Chapter 6

2945 Words
Tahimik kaming nag hahapunan sa hapag. Hindi ko alam pero dapat ito ang pinaka masayang moment sa aming pamilya pero ito ata ang pinaka ayaw namin dahil imbis na salo salo at magandang kwentuhan ay palagi na lang kami nauuwi sa hot seat mag pipinsan. " Huxley nagawa mo naba ang pinapagawa ko?" Tumingin naman si Huxley kay Daddy na may mabibigat na mata. " Opo napasa ko na sa  Henderson corp. " " Mabuti naman kung ganon. Kayo Austin at Geon kailan kayo mag papasa ng internship paper sa Henderson corp?" Napatingin naman kami sa dalawa na ngayon ay nag papalitan na ng tingin. " Inaasikaso pa po namin " maikling sagot ni Austin Tumango tango naman ang mga daddy namin at nag simula ng kumain .. Halos kapusin ako ng hininga ng dumapo ang paningin sakin ni Daddy.  " Kamusta naman ang pag aaral mo Louis? Kailan mo balak mag pakasal kay Jace? Mas nagiging kilala na ang mga Brown sa industriya ng langis baka hindi mag tagal ay nasa tuktok na sila." " I'm good Daddy .. Wala pa po sa isip ko ang mag asawa. " " Mabuti kung ganon dahil si Jace lang ang gusto kong mapangasawa mo." Hindi ko namang maiwasang kabahan sa huling salita na binitawan ni Daddy. Naangat naman ako ng tingin sa mga pinsan kong nakatingin na ngayon sakin.  " D-Daddy paano po k.. " Nahinto ako sa pag sasalita ng hawakan ni Huxley ang kamay ko. Pinipigilan sa kung anong gustong sasabihin. " Continue Louis " - Tito Allaric Napatingin ako kay Geon na dahan dahang umiling, sumesenyas na huwag ako mag salita tungkol sa fixed marriage na gusto nila. " Ano yon anak? " Tanong ni Mommy na ngayon ay naka ngiti na sakin. Umiling iling ako dito at ngumiti. " W-Wala po Mommy. " Napatingin naman sila Tito sakin tila hindi kontento sa sagot ko, parang kailangan ko na ng oxygen dahil hindi ako makahinga sa paninitig nila. " What about the Brooklyn Gala night Daddy? Sino pong naka assign?" Nakahinga naman ako ng maluwag ng baguhin ni Geon ang usapan. " May gusto bang mag volunteer? "  -Tito Bale Natahimik naman ang lamesa at nag palit palitan na sila ng tingin. Hanggang sa nag taas na ng kamay si Austin. " Samahan mo siya Gianna at palagi ka na lang na ka kulong sa kwarto mo. " -Tita Gana Kitang kita ang inis sa mata ni Gianna. Sa aming mag pipinsan siya lang talaga ang walang pakielam sa mga ganyang events, never naman siyang nag reklamo dahil mayayari siya pero mababasa mo naman sa mata ng isat isa kung sino ang interesado at hindi. Si Austin, Geon at Huxley lang talaga ang sumasalo sa bala ng mga pamilya namin. Siguro kung wala sila ay naikasal na ako ng maaga. " Y-Yung kanina Louis " Napatingin naman ako kay Geon na may hawak na coffee mug, andito kami sa rooftop at nag papalipas ng oras bago matulog. " What do you mean?" Nakakunot ang kilay nito habang binabasa ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. " Ano yung itatanong mo kay T-Tito William?" Nagulat naman ako ng ungkatin niya pa ito.  " I saved you a while ago Louis so you owe me a truth!  Just return the favor by just answering my question .. Is it about Devon?" Mula noon ay ganon na talaga ang ugali ni Geon, Austin at Chase sila ang pinaka vocal samin mag pipinsan napaka straight to the point nilang tao, ayaw nila ng paligoy ligoy sagutin mo sila ng totoo at tapat while the other hand Huxley is a quite person pero sa kanya kami takot dahil never namin siyang nakitang nagalit pero napag uusapan din naman naming mag pipinsan na si Huxley ang susunod sa yapak ng mga naunang Henderson dahil siya lang talaga ang nakikitaan namin ng pag ka higpit at pagka seryoso. " What's with him? " " You like him? " " N-No!!" " No? Eh bakit nauutal ka? " " M-Mag kaibigan lang kami! " " Ahhh talaga lang ahh. Eh usap usapan sa buong campus na ikaw daw ang sunod ng sunod kay Devon" Nanlaki naman ang mata ko sa akusasyon niya. " Sino nag sabi niyan at isusumbong ko kay Winter." " Loko ka ipapain mo pa si Winter! Hahahaha" " Siya lang naman ang mahilig makipag balyahan. Kung ayaw mo si Akiko na lang." Aambahan niya ako para kutusan pero pinigilan ni Austin ang kamay niya.  " Aba Geon sasaktan mo si Louis dahil lang kay ... aray!" Siya ang binatukan ni Geon. " Edi ayan ikaw ang sumalo hahaha." Parehas naman kaming natawa, Sumingit siya sa gitna namin at tumingala. " Wala bang shooting star dyan ng maka hiling man lang." -Austin " If ever merong shooting star ano namang hihilingin mo." " Strength" Sabay naman kaming napatingin  ni Geon sa kanya. " Para saan? Tournament?" -Geon " Tanga para sa pinsan mo! " -Austin Kumunot naman ang noo ko at hindi ito nilubayan ng tingin. " Pagod na si Huxley pero lumalaban pa rin. Kelan mo balak ipasa yung internship paper mo?"  -Austin " Nasakin na. Hanggang katapusan naman ang deadline may dalawang linggo pa ako para pag isipan." -Geon " Gusto ko din sana sa Johnson Corp kaso ekis na si Huxley. Bantay sarado nga siya ni Tito William eh." -Austin Hindi ko naman maiwasang malungkot. Gusto ko man silang tulungan pero ano ang maitutulong ko? Maski ako ay walang lakas na loob banggain ang pamilyang ito. Naramdaman ko naman ang pag akbay ni Austin, tiningnan ko ito at naka tingin na sila sakin. " Don't give us that look Louis! " " Hindi ko lang maiwasang malungkot. Pangarap niyo yan p..pero kailangan niyong palagpasin par.." " Shhhhh" Niyakap ako ni Austin at pinakalma. " Para ka namang walang tiwala sa mga kuya mo. Kung kaya ni Huxley mas kailangan naming kayanin. " -Austin Niyakap ko ito pabalik at hindi na maiwasang maluha. Ilang taon pa ba kami magiging sunod sunuran. " Pinapaiyak ka na naman ng mga pinsan mo." Napalingon kami kay Huxley na kasama si Gianna. " Asan si Chase at Winter?" -Austin " May exam sila bukas kaya maagang natulog. Kayo bakit niyo na naman pinapaiyak si Louissa?" -Huxley " Hindi kana nasanay dyan Kuya Hux siya lang naman ang nag iisang iyakin sa pamilyang to. " -Gianna Inagaw naman ako ni Huxley kay Austin at niyakap habang pinupunasan ko ang mga luhang kumakawala. " Ano na namang sinabi niyo dito?" -Huxley " Nalungkot lang yan dahil hindi makakapasa si Devon sa Henderson Hahaha" Gusto kong duraan si Austin sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa kapatid na ngayon aya masama na ang paningin sakin. " Ang kapal niyong dalawa! Pag katapos ko kayong damayan sa kalungkutan niyo babaliktarin niyo ako?" Natatawa naman sila nag akbayan.  " Hux that's not true! " Kinurot naman ni Huxley ang ilong ko. " Kunin mo na ito Gianna at may pag uusapan kaming tatlo." " Hindi kami kasali?" -Gianna " Hindi " -Huxley Naka busangot akong hinila ni Gianna pababa ng rooftop. May mga boys talk talaga na hindi na namin kailangan pakinggan. " Totoo ba?" Nagulat naman ako sa tanong ng pinsan. " Anong totoo?" " Na malungkot ka kasi hindi papasa si Devon sa pamilya natin." Siya naman ang gusto kong isahan. " My goodness Gianna naniniwala ka sa mga yon? Tayo ang mag kakampi dito kaya sakin ka maniwala. Nalulungkot  ako dahil hindi nila matupad ang mga gusto nila sa buhay!" Natatawa naman itong hinatid ako sa kwarto. " Whatever you say haha. " Akma itong aalis para makapasok na sa kwarto ng biglang siyang napahinto. " By the way gumawa ako ng fifty pieces na carrot cupcake, mag dala ka bukas kung gusto mo." Ngumiti ito pero hinila ko ang braso niya bago makaalis. " Are you stressed too? " Ngumiti ito at niyakap ako. " I'm fine now. " " Are you sure?" Siya naman ang kumurot saking pisnge at ngumiti. " Tell me what's wrong Gianna! Hindi ka gagawa ng ganyang karaming cupcake na trip mo lang. Sino na namang ng stress sayo?" " Na reject lang yung recipe ko for first quarter kaya kailangan kong mag isip ng panibago. That's all .. I can still try another recipe .. easy " Nakahinga naman ako ng maayos ng makitang totoo nga ang sinsabi niya. Hinalikan ko ito sa pisnge at pumasok na sa kwarto para makatulog. Maaga akong nagising para initin ang cup cake na ginawa ni Gianna. Ginising ko pa ito para maka hingin ng magandang lalagyanan, hanggang sa mag alas otso ay kumilos na ako para pumasok. Masyado kaming busy sa araw na ito. Tamabak ang seatwork namin sa Financial management na kailangan namin tapusin, Nag over time pa ito para sa mga hindi pa tapos kaya late na kami naka pag lunch. Hindi na rin kami naka sabay kila Geon dahil late na kami pinalabas kaya andito na lang kami sa cafe kumain. " Nakakainis naman kung kelan handa na ako sumabay ng lunch saka naman naudlot. Palagi na lang siyang nag tatambak ng seat work." -Akiko " Naubos na nga yung lakas ko sa kanya eh. Grabi pipigain niya yata tayo dahil malapit na yung Brooklyn week." " Malamang sa malamang! Hindi lang naman siya yung ganon pati yung Marketing natin nag tatambak na ng gagawin." Napatingin naman ako sa relo at 2:30 na. " Anong next subjcet natin?" " Human Resource. Bakit may pagtatapo kayo ni Devon?" Inirapan ko naman ito pero kiniliti niya lang ako. " Ikaw ahhh. sumosobra kana ahh " Nginuso niya yung paper bag na hawak ko at hinila ako patayo. " Diba alas tres ang pasok niya sa ojt? Hanapin mo na at baka maagang umalis yon sayang naman yang cupcake na binaked ng pinsan mo hahahaha." Nauna na siyang umakyat sa room habang ako naman ay hindi alam kung saan pupunta. Meron pa akong thirty minutes bago ang next subject kaya kailangan ko na siya makita bago pa ako ma late sa Human resource. Pumunta ako sa Engineering building para hanapin siya, bago pa ako maka hakbang papasok ay may humila na sakin paalis doon. " D-Devon" " What are you doing here? " Natameme ako sa kanya dahil sa sobrang gulat habang naka kunot na sakin ang makakapal niyang kilay.  " I'm asking you Louissa, anong ginagawa mo dito? "Mahihimigan ang inis sa tono ng boses tila hindi niya ineexpect na pupunta talaga ako sa loob. " You look pissed!" Kinagat niya ang labi at pumikit bago ako hinarap at sinisid muli ng titig. " Ayokong pumupunta ka dito ng mag isa Louissa! Ninety percent ng studyante sa Engineering course ay lalaki .. Paano kung mapaano ka?" Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ibang emosyon ang pinapakita ni Devon. " I'm sorry. Hindi ko naman kasi alam .. gusto lang sana kita makita wala din naman akong number mo kaya hindi kita ma contact." May kinuha siya sa bulsa ng pants at inabot sakin,  isang depindot na cellphone. Ngayon na lang siguro ulit ako naka kita ng isang lumang cellphone dahil karamihan na gamit ng mga tao ngayon ay touchscreen.  " Stop critizing my phone .. just enter your number." Mabilis kong tinapa ang numero at ibinalik sa kanya. " I'll text you later after my shift. Ihahatid na kita sa klase mo. " "  Hindi mo na ako kailangang ihatid Devon. Andito lang naman ako para ibigay sayo ito." Kumunot ang noo niya at kinuha ang paper bag na inabot ko. " What is this Louissa?" Hindi na naman ako maka sagot dahil sa sobrang kaba. " C-Cup cake?" Pumikit ako ng mariin at humarap sa kanya.  " Kumakain ka ba ng carrot cake?" Halos sumabog ang puso ko ng ngumiti ito. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng sobra. " Did you baked th.." " No. " Hindi ko naman masabing trial and error lang iyon ni Gianna at baka ibalik niya ito sakin. " Ahm... "Nagulat naman ako ng lumapit ito sakin at hinawakan ang baba ko para makatingin ako sa kanya ng diretsyo. " Just be honest with me Louissa. Why you giving me this cute cupcake?" Sinubukan kong pakalmahin sang sarili at ang pusong gusto ng sumabog. " Kasi .. Gabi kana umuuwi hindi ko alam kung nakaka kain kaba ng maayos o ano .. Baka nakakalimutan mo ng kumain sa dami niyong ginagawa kaya sana tanggapin mo yang carrot cupcake. Si Gianna ang nag baked niyan.. hindi pa ako marunong pero mag aaral ako kung gusto mo. H..Huwag mo ibalik ahh para sayo talaga yan." This is the first time that I saw him laugh. Ngumuso ito at kinontrol ang pag tawa. " Thank you! How about you what do you want?" Tinuro ko ang sarili at tumango naman ito. " W-Wala naman. Hindi ko naman yan pinapabayaran! Ang gusto ko lang ay makakain ka ng marami. Fifteen pieces yan kung ayaw mo ishare mo na lan.." " Hindi! Ayoko ng may kahati Louissa. Uubusin ko dahil bigay mo ito. " Ngumiti naman ako sa narinig. Hindi ko alam bakit ang saya saya ko na naman. " S-Sige na aakyat na ako  at may klase pa ako. M-Mag iingat ka sa trabaho mo."  " Sandali .." Napahinto ako at humarap rito. " Sinong sundo mo?" " Si Austin. " Tumango tango ito at ngumiti. Pinanuod niya akong bumalik sa Business Admin building. Nakahinga naman ako ng malalim ng wala pa kaming professor.  " Ano nabigay mo ba?"-Akiko Tumango tango naman ako. " Anong sabi? Natuwa ba? " " OO! First time ko siyang nakitang tumawa .. ang gwapo pala niya." " Gwapo naman talaga yon! Nag lalabanan sila ni Huxley sa kagwapuhan sa Engineering building. Ano pang sabi? " " Kakainin niya daw lahat ng iyon dahil ayaw niya ng may kahati. " Tinakpan ko naman ang bibig ni Akiko dahil tumili ito. " Ano ba Akiko baka may maka rinig. Mayayari na naman ako!" " S-Sorry na sorry na kasi naman eh! Bet ka talaga niyan ni Devon!" " Mag kaibigan lang kami ano ka ba!" " Gaga ka mag kaibigan ba yon? eh gusto mo din naman yung tao. Indenial ka lang!" " Manahimik ka nga napaka ingay mo! " Naudlot ang kaingayan ni Akiko ng dumating ang lecturer namin sa Human Resource. Gaya ng ilang subjcet ay binuhusan din kami nito ng sandamukal na seatwork at homework dahil nga sa nalalapit na Brooklyn week. Syempre bago mag saya ang mga studyante kailangan muna mag hirap. Para kaming zombie ni Akiko ng lumabas ng classroom. Hindi na kami nag abala mag ayos dahil napagod na kami sa araw na iyon. " See you tomorrow Louis!" Hinalikan ako nito sa pisnge bago siya pumasok sa sasakyan. Sakto naman ang pag busina ni Austin, Sumakay na ako sa front seat habang si Gianna at Winter ay nasa likod. Hindi ko naman maiwasang maasar sa pag ngisi nilang tatlo. " Ano na naman yang pag ngisi na yan? Hindi niyo ba nakikita na pagod na pagod ako ngayong araw." " Wala ?" -Winter  " Wala ata eh ?" -Gianna Tawang tawa naman si Austin habang umiiling. " Sabi ni Chase dyan daw ang tagpuan niyo ni Devon sa parking lot." -Winter Halos maubo naman ako sa narinig at talagang pinag uusapan nila kami.  " Wala may pasok!" Singal ko dito. " Wow alam na alam ahh" -Austin Hindi naman ako maka sagot sa pang aasar ng mga pinsan. Na ubos na ng Financial management at human resouce ang energy ko at hindi kona kayang makipag biruan pa sa kanila. " Are you okay Louis?" Napaupo naman ako ng diretsyo sa tanong ni Daddy. Hindi ko na namalayan ang nangyayari dahil sa sobrang lutang. " Napagod lang siya Tito. Tamabak ang mga gawain ng studyante dahil nalalapit na ang Brooklyn fair." -Austin Tumango tango naman si Daddy. " Eat your food Louis" bulong ni Huxley Walang gana kong ginalaw ang pagkain sa harapan ko. Nauna na din akong nag paalam dahil gusto ko ng mag pahinga paniguradong madami na naman ang trabahuhin namin sa araw ng bukas. Nag ayos at nag linis ako ng katawan bago sumalapak sa malaki kong kama. Halos mapatalon naman ako ng tumunog ang cellphone ko. Uknown number: I'm already home Louissa. Save my number ... Devon. Hindi ko na napigilan ang sariling mapatili ng malakas.  " OMY GASSSSHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!! " Hawak hawak ko ang pisnge habang naka tingin sa cellphone nag iisip ng isasagot ng biglang bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto ko. " What happened Louis?" Napa letrang O naman ang bibig ko ng makita ang mga pinsan at Tito sa harap ng pintuan. " Are you okay?" -Daddy Nilapitan ako ni Huxley at tiningnan ang kabuuan. " Anong nangyari?" - Tito Allaric Napapikit naman ang mga pinsan ko tila alam na nila ang dahilan ng pag tili ko. " I'm fine .. ahh .. Na .. Naalimpungatan lang po. .. Masama lang po ang panaginip." Tumango tango naman sila habang hindi ako maka tingin ng diretsyo. Sa hindi inaasahan ay tumunog na naman ang cellphone ko hindi na text kung hindi tawag na. Mabilis na kinuha ni Huxley ang cellphone  at pinatay para hindi makita ng pamilya, hinila na nila Geon palabas ng kwarto sila Daddy. Nang makalabas na silang lahat ay binigyan naman ako ni Huxley ng isang nakakatakot na tingin.  " Don't try to make a scene Louis. Hindi lang sarili mo ang pinapahamak mo kung hindi pati buhay ni Devon!" He leave me speechless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD