*JACKIE's POV*
"Bakit ba hindi na naman maipinta ang pagmumukha mo ha?" lukot ang dalawang kilay na tanong ko kay Stanley. Kanina pa siya parang bad-trip sakin. Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong masama sa kaniya. Sobrang moody naman yata ng bwisit na lalaking ito.
Hindi siya nagsasalita o umiimik man lang sa tanong ko. Naglalakad pa rin kaming dalawa at hila-hila niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin.
"Saan ba tayo pupunta? Bumalik na lang kaya tayo at sumama na lang kila Selena?" naiinip na sabi ko. Kanina pa kasi siya kaladkad ng kaladkad sakin at kanina pa rin ako parang tanga na salita ng salita dito kahit parang wala naman akong kausap.
"Ano ba? Hindi ka man lang ba magsasalita riyan?"
Tuluyan na akong nainis kaya naman huminto ako. Muntik pa kong matapilok dahil masyadong malakas ang pwersa niya kaya kahit pinilit kong huminto eh natangay pa rin niya ako.
"Aray naman! Ano ba? Bakit ka ba nagkakaganyan?!"
Nakakaubos talaga ng pasensya 'tong Stanley na 'to!
Pinilit kong kumalas sa pagkakahawak niya sa kamay ko.
Dahan-dahan siyang lumingon sakin dahil naiwan ako. Seryoso ang mukha niya ng huminto at tumingin sakin kaya naman napalunok ako.
Teka...
Ano bang nagawa ko?
"B-bakit ganiyan ka kung makatingin?" kinakabahang sabi ko. Nakatitig siya sakin at para bang kinakabisado niya ang bawat anggulo ng mukha ko.
Nandito kami sa hallway ng Belmonte Hall at walang katao-tao. Makulimlim din ang paligid kahit na kanina ay tirik na tirik ang araw.
Biglang lumakas ang hangin at tinangay niyon ang buhok ko. Inayos ko ang salamin ko sa mata at pinunasan iyon dahil sa alikabok.
Nagulat ako nang biglaan na lang akong nilapitan ni Stanley.
"May gusto ka ba sa Jerron na iyon?" diretsong tanong niya sakin. Nagulat ako sa tanong niya at hindi ko inaasahan iyon.
Anong gusto ang sinasabi ng lalaking ito?
"Ano bang sinasabi mo diyan?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Just answer me Jackie. Do you like him?" ulit niya sa tanong. Mabilis akong umiling sa tanong niya dahil hindi ko naman talaga gusto si Jerron. Saan ba nito napulot ang tanong na iyon?
"Then bakit mo siya palaging kinakausap? Palagi mo na lang siyang pinapansin! Close ba talaga kayo?"
Medyo tumaas ang boses ni Stanley at para bang inis na inis ito kaya naman nagulat ako sa kaniya. Ngayon ko lang kasi nakita na ganito si Stanley.
Matagal na kaming magkakaibigan at kahit madalas kaming mag-away ay masasabi kong si Stanley ang isa sa over-protective pagdating sakin.
"B-bakit ka ba ganiyan magtanong? May problema ka ba?"
"Yes!"
"Ano? Bakit, anong problema?"
Napailing si Stanley sa tanong ko at inis na sinabunutan nito ang sariling buhok.
"Hindi ba obvious?" wika niya sakin at mas lumapit pa.
"A-anong sinasabi mo?"
"I'm f*****g jealous!"
Para akong napako sa kinatatayuan ko nang banggitin ni Stanley ang mga katagang iyon.
Jealous?
Nagseselos ito?
"Paanong—"
"I like you Jackie since day one!"
Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ko at mabilis niyang hinapit ang baywang ko. Napasandal ako sa wall ng isang classroom. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig kay Stanley.
Huli na nang marealize kong hinahalikan na niya ako.
Hindi ko nagawang gumalaw man lang dahil sa sobrang pagkabigla. Para akong naestatwa.
Ramdam na ramdam ko ang init ng halik niya habang sinasakop niya ang labi ko.
Nang makabawi ako ay tinulak ko siya.
"Ano bang ginagawa mo, Stan? Magkaibigan tayo!" sigaw ko sa kaniya. Napailing siya at para ban ubos na ubos na ang pasensiya.
"Hindi lang yan ang nararamdaman ko sayo. Mahal kita, simula pa lang noong una mahal na kita!" pagtatapat niya sakin. Parang may mga kabayong naghahabulan sa dindib ko ng mga oras na ito.
"Hindi ba kita pwedeng mahalin? Hindi ko kayang pigilan ang totoong nararamdaman ko sayo. Nagseselos ako kay Jerron at iyon ang totoo!"
Nakagat ko ang ibabang labi ko at napayuko na lamang.
"Walang namamagitan samin ni Jerron at mas lalong hindi ko siya gusto," sabi ko.
"Dapat ba akong matuwa o dapat akong mabahala? Nakikita ko na iba ang paraan ng pagtingin niya sayo,"
"At ano naman kung iba ang paraan ng pagtingin niya sakin? Hindi ko nga siya gusto!"
"I'm not comfortable with him. Ayoko ng umaaligid sayo ang gagong iyon!"
"Bakit boyfriend ba kita para gumanyan ka?"
"Jackie naman! Lalaki din ako. Pinoprotektahan lang kita. I don't want him around you. Layuan mo na rin siya pwede ba?"
"Hindi mo ako dapat utusan," inis na wika ko at humakbang.
"Hindi mo rin dapat ako hinalikan!" dagdag ko at matalim ang matang lumingon sa kaniya.
"I'm sorry. Hindi ko na na-kontrol ang sarili ko,"
"Hindi pa rin tama ang ginawa mo,"
"I know. I'm sorry,"
Napabuntong-hininga na lang ako. Muli akong humakbang para maglakad sa hallway. Mas kailangan naming pagtuunan ng pansin ang tungkol sa kaso ni Maria Lisa.
Naglakad na ako at sumunod naman sakin si Stanley. Hindi pa rin tumitigil sa malakas na pagkabog ang puso ko. Habang nakasunod siya sakin ay hindi ako mapakali.
That was just a simple kiss pero parang sobra naman ang epekto niyon sa akin.
Ipinilig ko ang ulo ko. Tahimik lang ako at nararamdaman kong natahimik rin si Stanley. Siguro ay nahihiya siya sa ginawa niya kanina. Nakasalubong namin si Lucas, Selena at Val.
"Anong nangyari at parang nalugi kayo?" puna niya saming dalawa ni Stan.
Hindi ko alam kung bakit parang nararamdaman nila ang tensyon sa pagitan namin ni Stanley.
"Wala. May nakalap na ba kayong impormasyon?" tanong ko kila Stan.
"May nakuha kaming pendant ng kwintas sa music room kung saan nagpakita si Maria Lisa noon. Mukhang kay Jerron yata ito," sabi ni Selena at inangat ang kwintas.
Binabasa ko ang pendant niyon na pangalan. Jerron ang nakalagay.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Stan dahil doon.
"Sigurado ba kayong kay Jerron yan? Bakit naman magkakaroon siya ng pendant ng kwintas doon?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi ba obvious Jackie? Baka si Jerron ang gumahasa kay Maria Lisa," sagot ni Lucas.
Napakunot ang noo ko at hindi makapaniwala.
"W-what?"
"Kailangan nating ipakita kay Bruno ang pendant na ito upang masiguro natin na si Jerron nga talaga ang nagmamay-ari nito at hindi niya kapangalan lang," ani Lucas.
"Nasaan ba siya? Akala ko magkakasama kayo?" tanong ni Selena samin.
"Iniwan namin siya sa waiting shed eh. Kasama niya si Jerron," sagot ko sa kanila. Natigilan sila sa sinabi ko.
"Kung ganoon ay kailangan na natin silang puntahan," sabi ni Lucas. Lumakad na sila papunta sa waiting shed kaya naman wala kaming choice ni Stanley kundi ang sumunod na din sa kanila. Bumalik kami sa pinanggalingan namin kanina noong iniwan namin si Bruno kasama ni Jerron. Binigyan pa ako ng tingin ni Stanley na sa pakiwari ko ay sinasabi niyang tama siya na hindi siya komportable kay Jerron.
Pero may kinalaman nga kaya si Jerron sa panggagahasa kay Maria Lisa? Malalaman namin ang sagot mamaya.