Episode 03

1312 Words
Sa ngayon maaga na akung nagising, nagluto na ako ng breakfast. Tinuruan naman ako kahit papaano ni mama magluto ng pagkain, nung nasa hospital kasi ako yung palagi kung pinapanood ay kung paano magluto. Gusto ko din sana mag culinary kaso, engineering talaga gusto ko kaya kung ano ang mas gusto ko doon ako. Pagkatapos kung kumain ay naligo ako, nilagyan ko din ng notes ang pintuan ng makakadormate ko kung sakaling dumating siya. Hindi naman ako ganun kahilig makipagkaibigan pero gusto ko magkaroon. Mayroon akung mga nakikitang magkakaibigan na kumakain sa canteen pero samantalang ako nakaupo lang sa isang gilid patanaw tanaw lang. Pagkalabas ko ng dorm pumunta ako sa sakayan ng jeep, medyo pahirapan pa ang pagsakay kasi madami na ang pumapasok kahit ganito pa lang kaaga. Pero nakasakay din naman agad ako, pagkarating ko ng school ay pumara ako at nagbayad. Nasa tapat na ako ng gate ng may biglang tumawag saakin kaya napalingon ako. "Andiriette hintay kanina pa kita tinatawag hindi ka naman lumilingon" sabi ni Lucas, tama ba Lucas. Nevermind. "Huh? Paano mo nalaman name ko?" taka kung tanong. Tinaas niya ang kamay niya at nakita ko ang ID ko paano napunta sa kanya ang ID ko. "Nahulog yan pagbaba mo ng jeep kaya tinawag kita" hingal na hingal na sabi niya, ngumiti naman ako at kinuha sa kamay niya ang ID ko. Nagpasalamat ako sa kanya saka nagpaalam na papasok na kasi ilang minuto na lang simula na ng klase namin. Pumasok ako ng muntikan na naman malate, katulad ng palagi kung ginagawa nakikinig at nagsasagot lang ako tuwing tinatanong ako. Pagkatapos ng dalawang klase sa umaga ay breaktime dumiretso ako ng library hindi ako gumagaya sa iba na kapag breaktime ay sa canteen or CR ang punta. Nadadaanan papuntang library ang music room, at dahil bahagyang nakabukas ang pintuan isasara ko sana ngunit may narinig akung nagstrum ng gitara kaya imbes na isara sumilip na lang ako. "Tulala lang saaking kwarto at nagmumuni muni ang tanong saking sarili saan ako nagkamali. Bakit saiyo pa nagkagusyo oh~ parang bula ika'y naglaho" Ang ganda pakinggan ng boses niya, sobrang lamig sa pandinig at alam niyo 'yun damang dama mo yung kanta. Nafefeel mo na parang may pinaghuhugutan siya, sa tono palang niya alam mo na, na may pinagdadaanan. Napangiti ako isa yan sa paborito kung kantahin, aalis na sana ako ng biglang mahulog ang libro. Oh s**t! "Sino yan?" Napatakbo ako ng mabilis, s**t kapag nalaman niya na ako 'yun baka patayin niya ako. Nakarating ako ng library na hingal na hingal, sumilip ako ng pinto kung nakasunod ba siya. Pero mukhang hindi naman niya ako nasundan Hindi niya nga nakita na ako 'yun eh. Naupo na lang ako at nagsimulang magbasa. Makalipas ang ilang minuto ay nagring bell, hudyat na tapos na ang breaktime. Inipon ko lahat ng libro na kinuha ko at isa-isang binalik. Kinuha ko ang library card ko, saka lumabas. Nasa tapat na ako ng music room, at dahil normal talaga saakin ang mausisa ay sumilip ako. Pagsilip ko ay nagtama ang paningin namin kaya napakaripas na naman ako ng takbo sa takot. Pagpasok ko ng room ay uminom ako ng tubig, papagalitan talaga ako ng nanay ko nito kapag nalaman niyang nagtatakbo ako. Half day lang ngayon kasi nagpatawag ng meeting ang dean tungkol daw sa mangyayaring foundation day next week kasabay ata ng valentines. Lahat ng mga student ay nag gather sa auditorium. Pinatawag lahat ng club president isa lahat naman sila ay nagsipuntahan sa unahan. Club president pala si Jhaz ng music club, sabagay approved naman kung siya ang leader maganda ang boses, talented din siguro? "All members ng music club gather here in front" sabi ni Jhaz. Bakas sa mukha niya na bagot na bagot siya. Hindi makikitaan ng interest sa gather-gather na 'to. "Kulilat padin kayo sa member!" "Nays may babae na ulit sila!" "Maganda din katulad ni C- "Shut up!" sigaw ni Jhaz na nagpatahimik sa lahat. Nag lakad na siya paalis sumunod naman kaming lima sa kanya. Kinalabit ko si Lucas nakikilala ko na mga mukha nila. Pero nalilito padin  ako sa mga pangalan. "Hmm?" "Ganun ba talaga kasungit si Jhaz?" tanong ko, tumawa naman siya. Wala naman nakakatawa sa tanong ko. "Ganito kasi 'yan" umubo ubo pa siya na para bang magkikwento ng napakahabang istorya. Sinimulan niya ikwento lahat saakin at kaya pala nagkakaganyan siya dahil nawala ang pinakamamahal niyang babae, may iba siyang ikiwento na hindi detailed kasi confidential daw. Pagdating namin sa music room ay nagkaroon lang ng panandaliang meeting tapos umalis na yung president namin matutulog na daw siya. Bahala na daw kami kung magdadagdag pa kami ng ibang pakulo para sa paparating na foundation day. "As expected" "Hindi na talaga babangon ang club na 'to. Ilang months ulit ang palugit saatin?" tanong ni Andre kay Lucas. "Isang taon?" patanong niyang sagot. Hindi sure? Hays parang masasayang pa ang pagsali ko dito. Napabuntong hininga na lang ako. Sabay sabay silang napalingon saakin, kaya tinaasan ko sila ng kilay. Ano ang tingin tingin nila saakin. Pare-pareho silang ngumisi habang nagtataas baba ang kanilang kilay. "Alam ko na!" biglang sigaw si Gavin na para bang mayroon pumasok na brilyanteng ideya sa utak niya. "Ito ang plano, dali lapit ka Andriette" sabi ni Gavin, nagsilapit naman kami at sinabi niya ang plano saakin. "Sasapakin kita ayoko!" tanggi ko pagkatapos ng usapan. Ayoko talagang gawin first time ko mag perform sa harap ng maraming tao nakakahiya 'yun. "Pumayag ka na please" Kalaunan napapayag din nila ako, ang plano kasi nila ay magkakaroon ng concert sa mismong valentines day tapos kakanta kami na parang banda, matagal na kasi nilang hindi nagagawa yan kaya gagawin ulit nila. Approval lang ni Jhaz ang hihintayin namin. "Anak!"Nanlaki ang mata ko ng makita ko si mama na palapit saakin. "Anong ginagawa mo dito mama?" tanong ko, ngumiti naman siya ng nakakaloko at bigla niya akung hinila. At tama nga ang hinala ko dinala ako ni mama sa mall at binilhan ako ng mga damit, mother and daughter bonding daw wala na daw kasi siyang mapost sa i********: kaya isasama niya daw ako panigurado daw na makakahakot pa siya ng maraming likes. "Okay ka ba sa school mo?" mom asked habang nasa kotse kami. "Yeah, enjoy naman siya" sabi ko, at uminom ng milktea. Nagkwentuhan lang kami ni mama hanggang sa napansin ko na ibang daan ang tinatahak namin hindi papuntang dorm. "Saan tayo pupunta?" I asked. "Surprise" nakangiting anya ni mama. Kung ibang tao siguro si mama inisip ko na agad na may gagawing masama saakin. Ano na naman kaya ang pakulo ng nanay ko. "Ano ginagawa natin sa sementeryo?" tanong ko pagdating namin sa sinasabi niyang lugar. Sino naman kaya ang dadalawin namin dito? Wala naman kaming kamaganak na nakalibing dito? "Dadalawin natin ang namatay mong feelings" nakangising sabi ni mama, agad ko naman siya sinimangutan. "Ikaw mama ah may alam ka na sa ganyan. Para kang highschool student na bitter" komento ko, bumili kami ng kandila at bulaklak. Dinala niya ako sa isang private cemetery. Wala akung ideya kung sino ang dadalawin natin. Nauna saakin si mama maglakad at nakita ko siyang huminto sa isang puntod na may bulaklak. Pagkalapit ko ay napatakip ako sa bibig ko sa sobrang gulat. Kay Caile pala, nakalimutan ko na siya. I'm sorry Caile it's not my intention busy lang ako. "40 days niya ngayon at sa tingin ko ay may nauna na saatin" nakangiting sabi ni mama. "Araw- araw kung pinagpapasalamat sa kanya na binigyan niya ulit ng chance na mamuhay ng normal kahit na ang kapalit ay buhay niya" nakangiting kwento. Naupo ako sa tabi ng puntod niya. "Caile itong puso mo... " sabi ko at tinuro kung nasaan naroon ang puso ko na puso niya. "Iingatan at mamahalin ko ang puso na 'to katulad ng ginawa mo nung nasayo pa"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD