CHAPTER 11

1128 Words
Kinabukasan ay siksikan sa ibaba ng dormitoryong tinutuluyan namin na ang tawag nga ng iba ay Bahay-Panuluyan. Mas sanay akong tawagin na dorm lang ito dahil may hatid na kilabot sakin kapag naririnig ko ang tawag na Bahay-Panuluyan. Para bang may kakaiba sa tawag na iyon, basta pakiramdam ko ay umaangat ang balahibo ko. Ilang mga kababaihan ang nauna ng pumasok sa cr kaya naman wala kaming ibang choice nila Trinity kundi pumila at maghintay. "Ano ba 'yan ang dami namang nakapila baka ma-late na tayo nyan," bulong ni Trinity sa gilid ko. Sa malaking sala ng bahay ay nakaupo naman sila Mike at ang mga kaibigan nito, paboritong tambayan ng mga ito ang bahaging iyon ng bahay kaya naman madalang din akong bumaba ng silid dahil ayoko silang makita. Ramdam kong nakatingin sila samin kaya naman hindi ako lumilingon sa gawi nila. Narinig kong kinausap ni Trinity ang pinsan nitong si Mike at lumapit ito doon. "Kamusta na si Hunt? Nasaan sya ngayon?" rinig kong tanong ni Trinity. Hindi naman kasi ganoon kalayo ang kinatatayuan ko sa pwesto nila. "Nandoon sya sa silid namin at nagpapahinga, pero sabi nya ay kailangan pa din daw nyang pumasok kaya papasok pa din sya mamaya. Si Jerron at Bruno na ang bahala sa kanyang umalalay," sagot ni Mike. "Bakit pa sya papasok? Masyadong matindi ang mga sugat na tinamo nya, baka mas lalo lang syang mahirapan kung papasok pa sya," ani Trinity. "Iyan nga din ang sabi ko sa kanya pero mas parang takot na takot sya kapag hindi sya pumasok," saad ni Mike. Dahil sa narinig ko mula sa usapan nila ay naalala ko ang sinabi ng teacher namin noon. Ang sabi nya ay huwag daw kaming aabsent. Nakakatakot pa naman ang pagkakasabi nya sa amin ng mga katagang iyon, kahit ako ay natatakot umabsent dahil sa sinabi nya sa amin na tila isang babala. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya lumapit na din ako kila Mike upang magtanong. Agad akong sinalubong ng nakakailang na tingin ni Bruno, nag-iwas ako ng tingin sa kanya at bumaling kay Mike. "Ayaw ba talagang magsalita ni Hunt kung sino ang gumawa niyon sa kanya?" tanong ko kay Mike, halata ang pagkagulat nito dahil sa biglaang paglapit ko pero kapagkuwan ay umiling ito bilang sagot sa tanong ko. "Ayaw nyang magsalita eh," sagot ni Mike. "Hi my Treasure!" bati naman sakin ni Bruno at agad akong nilapitan. Pinasadahan ko lang sya ng tingin isang beses at pagkatapos ay nag-iwas na ako ng tingin. "Hay naku Bruno! Wag mo ng pagdiskitahan yan si Selena, hindi ka nya type," saad ni Trinity. Nalukot ang mukha ni Bruno at kumamot sa batok nito. "Grabe ka naman Trinity, wala ka man lang kapreno-preno sa mga sinasabi mo ang talim nun ha!" ani Bruno at umiling-iling. "Pfft! Mukhang hindi yung tipo mo ang gusto ni Ms. Beautiful," sabi naman ni Jerron. "Isa ka pang gago ka!" singhal ni Bruno sa kaibigan nito. "Totoo lang naman ang sinasabi ni Jerron kaya kung ako sayo lubayan mo na tong si Selena, tinatakot mo lang sya eh!" ani Trinity. Hindi ako makapagsalita sa palitan nila ng usapan, tahimik lang ako habang naghihintay na maging bakante ang isang cubicle. "Wala man lang kayong kasupo-suporta. Totoo ba 'yon My Treasure? Wala nga ba akong pag-asa sayo?" Muli akong binalingan ni Bruno kaya naman nakaramdam ako ng hiya sa tanong nya. "Ahm, hindi pa kasi ako nagboboyfriend at wala pa yan sa plano ko," tipid kong sabi. Ngumisi sila Jerron at Mike nba halatang inaasar ang kaibigan. "Hmm, paano kung handa naman akong maghintay? Hihintayin kita kung kalian ka magiging ready," pangungulit pa ni Bruno sakin. Hindi na lang ako nakipagtalo sa kanya. "Lumubay ka nga sa mga galawan mo na yan Bruno! Hindi bagay sayo eh!" pang-aalaska ni Jerron. Sa itsura pa lang ni Bruno alam ko naman na playboy sya, maaaring sa ibang babae ay malakas ang dating ng burdado nitong katawan lalo pa at gwapo naman talaga ang mukha nito. Pero sa akin ay hindi ko gusto ang dating nya at tama si Trinity sa sinabi nito kanina dahil totoong hindi ganoon ang mga tipo ko. Hindi nya ako madadala sa My Treasure nyang linya palagi. Nang matapos ang ilang mga kababaihan sa paggamit ng banyo ay tumalikod na kami kila Mike at pumasok na sa bakanteng cubicle. Habang nasa loob ako ng banyo ay rinig ko pa din ang ingay ng ilang mga estudyanteng nagdadaan, malamang na papasok na rin ang mga iyon sa Sahara University. Napapaisip talaga ako sa pangalan ng eskwelahan, hindi ito bagay na tawaging Sahara University dahil nakakatakot ang paaralang ito. Mukha nga itong hango sa mga horror school na napapanood ko lang noon sa mga movie. Gusto ko na rin makita ang may-ari ng Bahay-Panuluyan dahil baka sya ang pwedeng makatulong sa amin tungkol dito sa misteryo ng paaralang ito. Ang sabi kasi ng ilang mga estudyante ay mabait daw iyon at syang tanging tumutulong sa mga estudyante rito, ang kaso lang daw ay maging ito wala pa ring alam na paraan kung paano makakatakas sa lugar na ito, pero nangako daw ito sa mga estudyante na tutulong lagi hanggat kaya nitong tumulong. Ang ilang bulung-bulungan tungkol sa eskwelahan ay isinumpa daw ito, marami daw talagang ligaw na kaluluwa ang nagkalat at ang nakakatakot pa ay hindi lang daw iyon basta mga kaluluwa dahil mababagsik ang mga ito at mapanganib, punong-puno raw ng poot kaya hindi mapigilan ang patayang nagaganap. Sa laki ng eskwelahan ay halos ang mga kasama na lang daw dito sa bahay-panuluyan ang syang mga estudyanteng natitira dahil hindi na daw mabilang ang mga nagbuwis ng buhay at halos lahat iyon ay masasaklap ang pagkamatay. Iyon ay bulung-bulungan lamang ng ilang bnga estudyante na naririnig ko kapag naaabutan ko silang nag-uusap-usap dito sa ibaba. Nagdala na ako ng damit sa loob ng banyo at dito na din ako nagbihis. Ayoko ng lumabas ng nakatapis lang ng tuwalya tapos dadaan ako sa mga kalalakihang nakatambay sa ibaba. Ayoko ng maulit ang unang pangyayaring iyon dahil sobrang nakakahiya. Lumabas ako ng banyo na nakabihis na ako, nakahinga ako ng maluwag nang makita kong wala na sila Mike sa labas. Pumanhik muna ako sa silid namin sa itaas upang kuhanin ang gamit ko. Tapos na din maligo si Trinity at nagbibihis na ito, ang sabi nito ay nauna na daw pumasok sila Klint at Stanley sa school kaya naman nagmadali na din ako para makapasok na din kami ni Trinity. Maging sila Lucas at Val ay wala na din kaya malamang na pumasok na ang mga ito. Sabay na lang kaming dalawa ni Trinity na papasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD