TUMATAMA sa balat ko ang matirik na araw. Bahagyang nakakarindi naman ang ingay ng mga sasakyan sa paligid na nagbubuga ng usok. Malalim akong bumuntong hininga at humigpit sa hawak kong maleta. Nasa Pilipinas na nga ako. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko habang nasa eroplano ako hanggang sa papalabas na ako ng airport. Dapat ay masaya ako dahil sa wakas ay nakabalik na rin ako sa sariling bansa, pero hindi ko magawang magpakasaya dahil ang inaasahan kong babalikan dito sa Pilipinas ay marami nang pagbabago ang mangyayari. It's not the same anymore. Umiling ako at muling bumuntong hininga. I took my phone inside my pocket to call someone. Bahagyang kumunot ang noo ko nang ilang ring na ang lumilipas ay wala pa rin sumasagot sa kabilang linya. Nawala ang atensiyon ko sa tin

