Episode 1
Walang araw na hindi ako nagsusulat sa diary at journal ko. Yun lang ang tangi kung paraan para maexpress ang nararamdaman ko. Simula ng mahospital ako dahil sa sakit sa puso ko ay ito na ang palagi kung ginagawa. Araw-araw ay ginagawa ko 'to kasi kung sakali man na mawala ako ay may mababasa lagi si mama at hindi siya malulungkot.
I've been suffering a heart disease for almost eighteen years buong buhay ko ay nasa hospital lang ako. Dito na ako sa hospital nagcelebrate ng birthday mula one year old hanggang ngayon na eighteen na ako. No one is willing to donate a heart for me. Yes no one, marami ang nagaalok pero lahat ng yun ay puro panloloko lang. Pinapaasa lang ako, pinapaasa na posible pa akung gumaling.
Inaantay ko na lang 'yung oras ko. Inaantay ko na lang kung kailan pipikit ang mata ko at hindi na muling babangon. Hindi na ako umaasa na may isang tao ang lalapit saakin para ibigay ng kusa ang puso niya. Abala ako sa pagbabasa ng journal ko ng may biglang isang babae ang pumasok.
Muntik na akung atakihin, sa lahat ng bawal saakin ay ginugulat ako. Lumapit siya saakin, pinagkunutan ko siya ng noo. Lumapit siya saakin na umiiyak hindi ko alam kung bakit siya umiiyak basta panay lang ang iyak niya.
"Miss what do you want?" I asked tumigil siya sa pagiyak at tumingin saakin. Sobrang lungkot ng mata niya, I can see the pain pero kakaibang sakit. Nakikita ko ang takot sa mga mata niya, lahat ng emotion ay naghalo halo sa mga mata niya.
"Ikaw ba yung batang nangangailangan ng heart donor?" she asked, tumango naman ako. Is she willing to donate her heart? Kung Hindi lumayas na siya sa room ko baka isa din siya sa lolokohin ako. Lolokohin at paasahin bibigyan na naman nila ako ng dahilan na magiging okay na ako.
"Why are you crying?" hindi ko napigilan ang kuryusidad ko. Okay lang naman kung hindi niya sasagutin. Minsan lang may pumunta sa room ko, at hindi ko ineexpect na ngayon ay isang babae na umiiyak ang papasok ng kwarto ko.
"My boyfriend needs an kidney transplant, gusto ko na mabuhay pa siya gusto ko na magkaroon siya ng masayang pamilya... but I want him to do it with other women because I want to donate my kidney to save his life" sagot niya. Napatakip ako ng bibig ko, she is willing to sacrifice everything just to see her boyfriend happy and fulfill all his dream.
"Does your boyfriend know this?" tanong ko sa kanya, pero umiling siya ikinwento niya saakin lahat-lahat ng masasayang alaala nilang dalawa. Nagkapalagayan kami ng loob, she is nice pero paminsan minsan ay umiiyak siya.
"I want to donate my heart to you" seryosong sabi niya, napatakip ako ng bibig ng sabihin niya 'yun. Seryoso ba siya? Willing ba talaga siya? Wait? I she donating all his organs? She is really nice hindi niya lang inisip ang kapakanan ng boyfriend niya pati din ng iba pa ng nangangailangan. But what is her reason?
"Bakit? Bakit mo gustong idonate ang puso at kidney mo?" I asked her again. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong hininga. Ngumiti siya ng mapait saka niya sinimulan sabihin saakin.
"Wala na akung magulang... Wala na akung silbi sa mundo" at muli na naman siyang umiyak. I asked him kung what happened sa parents niya and she said car accident, wala na siyang ibang family dito sa pilipinas and hindi na din siya nagaaral only his boyfriend na lang ang kinakapitan niya.
Maganda siya sobrang ganda niya, she really look like a queen. Kung sasali siya ng miss Universe ay sure win siya may brain din naman siya. Pagkatapos namin magusap ay umalis na siya, she will talk to my parents daw.
Ilang araw ang lumipas ay inihanda ko na ang sarili ko kasi operations ko na sabay kaming isinalang ng boyfriend ni Caile, yeah I already know her name mom told me. And my operations is successful parehong successful ang operations nauna nga lang yung boyfriend ni Caile na lumabas saakin.
I already talk to my parents na gusto ko ulit magaral I want to try new things, new things para saakin kasi buong buhay ko ay nandoon lang ako sa hospital. I've never been in school, pero mga teacher ang pumupunta saakin. I am now a third year college student, and excited na kinakabahan ako.
Pagkalabas namin ng hospital ay nagkaroon ng kaunting party and then after two weeks ay hinatid ako ni papa sa dormitory. Sinabi ko kasi sa kanila na I want to tipid in pamasahe kasi mahirap na ang panahon ngayon. Pumayag naman sila basta ingat lang daw ako kasi kagagaling ko lang sa sakit hindi ko daw dapat binabaliwala kung may sumakit saakin.
Tumango lang ako at sinunod ang sinabi nila. This will be the start of my new life, fresh start. At lahat ng nakapaligid saakin ay bago sa paningin ko. Kung hindi dahil kay Caile ay wala ako dito sa kinatatayuan ko. Caile wherever you are I promise I will take care of your heart no matter what.