Chapter 4

1786 Words
Maaga kaming nagising dahil sa palaro ni Tito Allaric ng Polo sa mansyon. Lahat sila ay nanunuod habang ako naman ay nasa teresa kasama si Gianna. " Magkano ba ang premyo at masyado ata nilang pinag handaan ang palarong yan? " Tanong ko kay Gianna na kanina pa naka busangot. " Three to two million .. not sure " " Eh bakit ka naka busangot? " " Hindi ko alam kung anong sasalihan kong organization sa Brooklyn week. Ayoko namang itapon sa stall at mag tinda lang ng cupcake." " Edi diba mag lalaro ka ng volleyball? Saka huwag mo ngang nilalang ang cupcake mo!! The best kaya yon." " Salamat Louis kahit hindi gumaan ang loob ko. " " Bwisit ka hahaha sinasabi ko lang naman yung totoo. Turuan mo kaya ako. " " Bakit may pag bibigyan ka?" Tinaas taas niya ang kilay tila ba nanunukso. Napailing naman ako. " Gusto mo lang matuto. Tapos kapag natuto ka na ipang reregalo mo na sa kanya?" " Ewan ko sayo Gi .. Hindi ko alam yang sinasabi mo." " Sus indenial kapa hahaha. Crush mo no?" " Sino ba?" " Si Mr. Devon." " Gusto ko lang siya maging kaibigan .. that's it." Umiling iling naman ito. " Bakit ba napaka indenial mo masyado? Hindi naman kita isusumbong kay Tito William hahaha" " Ayaw mo ba kay Jace? " " Nakakadiri ka alam mo yon?" Nanginignginig siya tila ba ayaw ang pinag uusapan. Kinuha niya ang ipad sa lamesa at humarap sakin. " Anong full name ni Devon?" " Devon Vasquez " Nagsimula ng magtipa ang daliri niya samantalang ako ay nag aantay lang ng sagot mula sa kanya. " Eh? " Kumunot ang noo nito tila hindi nagustuhan ang nakita. " Bakit?" Mabilis naman akong tumabi sa kanya at sinilip ang Ipad niya. " Wala man lang siyang f*******:? i********: or twitter? Tao paba yan?" " Malay mo hindi mahilig sa social media. Napaka judgemental mo." " Paano natin malalaman ang family background or kung saan man siyang lupalop galing?" Kinuha ko ang Ipad at inilagay sa likuran ko. " No need to do that Gianna. Were friends now." Nag letrang O ang bibig niya tila ba isang himala na naman ang ginawa ko. " Obvious naman na tipo ka ni Devon pero parang ang bilis naman ata?" " Alam mo bang gusto din niya ako maging kaibiganin pero may pumipigil sa kanya?" Napatakip naman sa bibig si Gianna. " Sinabi niya yon? What is it? " " He knows that Henderson are not allowed to meddle with.." Hindi ko matapos ang sasabihin dahil nasasaktan din ako sa salitang iyon. " I understand Louis " " I just wanted to be friends with him Gianna. Ginagawa ko lahat para maging kaibigan siya." "Sino pang nakaka alam bukod sakin?" " Geon .. He saw me yesterday with Devon having a conversation. " Tumango tango naman ito. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. " Just know your limits Louis." Natapos ang palaro at nag uwian na ang mga bisita ngayon ay kasama ang buong Henderson sa hapag habang kumakain ng hapunan. " Inaantay ng kompanya ang paper mo Huxley kelan mo iyon ipapasa?" Kitang kita ang iritasyon sa mata ni Huxley alam naming ayaw niya mag trabaho sa kompanya ng pamilya. " I already passed it to Johnson corp." Halos mapatayo kami ng hampasin ni Daddy ang lamesa. Hindi niya gusto ang narinig. " Anong katangahan at mag tatrabaho ka sa ibang kompanya Huxley? You betraying the Henderson!" - Tito Bale Napatingin naman ako kay Huxley pilit kinakalma ang sarili habang si Geon naman ay sinasaway si Austin dahil malapit na itong sumagot. " I wanted to learn more and I think Johnson is the key for that." Napapikit naman ako ng sumagot pa ito. " Withdraw your internship on monday. " " Dad" " Your existence is to serve the Henderson ... nothing more." " Thank you for the food." Tumayo ito at umalis ng hapag. Hindi kona pinalampas ang tumayo din at sinundan ito. Dirediretsyo itong umakyat sa rooftop at sinipa ang mga upuan. " f**k this family! " " Huxley calm down." Hinawakan ko ito sa braso at pilit kinalma. " I'm tired of following them! I'm tired Louissa." Hinila ako nito at niyakap. " I'm sorry." Ramdam ko ang pagod ng kapatid. Huxley was the first born Henderson. Hawak niya lahat ng utos, pangako at pressure ng pamilya. Hindi man niya sabihin pero kaming kapatid at pinsan niya ay ramdam ang pagod niya. Huxley is one of the most understanding man in the universe. Hanggat kaya pipilitin niyang intindihin. Hanggat kaya tutulungan ka. Si Huxley ang tumayong ama samin mag pipinsan. Mga pag mamahal at sakripisyo na dapat ang tunay naming ama ang gumagawa ay si Huxley ang nag pupunan. " Sorry for bursting out. " Inabutan siya ni Austin ng alak. Nakapalibot kami ngayon sa isang wooden table. Habang umiinom sila ng alak kami naman ay nabubusog na sa orange juice. " Don't be sorry for doing what you want " -Geon " Naiintindihan namin Hux." Tumabi si Austin kay Huxley at tinapik tapik ang balikat nito. Tuwing nagkakaroon kami ng hindi pag kakaintindihan ng mga magulang ay dito kami pumupunta para mag buhos ng sama na loob, para payuhan ang isat-isa para iparamdaman sa isat-isa na at the end of the day kami kami lang mag pipinsan ang mag kakampi. " Anong balak mo kuya?" Tanong ni Chase " Gusto ko mag trabaho sa Johnson Corp. pero .." Hindi niya tinuloy ang gustong sabihin at tinungga na lang ang alak. Nag katingginan naman kami mag pipinsan. Hindi kami pwedeng bumaliktad dahil alam namin ang kayang gawin ng mga Henderson at kahit kadugo ka nila ay kayang kaya ka nila pataobin. " Well I'm planning to send my internship paper to Cobb. Company " ngisi ni Geon Natawa naman si Austin at umiling iling. Geon, Huxley and Austin is on their last year. Kami naman ni Winter ay third year na habang si Chase at Gianna ay second year. Ngayon pa lang na nakikita ko ang mga pinsan na hirap mag desisyon ay kinakabahan na ako. Paano kung ako na ang kailangang pumili? " Pwede niyo naman kausapin si Tita Erise at Tita Gana kung gusto niyo talaga mga training sa ibang company." -Winter " Huwag niyo na lang sayangin yung laway niyo kasi at the end of the day.. daddy pa rin natin ang masusunod. Iiyak ka muna ng isang drum na dugo bago mo sila mapa oo." -Gianna " Ang lungkot siguro ng childhood nila no? " Pag papagaan ni Austin ng usapan " Wala nga tayong alam sa nakaraan nila eh. Para lang tayong pinanganak para mag trabaho sa apelyedong to" Irap ni Winter Nag usap usap pa kami hanggang sa isa isa na silang nag paalam para mag pahinga habang kaming tatlo mag kakapatid na lang ang naiwan. " Iwithdraw mo talaga yung papers mo?" seryoso kong tanong " Ayoko .. pero kapag nalaman nilang sinuway ko sila itatapon nila akong parang basura at kahit kaya kong mag trabaho mag isa ay ipapa block ni Daddy ang pangalan ko sa lahat ng kompanya para bumalik ako sa kanya." " Kung hindi ka bibitawanan ng mga Johnson kaya mong buhayin ang sarili mo kahit walang tulong mula kila Daddy. Pag kakaalam ko sila na ang magkalaban ngayon sa negosyo. " -Chase " Johnson is a good company Huxley. " " Kung tumalikod man ako gagawa parin ng paraan si Daddy para bumalik ako sa Henderson .. makakatapak o makakasakit siya .. ayoko non." Itinabi naman ni Chase ang mga alak para hindi na umisa pa si Huxley. Inantay muna naming maubos ang isang bote bago kami bumaba. Hinatid muna namin siya sa kwarto bago kami bumalik sa kanya kanya naming kwarto pero bumaba muna ako sa kusina para uminom ng tubig. " How's your brother?" Halos atakihin ako sa puso ng makita si Mommy na naka hilig sa sofa suot ang isang itim na roba. " Why asking me when you know the answer Mom? " " Ipapaalala ko lang Louissa huwag kayo gagawa ng kung ano laban sa Daddy niyo. " Inubos ko ang isang basong tubig bago humarap dito. " Minsan hindi ko maintindihan kung paano niyo na kakayanan na makita yung anak niyo na nahihirapan. Ganyan na lang palagi ang bukang bibig niyo eh .. huwag kami gagawa ng kung ano laban kay Daddy, laban sa Henderson. Hindi ko alam kung bakit nag tatanong ka pa kung okay si Huxley eh wala ka naman pakielam samin." " Don't talk to me like that Louissa." " Mom sobra sobra na sakripisyo ni Huxley!! Pangarap niya maging doktor .. pangarap niyang mang gamot ng tao .. pangarap niya tumulong sa iba pero sa isang utos lang nawala lahat ng pangarap niya .. at .. at wala kang ginawa Mom! Wala kang ginawa!!" " Louissa!" " Hinayaan mong masira ang pangarap ng sarili mong anak .. nang sarili niyong anak! " " Watch your word Louissa." Napatingin naman ako kay Daddy na kababa lang mula sa hagdan. Kaya humakbang na ako para umalis. " Were doing this for all of you. Kung dumating man ang araw na wala na kami at least alam naming may maiiwan sainyo. " Namumuo ang mga luha saking mata. Hindi matanggap ang mga pinag sasabi nila.  " Masaya ba kami sa iiwan niyo? " Bago pa maka sagot si Daddy ay lumabas na si Geon at hinawakan ako sa braso. "Ihahatid kona siya sa kwarto niya Tito." Hatak hatak niya ako sa braso at sabay kaming nag lakad papunta sa kwarto ko. " Bakit mo yon ginawa Louissa?" Nag aalala siyang tumingin sakin. " Kasi nahihirapan na akong makita si Huxley na nag kakaganyan! Nahihirapan ako na nakikita ang kapatid ko na unting unting nasisira ang pangarap dahil sa pag sunod sa kagustuhan nila." " Naiintindihan ko at lahat kami nararamdaman yung hirap niya pero si Huxley yon Louissa .. Kailangan natin mag tiwala sa kanya. Kailangan natin mag tiwala sa desisyon niya." " Desisyon ng mga magulang natin ang sinusunod niya Geon." " Shhhh you just need to rest Louissa." Sumalampak ako sa kama at tumingin sa kanya. " Huxley is not just Huxley and you know that Louissa. Kung dumating man ang araw na mapuno si Huxley kayang kaya niya talikuran ang buong Henderson sa isang iglap lang. " " Geon .." Sumenyas ito na tumahik na ako pero nag iwan muna siya ng mensahe bago umalis. " I want you to always stay calm. Alam ko din ang kaya mong gawin Louis .. Mas malala ka kay Huxley. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD