Chapter 5

2301 Words
Dumating ang araw ng lunes at busy na kami sa kanya kanya naming subject. Halos lahat ng subject namin ay may pa activity, sinasagad nila kami ngayon dahil sa paparating na Brooklyn university fare week. Pag-katapos ng Operational management namin ay nag tungo na ako sa likod ng business administration building para mag lunch kasama ang mga pinsan. "Pumasok naman si Akiko ahh .. bakit hindi mo na naman siya kasama?" Tanong ni Winter pero nginitian ko lang ito. "Inaaya mo ba siya Louis? Isama mo naman siya rito kawawa naman kung mag lulunch yon mag isa." dagdag ni Geon " Ang mabuti pa pag katapos natin mag lunch samahan mo akong sunduin siya sa gate bago kami pumasok sa next subject at ikaw na din mag sabi na sumama siya saatin tuwing tanghalian." " No problem! " Halos mag party lahat ng ugat ko sa utak ng pumayag si Geon. Ito na ata ang pinaka masayang araw ni Akiko kung mag kataon. " Kamusta naman si Huxley?" tanong ni Austin Hindi namin siya kasama dahil busy siya sa pag wiwithdraw ng papers niya. " Mabigat ang loob panigurado." Simangot ni Winter. " Nakausap mo ba siya Louis?" -Austin " Hindi pa. " " He will be fine. " -Geon Natapos kami at nag paalam na kami sa isat-isa. Gaya ng napag usapan ay sasama si Geon sakin para puntahan si Akiko at ito ako ngayon hindi maka pag antay. Mabuti na lang at nauna na si Akiko sa gate bago kami dumating. " Aki " Mabilis akong nag lakad papunta sa kanya para wala na siyang kawala. Kitang kita ang pag pula ng mga pisnge at ilong nito tila ba hindi niya talaga inaasahan ang kasama ko. " Hi Akiko kamusta kana? " Tanong ng pinsan ko " A..ahh I'm fine .. a..anong ginagawa m..mo dito?" Nag iwas ako ng tingin at hinayaan silang mag usap. " Just wondering bakit hindi kana sumasabay kay Louis tuwing lunch. May problem ba?" " W..Wala naman .. ahh .. " Nakita ko ang pag ngisi ni Geon tila natutuwa sa pagka tense ni Akiko. " Bukas sumabay ka sa kanya. Kahit huwag kana mag dala ng pagkain ako ng bahala sayo.. sumabay ka samin mag lunch. " " P..pero kasi .." " No but's Akiko. Kung hindi kita makikita bukas hahanapin kita sa buong campus tandaan mo yan." Ngumiti si Geon at ginulo ang buhok ni Akiko. " Sige na umakyat na kayo at baka ma late pa kayo sa susunod nyong subject. Mauna na ako." Nag paalam na ito at umalis na saka naman ako hinila ni Akiko palayo at nag sisigaw sigaw sa hallway. " MY GHADDDD LOUISSA SINABI MO? SINABI MO? SINABI MO?" Natatawa akong humarap sa kanya. " Ang alin? " " Na gusto ko siya??? sinabi mo?" " Hindi no! Nag tataka lang talaga sila kasi hindi kana sumasabay samin tuwing lunch. Nung nakaraan nga pinag bintangan ni Austin si Winter na minamalditahan ka kaya hindi kana sumasama at kanina sinabihan naman ako ni Geon na baka hindi kita inaaya kaya hindi kana nila nakikita. Nasanay lang talaga silang kasama kita palagi." " Hindi mo talaga sinabi?" " HINDI NGA!!! Masyado ka lang obvoius .. huwag kang mautal kapag kaharap mo si Geon dahil madaling maka gets yon " " OMGGGGG GINULO NIYA YUNG BUHOK KO NA PICTURAN MO BA?" Natatawa naman ako sa kanya. " Kailangan paba yon? Hahahah paniguradong hanggang panaginip dala dala mo yan hahah " Hindi niya ako tinantanan sa kilig na nararamdaman niya. Tila ba nabuhay ang patay niyang pagkatao. Bumalik na kami sa room at nag handa sa susunod na subject. Parang kabayo kung makadaungdong ang puso ko ng makita si Devon na may hawak na libro at index card pumasok ito sa room namin at halos magsi tilian lahat ng classmate namin na babae. " Good afternoon everyone, Mr. Lilo is not around today because of an important matter .." Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil sa pag sagot ng classmate namin. " Hanggang kailan wala si sir? pwede bang ikaw na lang hanggang matapos ang sem?" " Ang haharot!" sigaw ni Akiko kaya siniko ko siya. " Hanggang ngayon lang ako mag tuturo dahil may kailangan siyang tapusin na meeting. Ang sabi niya sakin ay tatapusin lang ang chapter two ng lesson at mag bibigay na ako ng recitation." Bumusangot naman ang muka ng babae. Inikot ni Devon ang paningin sa buong kwarto at nag tama ang paningin namin. Ngumuso ito at pilit kinakalma ang sarili kaya natawa ako. " Anong nakakatawa?" Tanong ni Akiko kaya umiling lang ako. Gaya nga ng bilin sa kanya ng professor ay nag lesson siya at nag bigay ng mga example. Pinatahimik ko si Akiko na kanina pa ako inaasar kay Devon. Tinatakot ko siya na kapag hindi siya naka sagot sa recitation ay makakarating yon kay Geon kaya tinigilan na niya ako. " Alam mo mga tinginan talaga ni Devon sayo oh parang ikaw lang ang studyante." Pinatahimik ko ito at nag take notes. Mahaba haba din ang lesson kaya pagod na pagod ang utak kong kinabisado lahat ng pinag sasabi niya. " Recitation na tayo?" Tanong niya sa klase pero parang mga baby ito na nag sisi iyak. " Miss Henderson stand up." Nanlaki naman ang mata ko ng tawagin niya. Hindi naman sa hindi ako handa pero bakit una ako sa listahan? Tumayo ako at tumingin dito, para kaming mag kaaway na nag lalabanan ng titig. Umupo ito sa table at inekis ang mga braso. " Can you differentiate microeconomics and macroeconomics?" Ngumisi ito at hindi inalis ang paningin saakin tila ba handa talaga siya makinig sa sagot ko .. tama man o mali. " Ahm microeconomics is the study of particular markets and segments of the economy. It looks at issues such as consumer behavior, individual labor markets, and the theory of firms while macro economics is the study of the whole economy. It looks at aggregate variables, such as aggregate demand, national output and inflation. " Tinitigan ko ito at binasa ang ekspresyon kung masaya ba siya sa sagot ko pero ngumisi lang ito at tumango tango. " How about the similarities of the two?" " Micro principles are used in macroeconomics. If you study the impact of devaluation, you are likely to use same economic principles, such as the elasticity of demand to changes in price while ... while" Hindi ko matuloy ang gustong sabihin dahil na distract ako sa pag nguso niya at mas lalong nawala sa isipan lahat ng minmemorize ng marinig ang hagikgik ni Akiko. Pumikit ako at inalala ang lesson niya. " It's okay if you forg.." " While micro... while micro effects macroeconomics and vice versa. If we see a rise in oil prices, this will have a significant impact on cost-push inflation. If technology reduces costs, this enables faster economic growth." Dumilat ako at nakita si Devon na nakatitig sakin. Walang ekspresyon o ano tumango tango lang ito at pinaupo na ako, nag tawag naman ulit siya ng ibang sasagot. " Sorry Louis hindi ko alam na mamemental block ka kinilig lang ako kay Devon tuwang tuwa kasi sayo. Kung ano kasing nasa libro iyon din kasi ang sinabi mo .. Feeling human book ka din eh." " Napaka daya mo hindi naman kita ginaganyan sa harapan ni Geon." " Kaya nga nag sosorry na ako diba? Ito na nga oh na kokonsensya na. sorry na! huwag naman sanang makarating kay Geon." Natawa naman ako doon at umiling na lang. Natapos ang klase at nag paalam na si Devon, Ito na din ang huling subject namin sa araw na ito. " Habulin mo na dali! Mag kita na lang tayo bukas." Natawa naman ako ng itulak tulak niya ako para habulin si Devon. Na kwento ko na din kasi sa kanya na hinahayaan niya akong kilalanin siya. Mabilis akong bumaba ng hagdan at tinakbo ito. Bago pa siya maka liko sa Engineering building ay tinawag kona ito. " Devon!" Huminto naman siya at lumingon. Mabilis akong lumapit sa kanya at ngumiti. " Uuwi kana?" Ngumuso ito at tinaas ang kilay. Hindi ko alam bakit ang bilis ng t***k ng puso ko siguro napagod lang sa kakatakbo. " Is that your question for today?" Tumango tango naman ako. " Hindi pa .. pero papasok na ako sa trabaho. " " Nag tatrabaho kana o para sa internship niyo?" Tinitigan niya ako at nag antay ng ilang minuto bago sumagot. " Studyante sa umaga .. office boy sa gabi. " Namilog naman ang bibig ko sa sagot niya. " Wow! Just wow .. " Sumeryoso siya ng tingin sakin tila ba binabasa niya kung seryoso ba ako sa sinasabi ko. " Ikaw wala ka pa bang sundo? " " Pababa na si Chase sa kanya ako sasabay. " Tumahimik ito at nag iwas ng tingin. " Sasamahan na lang kitang mag antay sa kanya bago ako umalis." " Hindi na. Maige pang mauna kana at baka ma late ka pa sa trabaho mo." " I'm not gonna leave you here,Louissa." Kumunot naman ang noo nito at inekis ang mga braso. " Why are you smiling huh?" " Masaya lang ako kapag tinatawag mo ako sa pangalan ko. Kadalasan kasi na tawag sakin ay Louis. Kayo lang ni Mommy at Akiko ang madalas tumawag sa buo kong pangalan .. well tinatawag din naman ako ni daddy ng ganon pero kapag galit na siya." Mahaba kong paliwanag. " My pleasure." Nag bow ito na para bang sinasamba ako. " Hoy huwag ka ngang ganyan! Hindi naman ako prinsesa." Natawa naman ito ng makita niya ang lukot kong kilay tila hindi talaga ako natuwa sa ginawa niya. Never akong natuwa sa special treatment lalo na kapag binabanggit ang apelyedo namin hindi mo na kailangan pag hirapan lahat, basta Henderson sikat ka, mayaman ka, madami kang connection pero hindi nila alam kung ano ba talaga ang tunay ng mga henderson. Walang nakakaalam hanggat hindi nila nasusubukan ang isa sa mga Second generation Henderson which is my Daddy William, Tito Yousef, Tito Bale and Tito Allaric. THE REAL HENDERSONS. " You okay? Did I offend you or what just tell me Louissa." Makikita ang pag aalala sa mata. Gusto niyang hawakan ang kamay ko pero makikita mo ang pag iingat at respeto. " Yeah I'm okay .. may naisip lang. I think you should go now Devon baka malate kapa sa trabaho mo. " " It's just a work Louissa. Kaya kong mag overtime bukas at sa mga susunod na araw. Sabihin mo kung anong problema? " I tried to hide the sadness on my face. Ayokong malaman niyang iniisip ko kung gaano kahigpit ang mga Daddy at uncle ko. " I swear I'm okay! Pumasok kana sa trabaho mo at baka ma late kapa. Anong oras ba pasok mo?" Ngumiti naman ito at umiling. " Ang usapan lang natin ay dalawang tanong sa isang araw." " Pwede bang unlimited question na lang? Ang hirap naman kasi yon .. paano kung gusto pa kita makausap?" Sumeryoso ito at tumayo ng diretsyo. Tumango tango siya. " Ikaw naman ang gumawa ng rules na yan Louissa .. ikaw din ang may karapatang bumuwag." " B..Bakit ayaw moba ako kausap?" Kumunot naman ang noo niya at sinamaan ako ng tingin. " Hindi ako mag sasayang ng oras kung hindi kita gusto kausap Louissa. Hindi mo ba narinig na handa ako mag overtime para lang makausap at samahan ka. " Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya. Bakit ba natutuwa ako sa kanya. " Thank you. I appreciate " Tumingin naman ito sa likod ko at may sinenyasan kaya napatingin na din ako dito. " C..Chase dismissal mona ?" " Gulat na gulat ka naman ata... sobra na nga ng 30 minutes yung professor namin eh. Ayaw mo pa bang umuwi?" I heard Devon chuckle. " Ahh.. ganon ba. Sige tara na. " " Dito ka muna na sa dulo pa yung kotse ko. " Nag lakad na si Chase papunta sa kotse niya samantalang ako ay naiwan na nakatanga sa harapan ni Devon. " T..Thank you sa time" Hindi ko alam bakit nauutal ako. Bwisit na Chase to!! " My pleasure Louissa. " Huminto na ang kotse ni Chase sa harapan namin senyales na kailangan ko ng pumasok sa loob. " Ahm.. mauna na ako." Nakatingin ito sakin tila pinapanuod ang buo kong pag katao. " Take care Louissa" Nag lakad na ako para umikot sa front seat pero napahinto at tinatagan ang loob para itanong ang kanina pang ninanais itanong. " Anong oras ka pala pumapasok sa trabaho?" Kumunot ang noo nito hindi niya siguro inexpect ang tanong ko. " Alas tres ng hapon hanggang alas nuebe ng gabi. " Tumango tango naman ako at kumaway para makapag paalam na. Pumasok na ako sa kotse at kinahabahan sa tingin ng bunsong kapatid. " What's with that stare Chase?" Inis na tanong ko rito. " So totoo pala ang balita." " Na ano?" " Na close kayo ni Devon." " Kanino mo naman yan nalaman?" " Kay Geon .. Gianna .. Austin .. Winter." Napa letrang O naman ang bibig ko sa narinig. Grabing chismosa naman ng mga pinsan ko. " We..Were just friends Chase." " Hindi mo kailangan mag paliwanag kitang kita ko naman sa mga mata niyo .. mag kaibigan nga talaga." Mahihimigan ang pang aasar sa kanya. " Ewan ko sayo Chase! Basta nakikipag kaibigan lang ako. " Mas nabwisit ako ng ngumisi siya at umiling. " Huwag ka ngang ngumisi ng ganyan! Nakakaasar na." " Inaano ba kita? Masyado kang over reacted ate Louis hahaha." Hinayaan kona lang siyang ngumisi buong biyahe dahil kapag pinuna ko ito ay mas lalo niya lang akong iinisin hanggang sa sumabog ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD