CHAPTER 08

1353 Words
Lahat kami ay tahimik lang nang pumasok sa loob ng classroom namin si Ms.Cortez, ang teacher namin sa Filipino. Pumunta ito sa harapan at isa-isa kaming tiningnan. Napahinto ito pagkakita kay Hunt, kitang-kita ko kung paano nag-iwas ng tingin si Ms.Cortez dahil sa kalagayan ni Hunt. Walang imik si Ms.Cortez at sinimulan nitong magturo sa amin, tila wala man lang itong nakita kahit nasa harapan na nito si Hunt. Hindi man lang ito nagtanong tungkol sa kung anong nangyari kay Hunt. Anong klaseng guro ito? Wala man lang ba itong pakealam sa mga estudyante? Nakaramdam ako ng inis dahil sa bagay na pumasok sa isip ko. Tila may alam ang mga ito sa nangyayari at mukhang pinipili na manahimik lang. Kasabwat din ba ang mga guro dito? May alam din ba ang mga ito tungkol sa babaeng nagpapakita sa akin? "Gusto kong sabihin sa inyo na kung sino man ang estudyanteng makakakuha ng pinakamataas na score sa test natin ngayon ay magkakaroon ng pang-isang linggong stock na pagkain sa bahay-panuluyan," panimula ni Ms.Cortez. Natigilan naman kaming lahat sa sinabi nito. Hindi ko masyadong naintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. "Ano hong ibig ninyo sabihin Ms.Cortez?" tanong ni Lucas. Naglakad si Ms.Cortez at sinimulang magpaliwanag habang isa-isa kaming tinitingnan nito. "Nahahati kayo sa tatlong section ang Sampaguita, Lavender, at Ilang-ilang. Kung sinong estudyante mula sa mga section ninyo ang makakakuha ng mataas na score mula sa test ay mabibigyan ng premyo at iyon ay ang mga pagkaing madadagdag sa mga stock ninyo sa bahay-panuluyan. Tandaan nyo, kapag naubos na ang stock ninyong pagkain ay wala ng dadating sa bahay na iyon unless pagbubutihan nyo ang pag-aaral nyo at sisikapin na makakuha ng pinakamataas na grado, wala ng canteen sa eskwelahang ito pinatanggal na." Bigla itong natigilan sa pagsasalita at pagkatapos ay bumawi din. "Basta kailangan nyong mag-aral ng mabuti," anito at naging mailap ang mga mata sa amin. Nagtaka tuloy ako sa sinabi ni Ms. Cortez. Sino kaya ang nagpatanggal ng canteen at bakit naman nito ginawa iyon? "Bakit ho wala na ang canteen? Paano kami makakakain niyan?" tanong ni Bruno. "Kaya nga kailangan ninyong mag-aral ng mabuti para may makain kayo," sagot naman ni Ms.Cortez. "Kahit sino po ba sa amin basta mula sa Sampaguita ang may makukuha ng pinaka-mataas na score ay damay kami sa premyo?" tanong ni Elisha. Mabuti at tinanong nito iyon, gusto ko din kasing malinawan at iyon din ang gusto ko sanang itanong. Sinipat ni Ms.Cortez si Elisha at tinanggal ang suot nitong salamin sa mata. Tumango ito kay Elisha. "Tama ka. Pero kung ang makakakuha ng pinakamataas na score ay estudyante na galing sa 4-Lavender wala kayong makakamit na premyo at sinasabi ko na sa inyo, wala ng pagkain na dadating dahil ang mga susunod ay kailangan nyo ng paghirapan para maka-survive kayo," seryosong sabi ni Ms.Cortez. Kung ganoon ay kailangan naming makakuha ng pinakamataas na score sa sinasabi nitong pagsusulit, kahit sino sa amin basta magmumula sa section namin ang may pinakamataas na score ay mananalo kami. "Guys ayokong magutom alam nyo na ang gagawin pagbutihan natin!" saad ni Stanley at ngumisi pa. Tila di man lang nito alintana na seryoso na ang bawat nangyayari at hindi na biro lang. Pero tulad nga ng sabi nito, i-enjoy na lang nila ang mga sandali hanggat nabubuhay pa sila. "Very good!" pumalakpak pa si Ms.Cortez at sinimulan nitong ibigay ang mga test paper. Hindi ko alam kung sadya bang hindi kami nito sinabihan kahapon, hindi man lang kami nakapaghanda or review man lang. Sinulyapan ko si Valorous at kita kong seryoso lang ito habang nagbabasa ng libro. Nang mapunta sa table nito ang test-paper ay agad nitong isinara ang libro at itinago iyon. Inabot ko ang test-paper na ibinigay sa akin ni Lucas. Agad kong binasa ang ilang tanong na nakapaloob roon. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga, mabuti na lang at kahit papaano ay may natatandaan ako. Agad kong binilugan ang sagot na alam ko. Sana ay kami ang makakuha ng mataas na score sa pagsusulit na ito, kailangan namin ang mga pagkaing iyon at hindi na dapat namin antayin na maranasan pa namin na magutom para lang magseryoso. Ngayon pa lang ay kailangan na naming pahalagahan ang bawat tyansa para maka-survive sa kung anomang laro ang ibinibigay sa amin ni Ms.Cortez. Tahimik lang sila Lucas habang seryosong nagbabasa sa test-paper. Paminsan-minsan itong napapasulyap sa akin. "Wag nyo tangkain ang mandaya, ang sinomang mahuli ko na nakatingin sa katabi ay lalabas sa klase ko at may nakaabang na parusa para sa kanya," may riin na sabi ni Ms.Cortez dahilan para matahimik kaming lahat. Ganoon din ba sa dinanas ni Hunt ang parusa na tinutukoy nito? Bigla akong kinabahan. Ayaw kong mangyari iyon sa kahit na sino sa amin. Halos tatlongpung-minuto din bago natapos ang lahat sa pagsusulit na iyon. Kinakabahan ako dahil hindi ako sigurado sa ibang sagot ko, alam ko sa sarili ko na hindi ako pamilyar sa ibang tanong at nahirapan akong sagutin iyon. Lumabas na si Ms.Cortez matapos naming ipasa dito ang mga test-paper na natapos na naming sagutan. "Goodluck sa inyo," iyon ang huling sinabi nito bago lumabas ng aming silid. "Ang hirap ng mga tanong hindi natin napaghandaan," ani Trinity at lumapit sa amin nila Lucas. "Oo 50/50 ang tyansa nating manalo, " sabi naman ni Klint. "Huwag kayong kabahan mananalo tayo," ani Stanley at tumayo sa upuan nito. Si Valorous ay nakita kong muling kumuha ng libro at nagbasa. "Hay ang tagal naman ng second subject natin gusto ko na syang makita," ngiting ngiti si Stanley habang naka-abang sa pintuan ng classroom namin. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap ni Jackie sa kawalan. Si Ms.Barromeo ang tinutukoy ni Stanley, ang magandang teacher namin. Mga limang minuto din ang lumipas bago ito pumasok sa classroom. "Goodmorning Ma'am!" nakangising bati ni Stanley at sinalubong pa ang mga dala nitong libro at tinulungan itong bitbitin iyon. "Goodmorning!" nakangiti rin na sabi ni Ms.Barromeo. Ilang saglit na natigilan ito pagkakita kay Hunt, ngunit katulad ni Ms.Cortez napapasong iniwasan din nito agad ng tingin si Hunt. Hindi ko alam pero napansin kong napatingin si Ms.Barromeo kay Mike at tila may kakaiba sa tinginang iyon. Iba ang kutob ko pero pinagwalang-bahala ko na lang iyon dahil nagsimula ng magturo si Ms.Barromeo. Hindi magawang pumasok sa isip ko ang mga sinasabi ni Ms.Barromeo dahil punong-puno ng katanungan ang isip ko tungkol sa mga nangyayari. "Puro lang naman satsat ang isang yan ganda lang yata ang mayroon," pairap na sabi ni Jackie habang masama ang tingin kay Ms.Barromeo. "Bakit mainit yata ang dugo mo sa kanya?" tanong ko naman kay Jackie. "Wala feeling mahinhin kasi eh, ewan ko naiinis lang ako sa kanya," nakabusangot pa din ang mukha ni Jackie. "Hmm baka naman nagseselos ka lang dyan?" singit ni Klint na nakikinig sa usapan namin. "What? Bakit naman ako magseselos sa isda na yan?" Natawa ako sa sinabi ni Jackie saan naman kaya nito napulot ang term na isda para kay Ms.Barromeo? "Pansinin mo maganda lang naman kapag malayo pero kapag tinitigan mo mukha namang isda," dagdag pa nito. Mahina akong tumawa dahil sa sinabi ni Jackie, ganoon din si Elisha. Si Stanley ay kita kong titig na titig lang kay Ms. Barromeo, ibang klase talaga ang isang ito, parang mabait na tupa kapag si Ms.Barromeo ang guro namin. Natapos ang oras namin sa pagbubulungan sa likod, mabuti na lang at hindi kami napuna ni Ms.Barromeo, hanggang sa lumabas na ito ng classroom namin at nagpaalam ay nakasunod pa rin dito si Stanley. Nag-prisinta pa ito na ihatid si Ms.Barromeo sa faculty at napailing na lang kaming magkakaibigan dahil sa mga galawan ni Stanley. "Ibang klase talaga ang kumag na iyon," ani Lucas at lumabas ng classroom. Recess na namin kaya pwede na kaming lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD