Wala pa rin kaming alam kung bakit sinapit ni Hunt ang ganoong klase ng parusa kaya naman hanggang ngayong gabi na ay sya pa rin ang usapan naming ng mga kaibigan ko. Matapos ang mahabang araw ng klase kanina sa Sahara University ay wala pa rin kaming nakakalap na malinaw na impormasyon ukol sa mga p*****n na nagaganap sa eskwelahang ito.
Si Hunt Alvaro ay inaasikaso ng mga kabarkada nito dahil hindi nito magawang kumilos ng maayos. Masyadong matindi ang pinsalang tinamo ng katawan nito at sa tantya nga namin ay baka hindi na kayanin ni Hunt kapag nagtagal pa ito sa ganoong kalagayan. Naaawa kaming lahat sa kanya kahit hindi maganda ang unang pagkikita namin dahil mayabang ang tingin ko sa kanya at sa lahat ng kasama nya. Sa ngayon ay mas importante ang kinakaharap naming mga problema at hindi na biro kung ano man ang mga nagaganap.
Marami ng buhay ang nasaksihan ko na nawala dahil sa hindi maintindihan na dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Nakakapangilabot na at hindi ko alam kung isang araw ay baka bigla na lang din akong mawala. Ang sabi ng babaeng minsang nakausap namin ay hindi na daw kami makakaalis sa eskwelahang ito at maging ang mga taong iyon ay naghihintay na lang din ng kamatayan, sino ba naman ang hindi kakabahan? Namimiss ko na ang mga magulang ko at alam kong nag-aalala na din sila sa akin.
"Kailan kaya tayo makakaalis dito? Ayoko natalaga sa lugar na ito!" puno ng takot ang mga matang sabi ni Jackie.
"Bakit sino ba ang may gusto sa lugar na 'to ha? Sa tingin mo ba ay mayro'ng may gusto satin dito?" sagot naman ni Stanley.
"Grabe na rin ang kabang nararamdaman ko. Parang mas ikamamatay ko pa ang labis na takot ditto. Paano kung isang araw ay tayo naman ang makaranas ng ganoon kay Hunt? Diyos ko! Mas pipiliin ko na lang mamatay!" histerikal na sabi ni Elisha. Agad naman itong niyakap ng nobyo nito na si Klint.
"I won't let that happen, babe. Ako muna ang harapin nila bago ka nila masaktan," sagot ni Klint.
"Sus! Wag na kayong mang-inggit. Hindi ito ang tamang panahon para maglampungan," umikot ang mga mata ni Sanley habang sinasabi iyon. Napailing na lang si Klint at Elisha.
"Alam mo ang bitter mo, bakit kapag ikaw ba nakikipagharutan doon sa teacher na mukhang tilapya pinakialaman ka ba namin?" inis din na sabi ni Jackie. Bakit yung tono ng pananalita nya eh parang nagseselos na girlfriend? Napakunot ang noo ko nang biglang pumasok si Val sa loob ng silid namin. Natigilan pa sya pagkakita na mayroon palang mga tao. Kumpleto kasi kaming magkakaibigan dito sa silid at nagtitipon-tipon kami habang pinag-uusapan ang tungkol kay Hunt at sa kung sino mang misteryosong tao na gumawa ng bagay na iyon kay Hunt.
"M-may tao pala," mahinang sabi nito at akmang tatalikod para lumabas ng silid pero tinawag ito ni Lucas.
"Pre, wag ka ng lumabas. Aalis din naman mamaya ang mga kaibigan namin. Pinag-uusapan lang naming yung tungkol kay Hunt. Tara dito," ani Lucas at hindi naman umimik si Val. Tumango lang ito at pagkatapos ay sumalampak din sa sahig kung saan kami nakapalibot ng upo ng mga kaibigan ko. Ngayon ay magkakaharap na kaming lahat.
"Sya nga pala wala pang balita sa nakakuha ng pinakamataas na score dun sa test natin?" tanong ni Trinity. Nagkibit ng balikat si Lucas.
"Sa Monday pa daw malalaman," sabi ni Val.
Katulad ng dati ay misteryoso pa din ang mukha nito at seryoso. Mga ilang minuto din akong nakatitig sa kanya nang bigla syang bumaling ng tingin sakin, nagtama ang mga mata naming at may kung ano sa pakiramdam ko na tila ba kinabahan. Pakiramdam ko ay nag-init ang magkabilang pisngi ko nang magtama ang mga mata namin kaya nag-iwas ako agad ng tingin at yumuko.
Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding.
12 A.M na sakto.
Humikab si Stanley at tumayo.
"Gusto nyo ba ng kape? Magpapainit ako ng tubig," ani Stanley at tingnan kami isa-isa.
"Timplahan mo na kaming lahat," sagot naman ni Jackie.
"Wow ha! Bakit 'di ka magtimpla ng sayo?" supladong baling ni Stanley kay Jackie. Agad na sumimangot ang mukha ni Jackie.
"Eh bakit nagtatanong ka pa? Ang sama talaga ng ugali mo!" singhal ni Jackie dito.
Kanina pa nag-aaway ang dalawang ito. Pansin ko din na mainit ang ulo ni Stanley kay Jackie kanina pa.
"Hindi ka kasama sa mga inalok ko," sabi ni Stanley at tumalikod na samin upang magpainit ng tubig. Akmang tatayo si Jackie pero pinigilan ito ni Lucas at hinimas ang likod nito.
"Oh, tama na. Chill ka lang!" ani Lucas. Bumuntong-hininga naman si Jackie na halata ang pagtitimpi. Si Klint ay napailing na lang.
"Alam nyo kanina ko pa napapansin na mainit ang ulo ni Stan, ano ba nangyari dun?" tanong ni Klint. Napansin din pala nya iyon. Akala ko ay ako lang ang nakapansin.
"Actually kanina ko pa din sya napapansin na mainit ang ulo nya. May nangyari bang hindi maganda sa inyo Jackie?" tanong ko kay Jackie pero tila nabuhay lang lalo ang pagkainis nito.
"Eh lagi naming mainit ang ulo ng gago na 'yon eh. May bago ba dun?" umikot ang mga mata ni Jackie at halatang asar na asar ito.
Ilang minuto matapos makapagtimpla ng kape si Stanley ay isa-isa nyang inabot samin ang mga tasa na may lamang kape. Pero wala si Jackie, bukod tanging ito lang ang hindi nya binigyan kaya naman nagpupuyos sa galit na tumayo si Jackie at tumalikod samin.
"Oh, san ka pupunta?" pigil ni Lucas kay Jackie. Tumingin muna si Jackie kay Stanley bago sumagot.
"Ano pa, eh di magtitimpla ng kape!" inis na saad ni Jackie. Tumaas lang ang isang kilay ni Stanley habang hinihipan ang tasa ng kapeng hawak nito.
"Hey, ito sayo na lang yung sakin," sabi ni Val at inangat kay Jackie yung tasa ng kapeng hawak nito pero umiling lang si Jackie at nagbigay ng pilit na ngiti.
"Naku, salamat na lang Val. Baka nilagyan pa yan ng lason nung masamang damong nagtimpla nyan," sarkastikong sabi ni Jackie at tuluyan ng tumalikod. Nakita kong nagpipigil ng ngisi si Stanley.
"Ikaw talaga Stan ang hilig mong asarin si Jackie!" sabi ko pero nagkibit lang ng balikat si Stanley.
"Hayaan mo sya," sabi nito at naupo na ulit sa tabi ni Trinity.
Mag-aalas dos nan g madaling araw nang maisipan naming matulog. Bumalik na ang ibang mga kaibigan ko sa kabilang silid kung saan talaga naka-room ang mga ito. Naiwan kami nila Val at Trinity dahil kami ang magkakasama sa silid na syang kinaroroonan namin ngayon.
"Goodnight guys, sana bukas ay may makalap na tayong mga impormasyon tungkol sa mga nagaganap sa school,"sabi ni Lucas.
"Kaya natin tong lahat wag kayong mag-alala sama-sama tayo sa laban na ito," sabi naman ni Klint at tuluyan ng tumalikod ang mga ito papunta sa isang silid. Nagdesisyon na din kaming matulog nila Trinity. Ganoon din sila Val at Lucas.
Sana nga bukas ay makahanap na kami ng mgaimpormasyon at sana ay makaalis na din kami sa misteryosong paaralan na ito. Taimtim akong nagdasal bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko.