SA kotse ay bahagyang naging maingay ang byahe namin ni Chaos kasama si Serenity. Habang bumabyahe kasi ay dinadaldal ko ang bata at bigla namang eepal si Chaos na biglang sasali na lang sa usapan namin ni Serenity. Kaagad na kaming bumaba ng kotse nang makarating na kami sa destinasyon namin, sa Kidzania. Nang mag-search ako sa internet kung saan magandang dalhin ang mga bata na nasa edad ni Serenity, isa ito sa mga nakita ko at pinakanagustuhan ko. Kidzania is a city for kids where they can role play real jobs. Bukod na mag-eenjoy na siya sa gagawin niya, matututo pa siya. “Hey, Serenity. Are you excited?” tanong ko kay Serenity at bahagyang umupo para magkapantay kami. Hawak-hawak ni Chaos ang kamay ni Serenity para hindi ito mahiwalay sa amin. “Yes, Tita Raileigh! Yes!” she beamed.

