Kahit anong gawin natin ay may parusa ng nag-aabang satin dahil nasa bingit tayo ng kamatayan lahat. Pwedeng sa isang iglap lang eh mawala na rin tayong lahat," ani Stanley.
"Huwag ka namang magsalita ng ganyan, Stan. Kinikilabutan ako sayo eh. Ayoko pa kayang mamatay," nakangusong sabi ni Jackie.
"Of course I will do my everything huwag ka lang mamatay," sagot naman ni Stanley at pagkatapos ay nag-iwas din agad ng tingin kay Jackie. Nakita kong medyo na-shocked si Jackie dahil sa sinabi ni Stanley. Nanlaki kasi ang mga mata nito at tila di makapaniwala.
"Ikaw Selena, pumapayag ka na ba? Hindi na tayo aattend ng mga classes natin," sabi sakin ni Lucas. Tumango lang ako sa kaniya. Nandito kaming lahat sa silid namin at magkakasama kami. Kanina lang din nalaman nila Trinity na tumakas ako kagabi kaya gulat na gulat din sila nang makauwi kami. Nagising kasi sila.
"Kung ano ang desisyon ninyong lahat eh payag na rin ako," sagot ko sa kanila at isa-isa silang tiningan.
"Good!"
Pumalakpak si Lucas at ngumiti sa akin.
"Akala ko ba ay pupunta tayo ngayon sa Sahara para kausapin si Mrs. Lily? Tara na kaya?" sabi ni Stanley.
"Masyado pang maaga, mag-almusal naman muna tayo," sagot ni Jackie.
Tumayo ito at binilang kaming lahat na nasa silid.
"Ako na ang magluluto ng umagahan natin," pagpiprisinta nito.
"Thanks Jackie!" sabi naming lahat sa kaniya bago siya tuluyang tumalikod para maghanda ng almusal.
Nakaupo kaming lahat sa sahig habang nakapabilog. Katabi ko si Val na tahimik lang mula sa gilid ko. Sa kabilang gilid ko naman ay si Lucas. Lahat sila ay seryoso at tila malalim ang iniisip.
Nang dumating si Jackie bitbit ang umagahan namin na sinangag at de latang sardinas ay nagkainan na muna kami.
Tahimik ang bawat isa sa amin habang kumakain. Tila walang balak magsimulang umimik ang bawat isa.
"Tingin mo nasa office niya kaya si Mrs. Lily ngayon? Dapat pala ay kinausap na natin siya noong nagbigay sya ng mga pagkain dito noon."
Si Lucas ang unang pumutol ng katahimikan.
"Oo nga eh. Sa tingin ko naman ay nandoon lang siya sa office niya ngayong araw," sabi ni Trinity.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako ng silid dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.
Maraming tao sa ibaba at naroon na naman sila Mike sa paboritong tambayan ng mga ito. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit tila kulang yata sila ngayon. Wala si Bruno at hindi nila ito kasama.
Tinapunan ko ng tingin sila Mike. Ngumiti naman sakin si Jerron at kumaway.
"Hi, Selena!" bati niya sa akin. Tumango lang ako sa kaniya pero hindi ako gumanti ng ngiti. Tiningnan ko si Hunt na ganoon pa rin ang kalagayan. Sa pagdaan ng mga araw ay tila mas lalo lang itong naghihirap. Naaawa ako sa tuwing nakikita ko siya pero wala din naman kaming magawa para tulungan siya dahil ayaw niyang sabihin kung sino ang gumawa niyon sa kanya. Lahat na lang ay ayaw magsalita. Walang ibig magsabi kung sino ang nasa likod ng mga patayang nangyayari.
Dumiretso ako sa cr pero maraming nakapila roon kaya naghintay pa ako ng ilang minuto. Ihing-ihi na ako at kaunti na lang ay parang sasabog na ang pantog ko. Pagkalipas ng ilang minuto sa sa wakas ay nakapasok na ako sa loob ng isang cubicle.
Pero natigilan ako nang may marinig akong nag-uusap mula sa kabilang cubicle.
"Uy alam mo na ba kung sino ang gumahasa kay Lisa? Ang sabi nila ay ang dating ex boyfriend daw ni Lisa na si Harold ang gumawa niyon sa kaniya. Hindi daw matanggap ni Harold ang nangyari kaya ayun, pinatay niya si Lisa kaysa mapunta pa ito sa iba."
Napalunok siya habang pinakikinggan ang babaeng nagsasalita mula sa isang cubicle. Maya-maya ay may sumagot ulit na isang babae galing sa kabilang cubicle.
"Iyan nga rin ang naririnig kong usap-usapan pero mukhang hindi naman kayang gawin iyon ni Harold kay Lisa. Mabait si Harold at wala sa itsura niya ang gagawa ng ganoon," sagot ng isang babae.
"Aba, malay mo naman!" sabi pa ng babae.
Tumayo ako at sandaling napaisip.
May boyfriend si Lisa?
Mukhang kailangan rin naming malaman ang sinasabi ng dalawang babae tungkol sa ex boyfriend ni Lisa.
Nagmamadali akong lumabas ng cr matapos marinig ang usapan ng dalawang babae.
Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko na nakatingin sa akin sila Mike. Tumingin ako sa kanila at ang lalim ng tingin nila sa akin. Nilagpasan ko agad sila dahil hindi ako komportable sa tuwing nagkikita kami.
Agad kong ibinalita kila Lucas ang narinig ko tungkol sa dalawang babaeng nag-uusap kanina sa cr.
"Ano? Sigurado ka ba diyan sa narinig mo ha Selena?" hindi makapaniwalang tanong ni Jackie.
"Oo sigurado ako sa narinig ko. Mayroong ex boyfriend si Lisa at ang sabi nila ay pinaghihinalaan na iyon ang pumatay mismo kay Lisa," sagot ko sa kanila.
"Kung gayon ay may posibilidad na ang ex boyfriend ni Lisa ang killer ng paaralang ito?" tanong ni Trinity.
"Maaaring pwede dahil mamamatay tao siya kung totoo nga na siya ang pumatay kay Lisa," ani Stanley.
"Pero saan natin hahanapin ang Harold na 'yan?" si Jackie.
"Magtatanong-tanong tayo sa ibang mga estudyante sa ibaba. Mukhang matunog ang kaso ni Lisa sa lahat ng estudyante rito," sabi naman ni Lucas.
"Oo dahil bago lang daw ang pagkamatay ni Lisa at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nabibigyan ng hustisya," sabi ni Lucas.
"Malakas ang kutob ko na konektado ang pagkamatay ni Lisa sa lahat ng krimeng nagaganap dito," sabi ni Stanley.
"Tama kaya kailangan na nating kumilos," sabi naman ni Lucas.
Maya-maya ay natigilan kaming lahat dahil sa mga katok sa pintuan.
Tumayo ako at binuksan ang silid namin, nagulat ako pagkakita kay Bruno na nakatayo sa labas ng pinto.
"Bruno?"
"Hi!"
Ngumiti sakin si Bruno. Tumingin ito sa ibang mga kasama ko na nasa loob.
"A-anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Gusto ko lang sabihin na nasa ibaba si Mrs. Lily. Hindi ba't kailangan natin siyang makausap?" ani Bruno.
"Totoo ba 'yan? Nasa ibaba si Mrs. Lily?" tanong pa ni Lucas.
"Oo, sinabi ko na gusto natin siyang makausap," sagot ni Bruno nang lumingon ito kay Lucas.
Tumayo si Lucas mula sa pagkakaupo sa sahig ganoon din sila Stanley.
"Kung gayon ay puntahan na natin siya sa ibaba para mapag-usapan na natin ang tungkol sa pagkamatay ni Lisa," sabi ni Stanley.
Nagdesisyon kaming pumunta na sa ibaba para kausapin si Mrs. Lily.