" Okay everyone pwede na kayong bumalik sa locker para maka pag palit ng uniform. "
Mabilis akong nag lakad papuntang locker para maka pag palit na ng damit. Inantay ko pa ang kaibigang Akiko bago kami dumiretsyo sa cafeteria para maka pag order ng pagkain.
" Hindi kaba sasabay sa mga pinsan mo?"
Tanong ni Akiko habang nag tatali siya ng buhok.
" Rest day ngayon ni Winter, Gianna at Chase .. si Huxley busy sa pag aaral si Austin nasa gym na naman panigurado. "
" Wala naman na tayong next subject diba? Nood na lang tayo ng basketball. "
Dumaan muna kami sa cafeteria at bumili ng milkshake bago dumiretsyo sa gym.
" Si Austin?"
Tanong ko sa isang player ng hindi makita ang pinsan.
" Maagang umuwi may tawag daw galing sa Daddy niya."
Napakunot naman ang noo ko doon at napaisip kung anong kalokohan na naman ang ginawa niya kaya napauwi siya ng maaga. Nag simula na ang game at hindi na naman ako mapakali.
Inikot ikot ko ang paningin tila hindi makita ang hinahanap. Ang sabi ni Austin ay naka pasa siya sa try out. Kung ganon bakit wala siya rito?
" Whoooo galing"
Napatingin naman ako kay Akiko ng pumalakpak ito ng wagas. Pinilit kong mag focus sa panunuod pero may hinahanap talaga ang paningin ko.
" Louissss!!" Inalog alog naman ako ni Akiko
" Oh? "
" Kanina pa kita kinakausap"
Winagayway niya ang cellphone sa pag mumuka ko.
" I need to go. "
" Bakit may emergency ba?"
" I forgot to tell you ngayon ko pala imemeet ang soon to be step dad ko." Tumango tango naman ako.
" Are you ready to face him?"
" I don't have any choice Louis .. Kahit takbuhan at taguan ko siya ng ilang beses darating talaga yung point na kailangan ko siyang harapin kahit labag sa kaluluwa ko. "
Niyakap ko naman ito at hinalikan sa pisnge.
" Good luck and please behave " Tawa tawa ko
" I will."
Yumakap muli ito bago lumisan. Saka ako nagising sa katotohan na ako na lang ang nanunuod dito sa gym. Kaya tumayo na din ako at kinuha ang cellphone para kontakin si Geon.
" Asan ka?"
" Nasa Cobb suite .. Hindi pa tapos ang orientation. "
" Ahh okay okay. "
" Bakit wala kang sundo? "
" Ata .. sa driver na lang siguro."
Narinig ko naman ang halakhak niya sa kabilang linya. Alam rin niyang ayaw ko ding mag pahatid sa driver.
" I'll pick you up after this. Mga forty to thirty minutes, kaya? "
Tumango tango naman ako para bang nakikita niya ang pag sang ayon ko.
" Okay I'll wait for you ."
" Okay I'll hang up now! See you later."
Ibinaba ko ang cellphone at nag tungo na lang sa mga stall na gagamitin sa susunod na linggo para sa Brooklyn fare week.
" Hi Louis "
Bati ng mga architecture student na nag pipintura ng mga stall. Ngumiti naman ako at kumaway.
" Ilang stall ang gagamitin?"
" Fifty po. "
Napa letrang o naman ang bibig ko sa gulat. Masyado naman atang marami. Nag lakad lakad pa ako at tiningnan ang mga design ng ibat ibang stall.
Hindi ko naman maiwasang purihin ang gawa ng mga Architecture and Engineering student. Masyado silang magagaling.
Sa pag kakaalam ko ay nung monday lang sila nag simulang mag tayo ng stall at biyernes na ngayon. Napaka galing naman nila kung natapos agad nila ito sa madaling panahon.
" Why you're lurking around?"
Halos mapatalon ako ng sumulpot si Devon sa kulay asul na stall. May hawak itong makakapal na papel at naka sukbit ang ballpen sa bulsa ng polo niya.
" Ahh .. Nag papalipas lang ng oras. Ikaw bakit andito ka? Wala kabang klase?"
" I'm in charge of this area. "
Tumango tango naman ako at hindi maiwasang mailang ng titigan niya ako sa muka.
" Huxley and Austin were not around, your brother and cousins is taking their rest day while Geon is on the Cobb suite attending an important orientation .. I'll ask you again for the second time what are you doing here?"
Namilog naman ang bibig ko ng alam nga niya lahat ng agenda ng kapatid at mga pinsan ko. Daig niya pa ang butler ng mga Henderson.
" Kanina pa tapos ang klase mo Louissa. "
Nakapako na ngayon ang paningin niya sakin at nag aantay na lang ng isang malinis at totoong sagot.
" Inaantay ko si Geon. Dadaanan niya ako after ng orientation. "
" Gusto mo bang ihatid kita?"
Ngumiti naman ako at umiling.
" Hindi na baka mayari pa ako ng wala sa oras. "
" Kung ganon bakit ka pa din lapit ng lapit sakin?"
" Wala namang masama doon eh. "
" What if your father scold you for .."
" He wouldn't. Saka bakit ba natin siya pinag uusapan .. Ikaw hindi ka pa ba uuwi?"
" Ayoko lang na pagalitan ka dahil kumakaibigan ka sa isang katulad ko. "
" Isang tulad mo? Bakit ano bang meron sayo at dapat kitang iwasan?"
Huminto ito sa pag lalakad at humarap sakin.
" Mahirap ako Louissa. Wala akong pera kagaya niyo."
" Parehas tayo! Mahirap din ako .. yung mga bagay na nakikita at ginagamit ko galing lang yan sa magulang ko. "
Napangisi naman ito tila hindi makapaniwala sa pinag sasabi ko. Tinalikuran niya ako at nag simula na siyang mag lakad palayo sakin.
" Stop following me Louissa. "
" Uuwi kana? San ka pala nakatira?"
" Sa bundok."
Napahinto naman ako at tumawa. Hindi ko napigilan at napa hawak pa ako sa poste. Humarap naman ito sakin ng naka ngiti.
" Hahahahaha .. You're funny Devon hahahah."
He crossed his arm and smile back . Kitang kita ang gilagid niya habang pinapanuod akong tumatawa.
" Hahahahah walang bundok dito! ... Hindi .. hindi naman sa pinag tatawanan ko yung mga bundok o ano. "
" You done?" Kinalma ko ang sarili at tumingin sa kanya.
" Saan ka nga nakatira? "
Pangungulit ko rito.
" Why you're asking? "
" Just wanna know. "
" I wouldn't answer that. Just go home. "
Lumingon naman ako sa paligid at ibinalik sa kanya ang paningin.
" Wala pa akong sundo. Mamaya na at nag uusap pa tayo eh. "
" Ayaw kitang kausap. "
Masungit niyang sagot saakin.
" Wehhh kaya pala sumasagot ka sa tanong ko. "
Papunta na siya ngayon sa field. Habang hinahabol ko ang malalaki niyang hakbang.
" How tall are you Devon?"
Pangungulit kong muli.
" What is this Louissa ? .. Getting to know each other?"
Natawa naman ako sa sagot niya. Gusto ko lang naman siya makilala ng lubos. Bukod sa wala naman akong gaanong kaibigan kung hindi si Akiko at Jace at mga pinsan ko.
" Hahaha maybe Yes. There's a lot of question I wanted to ask."
" I wanted to know you more Louissa.. but you're forbidden to meet a man like me."
Hindi ko maiwasang malungkot at kwestyunin ang stado ko sa buhay. Kung yung ibang tao ay gustong gusto ng ganitong pamumuhay hindi nila alam na kaming mag pipinsan ay gusto ng kumawala. Totoo ang kasabihan na hindi lahat ng mayaman ay masaya at hindi lahat ng mahirap ay malungkot.
" Then two question per day? "
Binaliwala ko ang huling sinabi at nanatiling naka titig sa kanyang malalim na mata.
" The most stubborn Henderson. "
Umiling ako at itinaas ang kamay.
" Hindi mo pa nakikilala si Winter at Austin. "
" I already met Austin. He's the captain ball. " Naalala ko na nakapasa pala siya ng tryout sa basketball.
" Bakit wala ka pala kanina sa practice? Nanuod pa naman kami. "
" Is that your question for today?"
Nag isip muna ako at umiling.
" Hindi hindi .. kay Austin ko na lang itatanong. "
Natawa naman siya ng bawiin ko.
" Pwede naba ako mag tanong? "
Sumandal naman ito sa poste at humarap sakin. Tila ba wala siyang papalampasin na tanong.
" What's your favorite color?"
Nakita ko naman ang pag ngisi at pag iling niya tila ba parang ang babaw naman ng tanong ko.
" Anything dark .. dark blue .. dark gray "
Tumango tango naman ako at tinitigan ang polo niyang dark green.
" Your turn now. "
Umupo naman ako ng maayos at tinitigan siya.
" Saan ka pinanganak? " -Devon
" I was born on Sweden but raised here in the Philippines .. How about you? Saan ka pinanganak? "
" Is that your question? "
" No no no!!!! What's your parent nationality ?"
Kailangan kong maging maingat sa pag tatanong dahil two question per day lang ang usapan namin.
Umiwas naman ito ng tingin pero mas lumalim ng ibalik niya saakin.
" My Dad is British while Mom is a haft filipina and haft Russian."
Napatango naman ako doon ng masagot ang tanong sa utak kung bakit may diin ang pag english niya at bakit kulay abo ang mga mata niya. Eh bakit sinasabi na galing siyang probinsya kung ganon? Ibig bang sabihin inabanduna siya ng pamilya niya kaya siya na padpad sa probinsya?
" What are you thinking? "
Umiling naman ako at isasalba ko na lang iyong tanong na iyon para sa mga susunod na araw.
" What's your last question Mr. Devon?"
Ngumuso ito tila ba nag iisip kung anong magandang tanong.
" Whose Jace Brown? "
Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko ineexpect na itatanong niya iyon.
" Bestfriend siya ni Huxley. Bakit mo naman natanong?"
" Two question per day Louissa. Try again next time. " Ngisi ngisi niya.
Napa buntong hininga naman ako doon. At least hinayaan niya akong makipag kaibigan sa kanya.
" So were friends now?" trying to confirm my assumption
" No more chances left .. keep your question for another day."
" Pero saturday bukas wala akong pasok .. "
" See you on Monday then."
" Dalawang tulog pa yon Devon. "
" Promise shouldn't be broken Louissa. Two question per day."
Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango tango. Dapat maging masaya ako na binigyan niya ako ng oras para makipag kwentuhan sa kanya.
" You should go home now Louis .. Geon is waiting for you. "
Nginuso niya ang puting Ford na pag mamay-ari ni Geon.
" Kanina pa siya diyan?"
" Two question per day."
Inirapan ko naman ito at natawa naman siya.
" Then see you on Monday?"
" Is that even a question?"
" See you on monday! "
" See you. "
Kumaway ako dito at pinanuod niya akong pumasok sa sasakyan. Habang ang pinsan ko naman ay naka ngisi lang.
" Kanina ka paba dito?"
" 10 minutes ago "
" Eh bakit hindi mo man lang ako tinawag Geon? Sana naka uwi na tayo kanina pa. "
Pinaandar niya ang makina ng may ngisi sa kanyang labi.
" It's been a while since I saw you happy. I mean .. genuine happy."