Maaga akong nagising para kausapin si Huxley dahil hindi kami naka pag usap ng maayos kagabi. Nasermunan niya ako ng hindi man lang nakakapag explain.
" Hindi ka pa ba papasok Louis? Nakaalis na lahat ng pinsan mo."
Nasalubong ko si Tita Whitney. She's wearing her favorite red robe holding her favorite coffee mug, mukang kakatapos lang mag swimming.
" Ahh. Kakausapin ko po sana si Huxley."
" Maaga siyang pumasok. Ang batang yon alas singko pa lang ng umaga ay gumagayak na tapos late na rin nakakauwi dahil sa sobrang busy. "
Tumango tango na lang ako. Mukang mamaya pa kami mag kikita. Tinawag ko ang driver at nag pahatid sa campus, Dalawang subject lang naman kami kaya hindi ako mapapagod ngayong araw.
" Hi Louis! "
Tinanggap ko naman ang kamay ni Jace at tinanguan.
" Nakita mo ba si Huxley? "
" Hindi, Si Geon at Chase lang ang nakita ko. Bakit may papasabi ka ba?"
Umiling iling naman ako.
" Andyan na yung best friend mong maingay. "
Napatingin naman ako sa entrance at nakita si Akiko na naka high ponytail at umaalingasaw ang ingay ng high heels.
" Heyy Jace! What's with that hair? "
Hinawakan niya ang mahabang buhok ni Jace pero tinapik lang nito ang kamay ni Akiko. Hanggat maaga ay pinag lalayo namin silang dalawa dahil minsan na silang nag rambulan. Sa sobrang pikon ni Jace ay pinitik niya ang tenga ni Akiko at naiyak ito sa sakit.
" Ayan na naman kayong dalawa! Kulang ang braso ko para awatin kayo kung sakaling may mapikon na naman sainyo. "
" Pikon? Ayan si Jace kalalaking tao pikunin. Kapag wala ng masagot nananakit na!"
Nilakihan naman siya ng mata ni Akiko samantalang binigyan lang siya ni Jace ng nakakatakot na tingin. Kaya wala na akong choice kung hindi hatakin si Akiko palayo sa kanya.
" Tigilan mo nga kakaasar kay Jace! Mamaya patulan ka na naman niya tapos iyak iyak ka dyan."
" Asar talo kasi siya! Palibhasa hindi siya masaya sa buhay niya. Hindi na lang siya mag pakasal baka sakaling sumaya siya ng bongga ... aray!"
Hindi ko na napigilan ang hampasin siya sa braso.
" Nakakalimutan mo atang ako ang naka fixed marriage diyan! Kumatok ka nga at baka magka totoo."
" Ay oo nga pala! Sorry sorry,"
Kinatok katok niya ang lamesa at umiling iling. Minsan kasi nag didilang anghel si Akiko may mga sinasabi siyang minsanng nag katotoo kaya palagi ko siyang binabantayan sa mga sinasabi at hinihiling niya at baka biglang magka totoo.
Dumating na ang lecturer namin sa operational management at nag simula ng mag discuss. Nag pa groupings lang ito at isang seatwork kaya maaga kaming natapos. Mabilis na nag ayos si Akiko. Nag powder pa ito at dinagdagan ang lipstick sa labi.
" Okay na ba Louis? Hindi naman halatang nag paganda ako ng sobra no?"
" Kakain ka lang ng tanghalian kelangan putok pa ang labi mo? "
" Baka nakakalimutan mong andoon ang pinsan mo! Oh my gashhhh alam mo bang nag paluto pa ako ng dalawang putahe sa cook namin para may maiambag sainyo. "
Umiling iling na lang ako at inaya siyang bumaba. Kilig na kilig siya sa likod ko ng mag tungo kami sa likod ng business ad building.
" You finally back Akiko! Kung hindi kapa aayain ni Geon hindi kapa sasama!"
Gusto kong takpan ang bunganga ni Winter. Banggitin mo lang ang pangalan ni Geon ay para na itong uuod na binudburan ng asin. Hinila ko naman si Akiko at itinabi sakin. Inilapag naman ni Austin ang bag niya at inakbayan si Winter.
" Ang ingay mo Sapphire! " -Austin
" Can you please remove your arms? Ang bigat eh! Saka nag shower kana ba? Mukang galing ka na naman sa basketball! " -Winter
Hinatak naman ni Austin si Winter at isiniksik ang kili kili sa pag mumuka nito. Halos sumabog si Winter sa sobrang inis.
" My goodness Austin ano ba!!!!! " -Winter
" Pinapaalala ko lang sayo na walang mabaho sa pamilyang ito." -Austin
" Eh bakit kailangan pang gawin? pwede mo namang sabihin bwisit ka!" -Winter
" Hoyyy ang arte mo!" -Austin
" INBORN!" Sigaw ni Winter dito kaya umiling iling na lang ako.
" Parang kayo lang ni Jace. " bulong ko kay Akiko pero tumaas ang kilay nito.
" Pag ako ang ginanyan niya .. sapok talaga ang maabot niya sakin."
Natawa naman ako dito. Sakto naman ang pag dating ng mag kapatid kasama si Chase.
" Hi Akiko long time no see " Nilapitan ito ni Gianna at naki beso. Naiilang namang tinanggap ito ni Akiko.
" Akala ko hahanapin pa kita sa buong campus eh. Masunurin ka naman pala."
Kahit hindi ako makipag pustahan alam kong sasabog na ang puso ng katabi ko. Inayos ko ang buhok niya at tinakpan ang tengang namumula.
" Ahh.. ito pala yung ambag ko. "
Inalabas niya ang dalawang maliit na topper wear na may lamang caldereta at chicken adobo.
" Wow naman! Hoy Geon favorite mo oh Caldereta. "
Tiningnan ko naman ng masama si Austin na ngumisi at tumango. Ayoko ma akward si Akiko at baka hindi na sumama sa susunod.
" Sabi kong ako ng bahala sa pagkain mo eh. Hahahaha thank you dito." -Geon
" Y-Your welcome " -Akiko
Nahuli ko naman si Winter na nanliit ang mata sa dalawa kaya palihim ko itong sinaway kaya ngumisi din ito at kumain na lang.
" Asan pala si Huxley?"
" May defense sila sa isang subject kaya mauna na daw tayo. " -Chase
Mukang mamayang gabi ko pa talaga siya makakausap. Tahimik lang kaming kumain, wala ng nag lakas loob mag ingay at mukang pare parehas naman kaming mga gutom.
Nang matapos kami ay nag paalam na sila samantalang kami ni Akiko ay may thirthy minutes pa bago ang susunod na subject kaya nag tungo na lang kami sa mga kiosk at pinanuod ang mga architect student na tinatapos ito.
Naupo naman kami sa bench habang pinapanuod silang mag pintura.
" Mukang malapit na sila matapos ahh. Dalawang stall na lang ang natitira. " -Akiko
" Next week na ang fair kaya minamadali na din. Baka bukas tapos nayan."
" Si Devon ang naka assign dyan diba? "
Hindi naman ako naka sagot at naalala ang nangyari kagabi. Hindi ko man lang nasagot ang tawag at text niya dahil pinagalitan ako ni Huxley.
" Huy okay lang? "
" Ahh sorry! Ano ulit yon?"
Natatawa naman itong humarap sakin.
" Basta usapang Devon naliligaw ang isip hahahaha. "
" Si Huxley ang iniisip ko sira!"
Ngumuso naman ito tila hindi naniniwala sa pinag sasabi ko.
" Oo may kausap kanina sa labas. Ang ganda daw ng kausap!"
Nanliit naman ang mata ko sa pinag tsistsimisan ng mga architect student, Muka kaming tanga ni Akiko na humahaba ang leeg marinig lang ang bagong balitang dala nila.
" Muka ngang nagalit si Devon eh! "
" Oh? Baka girlfriend niya? Ano daw hitsura?"
" Sabi nila Marge maganda daw! Nasa loob lang ng sasakyan tapos hindi lumalabas ayaw ata ma expose."
Napatingin naman sakin si Akiko, Umurong ito para mas marinig ang pinag tsitsismisan nila kaya hinatak ko na ito paalis sa pwesto namin.
" Ano ba Louis konti na lang ma kokompleto na yung narinig ko!"
" Wala akong pakielam. "
" Selos ka naman agad. Malay mo fake news lang! Alam mo namang medyo kwentong barbero rin sila marge. "
" I don't care. Let's go."
Hindi ko alam kung bakit nawala ako sa mood. Bakit naman ako mag seselos eh mag kaibigan lang naman kami diba?
Natigil ang pagkutkot ko sa desk ng tapikin ni Akiko ang kamay ko.
" Stop with your tuntrums Louissa."
Bulong nito para hindi marinig ng professor namin na sobrang sungit.
" I'm not! "
" It's just a freaking fake news! "
Alam kong gusto niya lang akong kumalma dahil totoong nag wawala na ang sistema ko sa katawan. Gusto ko siyang puntahan at tanungin kung totoo ba lahat ng narinig ko.
Kaso bakit ko naman iyon gagawin eh mag kaibigan lang naman kami.
Walang pumasok sa utak ko ngayong araw kung hindi yung babaeng maputi na mukang model.
" Cheer up Louis! Hindi naman totoo yon kasi kung totoo yun kumalat na sa buong campus yon. Saka mukang hindi naman mang two time si Devon. Yun na ata ang pinaka matinong mukang nakita ko dito sa Brooklyn University sunod kay Chase hahahahaha."
Nginisian ko na lang ito at sinabayan bumaba patungong parking lot at ngayon na lang ulit ako kinabahan ng ganito.
" Sinong sundo mo ngayon?" -Akiko
" Austin. " Niyakap naman ako nito at kinurot ang pisnge.
" Selos ka no?"
Natatawa itong umilag sa hampas ko.
" Ako mag seselos eh mag kaibigan lang naman kami." Sabay irap ko dito.
" Sus! kaya pala wala ka sa mood? Nako tigilan mo yang kaka senti mo .. oh ayan na pala yung Devon mo oh .. tanungin mo na para hindi ka nag tatuntrums dyan."
Mabilis niya akong hinalikan sa pisnge sabay takbo sa sasakyan nila. Kabado naman akong lumingon sa likuran, He's again looking at me intently.
Umiwas naman ako ng tingin at mas kinabahan ng marinig ang mga yapak niyang papalapit sakin at hindi nga ako nag kamali. Huminto ito sa harapan ko at sinilip ang muka ko na kanina ko pa iniiwas.
" Do we have a problem Louissa?"
Hindi naman ako makatingin ng maayos. Pilit na inilalayo ang atensyon sa kanya kaya nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko at iniharap sa kanya. Hindi ko alam na may isasakit pa ang pag kabog ng puso ko. Kung kahapon gusto nito kumawala ngayon naman ay gusto ng umiyak.
" What's your problem Louissa? "
" W-Wala naman."
Tiningnan ko ito na ngayon ay masama na ang paningin sakin. Hindi ito kumukurap, Mas dumidilim at lumalalim ang paninitig niya sakin lalo na't hindi ako nag sasalita.
" I told you yesterday, I want you to be honest with me all the time. Malaki o maliit wala akong pakielam basta sabihin mo sakin Louissa kung anong problema. "
" W-Wala naman akong problema, baka feeling mo lang yon. "
Kinabahan ako ng hawakan niya ang kamay ko. Tiningnan ko ito sa mata at ngayon ay punong punong ng senseridad.
" Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo sinasabi."
Mas hinigpitan niya ang pag kakahawak sa kamay ko.
" D-Devon baka may makakita satin ..bitawan mo ako! "
" I dont care Louissa! Sabihin mo kung anong problema mo .. "
" A-Ano bang gusto mong marinig? Wala naman akong problema!"
Masungit kong bulyaw dito.
" Ngayon ka lang hindi ngumiti sakin. Pag nakikita mo ako palagi ka naka bungisngis kaya huwag mo kong pinag loloko! Anong problema natin Louissa?"
" Pakielam mo ba? eh trip ko bumusangot. "
" Edi bumusangot ka hanggang sa dumating si Austin."
Napanganga naman ako sa sagot niya. Hindi niya talaga binibitawan ang kamay ko.
Sana talaga ay hindi niya naramdaman ang panginginig ko.
" Inuubos mo lang ang oras mo dito D-Devon. Bitawan mo na ako at baka mag karoon pa ako ng issue . "
He raised his eyebrows and playfully smirked.
" You're too beautiful Louissa .. that I feel like I'm wasting my time when I'm not looking at you."
Yumuko naman ako at tinago ang pamumula ng muka. Nakaka bwisit! bakit nawawala ang inis ko!!
" Just let me go Devon."
" Just tell me what's my Louissa problem. "
Tumingin naman ako sa mga building at mukang nag uuwian na ang mga studyante. Binalik ko naman kay Devon ang paningin na ngayon ay naka titig pa rin sakin.
" I want your honesty Louissa. Ayokong nag kakaganito tayo. Gusto ko na palagi kang naka ngiti dahil naapektuhan ako pag sumisimangot ka.
" Stop it Devon .. you making my heart beat faster."
" I'm glad were mutual Louissa."
Nawawala ang mata niya sa pagkaka ngiti. Hindi ko namamalayan na napapangiti na rin ako.
" You never know who's falling inlove with your smile. Tell me your problem first .. "
" You are my problem."
Tumango tango ito tila ba expected na niyang siya ang dahilan ng pagka wala ko sa mood.
" Anong balita na naman ang narinig mo? "
Seryoso siyang nakatingin sakin. Inaantay niyang mag paliwanag ako sa kanya para masagot ang kanina pang bumagabag saking isip.
" I heard those architect student .."
" And?"
" N..Nakita ka daw nilang may kausap na babae sa labas .. M..Maganda daw "
" That's why you're actin.."
I cut him off.
" I'm not jealous. Why would I? May tiwala naman ako sa sarili ko! Ako ang pang bato ng Henderson sa kagandahan."
Hindi ko na nakilala ang sarili sa kayabangan. Kung marinig man iyon ni Winter ay paniguradong aapila siya.
Natawa naman ito sa sagot ko.
" Of course you are the loveliest person I have ever known. Walang wala siya sayo. "
Iniripan ko naman ito na ikinagulat niya.
" So totoong ngang may na meet ka sa labas na magandang babae?"
" Yes. "
Mas kumulo ang dugo ko ng sagutin niya ako ng totoo.
" So hindi pala yon fake news? Totoo yon Devon?"
Hinila niya ako papalapit sa kanya at binitawan ang kamay. Bumaba ito ng konti para pumantay sa paningin ko.
" She's my cousin. Her name is Kinnley "
Unti unti naman akong kinain ng hiya sa narinig.
" B-Bakit hindi mo man lang sinabi .. Nakakahiya tuloy."
" I love to watch your reaction Louissa and every reaction you give make me fall for you even more."
Fall? What does it mean?
May gusto siya sakin? Wala naman siyang sinabing i like you.
Fall?
Fall?
" Louissa your spacing out."
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Unti unti ko itong tiningnan sa mata na ngayon ay naka titig din sakin kaya iniwas ko ulit ang paningin.
" Can I ask you now a question?"
" A-About what?"
" You didn't reply last night? nag ring saglit pero namatay. Did you turn it off on purpose?"
" I .. I Accidentaly ..turn it off " I lied
Ngumisi ito at tumango.
" Sorry. Mag rereply na ako kapag nag text ka."
" I would love that."
" Hindi ba mauubos ang load mo?"
Knowing some information from brooklyn student, Nag tatrabaho siya para bayaran lahat ng bills niya at ayoko maging pabigat sa kanya, baka imbis na ipang bili na lang niya ng pagkain ay pinag load pa! baka mamatay ako sa konsensya.
" Hindi porket panget ang cellphone ko ay wala na din akong pang load Louissa. Don' t worry about that."
" Hindi naman yon ang ibig kung sabihin. Alam kong nag tatrabaho ka to pay for your bills .. ayokong maka sagabal."
" Never kang magiging sagabal sakin Louissa. Keep that on mind."
Tumayo ito ng diretsyo at iniwas ang paningin sakin. Sinundan ko naman ng tingin ang mga mata niya at nagulat ng may umakbay sakin.
" Are you guys done talking?"
Gusto kong sapakin si Austin sa pang aagaw niya ng eksena.
" Can we go home now Louis? or gusto mo pa ng ten minutes? kaya ko naman mag antay."
Kung may blade lang akong dala ay inahit ko na ang kilay niyang tumataas baba.
" I'm already satisfied Austin. Take a good care of Louissa."
Tumango naman si Austin at tinapik ang balikat ni Devon.
" No worries Devon I got her front. "
" I got your back yon baliw!" Pag tatama ko sa pinsang accounting student.
" I got your front Louissa! Dadan muna sila sakin bago sa likod. "
" Ang dami mong alam tara na!"
Hiyang hiya akong tumingin kay Devon na ngayon ay naka tingin na sakin.
" Be safe. "
Tumango tango na ako at hindi na naka sagot pa dahil hinatak na ni Austin. Sakay sakay ng kanyang sports car ay natatawa itong tiningnan ako.
" Ano umamin na?"
Naguguluhan ko itong tiningnan habang maingat na nag mamaneho.
" Can you please stop being chismoso Austin."
" I'm not Louis! I saw you two holding hands. Anong gusto mong isipin ko, na nag lalaro kayo ng maiba taya? Of course not! You like each other and I saw Devon eyes kumikinang eh! Maging honest ka lang sakin Louis, never naman kitang nilaglag. "
Hindi ko alam kung kinokonsensya niya lang ako para umamin pero masyadong effective.
" I'm not sure okay? Hindi naman niya sinabi na gustong gusto niya ako but I feel he cares. "
" Hindi naman na kailangan tanungin kung anong nararamadaman ng lalaking yon dahil masyado namang obvoius. Ikaw anong nararamdaman mo?"
" Is not even there yet."
" About to get there."
Pag tatama niya sakin.
" He's nice and kind Austin. Sinong hindi ma aattract sa kanya? Huxley told me he's smart too."
" Did you ahm .. confessed about your feeling?"
" I don't want to tell something that I'm not sure .. or saying something that would make him happy. "
" You looked sure about it. Hindi ka lang sure sa part na kung pwede ba."
Hindi ko man diretsyuhin pero natumpok niya ang gusto kong sabihin.
Hindi na din namin tinuloy ang pag uusap dahil kaharapan na namin ang pamilya sa hapunan.
" W-Where's Huxley?" Hindi ko maiwasan mag tanong dahil sa bakanteng upuan sa tabi ko.
" Nauna na siyang mag dinner at marami pang tinatapos na papers. " -Mommy
Tumango tango na lang ako at sinumulan kumain.
" Brooklyn Gala will be on Sunday. Handa na ba ang susuotin ni Gianna? Austin?" - Tito Bale
" Na deliver na po kaninang tanghali Tito. Maaga kaming nag pagawa ni Gianna kaya maaga din napa deliver. " -Austin
Tumango tango naman sila.
" Brown family will be here tomorrow, Zahava want to visit your Tita's .. better wake up early Louissa tulungan mo ang Mommy mo mag prepare."
" Y-Yes Daddy. "
" Ipinasa niyo naba ang internship paper niyo sa Henderson?" -Daddy
Nagulat naman kami ng ma ubo si Austin kaya dali dali siyang inabutan ni Winter ng tubig.
" Salad na nga lang ang kinakain mo nabubulunan ka pa!" -Winter
" Tatapusin muna namin ang Brooklyn fair .. sabay na kaming mag papasa ni Austin Tito William" - Geon
" Maganda kung ganon para maka pag enjoy muna kayo bago mag training." -Tito Allaric
" Hindi na yan sasaya."
Sinipa ko naman si Chase ng bumulong ito. Sinenyesan ko ito na manahimik at baka siya naman ang igisa ng pamilya.
Natapos ang hapunan namin at nag paiwan ako sa kitchen kasama si Gianna. Lumapit ito sakin at bumulong.
" Binigyan mo si Devon ng cupcake diba? Anong sabi? "
" Hindi kopa alam. Mamaya tatanungin ko pag nag text."
Nagulat naman ako ng paluin niya ako sa pwet.
" May number kana niya? Ang bilis naman ata."
" Binigay niya kahapon. "
" Kayong dalawa na nga lang ang andito nag bubulungan pa kayo."
Halos manigas kami sa gulat ng lumabas si Tita Aurora galing sala.
" H-Hi Tita "
Akward na bati ni Gianna.
" What are you doing here? Hindi pa ba kayo matutulog?"
She's smiling like an angel. Na kwento ni Tito Bale noon na si Tita Aurora ang pinaka magandang babae noon sa Brooklyn University. May malalalim itong mata at matangos na ilong para siyang prinsesa sa isang movie.
" Ahm.. Nag papatulong lang po si Louis at dadalahan niya daw si Kuya Huxley ng kape at cupcake. "
Tumango tango naman si Tita at na upo sa high chair katapat namin ni Gianna. Hindi na naman kami maka tingin ng diretsyo para bang may isang krimen na naman kaming ginawa.
" Can I ask you a question?"
Siniko naman ako ni Gianna kaya tumayo kami ng diretsyo sa harapan niya.
" Ano po yon Tita Aurora?"
" May girlfriend na ba si Austin?"
Naka ngiti naman itong habang nag aantay ng sagot. Nag katinginan naman kami ni Gianna na mukang parehas ng naiisip.
" To be honest Tita wala naman pong girlfriend si Austin, maraming nag kakagusto sa kanya pero wala naman siyang interest."
Tumango tango ito at nag simula ng mag timpla ng kape.
" B-Bakit niyo po natanong Tita?"- Gianna
" Hmm nag aalala lang ako. Hindi na kasi siya masyadong nag kukwento sakin. Nag kikita na lang kami kapag matutulog na siya."
" Masyado pong busy si kuya Austin. Balita po namin eh pinalitan na niya yung president ng Accountancy organization .. saka malapit napo yung Brooklyn week Tita masyado siyang babad sa practice sa basketball." -Gianna
Nilapitan ko naman ito at niyakap. Niyakap naman niya ako pabalik.
" Naiintindihan ko. Graduating student siya kaya nakukulangan na siya ng oras pero sana Louissa, Gianna bantayan niyo ang kuya Austin niyo okay? Cheer him up kung kailangan niya."
" Don't worry tita we always got his back" -Gianna
Napailing na lang ako ng maalala ang sinabi niyang i got your front. Napaka baliw niya talaga hahahaha.
Nag paalam na kami kay Tita at umakyat na ako sa kwarto ni Huxley dala ang isang tray na may coffee at cupcake. Kinatok ko ng tatlong beses ang pintuan niya bago ito buksan. He's sitting on his office table wearing his eyeglasses. Hawak hawak niya ang isang blueprint ng napatingin sakin.
" Coffee and cupcake. "
Hindi niya ako pinansin at ibinalik ang paningin sa blueprint. Nag lakad ako ng dahan dahan at inilapag ang tray sa mini table. Pinanuod ko itong naka titig sa hawak na papel ng alisin niya ang salamin at pinukol ako ng titig.
" What's with that stare Louis?"
" Are you .. M-Mad?"
Inilpag niya ang hawak na papel at tumayo, Nag lakad ito palapit sakin at kinuha ang kape sa table.
" I'm not."
" Ano lang? "
" I'm worried."
Tumingin ito sakin ng may maamong mata, kung kanina ay parang papagalitan niya na ako ngayon naman ay handa na siyang makipag usap sakin.
" I'm sorry Huxley. Hindi ko naman sinasadya. Naging OA lang yung reaction ko. Sorry!"
" I understand Louis .. I hope you do the same."
Tumango tango naman ako rito, Inilapag niya ang coffee mug. Pumamewang ito at hinarap ako.
" I want you to be happy. Yes! pero .. wrong timing Louis."
" K-Kuya .."
" I'm busy with my papers, same with Geon and Austin hindi naman twenty four seven nandyan kami para salagin ka kung sakaling sumabit ka. Naiintindihan mo?"
Hindi naman ako maka sagot dahil naiintindihan ko ang gusto niyang iparating.
" Mabait siya kuya. "
" I trust Devon but I can't trust the whole Henderson. Kilala mo si Daddy Louis .. Hindi tayo uubra."
" Kung mayaman ba si Devon okay lang? "
" Maybe yes .. but at the end of the day desisyon pa rin nila ang masusunod kaya hindi natin alam. "
" Galit kaba kasi nag uusap kami? Gusto kong malaman para maiwasan ko siya. "
" Paano ako magagalit kung iyon ang nag papasaya sayo Louis? Hindi ako pwedeng humadlang sa kasiyahan ng kapatid ko pero hindi porket na hinahayaan ko lang ay okay na .. na okay sa lahat .. You should be careful Louis. Isipin mo din si Devon .. he's independent and working for his own good. Ayokong parehas kayo masira!"
Lumapit ako at niyakap ito. Nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib ng yakapin niya ako pabalik.
" Always remember Louis .. Your battle is my battle too, and we will fight this together "
People always taught that were living our best life but they even don't know that we need intelligence and strength to survive this family. To survive Henderson Dynasty.