Episode 02

1124 Words
"Aish late na ako nagising!" Agad akung tumakbo papuntang banyo para magligo, ilang buhos lang ang ginawa ko kasi ilang oras na lang talaga late na ako. Nagmadali na din akung isuot ang uniform at medyas ko. Hindi na ako nagbreakfast kapag nalaman ni mama 'to baka pauwiin na ako ng bahay. Agad akung pumara ng taxi, pagkapara ko mg taxi ay sumakay na ako pagdating ng school ay pasara na ang gate kaya kahit dumapa dapa ako ay tumakbo ako papuntang gate. "Kuya sandali" hingal na hingal na sabi ko pinapasok naman ako ng security guard. Patakbo akung pumunta ng classroom, pangalawang linggo ko pa lang late na ako. Pagpasok ko ng room ay wala pa naman professor kaya pumasok na ako at naupo. "Excuse me wala pa ba si prof?" I asked my seatmate. Umiling naman siya, tumango tango naman ako bilang tugon. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na si prof. Nagsimula na ang klase kaya nag focus na ako. Kahit gusto kung matulog ay kinurot kurot ko na lang sarili ko para naman nagigising ako. "Did you hear about dance club?" "Of course sila kaya yung super famous na group dito sa school" "Really? I heard na they will have an audition daw mamaya. Naghahanap ng new member" "Oh? I think strict 'yung audition kasi you know sinasali sila sa mga dance competition" Narinig ko ang paguusap ng dalawang babae na 'yun. Dance club? Mahilig din naman ako sumayaw pero kasi mahiyain ako. Hindi din ako masyadong sumasayaw. Mas preferred ko yung singing kesa dancing. Kaya igsakto pagliko ko isang poster ang umagaw ng atensyon ko. "Music club?" basa ko, umaliwalas naman ang mukha ko. Ito, ito ang kasagutan sa gusto ko. Tama! Sasali ako kahit nahihiya ako kakapalan ko na lang ang mukha ko, kasi you know wala naman masama na ipakita ang talent right? I call my mom at ibinalita ko sa kanya na I'll be joining music club. She was very happy at pinalakas niya ang loob ko. Kaya after ng class ay dumiretso ako sa room ng music club. Pagpasok ko ay wala pang tao, kaya dumiretso na lang ako papasok. Hindi naman siguro sila magagalit kapag naabutan nila ako. Naupo ako sa isa sa mga upuan, nilibot ko lang ang paningin ko. Wala pa naman tao hindi naman siguro masama kung pakiaalaman ko ang microphone diba? Tumayo ako at naglakad papunta sa unahan. Hinawakan ko ang microphone at sinimulan kumanta. "I'm at payphone trying to call home all of my change- Napatigil ako sa pagkanta ng may pumasok. Napayuko na lang ako dahil sa hiya. Dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa harap ko. Dahil sa hiya ay hindi ko mapigilan kagatin ang labi ko ganito ako kapag nahihiya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya ngumiti lang ako ng tipid at naglakad pabalik kung saan ako nakaupo kanina. Nakakabinging katahimikan ang bumalot saamin, hindi lang ako sanay na ganto katahimik kasi sa hospital ang maririnig mo iyakan ng mga namamatayan. Sigaw ng manganganak na buntis. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng room maliit lang ito. Pero kompleto sa gamit. Makalipas ang ilang minuto ay may dumating na din siguro ay magaudition nauna kasi kaming mga engineering paglabas. "Why are you late?" tanong nung lalaking naabutan akung kumakanta. Nagtinginan silang lahat sa isat isa. "Nanood kami pre ng aud- "Mas inuna niyo pa 'yun alam niyo naman na may pa-audition din tayo!" bakas sa boses niya ang galit, pero hindi halata sa mukha niya na galit siya kalmado lang kasi ang mukha niya. "Wala naman gustong mag- "Excuse me? Tuloy pa ba ang audition niyo. Kung hindi is it okay kung umalis na ako?" singit ko sa paguusap nila. Napalingon naman silang lahat saakin, bakas sa mukha nila ang gulat. Hindi ba nila ako nakita? "Ikaw lang?" tanong nung lalaking nakakita saakin na kumakanta. Tumango naman ako. "Approved ka na" walang ganang sagot niya saka tumayo. Inayos niya ang uniporme niya saka naglakad papunta sa may pinto. "Ganun lang Jhaz, walang audition?" tanong nang isa sa kanila. Tama nga ganun na lang, hindi ba nila ako pakakantahin? Tumigil siya sa paglalakad at lumingon saamin. "Narinig ko na siyang kumanta, and she's good" sabi niya sabay iwas ng tingin. Tumango tango naman ang ibang mga member. Napansin ko na puro lalaki lahat sila walang babae. Paglingon ko sa pinto wala na si Jhaz ba yun? "Magaling ka ba talaga kumanta?" tanong ng isa sa kanila. Tumango lang ako, wala ba talagang babae? Pwede magbackout nakakahiya shuta. "Bideaway Im Andre, he is Lucas, Red and Gavin. Matagal na din na hindi kami nagkakaroon ng ka-member na babae" sabi ni Andre, may babae na pala pero wala na din pala. Sino kaya siya? "Thank you,  I have to go baka abutan pa ako ng dilim sa daan" paalam ko sa kanila, tumango naman sila. Gusto ko pa sana silang kausapin pero may mga assignments pa ako tapos may quiz pa kami tomorrow kailangan ko mag review. Sumakay ako ng jeep para naman makatipid kanina sobrang nagmamadali lang talaga ako kaya sumakay na ako ng taxi, grabe ang laki ng singil ni manong driver eh ilang minuto lang naman ang inupo ko sa taxi niya pero yung bayad? Mapapadasal ka na lang sa laki. Pagdating ko ng dorm ay naabutan ko ang mayari ng bahay na nililinis ang kwarto medyo close na ako sa kanya kahit minsan parang may buwan ng dalaw. "Hi po" bati ko pagkapasok ng bahay. "Nandito ka na pala nagluto na ako ng hapunan mo, pasensya ka na pinakialaman ko na yung mga pagkain mo pumunta kasi dito ang mommy mo tapos sabi niya kung pwede daw ay tulungan kita sa mga gawaing bahay kasi hindi ka daw sanay" kwento niya. "Pumunta si mommy dito?" gulat kung tanong, tumango naman siya. Ano naman kaya pumasok sa isip ni mama na puntahan ako, akala ko ba ay ayos na sa kanya na magisa lang ako bakit ginawa niya pang katulong ko yung may ari ng dorm. Nagpaalam siya saakin pagkatapos niya maglinis, ako naman ay pumunta ng kusina para kumain masyadong nakakapagod yung araw na 'to. Madami pa ako gagawin, abala ako sa pagkain ng may biglang kumatok. Sumubo muna ako saka nagtungo ng pintuan. "Iha may kasama ka na pala bukas sa dorm mo nilinis ko na yung kabilang kwarto, okay lang ba sa yo ang may kasama?" tanong saakin ng mayari ng dorm. "Opo naman mas maganda nga po 'yun may makakausap ako" sabi ko at nginitian siya ng malapad. Bumalik ulit ako sa pagkain at pagkatapos ay ginawa ko ang mga assignment ko at nagreview. Pagdating ng alas dyes ng gabi ay naisipan ko ng matulog hindi na kasi kaya ng mata ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD